Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula


Simula


I was just eight years old when my parents died in a plane crash. I grew up longing for their love and care. But, I'm still thankful that my Lola Grace and Nicolo my younger brother are there to fill every missing pieces in my life.

I took Medicine to pursue our parents profession. While, Nicolo, taking Architecture, his childhood dream, and now he's on his last year.

Malapit na rin akong matapos, sa katunayan ngayon ang unang araw ko as Resident Doctor sa Marasigan Medical Hospital, kung saan doon din nagta-trabaho sina Mama at Papa noon.

“Ate, papasok ka na?”

Nilingon ko si Nicolo na mukhang papasok na rin sa University. Pasalamat ako at hindi matigas ang ulo ng kapatid ko katulad ng ibang teenager ngayon. Halos ang kabataan ngayon kung hindi maagang mabubunti at makakabuntis, marami namang bisyo. He's an Ate and Lola's boy, kaya siguro parang anghel itong kapatid ko.

Ngumiti ako at tumango. “Oo, sasabay ka na?”

Lumapit siya sa akin sabay akbay na parang may nilalambing na naman. “Oo sana, pero may dadaanan pa akong cake sa bake shop nila Lulu. Okay lang?” He smiled widely, like he's pleasing me to accompany him.

I chuckled. “Para na naman ba 'yan sa nililigawan mo? Ilang taon ka na nga ulit nanliligaw?” I teased him. Sabay kaming naglakad ni Nicolo papuntang kitchen para mag-breakfast.

“Hindi, ah! Para kay ano...” huminto siya sa pagsasalita na parang pinag-iisipan pa kung anong palusot ang sasabihin niya.

I shook my head and removed his arm from my shoulder. “Tantanan mo na nga ako sa pagpapalusot mo. Sabi sa akin ni Lulu madalas ka raw tumatambay sa Theater Arts para lang panuorin 'yong nililigawan mo. Eh, hindi ka naman daw pinapansin. Uso move on, Nicolo!”

Nagtungo ako sa may dirty kitchen para hanapin si Lola. She's not here.

“I'm not planning to move on just because she's ignoring me. Hindi ako katulad ng mga manliligaw mo na sa simula lang magaling, kaya hanggang ngayon hindi ka pa rin nagkakaroon ng boyfriend.” Sinundan pa talaga niya ako para lang asarin sa pagiging single ko hanggang ngayon.

At least, I'm gonna be a Doctor soon. Maghahabol pa rin sila sa akin kapag nangyari 'yon.

I rolled my eyes. “Manahimik ka nga! Nasaan si Lola?” Nababalisa na ako kakahanap kay Lola tapos siya ito nagagawa pang mang-asar.

Dapat nandito lang siya sa kusina, nagluluto. Mayroon naman kaming breakfast sa lamesa, pero bakit wala siya?

“Ah, si Lola? Umalis, kasama mga ka-mahjong niya. May play yata.“

I looked back at him and frowned. “Ganito kaaga? Bakit hindi mo pinigilan?”

“Bakit ko pipigilan? Binigyan ako ng allowance. Ito oh!” May kinuha siya sa kan'yang bulsa at pagkatapos pinagyabang sa akin ang dalawang libo na bigay ni Lola. “2k, Ate, eh. Tatanggihan ko pa ba?”

Napabuntong hininga na lang ako bago siya niyayang mag-almusal. May magagawa pa ba ako, nandoon na. At saka iyon din lang naman ang libangan ni Lola kaya hinahayaan na lang namin. Kaysa naman maiwan siya dito sa bahay ng mag-isa.

Pagkatapos naming kumain, hinatid ko lang si Nicolo sa lahat ng errands niyang ngayong umaga bago ako dumiretso sa trabaho. Mamayang alas diyes pa naman ang shift ko, nag-aga lang ako g pasok para alamin lahat ng pasikot-sikot dito Hospital.

Maigi na iyong may alam, kaysa magmukhang tanga sa unang trabaho. Mahirap na, baka dito ako makabingwit ng jowa.

“Oh, ikaw na ba si Dra. Nicole Padilla?”

Nandito ako ngayon sa opisina ng Head Nurse kung saan ako tinuro ng mga nakausap ko. Siya raw kasi ang magbibigay sa akin ng chart ko.

“Yes po, at your service.” Ngumiti ako nang pagkalaki-laki para sa first impression lasts. Importante sa akin iyon ngayon para pagkatapos ng pagiging Resident Doctor ko, hindi na sila magda-dalawang isip na kunin nila akong regular Doctor dito.

“Too much, Dra. Wala po tayo sa comedy bar.”

Mabilis akong napatikom nang bibig sa sinabi niya at nahihiyang tumingin sa kan'ya ng diretso. Hindi naman ako nainform, masyado pala silang strict dito sa pag-ngiti. Seryoso yarn?

“Siya nga po pala. Hindi ito nanggaling sa akin, utos lang ito sa akin ng Head Doctor.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa kan'yang mesa. “Iisang pasyente lang daw ang babantayan mo sa buong internship mo dito, and that patient need a special attention kaya kailangan na tutukan siyang mabuti.”

“Ha? Bakit naman po? Hindi po ako---”

“Gaya ng sabi ko, hindi ito nanggaling sa akin. Pinag-utusan lang po ako na sabihin sa'yo. Kaya kung may reklamo po kayo, Dra., doon po kayo sa itaas magreklamo. Ito ang chart ng pasyente, nasa VIP room siya sa third floor. Goodluck.” Pilit siyang ngumiti bago inabot sa akin ang chart. Nilagpasan pa niya ako bago lumabas ng kan'yang opisina at iniwan akong tulala.

Hindi 'man lang ako binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag. Napairap na lang ako sa ere at bumuntong hininga. Sumunod na rin ako sa paglabas bago naghanap ng mauupuan. May isang oras pa ako para aralin ang chart.

Buong akala ko magagawa ko ng maayos ang pagiging Doctor ko, 'yon pala babagsak lang ako sa iisang pasyente. Ano pang silbi ng pagpasok ko ng maaga kung hindi ko pala kailangan aralin ang buong ospital? Tsk.

However, Nicole, you still need to figure out the bright side. One patient, less hassle and stress. Nagme-maintain pa naman ako ng kagandahan ko para makabingwit ng Doctor. Charing!

Wala akong oras sa paglalandi. Nandito ako para sa trabaho at sa future naming magkapatid kasama si Lola.

Afterwards, I assumed that my patient was the son of the owner of this Hospital. Base lang naman sa last name niya na nakalagay sa chart niya kaya ko iyon nasabi.

Pero sana hindi, 'cause he can no longer live that long. He has Leukemia, in short cancer, stage III and base sa chart niya ayaw na raw nitong magpa-chemotherapy.

But, why? Ang saya ng buhay para mabuhay, tapos hindi siya lalaban? He's just 26 years old, same as me. And he's too young to give up his life easily in that age.

Buti na lang nandito ako. I will save you no matter what, Kate Bryan Marasigan.

“Putng*na! Sinabing lumabas kayo! Patayin niyo na lang ako tutal mamamatay na rin naman ako!”

Huminto ako hindi kalayuan sa pinto kung saan nakasaad sa chart ang kwarto ng patient ko. Doon nanggagaling ang sigaw na nakapagpatigil sa akin sa pagpasok.

Bukas ang pinto kaya humakbang pa ako ng konti para makita ang nangyayari sa loob. May nakita akong dalawang nurse sa loob na nakayuko habang dinadampot ang lahat ng nagkalat sa sahig. Kung hindi ako nagkakamali, tinapon ang lahat ng iyon. Pansin ko kasing nagpipigil ng luha ang isang nurse habang may umaagos na dugo sa kan'yang braso.

She's hurt.

Nagmadali akong pumasok sa loob at tinulungan silang dalawa.

“Okay lang kayo? Let me help you.” Kumuha ako ng kahit anong puwedeng ilagay sa sugat ng isang nurse para mapigilan ang pagdurugo nito at para na rin maiwasan ang pagpasok ng infection.

Tumingin lang ang dalawa sa akin habang ang isa naman ay halos maiyak na talaga sa harap ko.

“Who are you?! Kasasabi ko lang na ayaw kong may pumapasok na Doctor dito! Leave! All of you!”

Natigilan ako sa ginagawa bago marahang nag-angat ng tingin sa sumigaw. There's a guy sitting on the hospital bed while watching us.

If I'm not mistaken, he's the one I'll be taking care of. Obviously, because of his condition physically. He's pale, his lips were dry, his eyes were too dull, and he's wearing a black bonet.

Siya nga si Kate Bryan Marasigan.

“Hindi ka 'man lang ba mag-so-sorry? Nasugatan mo ang nurse---”

“So? E'di gamutin mo, 'di ba Doctor ka?” pamimilosopong sagot niya sa akin. Ni hindi 'man lang ako pinatapos sa pagsasalita.

My jaw dropped. Kaya pala... kaya pala nila binigay sa'kin ang lalaking 'to. Kahit sino naman siguro hindi tatagal sa ganitong ugali. Basura. Tsk.

Napailing na lang ako bago binalik ang atensyon sa mga nurse at sa mga nabasag na gamot.

“Sige na, mauna na po kayo. Tawag na lang po tayo ng keeper na maglilinis dito.”

Tumingin sa akin ang dalawang nurse. “Salamat po, Doctora,” anila bago nagmadaling lumabas ng kwarto.

Tinitigan ko muna ang lahat ng kalat bago tumayo nang tuwid at binalik ang tingin kay Mr. Kate Marasigan. Mataman lang siyang nakatingin sa akin, bukod sa malamlam ang kan'yang mga mata wala pa itong kahit na anong emosyon.

“What are you looking at? Leave!” mariin niyang bulyaw sa akin sabay turo ng pinto.

Hindi ako kumibo. Nanatili lang akong nakatingin sa kan'ya. Hindi ako naniniwalang basta na lang siya sumusuko sa buhay niya. Walang matinong tao na gugustuhin na lang mamatay kaysa lumaban.

I know, he has a reason, and that's what I need to find out. I'll make him fight again. I'll make sure he's going to live his life again.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro