Her Devilish
"Don't bless me father for I have sinned."
Natulala ang Pastor sa binulong ni Syntyche sa kaniyang harapan. Hindi na naituloy ng Pastor ang pagbendisyon ng holy water. Nakita ng Pastor kung paano siya titigan ng dalaga.
Nakakatakot.
Nakakapangilabot.
Ang mga mapupula at nanlilisik na mata ng dalaga— hindi siya puwedeng magkamali.
Mata iyon ng Diyablo.
Muling nagsalita si Syntyche sa Pastor. "La Diablo estas vivanta ene de mia korpo!" Nakatitig lang ito sa Pastor at hindi man lang kumukurap ang mga mata.
~The Devil is living in my flesh!
Halos mangatog ang mga tuhod ng Pastor sa sinabi ni Syntyche at hindi pa ito nakontento. Muli itong nagsalita, "Mi sangas pro la vundoj de inferaj trancxoj!" Dahan-dahang tinagilid ang kaniyang ulo sabay ngumisi sa Pastor.
~I bleed from the wounds of hellish knives!
"Pastor Gunter?" Biglang natauhan si Pastor Gunter nang marinig ang tinig ng lalaking nasa kaniyang likuran.
Umalis agad si Syntyche sa harapan nilang dalawa, umupo sa tabi at tumitig sa Altar ng simbahan.
Paglingon ng Pastor ay nakatitig na si Alpheus sa kaniya. "Alpheus, sino ang dalagang kasama mo?" Nangangambang wika nito. Hindi niya maalis ang kaniyang paningin kay Syntyche.
Napatingin naman si Alpheus sa pinagmamasdan ng Pastor.
"Si Syntyche Pastor Gunter, bagong kliyente ko," tugon ni Alpheus.
"Isuot mo sa kaniya ito para siya'y gabayan ng ating Amang Panginoon." Inabot ng Pastor kay Alpheus ang kwintas na Krus.
Agad naman itong kinuha ni Alpheus, "Masusunod Pastor, Maraming salamat."
Tinapik-tapik ng pastor ang balikat ni Alpheus. "Ipagdarasal ko si Syntyche na sana'y gumaling na siya sa kaniyang sakit," saad ng Pastor.
Napangiti naman si Alpheus sa sinabi ng Pastor.
"Hindi pangkaraniwan ang batang iyan Alpheus, kailangan mong mag-double ingat," dagdag pa ng Pastor.
Kinabahan naman si Alpheus dahil alam niya kung ano ang gustong iparating ng Pastor sa kaniya.
Pagkaalis ng Pastor ay lumapit naman si Alpheus kay Syntyche.
"Sintakee, p'wede ko bang isuot sayo ang kwintas na 'to? Bigay ni Pastor Gunter ito. Sigurado akong makakatulong ito para sayo." Ngumiti si Alpheus kay Syntyche at itinaas naman ng dalaga ang kaniyang buhok.
Isinuot naman kaagad ni Alpheus ang kwintas kay Syntyche.
Habang naglalakad sina Alpheus at Syntyche pauwi.
"Kumusta na mahal kong Syntyche." Isang lalaki ang biglang sumulpot sa kanilang harapan at may hawak-hawak itong patalim.
Kabado man ay mabilis pa sa alas kwatrong humarang si Alpheus para protektahan si Syntyche, sa lalaking mala-demonyong nakangisi sa kanila ngayon at mukhang pinaghandaan niya talaga ito upang maghasik ng lagim.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro