CHAPTER 40
CHAPTER 40
Wala nang nagsalita sa aming dalawa ni Khalvin habang binabaybay ang daan pauwi sa aking bahay gamit ang sinasakyan n'yang kotse. Hawak n'ya ang isa kong kamay, pinipisil ito at papatakan din ng halik habang nagmamaneho ang isa n'yang kamay.
Napababa ang tingin ko sa magkasiklop naming kamay. I feel secured and peace whenever I'm with him, and while holding his hand. Parang bumalik lang kami sa dati. He always want a physical contact or touch with me because that's how he shows his love for me.
Until now I can feel his sincere love. Utak ko lang siguro ang nagsasabing may mali sa kan'ya at hindi totoo ang pinapakita sa akin. Mahilig akong mag-isip ng negative thoughts at magj-judge kaagad. I hate myself for being like this.
But I'm trying my best to still hold on his trust. I will eventually know what's going on. Tatanungin ko rin naman s'ya at 'yong kapatid n'ya na mukhang may alam kay Khalvin.
Pagkarating namin sa bahay ko ay mabilis s'yang bumaba sa kotse at pa-jogging na umikot para makarating sa gilid ng aking pinto ng kotse. Binuksan n'ya ito at binaklas ang aking seat belt kahit hindi naman kailangan.
Tahimik lang ito ngunit alam kong natatakot s'ya. Takot na naman na baka maulit ang nangyari kagaya noon. Hindi ko naman iyon gagawin.
Nang makalabas ako sa kotse n'ya ay s'ya na mismo ang sumara ng pinto nito. He looked at me, he can't even smile a bit. Mukha s'yang namatayan.
Inayos n'ya ang buhok ko na hindi na kagaya noon na makulot. Nasa dulo lamang ang curly ng buhok ko ngayon. Pinalibot n'ya ang braso at kamay n'ya sa beywang ko. Binaba n'ya ang mukha para halikan ang gilid ng labi ko.
Tahimik na kumapit ako sa kan'yang balikat. Pikit matang hinuli ang labi n'ya. Mas lalong humigpit ang yakap n'ya sa akin nang ako na mismo humalik sa kan'ya.
Mabagal ang halikan namin. Mabibigat na ang paghinga namin habang ginagawa iyon. Nag-espadahan pa ang dila namin sa loob. Banayad lamang ang pagsipsip n'ya sa ibabang labi ko bago pinagdikit ang noo namin at humiwalay sa halik.
“I love you more, babe.” He kissed my temple.
“I love you rin,” mahina kong sabi sapat na marinig n'ya.
Do'n na s'ya napangiti. Mukhang nawala na ang tinik sa dibdib n'ya nang makitang tumugon ako sa kan'ya. S'ya na mismo ang bumuhat sa akin na parang batang sanggol at binaybay patungo sa loob ng bahay ko.
“I'll sleep here tonight. Sasama ka sa akin bukas sa Clinic,” sabi n'ya nang ilapag n'ya ako sa gitna ng kama ko.
Pinagpag ko ang kama na nasa tabi ko at tinignan s'ya. Mukhang nakuha naman n'ya ang gusto kong sabihin. Imbes na umupo sa aking tabi ay sa likuran ko s'ya pumunta. He hugged me from behind and I let him. Masyado s'yang clingy, gano'n pa rin s'ya pagdating sa ganitong sa akin.
“Ask me anything, babe. I would gladly answer them. Sabihin mo sa akin ang mga nalalaman mo,” litanya n'ya na ikinatango ko. P'wede rin naman palang ganito kami kapayapa mag-usap. Kung hindi lang ako huminahon kanina ay baka hindi kami makapag-usap nang mabuti.
“You texted me that you're already in clinic. Nagtaka ako dahil sabi ni Babykel nasa birthday party ka pa rin ng kaibigan mo.”
He smelled my neck before answering me. “Nawala ang phone ko, babe. Kaya nga natagalan ako sa party dahil hinahanap ko ang phone para tignan ang text mo. I didn't texted you that I'm in a clinic. Ang huling text ko ay nasa birthday pa ako at balak pa lang pumuntang clinic.”
Agad akong lumingon sa kan'ya dahil do'n. “I-Ibig sabihin hindi ikaw nag-text sa akin kanina? Sino naman nag-text sa akin?”
Nilahad n'ya ang kamay sa harapan ko. “Give me your phone first. Tignan ko kung anong oras ang huling text.”
Binigay ko naman sa kan'ya. Medyo madilim sa pwesto namin dahil hindi ko binuksan ang ilaw. Kita pa rin ang mahaba n'yang buhok na magulo na at eyebags n'ya na mukhang walang tinulugan sa tulong ng liwanag ng cellphone ko. Bigla naman akong nakonsensya.
Binalik n'ya naman kaagad sa akin at niyakap ako patagilid. “I think I know who texted you using my phone. Makakapanakit na talaga ako ng babae.” I can sense a dangers in his voice.
“Sino, Khal?” taka kong tanong na ikinaigting ng panga n'ya.
“I am sure that Telly did this para sirain ka sa akin. I tried to be a good man and not to hurt woman, pero mukhang makakapanakit ako ng babae.”
Agad naman akong kinabahan at hinimas ang kan'yang braso. Napatingin tuloy s'ya bigla ro'n na tila nagustuhan n'ya ang hawak ko.
“N-No, Khal. Hayaan mo na lang s'ya,” ani ko at tumikhim, may naalala ulit ako. “S'ya nagsabi sa akin noon na may nangyari sa inyo at ayaw mo na sa akin. Isa rin sa dahilan kung bakit hindi na ako nagpakita pa sa 'yo dahil nahihiya ako.”
Agad napalingon s'ya sa akin na tila napigtas ang kan'yang kalmadong ekpresyon. Mas pinaharap n'ya ako sa kan'ya.
“She told you that? Hindi ako namamalik mata noon na binalikan mo ako sa waiting shed?” mukhang naubusan na talaga s'ya ng bait.
Tumango ako, mukhang nakita n'ya ako kahit gabi na no'n. Totoong binalikan ko s'ya pero dahil sa sinabi ni Telly at naniwala kaagad ako, napaghinaan ako ng loob at hindi tinuloy ang pagkita sa kan'ya.
“Tell me more, babe. Ano pa sinabi ng babaeng iyon? Talagang sinira ka n'ya pa sa akin. F*ck this.” He was gripping the blanket beside him na halos mapunit na kung hindi ko lang s'ya pinigilan at niyakap.
“W-Wala naman sigurong nangyari sa inyo, 'di ba?” tanong ko ulit kahit paulit-ulit na ako.
He kissed my cheeks and hugged me tight na parang mawawala ako kapag hindi n'ya hinigpitan.
“F*cking and making out with someone is not my thing, babe. I only want you and no one else,” malutong n'yang mura at hinarap ako nang kumawala sa yakap. “I'll teach that b*tch a lesson tomorrow.” Tinignan n'ya ako sa mga mata. “Ano pa sinabi n'ya?”
Napalunok ako nang makitang galit ang mga mata n'ya. Aakalain ko pang galit s'ya sa akin kung hindi n'ya lang himas ang kamay ko. Nagdadalawang isip tuloy akong sabihin sa kan'ya ang sinabi ni Telly pero I want a clarification.
“P-Promise me that you won't hurt her first, Khal.”
“Ayaw ko,” matigas n'yang anas at mariin akong tinignan. “Anong sinabi n'ya? Hindi ko 'to palalampasin, Yannie. Anong kuwento naman ang sinabi n'ya sa 'yo para sirain ako?”
Napabuga ako nang hininga at napayuko. “Kanina sa party... Nando'n ka raw dahil alam mong nando'n s'ya. Again, sinabi n'yang may nangyayari pa rin sa inyo at niloloko mo lang ako.”
Matagal s'yang napatitig sa akin kaya kinabahan na ako. Katakot naman talaga ang mga mata ni Khalvin sa tuwing seryoso ito. He was playful most of the time pero kapag nagseryoso ito ay kakabahan ka na.
“I know you didn't pushed her. Nakita ko naman talaga ang totoong nangyari,” bigla n'yang sambit na ikinataka ko.
“Eh, bakit mo ako pinagbintangan kanina, huh? Alam mo naman pala. ” Hinampas ko ang dibdib n'ya na sinalo lamang n'ya ito, inis ko s'yang tinignan.
“Nagtitimpi lang ako sa babaeng iyon dahil alam kong kakalabanin ako ng mga barkada n'ya, I know they are watching us that's why pinagmukha ko sila na hindi ko kakalabanin si Telly,” sagot n'ya. “Matagal na akong lumalayo sa gulo, Yannie. I want to be a better man habang hinihintay ka nang sa gano'n, maging deserve ako pagdating mo. Dahil kahit galit ako sa 'yo, hinihintay pa rin kita dahil umaasa akong mahal mo pa rin ako.”
I was stunned and speechless. Matagal ko ng kilala si Khalvin na direct to the point kung magsalita tungkol sa nararamdaman nito. Nakakabigla pa rin talaga malaman mula sa kan'ya na hinihintay n'ya ako kahit galit s'ya.
“Kung ako lang masusunod. Bubuntisin at pakakasalan na kaagad kita para hindi ka na lumayo pa sa akin. Pero hindi pa kita p'wedeng pakasalan ngayong taon. Si Zahiro muna bago ako,” amin pa n'ya na ikinasinghap ko.
Naalala ko bigla na nasusuka ako kanina at hindi naging maganda ang nararamdaman ko. Kailangan mamaya dapat malaman ko kung buntis ba ako. Ayaw ko munang sabihin kay Khalvin at baka mamaya hindi naman pala ako buntis.
Tumungo muna si Khalvin sa banyo para magpunas. Habang hinihintay s'ya ay biglang may marahas na kumatok sa labas ng pinto ng bahay ko. Wala akong inaasahang bisita ngayong gabi. Sino naman 'to?
Lumabas ako at tinignan mula sa bintana kung sino ang kumakatok. Napakunot ang noo ko nang makita si Telly na parang gusto nang sirain ang pinto ko sa pagmamadali n'yang katok.
Walang dalawang isip na pinagbuksan ko s'ya ng pinto. Ngunit gano'n na lang ang pagkagulat ko at muntik na akong ma-out of balance nang sampalin n'ya ako. Nanlalaki ang matang binalingan ko s'ya na ngayon ay humahangos s'yang nakatingin sa akin.
“Inuuto mo na naman si Khalvin 'no?! Sinisirian mo ako sa kan'ya ngayon, huh! Sabihin mong inutusan mo si Khalvin na ipagmukha sa akin na ako ang masama!” matinis n'yang sigaw at sinipa ako.
Napangiwi ako nang tumama ang dulo ng heels n'ya sa paa ko dahilan ng pagkaroon ko ng mahabang scratch sa paa.
Sinabihan ba s'ya kaagad ni Khalvin sa cellphone tungkol sa ginagawa n'ya sa akin? How did she know my place anyway?
Hindi ako nanlaban dahil mas inisip kong mas magiging malala ang sitwasyon kapag pinatulan ko pa s'ya. Baka ako na naman ang magmukhang masama kapag um-acting ito.
“Sumagot ka!” sigaw n'ya ulit at hindi ko inaasahan na sasabunutan n'ya ako. Halos hindi na maipinta ang mukha ko sa sobrang sakit at hapdi na nararamdaman ko.
“F*cking hell!”
Napasalampak ako sa sahig nang bitiwan ako ni Telly na tila nasindak sa galit na sigaw ni Khalvin na ngayon ay papalapit na sa amin. Hindi ko matignan ang mukha ni Khalvin dahil nakasalampak pa ako sa sahig habang iniinda ang sakit ng ulo ko.
Kung p'wede lang pumapol gagawin ko pero baka mapahamak ang bata sa loob ko kung totoo nga'ng buntis ako.
“N-Nasasaktan ako, Khalvin!” dinig ko ang sakit sa boses ni Telly na mukhang may masakit sa kan'ya.
“Talagang masasaktan ka sa akin, babae! T*ngina! Saktan mo pa si Yannie at ako ang sasampal sa 'yo!” malakas at dumagundong na boses ni Khalvin na alam kong tutuhanin n'ya ito.
Kahit masakit ang ulo ko at mahapdi ang aking binti ay nagawa kong tumayo at mabilis na niyakap ang braso ni Khalvin. Nanginginig ang kamay kong hinihila ang kamay n'yang mahigpit na hinawakan ang braso ni Telly na ngayon ay umiiyak na.
“P-Please, Khal, calm down. Tama na, oh, sige na.” Niyakap ko na talaga ang katawan n'ya at hinila ito palayo kay Telly. Nagpahila naman s'ya sa akin at pabalang na binitiwan ang braso ni Telly.
Napaupo si Telly sa sahig at takot na tinignan si Khalvin. Unang beses siguro n'yang nakitang nagalit si Khalvin. Nakakatakot naman talaga itsura ngayon ni Khalvin. Kung 'di ko lang kilala ito ay baka pagkamalan kong sasaktan din n'ya ako.
Napasinghal si Khalvin at niyakap ang isang braso sa aking beywang. Hinalikan lamang n'ya ang noo ko para hindi matakot sa kan'ya.
“Malaman ko lang na inulit mo ito, ako mismo ang makalalaban mo. Kulang pa 'yan sa ginawa mong kasalanan. H'wag mong hintayin na saktan kita ulit.” Mabangis ang mukha n'ya at nanginginig ang kamay na tinuro ang labas. “Get the f*ck out of here before I lost my patience!”
Kahit nanginginig ang binti ni Telly ay nagawa naman n'yang tumayo at mabilis na lumabas ng bahay. Rinig ko pa ang hagulgol nito. Naaawa naman ako sa kan'ya pero kasi itong si Khalvin ayaw n'yang idaan sa usapan.
Napapikit ako nang pinaharap ako ni Khalvin. Hindi ito nagsalita habang tinitignan kung may sugat ba ako. Narinig ko na ang mura n'ya nang tignan ang aking binti na alam kong may scratch na.
Sunod n'yang tinignan ang buhok ko. Sinuklay n'ya ito ng dahan-dahan na tila ayaw n'ya akong masaktan. Niyakap n'ya ulit ako at tinadtad ng halik ang aking buhok. Napabuga ako nang hininga at hinayaan s'yang buhatin ako.
“S-She was really scared, Khal. Dapat pinagsabihan mo na lang,” I whispered when I buried my face to his broad shoulder.
“Uulit at uulitin n'ya iyon kapag hindi ko iyon ginawa. She deserve it, kulang pa nga. Ni hindi nga kita mapagbuhatan ng kamay,” buong-buo ang boses n'ya. Nilapag na n'ya ako sa kama at pareho kaming nakaupo na. “Saan ka pa sinaktan? Saan pa masakit?”
His eyes was bloodshot while waiting to my response. Gusto kong purihin ang kaguwapuhan n'ya ngayon dahil basang-basa ang buhok n'ya at wala s'yang saplot sa itaas. But I know na mas lamang ang galit n'ya ngayon at pag-alala sa akin.
Tinuro ko na lang ang pisngi ko at napayuko. Kinakabahan kasi ako kapag ganito na s'ya kaseryoso at galit.
Kita ko sa gilid na mabibigat ang paghinga n'ya, taas-baba kasi ang dibdib n'ya na tila hindi normal. Napakagat ako sa sariling labi nang makitang nakayukom ang kamao n'ya.
Hindi s'ya nagsalita at pinahiga ako sa kama. Akala ko matutulog na kami ngunit niyakap n'ya ang buong katawan ko at nakapulupot na rin ang binti n'ya sa akin. Hinalikan n'ya nang dahan-dahan ang aking pisngi na sinampal kanina ni Telly. Napahawak tuloy ako sa kan'yang balikat sa biglang pag-iinit ng pisngi ko.
I was breathing heavily at walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa. He keep on kissing and licking my side face na mukhang namumula na ngayon. Medyo mahapdi kasi.
“Still hurt?” mahina n'yang sabi na ikinailing ko.
Tumango s'ya at hinalikan ulit ang pisngi ko. Hindi s'ya tumigil hanggang sa inantok na ito at napatigil na lang sa paghalik. Pakiramdam ko basang-basa na ang pisngi ko sa kan'yang ginawa.
I hugged him tight and can't able to sleep just like him. I was still thinking about what happen this day.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro