CHAPTER 37
CHAPTER 37
“Na-miss din kita.” Namumungay na ang mga mata ko ngunit nagawa ko naman s'yang ngitian. “K-Kumusta ka na? Huling balita ko tumungo ka sa ibang lugar para sumama sa iyong pamilya.”
Tumango s'ya bilang sagot. “Maayos naman ako, Yannie. Ikaw ang tatanungin ko, maayos ka ba talaga? Mukhang marami kang pinagdaanan.”
Hindi pa rin nagbabago ang pagiging concern n'ya. Kapag may napapansin talaga s'ya sa akin io-open up n'ya iyon. Masaya rin naman akong makilala s'ya.
Pero minsan nga hinihiling ko na lang na sana sa kan'ya na lang ako nahulog. Pero hindi ko naman madektahan ang puso ko.
“Madami... Gusto ko nga ikuwento sa 'yo,” mahina akong bumungisngis, lasing nga talaga ako.
Biglang nagseryoso ang mukha n'ya kaya naman nawala na ang ngiti ko at napayuko. Hindi ako okay. Pinipilit ko lamang na tumawa.
“Anong ginawa n'ya sa 'yo at nagkaganito ka? Hindi kita pinaubaya sa kan'ya para ganituhin ka n'ya.” Hinawakan n'ya ang siko ko. “Madami na ang nangyari, Yannie. Ano ba talaga nangyari sa inyo? Whatever the reason, dapat hindi ka n'ya sinaktan ng ganito.”
Umiling ako rito. “Sinaktan ko s'ya, ako ang unang nanakit sa kan'ya, Fern. Kaya siguro... Binabalik n'ya ang sakit sa akin.”
Mukhang hindi iyon ikinatawa ni Fern. Nagbago na talaga ang looks n'ya, ngayon ko lang din napansin. Mukhang may maayos na s'yang tarbaho at hindi na mekaniko.
“Hindi tama iyon, Yannie. I know na kaya mo s'ya nasaktan dahil may dahilan ka, right? Magandang rason naman siguro iyon. He should know what your reason behind of this.”
Napabuga ako ng hininga at inayos ang buhok ko. “Let's talk about this later, Fern. I need to pee first.”
“Sige sasamahan na lan—”
'Di pa man ako nakaalis sa aking kinatatayuan ay bigla na lang may humablot sa aking palapulsuhan. Tumama ang mukha ko sa matigas na dibdib ng lalaking humablot sa akin. The smell is so familiar.
“It was not nice seeing you here,” baritong sambit ni Khalvin, puno iyon ng diin at pagbabanta.
Napahawak ako sa aking dress nang mahigpit. Gusto ko na talagang mag-cr pero mahigpit akong hawak ni Khalvin.
“Sasama sa akin si Yannie,” ani Fern na sarkastikong ikinatawa ni Khalvin.
“Hindi ako makakapayag. Ako na ang bahala sa kan'ya. Stay away from our relationship,” medyo napalakas na ang boses ni Khalvin, kinurot ko ito sa beywang upang suwayin ngunit hindi n'ya ako pinansin.
“Sa aking pagkakaalam wala kayong relasyon. You're hurting her, Khalvin.”
Do'n pa lang napaalis ang mukha ko sa dibdib ni Khalvin. Umalis ako sa pagkakayakap sa kan'ya na 'di ko na namalayan dahil sa sobrang bango n'ya. Aalis na sana ako at iwan na sila ngunit mabilis akong pinaharap ni Khalvin.
Hinalikan n'ya ako bigla mismo sa harapan ni Fern. Nanlaki ang inaantok kong mata sa gulat. Mukhang natigilan din si Fern sa kan'yang nakita.
Pinakita talaga ni Khalvin na pagmamay-ari n'ya ako kaya n'ya ako hinalikan mismo sa harapan ni Fern. Maraming tao at nakakahiya kay Fern. Ngayon lang nagising ang diwa ko kaya mabilis kong tinulak si Khalvin at baka ma-center of attraction kami.
Napaawang ang labi ni Khalvin at mukhang nagulat din sa aking pagtulak. Walang ekspresyon ko s'yang tinignan.
“H-H'wag mo akong hahalikan pa, Khalvin. You making me embarrassed right now. Where's your manner, huh?”
“You still love m—”
“Stop talking! Sabi ko h'wag mo na akong guluhin pa! Nakakabuwisit ka na!” galit kong sabi rito na tanging kami lang ang nakakarinig.
Iniwan ko na silang dalawa ro'n. Hindi na nga ako nakapagpaalam kay Fern. Rinig ko pa ang tawag ni Khalvin ngunit hindi ko na s'ya nlingon. Mabilis akong pumasok sa bahay nila Babykel sa sobrang pagmamadali kong makaihi na.
Nagtanong ako sa ilang katulong kung saan ang comfort room. Tinuro nila ang ikalawang palapag kung saan may available dahil halos lahat ay nagamit ng bisita. May CR din naman sa labas ngunit nandito na ako kaya wala nang atrasan.
I tried to open different doors at sa pangatlong pintuan ay aking nabuksan. Mabilis akong pumasok at hindi na tinignan kung anong itsura ng room sa pagmamadali.
Pikit matang inayos ko ang aking suot nang matapos kong umihi. Guminhawa naman kahit papaano ang nararamdaman ko. Sumasakit lang ng kaunti ang ulo ko na mukhang hindi ko kinaya ang ininom ko kanina. Hindi naman kasi ako pala-inom.
Lumabas ako ng cr habang sinusuklay ang buhok ko. Ngunit napatigil din ako nang makitang kakapasok lang ni Khalvin. Nakakainis din ito.
Do'n ko lang napansin na napapalibutan kami ng salamin. Ang liwanag na nakapalibot sa amin ay tila kakulay ng sindi ng kandila. It was like a romantic room. Ngayon lang ako nakakita sa personal nito. What kind of room is this?
“Bakit magkasama kayo ng lalaking iyon?” Mabibilis ang hakbang n'yang lumapit sa akin at dinungaw ako, sobrang taas n'ya. “You even let him touch you.”
“Ano naman kung hinawakan n'ya ako sa kamay? Kung makaasta ka parang may relasyon tayo, ah,” napataas na ang boses ko sa sobrang inis ko na sa kan'ya. “Pinakialaman ba kita kong hinahawakan ka ni Telly? Pinakialaman ba kita kung ano ang pinaggagawa n'yo ni Telly habang ako nagdudusa na masalba ang relasyon natin noon? Wala kang karapatan na dektahan ang pinaggagawa ko!”
His expression suddenly change. Tila nagtataka ito sa aking pinagsasabi. Playing like a dumb, huh? Sumusobra na s'ya.
“Anong ibig sabihin mo na nagdudusa ka? At ano? Sinasabi mo bang may nangyari sa amin ni Telly?” 'di makapaniwalang tanong n'ya.
Mabilis ko s'yang nilampasan dahil ramdam ko nang babagsak ang luha ko ngunit mas mabilis ang kan'yang galaw. Bago ko pa man mahawakan ang saradura ng pinto ay niyakap n'ya ang maliit kong beywang, umabot ang braso n'ya sa aking tiyan.
“B-Bitiwan mo ako...” nanghihina kong sabi at napayuko, alam n'yang umiiyak na ako dahil tumulo na ang luha ko sa kan'yang kamay sa aking tiyan. “A-Ayaw ko na, Khal. Tama na, p-panalo ka na. Nasaktan mo na ako. P-Please lang, h'wag mo na akong gambalain pa.”
Ramdam ko ang pag-iling n'ya sa aking likuran. He kissed my hair and hugged me so tight like I might be vanished if he will let me go.
“I'm sorry kung sinabi kong hindi ka worth it mahalin. I was lying, Yannie. Please, pakinggan mo ako.” Sinubsub n'ya ang mukha sa aking batok, napakagat ako sa sariling labi. “I'm sorry kung iniisip mo na wala ka nang silbi sa akin. Walang nangyari sa amin ni Telly, okay? F*ck, bakit mo naman kasi naisip ang gan'yan bagay? Walang nangyari, Yannie.”
Dahil sa panghihina ko ay hinayaan kong nakasandig ako sa kan'yang katawan. Tahimik akong lumuluha habang iniisip kung tama pa bang manatili rito. Kung nagsasabi ba s'ya ng totoo dahil nakaraan lamang ay sinabi n'yang hindi na n'ya ako mahal.
“P-Pinagsisihan mong minahal ako, Khal, sinabi mo iyon. Ni hindi mo man lang ako tinanong kung naging maayos ba ako habang wala ka sa aking tabi.” I gritted my teeth and let a heavy sigh. “Hindi ko tinanggap ang kasal at ginawan ko pa talaga ng paraan para 'di matuloy. P-Pero anong ginawa mo? Nagalit ka sa akin na hindi man lang pinapakinggan ang side ko.
P-Pinaramdam mo talaga sa akin na hindi ako worth it at wala akong kwentang girlfriend. ”
“N-No, please.” Pinaharap na n'ya ako at hinawakan ang aking pisngi, napasandig tuloy ako sa pinto. “H'wag mo sabihin iyan, Yannie. P-Please, you are worth it, babe. Stop saying that. I'm so sorry kung pinaramdam ko iyon sa 'yo.”
Umiwas ako ng tingin dito nang makitang nasasaktan din s'ya para sa akin. Totoo ba ito o sinasakyan n'ya lang ako? Hindi ko alam.
“Yannie.” Niyakap n'ya ulit ako, rinig ko na ang hikbi n'ya kaya napatigil ako. “Makikinig na ako sa 'yo. S-Sabihin mo na sa akin ang dahilan kung bakit mo ako iniwan. Tatanggapin ko... Please, babe, h'wag mo na ako ulit iiwan. Sorry kung nagalit ako, hmm? Let's fix this, let's start over again.”
Hindi pa rin ako mapanatag. Paano kung magkasama pa rin sila ni Telly hanggang ngayon? Nasa bibig na mismo ni Babykel na hanggang ngayon may komunikasyon pa rin sila.
Hinalik-halikan na ako ni Khalvin sa noo at pisngi. Parang pinapagaan n'ya ang loob ko para hindi ako umiyak. Tila pinapahiwatig n'ya sa akin na nagsisisi na s'ya at tanging ako lamang... Wala nang iba.
“May nangyari sa inyo ni Telly,” ani ko para buksan ang gano'ng topic.
Huminto s'ya sa paghalik sa akin at inangat ang akong baba. “Walang nangyari nga. Ba't mo naman nasabi iyan?” mahinahon ngunit mukhang naiinis na s'ya.
Tinulak ko ang dibdib n'ya ngunit hindi n'ya ako hinayaan. Mas hinigpitan n'ya ang hawak sa akin.
“Liar.”
“F*ck, are you jealous? Wala talagang nangyari, babe. Wala akong nakarelasyon o nakagalaw ng ibang babae bukod sa 'yo,” frustrated n'yang sabi, mukhang nababahala na s'ya na baka hindi ko s'ya paniwalaan.
Pinunasan ko muna ang pisngi ko at tinulungan naman n'ya ako.
“Are you saying that for almost four years wala kang nakatalik, gano'n?” hamon kong tanong dito at pinaningkitin s'ya ng mata. Tila nawala na ang pag-iisip ko sa kung ano ba talaga sila ni Telly.
Inis na kinamot n'ya ang kan'yang buhok, mukhang natapakan ko ang pagkalalaki n'ya. Napabuga s'ya ng hininga at umiwas ng tingin.
“Kailangan talaga ipagmukha sa akin iyan, babe?”
“Tinatanong kita.”
“Oo na, oo na. Kaya ko naman mabuhay na walang s*x. Hindi ako gagalaw ng ibang babae para lang maibsan ang pagkatigang ko sa 'yo. At mas lalong hindi ako makikipagtalik sa taong 'di ko naman mahal.”
Dumagundong ang dibdib ko sa aking narinig. Salubong ang kilay n'ya at talagang seryoso s'ya ngayon.
“Ikaw lang ang tanging may karapatan na galawin ako. Sa 'yong sa 'yo ako, Yannie.” Napatingin s'ya sa akin, seryoso na ang mukha n'ya ngunit nangungusap. “Akin ka pa rin ba, Yannie? Dahil noon hanggang ngayon, ang buo kong pagkatao ay para lang sa 'yo. Walang iba.”
Napalunok ako sa sariling laway. “Talaga? Tigang ka na n'yan?”
Sinamaan n'ya ako ng tingin. “Stop it, babe. Hindi mo alam na kanina ko pa kita gustong halikan. Kaya kung ayaw mo may mangyari sa atin, h'wag mo akong akitin.”
'Di makapaniwalang tinignan ko s'ya. Nakaraan pa s'ya ganito, ah. Wala nga akong ginagawa tapos aakitin ko pa s'ya?
Ngayon ko lang din napagtanto na masyado kaming malapit sa isa't isa. Hawak ko na pala ang braso n'yang naninigas, mukhang nagtitimpi s'ya sa isang bagay.
Hinaplos ko ang kan'yang braso na ikinatigil n'ya, nanigas s'ya bigla.
“F*ck,” nahihirapan n'yang sabi at nagngitngit ang ngipin akong tinignan. Mukha s'yang galit ngunit nagpipigil lamang ito.
Hanggang sa nakarating ang kamay ko sa kan'yang leeg. Hinaplos ko ang kan'yang leeg. Mabibilis na paghinga ang ginawa n'ya.
“Alam mo kung gaano ako kasabik sa 'yo, babe. Gusto mo talaga na may mangyari rito?” delikado n'yang tanong na mas lalong ikinainit ng katawan ko. “Don't test my patience, babe. Wala ka nang magagawa kong kakainin kita.”
Itong sensasyon ay pamilyar sa akin na tanging s'ya lang ang makagagawa. Medyo lasing na ako. Kahit alam ko ang ginagawa ko ay pinagpatuloy ko pa rin ang aking ginagawa. Gusto ko 'yong epekto ko sa kan'ya. Gusto kong tumitig sa kan'yang mga mata habang ginagawa ko ito.
Ilang ulit kong hinaplos-haplos ang kan'yang leeg pababa sa dibdib nito. Napapakagat labi na s'ya at hinawakan ang beywang ko. Pinulupot ko na ang aking braso sa kan'yang batok at hahalikan sana s'ya sa pisngi ngunit inunahan n'ya kaagad ako.
Sinunggaban n'ya kaagad ako ng mabangis na halik at dinikit sa nakasaradong pinto. Napasinghap ako sa pagmamadali n'ya at iiwas muna sana para makahanap ng hangin ngunit hindi n'ya ako hinayaan. Mabibilis ang paggalaw ng labi n'ya sa akin na tila mamaga na ang labi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro