Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 31

CHAPTER 31



“Bakit hindi kita nakita sa hospital kahapon, Yannie? Um-absent ka ba ba?” tanong ni Steff nang makita ako sa palengke na namimili.

Umiling ako rito at natawa sa kan'yang reaksyon. Kailan man hindi ako um-absent sa tarbaho kung wala naman akong sakit. Isa sa ayaw ko 'yong a-absent ako.

“Nah, nag-leave muna ako ng one month. Matagal ko nang 'di binibisita si Inay,” sagot ko.

“Kaya naman pala... Buti pinayagan ka 'no? Masipag ka ba namang nurse sa atin,” papuri n'ya at kinindatan ako. “Eh, 'yong Ama mo, bati na ba kayo?”

Napabuntong hininga ako at inayos ang pagkakahawak ng mga pinamili ko. It's been five months since I last saw him with my Mother. Hanggang ngayon gumagawa s'ya ng paraan para magkaayos kami. Kinakausap ko naman s'ya ngunit hindi na kagaya dati, limitado lang.

Ako na mismo ang umiiwas sa usapan lalo na tungkol sa nakaraan. Hanggang ngayon kasi inuungkat pa rin n'ya iyon. Nagsisi na s'ya sa kan'yang ginawang pagkontrol sa amin. Isang taon ba naman akong kinotrol kaya sino ang hindi magagalit do'n? As if I'm a toy for him that time.

“Gano'n pa rin. Pinipilit ko naman na maging komportable sa kan'ya ngunit natatakot naman ako na magtiwala. He once betrayed me so it's hard to trust him again.”

Malungkot s'yang ngumiti. Alam n'ya ang nangyari sa akin noon. Lumipat kami ng bahay sa ibang lugar at sa tagong lugar din akong nakapag-aral. Hindi iyon kilalang school ngunit ayos na rin basta may nursing na course, nakapagtapos din ako sa kurso ko.

“I hope na maging maayos na kayo. He's getting older na kasi kaya hinahanap-hanap n'ya na ang presensya ng anak n'ya.”

Tumango na lang akong bilang pag-san-ayon. Tama naman s'ya. Duwag lang siguro ako dahil hindi ko kayang harapin ang taong nagpahirap sa akin, lalo na kay Zannie. Imagine that your Father caused you a pain.

Nagpaalam na kami sa isa't isa bago naghiwalay ng landas. Tinignan ko ang bawat paligid ko. Halos mga magkakapamilya ang pumupunta rito para sabay na mamili ng kakainin nila. Kaya minsan nakakainggit na tignan sila.

I've been living here in San Pedro for almost three and a half year, ngunit dala-dala ko pa rin ang sakit na natamo ko. Dala-dala ko pa rin ang presensya at puso ni Khalvin.

Khalvin... Matagal ko nang hindi narinig ang kan'yang pangalan. Gusto ko s'yang makita sa totoo lang ngunit dahil tinapos ko na ang ugnayan namin no'ng huling hatid n'ya sa akin, masaya na ang buhay n'ya ngayon dahil balita ko naging successful na psychologist s'ya.

Hindi ko na inungkat ang kaganapan sa buhay n'ya dahil nasasaktan lamang ako ng labis kung patuloy kong hahanapin ang presensya n'ya. Galit na siguro iyon sa akin dahil iniwan ko s'ya na walang paalam. Iniwan ko s'ya na 'di man lang n'ya nalalaman ang rason.

Iyon ang isang bagay na pinagsisihan ko. Dapat pala nagpaalam ako kahit maghiwalay kami. Ngunit nangyari na ang lahat. Mas naging malala ang ugali n'ya ngayon basi sa narinig ko. Hindi ko minsan maiiwasan na marinig ang tungkol sa kan'ya dahil bukam-bibig s'ya ni Inay.

Nag-leave ako muna ako sa work para umuwi na sa San Jose. Natandaan ko pa no'ng iniwan ko si Khalvin, kinabukasan no'n ay nagtungo kami sa China. Akala ko dahil sa negosyo, yo'n pala ay balak pa ring ipatuloy ni Ama ang pagpapakasal ko kay Nikko. Galit na galit ako no'n nang makita si Nakko.

~•~•~

“Bakit hindi ka tumanggi? Sinabi ko nang ayaw kong magpakasal sa 'yo, 'di ba?” inis kong bulong sa kan'ya, paminsan-minsan sinisilip sila Ama na kumakain sa hapag-kainan habang nag-uusap sila ng Papa ni Nikko.

Nang tignan ko ulit si Nakko ay tuloy-tuloy lamang ang pagsubo n'ya ng kanin na parang walang narinig. Tumayo ako sa pagkakaupo.

“Mag-usap tayo sa labas, Nakko.”

“Saan ka pupunta, anak?” tanong ni Ama mukhang naalarma na baka tumakas ako gaya ng ginawa ko nakaraan.

Bumuntong hininga ako. “Mag-uusap kami ni Nakko, Ama. Maiwan ko muna kayo,” sabi ko na walang lingon-lingon.

Hindi naman ako nabigo dahil sumunod sa akin si Nakko. Pagkaharap ko sa kan'ya ay sinalubong ko kaagad ang masama kong tingin sa kan'ya.

“Narinig mo ba ang sinabi ko, Nakko? Hindi ko gusto ang kasalan na magaganap. Ayaw mo naman siguro makontrol, 'di ba? Ayaw mo rin akong pakasalan kaya dapat magtulung—”

“Pumayag ako na pakasalan ka, Yannie,” mariin n'yang sabi na ikinatigil ko. “Ginusto ko rin ito. Mahal kita at hindi ko alam kung sadyang manhid ka ba o binabaliwala mo lang ang nararamdaman ko.”

Alam kong may pagtingin s'ya sa akin ngunit hindi ako sigurado ro'n. Hindi ako nag-assume. At ngayon na narinig ko ito mula sa kan'ya ay para akong pinipiga sa sitwasyon ko.

Napahilamos na lamang ako sa mukha. “Pero hindi kita mahal, Nakko. Hindi ito ang definition ng kasal. Ayaw ko, sabihin mo sa pamilya mo na uurong ka sa kasal.”

Tinignan n'ya ang kabuohan ng mukha ko. Tinatantiya siguro kung seryoso ako sa aking sinabi. Akala siguro n'ya papayag ako kahit hindi ko s'ya gusto.

“Si Khalvin ba ang dahilan kung bakit ayaw mo?”

“Hindi lang iyan ang dahilan. Ayaw kong kinokontrol ako. Hindi ko gusto 'to,” maagap kong sagot at napaiwas ng tingin. “Please lang, Nakko. Kung gusto mong h'wag masira ang ating pagkakaibigan ay gumawa ka ng paraan para matigil ito.”

“Paano kung hindi ko magawa?” tanong n'ya.

“Isa ka rin sa kakamuhian ko,” mabilis kong sabi at seryoso s'yang tinignan na mukhang ikinatigil n'ya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin, makalipas ng ilang araw ay galit na galit si Ama sa aming ginawa. Umurong na sa kasal ang pamilya ni Nakko dahil siguro kinumbinsi ni Nakko na hindi ituloy ang kasal.

Tinulungan din ako ni Nakko na umuwi ng Pilipinas bago pa malaman ni Ama na hindi matutuloy ang kasal. Laking pasasalamat ko kay Nakko na tumitingin pa s'ya sa pagkakaibigan namin. 'Yon nga lang nalulungkot ako para sa kan'ya.

Mabuti s'yang kaibigan ngunit hanggang do'n lang kami, hindi na lalagpas. Naghihintay na siguro sa akin si Khalvin at gusto ko s'yang makita kahit sulyap lamang.

Ngunit sa 'di inaasahang pagtatagpo, kinausap ako ng babaeng kasama palagi noon sa magbabarkada nila Khalvin. Sa una ayaw ko sana s'yang kausapin dahil hindi maganda ang kutob ko sa kan'ya.

“Kung tatakasan at sasaktan mo lang si Khalvin ay h'wag ka nang magpakita,” seryoso n'yang sambit, galit ang mga mata n'ya.

“Sino ka ba, huh? Anong alam mo sa relasyon namin?” Hindi rin ako nagpatalo sa kan'ya.

Ngumisi ito. “Ako lang naman ang karamay n'ya sa pag-alis mo. Ni hindi mo man lang s'ya hiniwalayan gayong sinaktan mo s'ya at iniwan. Para ano? Para sa pagbalik mo ay kayo pa rin? Nagkakamali ka, Yannie.”

Napabuga ako ng hininga at pinipigilan ang sarili na bugahan s'ya ng apoy. Alam kong tama s'ya kaya ganito na lang ang galit ko.

“Ano naman ang pakialam mo? Relasyon namin iyon kaya h'wag kang mangialam,” malakas kong sabi na mas lalong ikinangisi n'ya, mahinhin pang tumawa.

Nilapitan n'ya ako kaya mas malapitan kong nakikita ang nakakairita n'yang mukha. Mas mataas s'ya sa akin dahil siguro mas matanda s'ya sa akin.

“May pakialam ko dahil girlfriend n'ya ako ngayon. Syempre pagsasabihan kita dahil aagawin mo naman sa akin si Khalvin,” sagot n'ya na ikinaguho ng mundo ko.

Hindi... Ako ang mahal ni Khalvin. Kahit maraming babae at maghiwalay kami ay hindi n'ya ito magagawa sa akin.

“H-Hindi totoo 'yan. A-Ayaw sa 'yo ni Khalvin at ako pa rin ang mahal n'ya kahit maghiwalay kami,” nanghihina kong saad.

“Ang kapal din ng mukha mo 'no? Ikaw nga 'to ang nanakit kay Khalvin tapos may gana ka pang bumalik. Dapat bumalik ka na lang sa China at magpakasal,” malakas n'yang anas sa aking pagmumukha.

Paano n'ya nalaman ang tungkol sa kasal? Nakitaan ko ang aliw sa kan'yang mukha nang makita na nanlalaki ang mga mata ko.

“Alam ko, 'di ba? Si Khalvin lang naman nagkuwento sa akin n'yan. Galit s'ya sa 'yo kaya wala rin saysay na makipagbalikan ka sa kan'ya at mas lalong kami na.”

Umatras ako ng hakbang at sumunod naman s'ya na tila gusto akong pahiyain pa. Oo na! Hiyang-hiya na ako sa kalagayan ko na gusto kong bumalik kay Khalvin kahit nasaktan ko ito. Gusto ko lang naman na walang magaganap na kaguluhan sa pagitan nila ni Ama.

“Naghintay s'ya sa wala at nang malaman na iniwan mo talaga s'ya ay nagalit na s'ya sa 'yo. Ako ang naging sandigan n'ya.” Ngumiti s'ya sa akin nang matamis. “Ayaw ka na n'yang makita pa sabi n'ya. Nagsisi s'ya na minahal ka pa n'ya. Dahil ako lang naman ang palaging nand'yan sa kan'ya, ako ang pinili n'ya.”


Tinakpan ko ang dalawang taenga ko. Sunod-sunod ang paghagulgol ko.

“Umalis ka na lang, p'wede ba?! Hindi ko na kailangan marinig pa ang sasabihin mo!” hindi ko na napigilan na isigaw sa kan'ya. Akmang iiwan ko s'ya ro'n sa park nang may sinabi s'ya na lubos na ikinabasag ng puso ko.

“Nakikipagtalik s'ya sa akin para makalimutan ka, Yannie. Hindi s'ya 'yong lalaki na nakilala mo na iisang babae lang ang gagalawin at mamahalin. Lalaki s'ya kaya kailangan n'ya ang isang babaeng kagaya ko.”

Matigas ang ekspresyon na nilingon ko s'ya. Mukhang natutuwa pa s'ya na makitang umiiyak ako. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko ngunit hindi ko maiwasan na paniwalaan s'ya. Tama nga naman s'ya. Lalaki si Khalvin kaya marami s'yang pagpipiliang babae na magpapaligaya sa kan'ya lalo pa't uhaw iyon sa atensyon.

“H'wag kang magsaya dahil lang sa walang kuwentang mong sinasabi. Masaya ka na ginalaw ka n'ya pero hindi ikaw ang iniisip n'ya habang ginagawa iyon?”

“Anong sinabi mo?!” Lumapit s'ya sa akin at tinapatan ako.

Pinunasan ko ang aking luha at mas lalo ko lamang s'yang inasar.

“Hindi nakatutuwa ang ginawa mo, girl. Kung sa tingin mo na maiinggit ako sa iyong ginawa, nagkakamali ka. Mas lalo lang kitang pinandidirian dahil alam kong hindi lang si Khalvin ang gumalaw sa 'yo kung totoo man ang sinabi mo.”

Mas nanlaki ang mga mata n'ya. Akmang itutulak sana ako nang ako na mismo ang lumayo. Hindi ako papatol muna ngayon.

“Sa susunod dapat alam mo na kalat ang mga pinaggagawa mo sa lalaki bago makipagsagutan sa akin, huh? Nakatatawa ka lang tignan,” mapait kong sambit at tinignan s'ya sa paa hanggang sa ulo.

Iniwan ko s'ya ro'n na nag-aapoy sa galit. Sinigaw n'ya pa ang aking pangalan ngunit nakapasok na ako sa kotse ni Nakko. Mabuti na rin at nandito si Nakko para alalayan ako dahil pakiramdam ko babagsak ang katawan ko sa aking natuklasan.

Matapang lang akong tignan ngunit unti-unti naman akong pinapatay sa loob. Sanay naman ako ngunit hindi sa lahat ng oras ay gagana ang pagkasanay ko.

Mukhang totoo siguro ang sinabi ni Telly, ang babaeng kausap ko kanina. Minsan na rin akong pinagselos ng sobra ni Khalvin at s'ya 'yong kinakasama n'ya para magselos ako. Hinahayaan pang dumikit sa kan'ya kahit alam n'yang ikagagalit ko iyon. Uhaw nga kasi sa atensyon.

No'ng araw na gusto kong makausap at humingi ng tawad kay Khalvin ay hindi na natuloy. Ayaw ko nang saktan pa ang sarili ko. Sinaktan na ni Ama ang damdamin ko kaya ayaw ko nang dagdagan pa n'ya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro