Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE (2)

EPILOGUE 02


KHALVIN GAEL CADDEL



“Ikaw na ang bahala sa Mama mo, anak. Hindi ko na kayang palakihin kayo. Hindi ko na gustong manatili pa rito.”

Salitang binitiwan ni Papa nang dumating ang araw na kinatatakutan ko. Nangyari na nga... Nasira na ang pamilya namin, lalo na ang pagkatao ni Mama. Hindi ko 'to matanggap. Anong kasalanan ang ginawa ni Mama?

Kagagaling ko lang sa eskwelahan dahil kakatapos lang ng graduation ni Airo sa elementary . Akala ko magiging masaya ngayong araw namin ngunit isang malaking kalokohan na magiging masaya pa ang araw na ito. Sira na ang pamilya ko sa una pa lang, ngayon pa kaya na balak na ni Papa na makipaghiwalay kay Mama?

Nakayukom ang kamao ko. Nag-aalab na ang galit ko at unti-unti akong pinapatay ng pagkasakit ng dibdib ko. Nasaksihan ko kung paano hinagis ni Papa ang flower vase kay Mama na muntik nang ikinatama nito. Hindi ko rin makalimutan ang ilang beses kong nakitang tinutulak ni Papa si Mama.

Ito ba ang pagmamahal na sinasabi n'ya? Mali lahat ng ito. Hindi ko na kayang saktan n'ya pa ulit si Mama.

“U-Umalis ka na lang dito... Hindi ka namin kailangan,” pumiyok pa ang boses ko ngunit matapang na hinarap ko s'ya.

Napatigil s'ya sa pag-iimpake ng damit nang marinig iyon. Masamang tingin kaagad ang pinukol n'ya sa akin at mabilis akong nilapitan. Napangiwi ako nang hablutin n'ya ang braso ko at marahas na tinaas ito.

“Sumasagot ka na, huh? Wala kang respeto sa Ama mo!” nanggagalaiti n'yang bulyaw sa akin na ikinapikit ko.

Kumawala ako ngunit hindi n'ya ako hinayaan. Kinagat ko na lamang ang braso n'ya. Dahil sa marahas n'yang pagbitaw sa akin dahil sa aking ginawa, napaupo ako sa sahig at s'ya naman ay masamang nakatingin na sa kamay n'yang kinagatan ko.

Dumura ako sa tabi. Ako na ang nagsasabing nandidiri na ako sa kan'ya. Hindi pala normal ang pakikipaghalik n'ya sa ibang babae. Sobrang tanga ko na huli ko na napagtanto na hindi dapat iyon ginagawa ng lalaking may asawa na, lalo na't may anak s'ya.


“Ang sama-sama mo! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito! Inuuto-uto mo ako!” umiiyak kong sigaw sa kan'ya at tumayo. Nagdadabog na umalis ako sa kwarto ni Papa... Iyon ay kung matatawag ko pa s'yang Papa.




Nang tumuntong ako ng high school, hindi na gano'n madalas ang pakikipag-away ko. Unless kung kinakalaban nila ako. Lapitan talaga kasi ako ng away dahil sa kakaiba kaming magkakapatid sa lahat. May lahi kaming italiano galing sa aming Mama kaya kakaiba rin ang buhok namin. Dagdag pa na mahaba ito kasama ang dalawa ko pang kapatid.

Simula nang iwan kami ni Papa, do'n na ako nagkaroon ng galit sa kan'ya. Kinimkim ko ang galit at hindi ko magawang ipaglaban si Mama dahil first year high school pa lang ako no'n. Kaya simula no'n, nangako kaming magkakapatid na hindi kami gagaya sa aming Ama na nanakit ng babaeng mamahalin namin.

Sa tuwing nakatingin ako sa aking repleksyon, si Papa ang nakikita ko. Nakikita ko ang pananakit n'ya kay Mama at mga galit n'yang tingin sa akin. Parang pinagbiyak na bunga kami. Hindi ko gustong makita ang ganitong itsura ko.

Lumalaki na ang katawan ko na parang isang binata na. Tumaas din height ko at lumalim ang aking boses. Parang kailan lang talaga.

Napagpasyahan namin na pananatilihin naming mahaba ang buhok namin. Na kahit sa buhok man lang ay magkaiba kami. Kaya minsan gusto kong suntukin ang salamin, iniisip na si Papa iyon at gusto kong gumanti.


“Hijo, kailangan mong magpakatatag sa Mama mo, ah? Kailangan ka n'ya, kailangan n'ya kayo. H'wag n'yo dapat s'yang susukuan,” kausap sa akin ng isa sa kilala ni Mama na psychologist.

Napalunok ako sa sariling laway at binalingan ng tingin si Mama. Nakaupo ito sa kan'yang kama, naka-side view kung titignan mula sa aking kinaroroonan. Umiiyak ngayon habang yakap ang sarili. Minsan naman ay tulala ito.

No'ng una natakot ako na makitang balak ni Mama na ibigti ang kan'yang leeg. Parang lumindol ang utak ko no'n at mabilis ang pagkabog ng dibdib ko nang naagapan ko s'ya.

Iyak kami ng iyak tatlo habang yakap s'ya. Hindi ko s'ya maintindihan. Bakit kailangan n'yang pang ibigti ang sarili dahil sa iniwan s'ya ni Papa? Nandito kami... Mga anak n'ya. Hindi ba n'ya kami naiisip.

Siguro nga gano'n kalala ang ginawa ni Papa kay Mama para magkagano'n s'ya. Buwan ang lumipas at tuluyan na nga nagkaroon ng disorder si Mama.


“Ipainom mo sa kan'ya ang gamot para gumaling s'ya, hijo, ah?” Tipid na ngiti ang binigay n'ya sa akin at ginulo ang aking buhok. “Alam kong bata ka pa, ngunit ikaw lang ang maaasahan ngayon ng Mama mo. Mga bata pa ang mga kapatid mo kaya ikaw muna ang tatayong Ama sa kanila, ah? H'wag kang mag-alala, tutulungan kita.”

Kinakabahan akong tumango dahil hindi ko alam kung papaano ko magagawang buhayin ang nga kapatid ko at ang aking Mama. Wala pa akong alam na tarbaho ngunit sa tulong ng kaibigan ni Mama, hindi ko na ito sasayangin pa.

May mga kapatid pa ako, kailangan nilang magpatuloy sa pag-aaral kahit tumigil muna ako.

“Ma, kumain ka na,” mahina kong sambit at tinapat ang kutsara sa kan'yang bibig. Nagbara ang lalamunan ko nang makitang malalim na ang kan'yang mga mata habang nakatingin sa akin. Tila inaalala ang kan'yang anak.

“I-Ikaw ba si panganay ko?” paos n'yang tanong at hinawakan ang aking pisngi. “Laki-laki na panganay ko, oh... Mahalin mo si Mama, ah?”

Napakagat ako sa sariling labi at tumango-tango. Sa tuwing inaalagaan ko  s'ya, hindi ko maiwasang maging emotional. Nagkanda lito na ang mga responsibilidad ko at saka dagdag din ang nahihirapan si Mama na makalabas sa madilim na mundo.

'Yong dapat na tarbaho ni Mama sinalo ko ito. Pati na rin ang mamanahin n'ya sana sa akin na motorcycle and car shop. Dapat pagtungtong ko pa sana iyon sa college ngunit napaaga na.

Mahirap sa totoo lang dahil nagsimula ulit ako sa una. Minsan gusto ko na lang magwala sa sarili sa tuwing nahihirapan ako. Wala akong mapagsabihan dahil ako rin mismo ang dumidistans'ya.

Hanggang sa umabot ng walong buwan ay unti-unti na akong nasanay sa mga gawain ko. Nagawa kong ibalik ang nalugi naming pera at mas lalong naging successful ito.

Ayos lang pala na mahirap sa una kung makikita ko naman na maayos na si Mama. Gumaling s'ya pagkatapos ng apat na buwan. Sa tulong ng kaibigan n'ya, nakabalik na si Mama.

Kaya kung kukuha man ako ng kurso, gusto ko psychology na. Kung sakaling bumalik ang sakit ni Mama ay ako na mismo ang gagamot nito. At para na rin mas lalo ko 'pang maintindihan ang bagay-bagay at matulungan ang aking sarili.

Hindi man halata sa aking itsura, masaya ako na kahit papaano naiahon ko ang aking pamilya. Ngayon naman ay ako na ang mag-aaral. Bumalik din naman si Mama sa kan'yang tarbaho at tumutulong ako paminsan-minsan. Mas mabuting itutok n'ya ang atensyon sa ibang bagay kaysa isipin si Papa.


“H'wag gagawa ng gulo ngayon, Khalvin, ah?” pakiusap ng guro sa akin na parang wala s'yang tiwala na sa akin.

Napaikot lamang ang mata ko at walang ganang tumango. As if may gana akong maki-bully ngayon. Nakakasawa na mga kaklase ko lalo na si Braldon na hanggang ngayon malaki ang galit sa akin.


Bumalik din pala ang gag*ng ito ngayong third year high school kami. Tamad kasi mag-aral. Masaya na sana ako na hindi ko s'ya kaklase.

“Pasok ka na, hija.” May kausap ang guro namin sa labas at mukhang may pinapakuhang gamit. Tamad din kasi ang gurong ito.

Ka-miss din pala makipag-bully, nakaka-satisfy sa pakiramdam. Mahigit walong buwan na akong hindi nakikipaglaro o nakapag-usap man lang sa mga kaibigan ko noon. Hindi ko mapigilan na maging immature. Ganito talaga siguro kapag halos problema na ang nakaharap sa 'yo na hindi mo na magawang makipag-laro.

Walang ganang nilalaro ko ang ballpen ko sa aking buhok, pinapaikot ito kaya mas lalo lamang nagkulot.

Napaangat ang tingin ko at titignan sana ang orasan sa harapan ngunit gano'n na lang ang pagkahinto ko. Napatigil ang pag-ikot ng ballpen ko sa aking buhok. Napako ang mga mata ko sa babaeng nasa unahan ko. Kinokolekta n'ya ang mga libro para dalhin siguro sa kanilang room.

Mahahaba ang mga pilik mata at kasing singkit ang mga mata n'ya ng Chinese. Mahaba ang buhok at isa sa umagaw ng atensyon ko ay ang kan'yang makulot na buhok na parang sinadya. Her pinkish lips is like a soft marshmallow. T*ngina, parang nagda-daydream naman ako nito.

Napaayos tuloy ako ng upo nang napatingin s'ya banda sa kinaroroonan ko. I feel like she's looking at me but I know that she was not. What the f*ck I'm saying? Ano naman kung hindi s'ya nakatingin sa akin?

Her serious expression makes me wanna know her even more. Hindi ko alam kung bakit hinahanap ko s'ya, but one thing I'm sure. I like her.

Ganito ba ang feeling na magkagusto sa babae? This feeling is different. Nagagandahan naman ako sa ibang babae pero hanggang do'n lang iyon. Iba ang babaeng ito. She always visiting in my mind, even in my dreams.

“Gag* pre! Three years kaya agwat n'yo! First year high school pa lang 'yan, naku!” problemadong bulalas ni Joshu, ang kaibigan ko.

“Ano naman ngayon? Seventeen pa lang ako naman ako,” anas ko at sinulyapan ang babaeng palagi kong sinusundan.

Napaisip naman si Joshu. “Hintayin mo na lang mag college kayo, Khal, kapag nag eighteen ka na. Kaya mo naman siguro maghintay, 'di ba?”

Nakikinig naman ako kay Joshu ngunit ang mga tingin ko'y kay Yannie. What a lovely name, right?

Seryoso man ang mukha ko ngayon ay masaya naman at nag-e-enjoy akong makita s'ya sa ganitong layo. Hindi ko alam kung papaano ko s'ya ia-approah. Hindi ako marunong makipagkaibigan. Baka nga siguro matakot pa s'ya sa akin kapag makipagkaibigan ako sa kan'ya.

“I can f*cking wait, Joshu. Pagbigyan mo muna ako dahil mag-e-eighteen na ako next year. May balak naman akong hintayin s'ya hanggang sa naging legal s'ya,” paliwanag ko.


“Ang tanong, magiging kayo ba? Advance din mag-isip 'no?” sarkastik na sambit ni Joshu na ikinasimangot ko.

D'yan din naman kami papunta. Panira talaga kahit kailan ang lalaking ito.


She's so gorgeous by looking at her face right now. I always wanted to carees her hair, but I can't. I really like her. No, something more than like that I can't describe.

She's studying so well. Na-enganyo naman akong mag-aral din tulad n'ya. I want also to reach her dream, I'm going to follow her so that we can be together. I want her... I want to be her boyfriend.

Napahilamos na lamang ako sa mukha at inis na tinignan ang kinaroroonan ni Yannie. She's with Braldon and I think they are talking something important.

Hindi ko mapigilan na puntahan silang dalawa. My heart is pounding like a drum. I'm going to approach her and that f*cking guy.

“Braldon, mag-usap tayo,” agad kong sabi nang makalapit ako.

Napatingin silang dalawa sa akin. Napalunok ako sa sariling laway nang makitang nakatitig nang matagal si Yannie sa akin.

May muta ba ako o madumi ba ang mukha ko? I started to get panicked but I have to composed myself. Act like you are the superior, Khalvin!

Taka at pagkainis ang nakakurba sa itsura ni Braldon nang makita ako. Hinila pa si Yannie palayo sa akin na parang may gagawin akong masama.

“Kailan ka pa nakikipag-usap sa akin? Kita mo naman may kausap ako, 'di ba? Walang modo talaga kahit kailan,” magaspang n'yang sabi na ikinainit ng ulo ko.

Ngunit natigilan lamang ako nang makita ang inosenteng mukha ni Yannie na mukhang nagtataka kung sino ako. Napangisi ako nang sa wakas napansin din n'ya ako. Mukha yatang natakot ko s'ya dahil sa aking pinakita. Don't be scared, babe.

Alanganin na binaklas ni Yannie ang kamay ni Braldon sa kan'ya at hinarap na ito. Uminit naman ang ulo ko nang makitang masama ang tingin sa akin ni Braldon. Ayaw n'ya talaga akong palapitin kay Yannie. Kaano-ano ba n'ya ito?

“Uwi na tayo. Naghanda si Inay ng pagkain para sa atin,” mahinhin na litanya ni Yannie na ikinatango ni Braldon.

Iniwan nila ako ro'n na tila wala lamang ako sa kanila. Naunahan na naman ako ni Braldon. May gusto ba s'ya kay Yannie? Nakakainit ng ulo.

Paano sila naging gano'n ka-close? I was about to ask Braldon kung paano n'ya nakilala si Yannie pero inunahan kaagad n'ya ako. He still hates me na kahit kausapin ako ay ayaw n'yang mangyari.


I admit that I was hurt when she choose him over me. Nakahihibang man isipin, but that's what I feel. Hindi ko s'ya masisi. Sino ba naman ako na magreklamo? Hindi n'ya pa ako kilala kaya anong karapatan ko? Ngunit hindi iyon hadlang para sumuko ako.

I tried a different strategy to get her attention. This is the stupid act of mine. Desperado na talaga ako na mapansin n'ya ako kahit magalit s'ya. Sabi kasi ni Joshu, malalaman ng babae na may gusto ka sa kan'ya kapag binully ng lalaki. The girl will surely notice you at hindi mawawala sa isipan nila ang taong nambully sa kanila. And I'm taking his advice.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro