Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9


Chapter 9


Nakaupo lang ako sa sofa habang nakikinig kay Kate na nakaupo lang sa kama niya. He had a break down yesterday because of what happened. Ayoko pa sanang pag-usapan ulit ito dahil baka makasama pa sa kan'ya, pero nag-insist siya.

Gusto niya raw ayusin ang sa amin kaya kahit halata pa ang panghihina sa katawan niya ay pinipilit pa rin niyang magkwento. Hinayaan ko na lang din kung iyon naman ang magpapalakas sa kan'ya.

“We're celebrating our first-year anniversary, three years ago, when she announced that we're having a baby. We're both happy, as usual, but it's the same day I found out that I'm sick. Stage two pa lang 'yon, pero dahil mahina at duwag nga ako, napabayaan ko ang sarili ko. Tinaboy ko ang lahat palayo sa'kin, especially her and our baby. I didn't want them suffer with me, that's why I chose to walk away and leave them behind. Masasaktan ko lang din naman sila kapag nawala ako, mas pinaaga ko lang ang nangyari.”

Wala akong maisip na maganda sa lahat ng paliwanag niya. Parang lahat ng 'yon nag-benifit lang para sa sarili niya. Mas lalo niyang pinalala at pinahirapan ang sitwasyon.

“The same goes when I chose for not doing chemotherapy. You have a reason to stay mad at me, go ahead. But I have something that I wanted to let you know. I'm walking away, yes, but not from my responsibilities. Tinutulungan ni Dad ang anak ko, without me showing up because why not? Mawawala rin naman ako... masasaktan ko lang siya.”

Mariin akong napapikit at patagong kinurot ang kamay ko. I promised to myself that I'm not going to cry. I'm still mad at him, ayokong isipin niya na dahil lang sa kwento niya mapapatawad ko na siya.

Nanatili akong nakayuko at iniiwasan na magkasalubong ang mga mata namin. Nicole, you're brave right? Don't give him any piece of sh*t.

I heard him sigh. “I'm sorry. I'm sorry for not telling you earlier about him. I didn't want to keep it from you either, it's just that, I'm afraid that you're going to freak out just like what happened.”

“I'm still gonna freak out...” I mumbled.

Hindi siguro siya aware na kahit ako marunong din magalit at masaktan. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko, nag-e-exist na siya sa buhay niya bago ako dumating, kailangan ko na lang siguro tanggapin.

“I'm sorry.”

I let out a deep sigh and bit my lower lip, holding my tears up. I need to be stronger, na sa lahat ng narinig at maririnig ko pa lang kailangan kong maging handa.

Hindi ako sigurado kung ito na ba ang huli, pero at least alam ko sa sarili kong malakas na ako para harapin lahat ng iyon. Ayoko rin naman siyang sisihan kung bakit naging ganito ang sitwasyon, may sakit siya, hindi lang basta sakit na kapag uminom siya ng sandamakmak na gamot ay gagaling pa siya.

He's going to leave us... soon.

I looked up and meet his eyes, seemed to be waiting for me.

Humugot muna ako nang lakas ng loob na makapagsalita para hindi niya mahalatang nagbago ang isip ko. Kahit na kailan hindi magiging tama ang ginawa niya, pero dahil sa sitwasyon niya ay pagbibigyan ko siya. I forgive him, but I will not let it slide that easily.

“What's his name?” tanong ko na hindi nagpapatinag sa mga titig niya. Hindi muna ako bibigay ng ganoon lang, kailangan niyang matutunan na hindi lahat ng gusto niya ay madali niyang makukuha.

He needs to learn his lesson.

“W-what?” he asked, confused.

“Your son.”

Pansin ko ang gulat sa ekspresyon niya, na agad rin niyang binura sa pag-aakalang hindi ko iyon nakita. Don't me, Kate. Tsk.

“Hmm...” panimula niya na parang nagda-dalawang isip pa sa pagsasabi lang ng pangalan ng anak niya. Nasa anak pa lang ako nagbubuhol na agad ang dila niya, lalo na siguro kung 'yong ex pa niya ang tinanong ko.

Napairap ako sa ere. “Ayos lang naman kung ayaw mong sabi---”

“Elijah Lewis Buenaventura, he's using his mother's last name.”

Natahimik na lang ako sa kumpletong detalye na sagot niya. I'm not asking about his last name, pero dahil sinabi na niya mas maigi kung gano'n.

Wala rin naman akong magiging problema kung gagamitin ng anak niya ang apelyido niya, natural lang iyon dahil anak siya. We're not yet married so why would I freak out about that. It's just a last name.

“Tatlong taon na rin ang nakakalipas, matagal na akong naka-move on sa mother ni Elijah.”

Laglag panga ko siyang nilingon agad sa sunod niyang mga sinabi. Nagtatanong ba ako? Mukha ba akong affected at nagseselos? No!

Ang ganda ko para magselos lang. Duh!

“In case you wanna know lang naman,” he explained right away, forcing a smile to show me. “She's already married too,” he added.

Mas lalong nalaglag ang panga ko sa pagbibigay niya ng mas buong detalye tungkol sa ex niya. Hindi ko naman tinatanong talaga, pero mabuti na rin para makaiwas sa gulo. Ayaw ko rin namang magtanong baka iba ang maging dating sa kan'ya.

“Okay,” sabi ko na lang bago tumayo. “May pupuntahan lang ako saglit, babalik din ako agad.”

Tumango naman siya bilang sagot habang nakaawang ng maliit ang kan'yang mga labi. Iniwasan ko na lang din siya ng tingin bago kinuha ang cellphone ko sa kama. Baka kasi kung ano na naman ang gawin niya.

“Love...”

Nilingon ko siya agad. Nasa may pinto pa lang ako, miss niya na ako agad?

“What?” mariing sabi ko.

“You're still mad?”

Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya, maging ang mga mata niya ay parang nangungusap. Napalunok na lang ako. Imbis na susungitan ko ulit siya ay napailing na lang ako at natahimik.

“I'll go head,” ani ko na lang at muli siyang tinalikuran.

Hindi ko na siya nilingon muli at baka tuluyan akong maawa. Kailangan pa rin niyang matuto, hindi porke may sakit siya ay palagi ko na lang siyang pagbibigyan.

Pupunta ako sa opisina ni Dr. Marasigan. He wanted to talk to me in private, hindi alam ni Kate. Gusto ko rin siyang makausap tungol sa anak ni Kate kaya blessing in disguise na rin ang pagpapatawag niya sa akin.

Kumatok lang ako ng tatlong beses sa pinto ng office niya bago ko binuksan ang pinto. Nasa fourth floor din ito katulad ng ibang mga offices and quarters.

Nakakapagtaka na hindi ako inaabot ng kaba, na dapat sa mga oras na ito ay nagdarasal na ako sa takot. Late reaction siguro ngayon ang katawan ko.

Pagkabukas ko ng pinto, naabutan kong naghihintay na pala sa akin si Dr. Marasigan kaya agad ko siyang binati.

Ngumiti ako. “Goodmorning po,” I bowed down a little bit.

“Goodmorning, you may sit here.”

Tumango ako at umupo sa upuang tinuro ni Dr. Marasigan, sa harap ng office table niya. Kinakabahan ako na parang hindi. Kanina parang ayos lang sa akin ang nangyayari, pero ngayong kaharap ko na siya para na namang hinihigop ang aking kaluluwa.

“You're Kate's girlfriend, right? Dra. Nicole Louisse Padilla.”

Nagsisimula na nga akong matakot. Bawat bigkas niya sa pangalan ko ay parang may nagawa akong isang mabigat na kasalanan.

Hindi naman nila gan'yan sabihin ang pangalan ko, pero bakit pagdating sa kan'ya may diin?

“Yes po.” Tumango pa ako ng ilang beses.

“And you are Dr. Anton and Dra. Helena Padilla's daughter, am I right?”

Tumango ako habang iniisip kung paano nila nalaman ang tungkol sa mga magulang ko. Unless, he invested his precious time to look for my biodata.

For what?

“Ibig sabihin, ikaw si Sese na palagi nilang dinadala noon dito sa Hospital?”

My brows knitted. How did he know my childhood's name? Simula nang mamatay ang mga magulang ko hindi ko na iyon muling ginamit. Sila kasi ang unang tumawag sa akin ng Sese, kaya simula nang mawala sila parang ayaw ko na lang din gamitin kung hindi rin lang sila ang tatawag sa akin no'n.

“Paano niyo po nalaman?” may halong pagtataka kong tanong.

“Hindi mo ba ako naaalala? Ako 'yong kaibigan ng mga magulang mo. Don't you remember Kate too?” Ngumiti si Dr. Marasigan na nakapagpabago ng tensyon na nararamdaman ko.

Mas lalo akong naguguluhan. Wala akong maintindihan sa lahat sinasabi niya. Anong hindi ko rin naaalala si Kate? Ngayon pa nga lang kami nagkakilala.

“I don't understand, Dr. Marasigan. What do you mean po ba?”

Ang ngiti niya ay nagbago, tila may naaalala. “Bata ka pa nga no'n, for sure hindi mo na rin maaalala.” He looks so dissapointed and sad. “Anyway, pinatawag kita regarding kay Kate. Sinabi niya na ba sa'yo ang tungkol sa anak niya?”

Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi agad ako nakahabol sa sumunod niyang mga sinabi. Ang bilis kasi niyang mag-change topic. Bihasa na.

“Ahm, kanina lang po namin napag-usapan after kong marinig kahapon.”

“So, you didn't know?” pag-uulit niya na halatang nagulat din sa pagtatago ng anak niya sa akin.

I nodded and gave him a smile. “Pero ayos na po ako. We already talked about that.”

“You sure? 'Cause it seems like you're not.”

Tumango ulit ako. “Huwag niyo po akong intindihin. Ayos lang po ako. Ang inaalala ko ay ang anak ni Kate. May possibility pa po ba na magkakilala silang dalawa?”

Nag-aalala lang ako. Kahit sabihin niyang ayos lang para sa kan'ya na hindi sila magkakilala, ramdam ko pa rin na nasasaktan siya. He's still longing for his son. Anak niya pa rin 'yon kahit na anong mangyari.

“Iyan din ang rason kung bakit kita gustong makausap. Gusto kong kumbinsihin mo si Kate na kilalanin ang anak niya. Malapit na ang birthday nilang mag-ama, gusto ko sana na sa kaarawan nilang dalawa sila unang magkikita.”

“Sabay po ang birthday nila?”

Nakakagulat lang, si destiny na rin ang gumagawa ng paraan para magkakilala silang dalawa. I guess, ito na ang oras para ako naman ang humingi ng pabor sa kan'ya. Hindi naman ito para sa akin, para sa kan'ya rin ito at sa kalagayan ng bata.

It's better late than never.

“Where can I find Elijah? Kahit hindi na po ang address, contacts na lang po ng pamilya niya,” saad ko.

Kung sakali 'man na hindi ko mapapayag si Kate, kahit ang ina na lang ni Elijah. Hindi ko na alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip ko, basta magkita lang silang dalawa matatahimik na ako.

“I'll give you their address, and Gail's contact number.” Nakangiti lang siya kahit kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot. Para nga talaga siyang si Kate.

Tumango lang ako at nagpasalamat. Magpapaalam na rin sana ako nang muli na naman siyang magsalita. Kung kanina ay nakangiti pa siya para itago ang lungkot, naglaho na iyon ngayon at mas bakas na ang lungkot sa kan'yang mukha.

“Salamat, Dra. Nicole. Don't worry, hindi ako against sa relasyon niyo ng anak ko. Katulad mo, gusto ko lang din siyang maging masaya. He's my only son, masakit na para sa akin na makitang dalawa na sa mga mahal ko ang mawawala. So, please... alagaan mo siya para sa akin?”

I smiled at him. “I will,” I answered him. Kahit hindi rin kasi niya sabihin, aalagan at aalagaan ko siya hanggang sa abot ng aking makakaya. “Alam niyo po ba, in just a short period of time, minahal ko po agad si Kate. Hindi naman po kasi siya mahirap mahalin. Noong una, oo, mahirap siyang alagaan, pero habang tumatagal nakikita ko ang pinanggagalingan niya. Nakalimutan ko na mayroon nga pala siyang pinagdadaanan. He's a good person, and a good son, kaya alam ko rin po na magiging mabuting ama siya para kay Elijah.”

Tumango-tango lang si Dr. Marasigan bago tumingin sa itaas, nagpipigil ng luhang nagbabadyang kumawala. He's a good father too, nasasaktan lang at nalulungkot.

Napangiti na lang ako bago tuluyang nagpaalam. Inabot niya rin sa akin ang isang maliit na papel na naglalaman ng kailangan ko.

I'll do everything what it takes just to see them in one place.

Tahimik lang akong naglalakad pabalik sa kwarto ni Kate, nag-iisip kung paano ko sasabiin sa kan'ya ang tungkol kay Elijah.

Huminto ako saglit sa tabi ng pinto sa gilid at saka huminga ng malalim. Hindi niya dapat malaman na nag-usap kami ng Daddy niya. Chill, Nicole. Chill.

I took one step forward, but when I saw Kate talking to himself, I immediately moved back and hid myself.

I stood next to the wall, near the door where can I hear him clearly.

“Sana mapatawad mo si Daddy. I'm not sure if it's right for me to ask for a chance to see you, sa kabila ng ginawa kong pag-iwan sa'yo. Your Lolo Jacinto is right, your Daddy is a coward. I'm sorry, Elijah. Mahal na mahal kita.”

I merely leaned against the wall, heaving a deep sigh. I'm right, he's going to be a good father.

Kailangan ko pa kayang sabihin, o sosorpresahin ko na lang siya? Tutal gusto niya rin namang makita si Elijah.

Kinuha ko sa bulsa ng suot kong white coat ang papel na binigay sa akin Dr. Marasigan. I stared at it intently, bitting my lower lip.

Should I, or I shouldn't?

Bahala na.

Muli kong tinago ang papel sa bulsa ko at napagpasyahan nang pumasok sa loob. Umakto lang ako na parang walang narinig. Ayokong isipin niya na palagi na lang akong nag-e-eavesdrop sa kaniya.

As I entered his room, I noticed that he was holding a piece of paper. Or maybe a small photo that he was talking to earlier.

I cleared my throat to get his attention.

Nakuha ko naman iyon kaya dali-dali niyang tinago ang hawak niya sa ilalim ng kan'yang unan. He forced a smile kahit halata naman na kagagaling lang niya sa pag-iyak.

“Y-you're here.” He sniffed.

Umakto na lang ulit ako na parang wala alam.

Nginitian ko siya. “Yes,” tipid kong sagot bago pasimpleng tiningnan ang unan na pinagtaguan niya.

I shouldn't.

I'll surprise him.

“What do you want for lunch?” tanong ko bago binalik ang tingin sa kan'ya.

Pansin kong nag-isip siya sa tanong ko, pero makalipas lang din ang ilang segundo ay sinagot niya agad ako.

“Anything, Love.” He smiled.

Ngumiti na lang din ako pabalik at tumango. “Okay, o-order lang ako saglit.”

Nagtungo ako sa kama ko at saka kinuha ang aking cellphone sa bulsa. O-order na lang ako ng mas mabilis darating. Nagugutom na rin kasi ako.

Buong araw kong pagpa-planuhan kung paano ko makakausap ang ina ni Elijah. Kailangan ko ng lakas para doon kaya kakain muna ako.

***

Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong sa personal nakikipag-usap, lalo na kung may ipapakiusap ako. Kaya ngayon, hindi ko maikubli ang kabang nararamdaman ko habang nagmamaneho.

Pupuntahan ko ang address na binigay sa akin ni Dr. Marasigan. Ilang araw din akong hindi nakatulog ng maayos dahil dito. Hindi dahil sa kinakabahan ako, kun'di baka maging huli na ang lahat para sa mag-ama.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi agad ako makaalis ng Hospital ay dahil din kay Kate. Yes, he's sick... very sick.

Halos hindi na nga siya makabangon sa higaan at kung gagawin niya 'man iyon ay kailangan niya ng suporta. Mabuti na lang madalas na kung bumisita si Jake, na siyang naiwan ko ngayon doon para bantayan si Kate.

Masakit para sa akin na makitang nahihirapan ang taong mahal ko. Lalo ngayon na parang hinahanda niya na kami sa pag-alis niya.

Kaya kahit anong mangyari, magkikita at magkikita silang mag-ama. Hindi 'man niya ito hiningi sa akin directly, alam kong dito siya magiging tunay na masaya. Kahit hindi na ako, dahil nasa tabi lang naman niya ako palagi.

Huminto ako sa tapat ng isang puti at medyo may kalakihang bahay. Dito ako dinala ng address na binigay sa akin ni Dr. Marasigan, siguro ito na nga iyon.

Nag-sign of the cross muna ako bago kinuha ang bag ko at bumaba ng kotse. It's better late than super late.

Pinagmasdan ko munang mabuti ang bahay bago ko napagpasyahang lumapit sa gate nila. Nanginginig ang mga kamay kong pinindot ang doorbell ng tatlong beses.

Kinakabahan ako.

Naghintay lang ako ng saglit bago may babaeng lumabas mula sa bahay. Morena, mahaba ng buhok, may magandang pangangatawan, maliit ang kan'yang mukha, at kung tatanungin proportional lahat sa kan'ya. She's so pretty.

“Yes, Miss? How may I help you?”

I came back to my senses because of that question. I guess, she's the one I've been looking for.

“Ahm --- I'm looking for Gail Buenaventura,” panimula ko kahit hindi pa rin nawawala sa akin ang kaba at pag-aalala.

Mukha naman siyang mabait, kaya sana hindi na ako mahirapan. Pero kung sakali 'man na mangyari 'yon, understandable naman ang reason niya sa kabila ng mga nangyari.

“That's me, ano pong maitutulong ko?” she said in a soft voice.

Hindi lang pala talaga siya maganda, para rin siyang sinaunang babae. Kabaligtaran sa pagiging madaldal at makulit ko. Sa tingin ko naman hindi ako mahihirapan dito.

“Pasok po muna pala kayo. How rude I am.” She giggled and open the gate for me.

Napangiti na lang ako bago pumasok sa bakuran nila. Hindi naman sobrang taas ng gate nila, sakto lang para makapag-usap kami ng maayos. But she asked me to come, e'di go.

“Sa loob na lang po tayo ng bahay, mainit na dito sa labas.” Nakangiti lang siya the whole time kahit hindi pa niya talaga ako kilala. Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa binabalak ko.

I'm hoping I'm not going to ruin her day.

Umupo lang ako sa mahabang sofa nila at siya naman sa may tapat ko. Nilibot ko ang mga mata ko sa buong bahay. Malaki ito at maganda. Good for her. 'Cause based on this house I can see that she can provide properly for her son's needs. The fact that she's already married.

“Ahm, sino po pala sila?”

Maagap na bumaba ang tingin ko kay Gail sa tanong niya. Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala.

Bahagya akong ngumiti dahil sa hiya. Ang gaga ko talaga!

“Nicole Padilla, Intern Doctor sa Marasigan Medical Hospital.”

Pansin ko agad ang pagbabago sa awra niya dahil sa sinabi ko. Pakiwari ko ay alam niya na agad kung bakit ako naparito.

Napalunok ako bago siya seryosong tiningnan sa mga mata. “I guess, you already know?” I stated.

She nodded. “About my son?” she said in a calm voice.

I pinched my fingers out of distress. Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa mga nangyayari. Hindi ko 'man lang kasi siya makitaan nang kahit konting bakas ng galit o pagkamuhi.

Ganito ba talaga kabait ang ex ni Kate?

Tumango rin ako. “He didn't tell me exactly, but he wanted to see Elijah. He's dying, Gail. I didn't know when, but seeing him right now makes me want to help, even if it hurts a lot.”

She pursed her lips. “You're his new girlfriend?”

Nanatili akong tahimik. Tiningnan ko lang siya sa paraang makukuha niya ang gusto niyang malaman. Hindi na kasi importante kung girlfriend 'man ako ni Kate, o hindi. Nandito ako para ibigay ang huling kahilingan niya.

Bumitaw ako sa tinginan naming dalawa at nilibot ang mga mata ko sa bahay. Kung hindi ko kasi iyon gagawin ay mananatili ang titigan namin hanggang sa mahiya na lang ako sa kan'ya. Nakaka-intimidate rin kasi talaga siya.

“Elijah is not here. Nasa states siya kasama ang mga magulang ko. He'll stay there for a year. Kaya hindi ko alam kung matutulungan ba kita sa mga oras na 'to.”

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa mga narinig ko mula kay Gail. Bakit hindi sinabi sa akin ni Dr. Marasigan na wala pala dito si Elijah?

Hindi lang ako ang pinaasa niya, maging si Kate na matagal ng nananabik sa kan'yang anak.

Nanlulumo kong binalik ang aking atensyon kay Gail. “S-since when?”

“Kahapon lang.”

I heave a deep sigh. This isn't happening. Paano si Kate?

He's hoping that he'll see his son before he... die.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro