Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE 01

EPILOGUE 01

KHALVIN GAEL CADDEL


Hurting someone is part of love, you wouldn't be brave enough if you didn't experience this kind of pain, that's how my Father told me when I was a kid.

Me and my father had this good relationship. We're always together, I'm always beside him whenever he goes... Even in his mistress place.

I'm still a kid that time when I found out that he have an another women beside my Mother. I'm so confused and not aware what are they doing.

"Don't ever tell this to your, Mom, son. This is our secret, got it?" nakangiti pang sabi ni Papa habang nagsusuot ng pantalon at damit.

Nagtataka ko lamang s'yang tinignan at binalingan ng tingin ang babaeng palagi n'yang kasama. Nakarinig kasi ako ng ingay mula rito sa kwarto kaya pumasok ako para tignan kung anong mero'n.

Lumapit ang babae kay Papa at naglapat ang kanilang mga labi. Biglang pumasok sa isipan ko si Mama, ginagawa rin nila ito... Why Papa is kissing someone?

Sabi ni Papa normal lang daw sa kanila ang gano'n to show your affection to someone, but I can't really understand of what are they doing.

At first, I thought they are playing, but I think it's not part of the play.

"W-What are you two doing, Papa?" I asked my father nang lumabas s'ya ng kwarto at sumunod ako rito.

Tumigil s'ya sa paglalakad at nilingon ako. Bumuntong hininga s'ya at lumuhod sa aking harapan. Ginulo n'ya ang aking buhok.

"When you grow up just like me, malalaman mo rin iyan," he answered.

Pinatitigan ko s'ya, pilit iniisip kung anong ibig sabihin n'ya. "Ibig n'yo pong sabihin... Gagawin ko rin iyon when I grow up just like you?" inosente kong tanong na ikinahalakhak n'ya.

Mas ginulo n'ya ang buhok ko na mukhang tuwang-tuwa sa aking sinabi. Napangiti tuloy ako dahil nakangiti sa akin si Papa.

"Yes, son, only when you grow up, okay? When you found a girl that you think you like her, gagawin mo rin iyong ginawa ko kanina. Got it?"

"Like? How about love, Papa? 'Di ba love mo po si Mama? Edi, ginagawa n'yo rin po iyon kay Mama," mahabang paliwanag ko na ikinatigil n'ya.

Bigla akong natameme nang makitang hindi s'ya natuwa sa aking sinabi. Bigla na lang sumeryoso ang mukha n'ya.

"Stop mentioning your Mom whenever she's not around, Khalvin Gael. I don't like it. Do you understand? " seryoso n'yang tanong na saglit kong ikinatulala.

I just nodded my head and a satisfied smile formed on his lips. Binuhat n'ya ako sa kan'yang bisig at napagpasyahan nang umuwi ng bahay.

Kapag umuuwi kami, palaging nakaabang si Mama sa labas ng bahay para salubungin kami. Ngingiti s'ya sa amin at hahalikan pareho sa pisngi na ikinatuwa ng puso ko.

Kapag ako hinahalikan ni Mama sa pisngi may kasamang paghigop pa ito kaya minsan namumula na ang pisngi ko. Sabi ni Mama, love na love n'ya raw kasi ako kaya ginawa n'ya iyon.

Napabaling ako ng tingin kay Papa nang ibaba n'ya ako sa lupa at tinapik lamang ang ulo ko bago pumasok ng bahay. Hindi n'ya kini-kiss si Mama sa pisngi, and it always been like that. Hindi ba love ni Papa si Mama?

When I looked at my Mother, I can see the sadness in her eyes. Pero no'ng tinignan n'ya ako ay pinakita n'ya ang malapad na ngiti na tila buo na ang araw n'ya kapag nakikita ako... Kasama ang mga kapatid ko.

"Always remember that you should love your brothers, okay? Don't hurt them and try to understand them," Mama said when we are playing in my room. My two brothers are sleeping already. Only me and my Mother are awake.

Napatigil ako sa paglalaro ng uno cards. "Papa told me to hurt someone who will hurt me, Mama. Lumaban daw po dapat ako at hindi uurong."

Medyo nanlaki ang mga mata ni Mama at agad akong hinawakan sa balikat. She looks like she was shocked of what I have said.

"A-Anak, tinuro ba iyan ng Papa mo? Ano pa ang sinasabi n'ya sa 'yo?" nababahala n'yang tanong sa akin na ikinabahan ko. Ume-echo sa taenga ko ang sinabi ni Papa na kahit among mangyari wala dapat akong sasabihin.

But I feel like this is all wrong. I can see in my mother's eyes that she was in pain. Even Papa told me that I shouldn't have cared if someone hurt or cried in front of me. My heart is aching and I feel the same way my mother right now.

"K-Kissing other woman is normal. That he can like a lot of woman because love is not likely important. That's what my Papa said, Mama," nagdadalawang isip ko pang sabi at tinignan ang expression ni Mama.

Natigilan ako nang makitang umiiyak s'ya habang nakatingin sa akin. It was like she was hurt thinking that I'm innocent when it comes to this situation. And I don't have an idea what's happening to our family, that I don't have any idea about the word of love.

I only knew that love comes from the family. That's why I love my family, especially my Mama because she told me that she loves me. You love someone if you kiss them, Mama do that to me often.

Niyakap ako ni Mama at narinig ko lamang na umiiyak na s'ya sa aking balikat. Ramdam ko ang pagkabasa ng damit ko hudyat na umiiyak nga s'ya.

She cried a lot, not because of tears of joy, but because the pain that my Papa cause her.

I was still a kid yet I don't know what's happening to my family. Sa tulong ng kapatid kong si Zahiro, nalaman ko paunti-unti kung ano ba talaga ang nangyayari sa pamilya namin. Pangalawa pa s'ya sa magkakapatid pero alam n'ya kaagad.

My Papa lied to me. This is not love, he don't love us especially my Mama. Love supposed to feel happy and secure with someone, but Papa told me otherwise. Papa doesn't really feel love towards to our family.

He only love the idea that he can still sleep peacefully because he really knows that despite of everything he done, Mama will not leave him. Kaya panatag s'yang magloko habang hindi tumitingin sa amin.

Dahil sa problema sa pamilya, lalo na sa madaling araw na umuuwi si Papa, pati problema ko dinadala ko sa eskwelahan. Hindi ko rin makayanan na makitang umiiyak gabi-gabi si Mama. Palagi lang akong nasa sulok habang binabantayan s'ya. Ayaw kong mawala s'ya sa aking paningin at hinihintay itong matulog bago ako babalik sa kwarto.

Nakatungtong ako sa baitang anim nang magsimula na akong magkaroon ng away. Hindi naman sana ako papatol kaso may sinabi s'yang bagay na ikinagalit ko.

"Babaero raw Papa mo, Khalvin. Totoo ba? Yaman naman ng Papa mo pagdating sa babae," natatawang sambit ng kaklase kong lalaki na isa sa may galit sa akin.

"Naghahanap ka yata ng away, Braldon," anas ng pinsan kong si Noah at mahigpit akong hinawakan sa braso. "Tara na, insan. Lipat na lang tayo ng upuan."

Tumango ako na parang masunuring lalaki. Nagtatawanan pa sila Braldon kasama ang mga kaibigan n'ya habang nakatingin sa akin. Naghahanap talaga sila ng dahilan para patulan ko sila.

Nakaupo na si Noah sa malaking upuan ngunit ako ay bumalik sa kinaroroonan ni Braldon. Napahinto sila sa kanilang tawanan at binalingan ako. Tinuro nila ang mahaba kong buhok na hanggang ilalim ng dibdib ko.

"Bakla ka ba, Khalvin? Ang pangit naman tignan n'yan. " Bumungisngis s'ya habang takip ang mga palad n'ya ang kan'yang bibig, hinampas-hampas pa ang lamesa na parang sobrang nakatatawa ako.

Tinignan ko s'ya ng ilang segundo. Hindi nila napaghandaan ang aking sunod na ginawa. Sinipa ko lang naman ang tuhod n'ya na agad n'yang ikinaupo sa sahig.

Napasinghap ang mga kasama n'ya. Binigyan ko ito ng nagbabantang tingin na tila pinapahiwatig na kung tutulungan nila ang kanilang kaibigan ay sila naman ang isusunod ko.

"P-Pikon kasi! Babantayan talaga kita sa labas!" malakas na sigaw ni Braldon at tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Napaatras na ang kaibigan n'ya. Mukhang ayaw makisali sa away gayong kanina ay pinagtatawanan nila ako. "Iyon lang kaya mong gawin? Weak mo naman!"

Mas lalong umusbong ang kasabikan kong saktan s'ya ng tudo. 'Yong hindi na s'ya makakapagsalita ng masama sa akin. Pinagsalitaan n'ya ang Papa ko at wala s'yang karapatan na mangialam sa pamilya namin.

Tinulak ko s'ya sa mga nakahilirang mga upuan na gawa sa matigas na kahoy. Mas lalong nagkagulo ang mga kaklase ko dahil sa aking ginawa. Halos mamilipit na si Braldon sa sobrang lakas ng impact ng pagtulak ko sa kan'ya.

Binaliwala ko ang nararamdamang konsensya at iniwan s'ya ro'n na umiiyak ng tudo sa sobrang sakit. Simula no'n umiiwas na ang ilang kaklase ko sa akin. Iyon nga ang gusto ko para walang mangialam sa akin.

Maliban na lang sa mga naging kaibigan ko sa kabilang section. Pareho kami ng mga hilig at tulad ko'y galit din sila kay Braldon kaya nakahanap ako ng kakampi.

Dahil sa aking ginawa kay Braldon, napatawag ako bigla ng principal. Ayaw kong ipaalam kay Mama kaya kay Papa ko na lang sinabi na kailangan n'yang pumunta sa eskwelahan at pinaliwanag ang aking ginawa.

Napanatag naman ako nang puntahan n'ya ako. May parte sa akin na natutuwang pinuntahan n'ya ako para ipagtanggol sa mga kaaway ko. Hindi mawala ang ngisi sa aking isip nang makitang nakayuko lamang si Braldon at hindi na makapagsalita ang magulang nito habang kinakausap sila ni Papa. Walang wala sila sa amin kaya gan'yan sila.

"Anak mo naman pala nauna, eh! Hindi tutulakin ng anak ko ang anak n'yo kung wala itong ginawang masama!" malakas at buong boses na sabi ni Papa sa harapan pa mismo ng principal.


Kahit ang principal ay walang masabi, hinayaan n'yang magsalita si Papa. Magkakilala sila at saka, sa pagkakaalam ko maraming naitulong ni Papa sa eskwelahan na ito kaya hindi nila magawang ma-kick out ako o gawan ng parusa.

"I'll just give you some money to shut your f*cking mouth about this issue. Your son will be suspended in this school." Duro pa ni Papa kay Braldon na hanggang ngayon takot na ito. "Buti nga suspended lang ginawa ko. Paano kong utusan ko ang nakakataas dito na ipa-kick out 'yan?"

Nabahala naman ang Ina ni Braldon. "K-Kahit suspended na lang, Sir. Hindi p'wedeng ma-kick out ang anak ko." Napahigpit ang hawak kay Braldon ito.

"Good." Tinignan ni Papa ang principal na kanina pa tahimik. "Tama sinabi ko, 'di ba? Gagawin mo naman siguro ang sinabi ko?"

Tumango-tango ang principal kahit mukhang hindi s'ya kumbinsido sa sinabi ni Papa. "Yes, Sir. Thank you for coming. I think... the issue is already done?"

Tumango si Papa at tinignan ako. "You young boy, sumama ka sa akin sa ilabas."

Bigla tuloy akong kinabahan sa kan'yang sinabi. Umalis na sila Braldon kasama ang Mama n'ya. Nakaramdam naman ako ng konsensya pero binaliwala ko iyon. S'ya ang nauna kaya dapat lang iyon sa kan'ya.

Nang lumabas ako ay nakaabang na si Papa sa labas ng room. Pagkalapit ko sa kan'ya ay agad n'yang ginulo ang buhok ko at nakangiti na labi n'ya na kanina ay nakalinya lamang.

"Tama ang iyong ginawa kanina, anak. Dapat suntukin mo, saktan mo kung aawayin ka, huh? Walang mahina sa atin at mas lalong hindi tayo dapat magkaroon ng kahinaan. Lalaki tayo. Kaya nating gawin ang lahat ng gusto natin kahit makasakit tayo," magaspang n'yang anas na ikinatango ko lamang sa mahinang paraan.

At bilang masunuring bata, sinunod ko na naman si Papa. Tumatak iyon sa isip ko na kailangan kong lumaban at nang sa gayo'n ay hindi ako inaapi, hindi inaapi ang pamilya ko.

Dahil sa panatag na hindi naman ako mak-kick out ay minsan sumasama ako sa pakikipag-away sa kabilang school kasama ang nga naging barkada ko. Ilang beses na akong napatawag ngunit sa huli babayaran lang sila ng pera at hindi na uungkatin ang aking bad records.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro