Chapter 7
Chapter 7
Hindi na ako nagtagal sa bahay namin. Bumalik na lang ako sa Hospital kaysa magkagulo pa kaming magkapatid. Malayong maintindihan pa niya ako sa ngayon, pero sana dumating ang araw na 'yon bago pa maging huli ang lahat.
Iniwan ko muna si Kate sa kwarto. Pupunta muna ako ng Hospital cafeteria para makipagkita kay Jake. Hindi na kasi ako mapakali na sabihin sa kan'ya ang desisyon kong kumbinsihin si Kate na magpa-chemotherapy, baka sakali na matulungan niya ako.
Umupo ako doon sa madali niyang makikita. On the way na rin naman daw siya kaya hihintayin ko na lang siya dito.
Bumili rin muna ako ng kape para sa aming dalawa. Nakakahiya kasi inabala ko pa siya sa pag-aaral tapos kahit kape hindi ko 'man lang siya mabigyan.
Pagkabalik ko sa upuan, sakto namang pasok niya ng cafeteria. Kaagad ko siyang tinawag at niyaya sa ni-reserve kong upuan namin.
“Jake,” nakangiting bati ko nang makalapit na siya sa akin.
“Goodmorning, Dra.”
“Goodmorning din,” bati ko pabalik. “Upo ka.” Sinenyasan ko siyang maupo na sa upuan sa tapat ko sabay abot ng kape.
“Thank you.” He smiled.
Umupo na rin ako at maingat munang sumimsim ng kape. Mainit pa.
After I sipped at my coffee I took it down and bit my bottom lip. I raised my head and caught him staring at me. I locked my gaze on him.
Si Jake ang unang umiwas ng tingin at hindi mapalagay. Pakiwari ko ay naasiwa siya sa pagtitig ko sa kan'ya. Siguro sa sobrang ganda ko nahiya siya bigla sa akin.
“Ahm, Jake.” Hindi ko inalis ang tingin ko sa kan'ya. I'm seriously waiting for this moment. Gusto ko nang makitang mabuhay ng mas matagal si Kate.
Bumalik naman ang atensyon sa akin ni Jake dahilan para muli akong magsalita at sabihin ang totoong pakay ko sa kan'ya. Kailangan ko rin kasing magmadali lalo na at dapat sa mga oras na ito ay nag-aaral siya.
“I need your help...” I paused and looked at him intently. I'm hoping that he would help me to see his cousin fighting for his life again. “About Kate," I continued.
His brows knitted. “What is it? May nangyari ba kay Kate?” aniya na bakas ang pag-aalala sa kan'yang boses.
Umiling-iling ako. “Wala. Kate's fine... for now.” Bigla akong nalungkot nang naalala na unti-unti ko na ring napapansin ang pagbabago kay Kate.
He's doing great pagdating sa pakikitungo niya sa amin, pero ang katawan niya... ayokong mag-isip ng hindi maganda pero kapansin-pansin na ang panghihina niya.
“What do you mean, Dra? Is there something I can do to help?”
I immediately nodded. “Yes.”
He raised a brow. “Ano 'yon? Baka kaya ko.”
I pressed my lips together before I told him my real intention to him. “I need you to help me convince Kate to do the chemotherapy. I know it's too late, but I want to take this risk to help him. You also want him to live longer, right?” Tiningnan ko siya sa mga mata, nagbabaka-sakali na matulungan niya ako.
Pansin ko ang marahan niyang pag-iling. “That's not gonna happen,” bulong niya bago tumingin sa akin sa mga mata. “I already done that, Dra. Ilang beses, pero kahit anong pagmamakaawa ko ayaw niya na talaga.”
“Sa tingin mo kung ako ang gagawa papayag kaya siya?” Mas lalo akong nag-alala. Parang pinanghinaan ako ng loob, pero hindi ko puwedeng ipakita dahil gusto kong maging malakas para kay Kate.
He shrugged his shoulder. “I don't know, but you can try. Malay natin magbago na isip niya kasi alam niyang may tao ng naghihintay sa kan'ya na gumaling. Gusto mo ba samahan kita?”
Bahagya akong tumango. “Natatakot kasi ako na magsabi. Natatakot akong ma-reject at panuorin siyang tuluyan na lang na manghina.”
He gave me a genuine smile. “Okay, sasamahan kita. Pero ikaw ang dapat na magsabi. Let's go?”
My eyes widened. “Now na ba?” gulat na tanong ko.
He chuckled. “Kailan mo pa ba balak? Mahirap patagalin ang gan'yang bagay, hindi mo alam huli na pala ang lahat.”
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Tama siya, ayokong umabot sa punto na tuluyan nang mahuli ang lahat. Hangga't kaya ko pa siyang tulungan, gagawin ko.
Tumango ako bago tumayo. “Let's go.” I forced a smile.
Sabay kaming nagtungo ni Jake sa third floor, Kate's room. He also insisted to show himself first at baka kung ano raw ang isipin ni Kate. Medyo seloso raw kasi ang isang iyon.
Cute naman ng boyfriend ko. Hehe.
Nakakatuwa rin si Jake na kilalang-kilala na talaga niya ang pinsan niya. I hope someday, he'll meet someone that makes him smile too.
Malapit na kami sa may pinto nang pareho kaming natigilan ni Jake sa paglalakad. Kumunot ang noo ko sabay tingin kay Jake na nagtataka na ring nakatingin sa akin.
I heard someone's voice inside his room, and Kate is also laughing. I think he has a visitor.
Lagpas isang buwan na ako dito, ngayon pa lang siya nagkaroon ng bisita bukod kay Jake. Sino kaya iyon?
“Kilala mo ba 'yon?” I asked Jake.
Umiling siya at umiwas ng tingin. “Hindi, e. Sige una na ako sa loob. Let me check first,” aniya bago tuluyan na nga na naglakad patungo sa loob.
Hindi na ako nakasagot at hinayaan na lang siyang pumasok. Naghintay din muna ako ng ilan pang minuto bago sumunod.
Siguro sapat na ang sampung minuto para ako naman ang pumasok. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang sakto sa sampung minuto na ang nakakalipas ay saka ko napagpasyahang sumunod kay Jake.
Nasa may pinto pa lang ako ay tuluyan na akong natigilan nang makita ang bisita ni Kate sa loob. Anong ginagawa niya dito? Parang kelan lang galit na galit siya sa akin dahil may boyfriend na ako, tapos makikita ko siya dito kasama si Kate.
“Nicolo, a-anong ginagawa mo dito?”
Sabay-sabay silang napatingin sa akin sabay ngumiti. Maging si Jake din na magaling umakting na parang hindi kami magkasama kani-kanina lang. Lalo na ang kapatid ko, parang hindi nang-away.
“Ate, nandito ka na pala. Hindi mo naman agad sinabi, and bait pala nitong boyfriend mo, si Kuya Kate.” Si Nicolo na nakangiti na parang walang naging problema buong buhay niya. Plastic. Tsk.
“I like your brother too, Dra. Mana sa'yo,” ani Jake, nakangiti.
Napapangiti pa lang ako pabalik nang napansin kong nagbago ang hulma ng pagmumukha ni Kate. He went poker-faced and turned to Jake. What's his problem?
“You like his brother too?” ani Kate na may diin sa salitang ‘too’. Parang ako lang ang nakapansin sa pagbabago ng mood niya dahil parehong nagulat si Jake at Nicolo sa biglang pagsasalita ni Kate.
Bakas sa mukha ni Jake ang gulat. Hindi rin siya makasagot at parang na-caught in the act sa sitwasyon. Ano ba kasing problema ni Kate sa sinabi ni Jake? I don't see any problem.
“So, gusto mo rin ang girlfriend ko?” dagdag pa niya at parang na-iinsulto sa ekspresyon ng mukha niya.
Kaagad na kumunot ang noo ni Jake at saka umiling. “Hindi, ah. I didn't mean it that way. I just complimented her, and his brother. They both jolly and talkative kasi,” he explained and looked at Kate like he was committed a crime.
“And you also admit that you like my girlfriend?” seryoso pa ring tanong ni Kate.
“Yeah? But not what you're thinking. I like her, just like, Kate.”
Saglit na katahimikan ang namayani sa amin bago ko napagpasyahang pumasok. Dumiretso ako kay Nicolo kaya agad niya akong nilingon.
Ngumiti siya sa akin na parang wala kaming naging alitan na dalawa.
Inirapan ko siya bago ko naman nilingon ang magpinsan. “Titigil kayo o titigil?” banta ko sa kanila nang hindi 'man lang sila nagbitaw ng tingin sa isa't isa.
Kulang na lang ay matunaw ang isa sa kanila sa sobrang tindi ng kanilang titigan. Akala mo naman hindi magpinsan kung mag-away.
“Hayaan mo nga muna, Ate. Titingnan muna natin kung sino ba talaga ang deserving sa napakaganda kong Ate.”
Sabay-sabay kaming napalingon na kahit ang dalawa na may sariling mundo simula pa kanina ay napalingon din kay Nicolo. What did he say?
I frowned. “Nicolo,” mariin kong sabi.
“Bayaw, akala ko ba okay na tayo?” rinig ko namang sabi ni Kate.
I heard Jake chuckled. “I told you, matindi pa sa mag-asawa kung magselos 'yan si Kate.”
Tumawa lang si Nicolo kahit pare-pareho na kaming nakatingin sa kan'ya. “Joke lang naman, pero kung seseryosohin niyo I don't mind.” Lumingon sa akin siya sa akin sabay kindat. “Ganda talaga ng Ate ko.” Nang-aasar siyang ngumisi sa akin.
Hinampas ko siya sa braso. Napadaing naman siya sa ginawa ko kahit hindi naman iyon kalakasan. Arte.
“Umuwi ka na nga. May importante pa kaming pag-uusapan.”
“Ha?”
Nilingon ko si Kate na halatang nagulat sa sinabi ko. Hindi niya pa kasi alam kaya natural na mabigla siya.
“Basta,” sagot naman ni Jake bago tinapik ang balikat ni Kate. Hinawi niya naman ito dahilan para muli na namang tumawa ng pigil si Jake.
Napiling na lant ako at muling hinarap si Nicolo. “Uwi na, Nicolo. Mag-usap na lang ulit tayo mamaya o bukas.”
Napakamot sa ulo si Nicolo bago napilitang tumayo. “Sige na nga. I'll be right back, Bayaw.” He winked at Kate.
Napairap na lang ako sa ere sa trip ng dalawang ito. Nag-wave pa ang dalawa sa isa't isa na parang sobrang close na talaga nila kahit ngayon pa lang naman talaga sila nagkita. Omyghad!
Hinatid ko muna si Nicolo sa labas dahil mayroon din akong sasabihin sa kan'ya. Pagkarating namin sa hallway hinila ko siya sa braso kaya napatigil siya at humarap sa akin.
Tiningnan niya lang ako ng nagtatanong.
“Hindi ka na galit sa'kin?” panimula ko.
He shake his head. “Hindi naman ako galit, nagtatampo lang ako.”
“Ibig sabihin ba no'n okay lang sa'yo kahit may boyfriend na 'ko?”
Napangiti si Nicolo. “Ofcourse. Hindi ko naman hawak ang puso mo. At saka, Ate, malaki ka na. Puwede ka na nga mag-asawa sa edad mong 'yan, boyfriend pa kaya?”
Imbis na maging masaya ako sa sinabi niya, parang nainsulto pa ako sa lagay kong 'to. Hindi ko na nga hihingiin ang opinyon niya sa susunod. Nakakainis.
“Oh, sige na nga. Umuwi ka na at baka hinahanap ka na ni Lola,” pagtataboy ko na lang sa kan'ya bago pa siya may masabi na hindi ko na naman magugustuhan.
Ngumiti lang siya ng pagkalaki-laki bago kumaway sa akin paalis. Hinintay ko rin muna siyang mawala sa paningin ko bago ako bumalik sa loob.
“She's here,” saad ni Jake dahilan para lingunin ni Kate ang direksyon ko.
Kate smiled genuinely. “What are you going to tell me, Dra?” he asked.
Humingo ako ng malalim bago ko nilakad ang distansya naming dalawa. You can do this, Nicole.
Tumayo ako sa tabi ng kama ni Kate at maingat na inabot ang kamay niya. Pinagsaklob ko iyon gamit ang isa ko pang kamay.
Nagtatakang bumaba ang tingin niya sa mga kamay namin bago muling nag-angat sa akin.
“What's wrong?” nag-aalalang tanong niya.
Umiling ako bago pilit na ngumiti. “I...” I paused and glance at Jake.
Jake smiled at me as if he was making sure I had nothing to worry about. I nodded and turned to Kate.
I bit my lower lip. “Isn't it possible that you've considered undergoing chemotherapy? I'm not forcing you to---”
“Please, stop.”
Parang kusang tumiklop ang mga labi ko sa sinabi niya. Tila may kumirot din sa may bandang dibdib ko dahil sa hindi inaasahang reaksyon niya.
“Kate, si Dra. Nicole na 'yan. I thought you love her?”
“Yes, I do,” kunot noo niyang sagot kay Jake bago niya nilingon ito.
“Then, bakit nagmamatigas ka pa rin na gawin ang chemotherapy na 'yan?”
Binitawan ako ni Kate at tuluyang nilingon si Jake. Nagulat ako sa ginawa niya, at mas lalong nakaramdam ng bigat sa aking dibdib. Bumaba pa ang tingin ko sa aking mga kamay na naiwan sa ere.
Ganoon ba talaga kahirap sa kan'ya na gawin 'yon?
“Hindi ako nagmamatigas. Mahirap ba intindihin na ayaw ko? Bawal na ba akong magdesisyon para sa sarili ko? Ako naman ang mamamatay hindi ba.”
I looked up in disbelief. Kate's voice is starting to rise again. Mukhang hindi na naman niya na-co-control ang kan'yang sarili dahil sa galit.
“Kaya nga gusto ka niyang tulungan, para mabuhay ka ng mas matagal.” Jake ground his jaw.
“I will live long! Wala ba kayong tiwala sa'kin?”
I pursed my lips and let out a deep sigh. “P-pero hanggang kelan...” I feel like my lower lip trembled.
Unti-unting lumingon sa akin si Kate, at maging si Jake ay napatingin din sa akin. Ang kaninang galit na si Kate ay napalitan ng pag-aalala at lungkot nang makita ako.
Tuluyan na ring umagos ang aking mga luha na kanina ko pa nararamdaman. Sigurado ako na dahil ito sa pagpipigil ko na masaktan kahit ramdam kong binibiyak na unti-unti ang aking puso.
Wala na bang pag-asa na mabago ko pa ang isip niya?
“N-nicole...” Kate's voice were trembling while reaching my hand.
This is the first time he called me by my name. I didn't know exactly that this is what it feels, calming.
As he finally reached for my hands, he tightened his grip on them. “Don't you trust me?” Tiningnan niya ako sa mga mata. “Don't you see how hard I try to live everyday, even if it feels like I'm actually dying inside? No, 'cause you're not in the same boat as me. Hindi kayo ang gumigising araw-araw at nagtatanong kung bukas o mamaya na ba ang huling beses ko kayong makikita. If you only knew how much I didn't want to leave --- but this is my fate. Tanggapin ko 'man o hindi, I'm still going to die.”
Napahikbi na lang ako at hinila siya para yakapin. Humagulgol ako ng iyak habang iniisip ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Mukha lang siyang malakas pero unti-unti na rin pala siyang nilalamon ng sakit niya.
Ayoko siyang mawala, pero kung ito ang makakabuti para sa kalagayan niya... tatanggapin ko. Sususportahan ko siya sa abot ng aking makakaya... kahit masakit... kahit mahirap.
“Kung ito 'man ang huling beses kitang mayayakap, alam ko sa sarili kong handa ka nang mawala ako. Chemotherapy isn't the better option for me... acceptance. And I hope someday, you'll also see the path I make to lessen the pain for all of us.”
If this is what he think the best for us, I'll respect his decision. 'Cause understanding will always be the foremost support that we can give.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro