Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

CHAPTER 27


Hindi na ako masyadong makapag-isip sa nangyayari ngayon. Agad kong niyakap ang beywang ni Khalvin at pilit na inilalayo ito sa lalaki.

“Calm down, okay! Ano ba ang nangyayari sa 'yo?!” sigaw ni Zahiro at tinulungan ang lalaking nakahiga na puno ng dugo ang mukha. “Kita mo ang ginawa mo, Khalvin? Why the f*ck did you do that?”

Hindi nakapagsalita si Khalvin, parang ayaw n'yang sabihin kung bakit. Marahas at magbibigat ang paghinga n'ya habang masamang nakatingin sa lalaki na papatayo pa lang mula sa pagkakasalampak sa sahig.

“S-Sorry po, hindi ko alam ang sinasa—”

“Pa-biktima ang p*ta!”

Kumawala sa hawak ko si Khalvin at sinugod ulit ang lalaki. Dahil sa marahas na galaw ni Khalvin ay muntik na akong matumba kung matumba sa pagkakaatras ko. Kaagad akong inalalayan ng lalaking kararating lang.

Mahigpit na humawak s'ya sa braso at likuran ko. Pigil ang hininga ko nang itayo n'ya ako ng maayos.

“Ayos ka lang?” tanong ng lalaki na mukhang kamag-anak nila Khalvin dahil sa buhok nito na blonde rin. Siguro akong hindi kapatid 'to ni Khalvin.

Tumango ako at pinahid ang mga luha ko. Tahimik na pala akong umiiyak dahil sa takot ko. Nakita ko na naman kasi ang mabangis na kabilang personalidad ni Khalvin. Akala ko hindi ko na ito makikita pa ngunit nangyari na nga ngayon.

Nag-alala na hinawakan n'ya ang balikat ko. “Hatid na kita sa sala, miss. Mukhang hindi ka—”

“Anong ginagawa mo, huh?!”

Nagulat lamang ako nang biglang tumungo sa amin si Khalvin at tinulak ang dibdib ng lalaking nakahawak sa akin kanina. Kinuwelyuhan n'ya ito at nanliliksik na tinignan da mga mata.

“Calm down, insan—”

“H'wag mo s'yang hahawakan! Naiintindihan mo ba, huh?! Baka gusto kong magaya sa lalaking iyan!” sigaw ni Khalvin sa pagmumukha ng pinsan n'ya.

Sobra-sobra na si Khalvin. Para akong aatakihin sa sunod-sunod n'yang pagsigaw ngayon. Gumawa s'ya ng gulo at tinulak pa ang kan'yang pinsan na walang ginagawang masama.

Hindi na ako nakapagpigil pa. Tinulak ko si Khalvin ng makakaya ko ngunit isang hakbang lamang itong napaatras dahil sa lakas n'ya. Ang nanliliksik n'yang mga mata ay napunta sa akin.

“Anong ginagawa mo, Yannie, huh?!”

“Ikaw dapat ang tanungin ko! Anong katarantaduhan ang ginagawa mo ngayon, huh?!” sigaw ko pabalik sa kan'ya na ikinatagis ng bagang n'ya.

“Yannie, do'n ka muna.” Nilapitan ako ni Zahiro at seryosong tinignan kaming dalawa ni Khalvin. Hindi na rin maganda ang timpla n'ya.

Umiling ako rito. “Hindi. Sobra na ang pinaggagawa ni Khalvin, eh!” nanginginig ang labi kong bulalas.

Napasinghal si Khalvin at tinuro ang pinsan n'ya. “Kinakampihan mo s'ya? May gusto ka ba sa kan'ya?!”

“Anong pinagsasabi mo d'yan, huh?! Ikaw ang tumulak sa kan'ya tapos iisipin mo na suportado ako sa mga maling gawain mo?”

Napabuga s'ya nang marahas na hininga at hinawakan ako sa braso. “Let's get out of her—”

“Hindi! Dito ka lang at ako ang aalis! Hindi na kita maintindihan sa totoo lang, Khalvin.” Binaklas ko ang kamay n'ya sa akin. “Gan'yan ka palagi. Nang-aaway kahit wala namang kasalanan ang isang tao. Ano? Uhaw ka na ba sa rambulan, huh? Dahil ba hindi na kita pinayagan na pumunta sa bahay na iyon?”

Umiling-iling s'ya at malambing akong niyakap. “Sige ako na ang mali. Please, h'wag ka nang magalit, oh. Gagawin ko ang gusto, kaya please lang. Pakinggan mo naman ako at h'wag kang magalit kaagad.”

Hindi, dapat lang na matuto s'ya sa kan'yang pagkakamali. Kung agad ko s'yang papatawarin ay baka masanay s'ya na pinagbibigyan ko s'ya. Ayaw kong isipin n'ya na tama pa rin s'ya at wala lang ang makikipag-away.

He's a psychology student, kaya dapat alam n'ya ang tama at mali. Alam n'ya kung anong magiging resulta sa maling desisyon at makakabuti sa isang tao. Mukhang hindi n'ya iyon ina-apply sa kan'yang sarili at may sarili n'yang pananaw.

Kumawala ako sa yakap n'ya at umatras ng hakbang. Umiling-iling naman s'ya at pilit akong hinahabol ngunit mismo si Zahiro na ang pumigil sa kan'ya.

“H'wag mo akong pigilan, Zahiro,” matigas n'yang sabi habang nakatitig sa akin, parang mawawala ako kapag pumikit s'ya.

“Mas lalo s'yang magagalit sa 'yo kung ipipilit mo s'ya. Hayaan mo muna s'ya,” ani Zahiro, sinenyasan n'ya akong tumuloy na sa aking gustong gawin.

Napayuko ako para pahingahin ang aking ginhawa. “I'm so disappointed, Khal. Akala ko tuluyan na kitang napatino. You know that I'm trying my best for you not to do anything bad. Hindi ako ang makakapagpatino sa 'yo, Khal, kundi sarili mo.”

“Yannie, babe,” pagmamakaawa n'yang tawag at sinubukan ulit akong lapitan.

“H'wag kang lalapit.” Umiling-iling ako rito. Nakita n'ya ang luha ko sa mga mata, mukhang na-guilty naman s'ya. Gusto n'ya akong patahanin ngunit ako 'yong ayaw.

“I'll just take you home, babe. I'll give you time, okay? I'm sorry, I will explain to you tomorrow,” mahina n'yang pakiusap, pinapahina ang boses para humupa na ang galit at takot ko sa kan'ya.

Alam n'ya kung ano ang nararamdaman ko ngayon at sana naman ay ayusin n'ya ang gulo n'ya. Tumakbo tuloy ang lalaking taga-bantay nila at ang pinsan naman nila ay umalis na rin para makaiwas sa gulo.

The more na gagawin n'ya ito ay mas lalo akong babalik sa kan'ya. Hangga't kaya ko pa ay susubukan kong lumayo kahit saglit lang. Gusto ko s'yang makausap nang masinsinan, 'yong mahinahon kami pareho.

“Sabay na kami ni Yannie.” Sumulpot si Babykel sa tabi ko, nag-aalala rin para sa akin. “Aalis na lang muna kami.”

“Our date, baby,” usal ni Zahiro na ikinatingin namin sa kan'ya.

Bigla naman nahiya si Babykel at hinampas nang mahina ang boyfriend n'ya na mukhang nanghihingi ng atensyon.

“M-May bukas pa naman, Amo. Sunduin mo lang ako bukas.”

Tumango-tango si Zahiro at malapad na itong nakangiti. Inakbayan n'ya si Khalvin, hanggang ngayon nakatingin pa rin ito sa akin.

Galit talaga ako pero minsan hindi ko na namamalayan na nagiging marupok na ako. Kakasabi ko nga lang na dapat pinaparamdam ko ang pagmamahal sa kan'ya. Nanghihingi pa rin s'ya ng atensyon ko.

Hindi ko pinayagan na sumunod at hatidin ako ni Khalvin. Si Babykel ang kasama ko sa pag-uwi. Hindi ko na s'ya na ayang tumuloy sa bahay dahil nagmamadali rin s'ya.

Tanggap ko naman talaga na minsan may ugali si Khalvin na masakit na magsalita o barumbado. Ngunit hindi ko lang matanggap ay 'yong sasaktan n'ya ang isang tao na walang dahilan. Maiintindihan ko sana kung may ginawang masama ang tao sa kan'ya.

Noon pa man pumapatol s'ya kahit kanino, kahit sa babae nga. Para sa kanya kaligayahan na makitang umiiyak at nagagalit ang isang tao sa kan'ya. Nagbago naman s'ya... Kahit papaano.

Nakakainis lang na kaya ko s'yang patawarin ngunit paulit-ulit naman n'yang ginagawa ito. Nagmaang-maangan lang ako ngunit alam kong nakikipagrambulan pa rin s'ya gaya ng kagawian n'ya. Akala ko paunti-unti n'yang aalisin iyon sa kan'yang pagkatao ngunit mukhang nagkamali ako.

Hindi ako masyado nakatulog no'ng gabing iyon. Bukod sa problemado ako kung papaano ko kakausapin si Khalvin para magkaayos na kami at ayusin ang gulo n'ya, hanggang sa pagsikat ng araw hindi umuwi si Zannie.

Sa una akala ko na-late lang s'ya ngunit umaga na at wala pa rin s'ya. Natatakot ako na baka malaman ni Ama at Inay na hindi s'ya nakauwi.. Ito na nga ang pinakatatakutan ko.

“Hindi pa rin lumalabas sa kwarto ang kapatid mo?” tanong ni Ama nang madatnan ako sa hapag-kainan.

Napakagat ako sa sariling labi at umiwas ng tingin dito. Ayaw kong salubungin ang mga mata n'ya at baka malaman n'yang nagsisinungaling ako. Inabala ko ang aking sarili sa kinakain ko.

“Kanina po lumabas s'ya. Hindi ko alam kung saan s'ya pumunta nga lang.”

Umupo si Ama sa aking harapan. “Unang beses itong nangyari sa atin. Nakalimutan na yata ng kapatid mo na dapat sa umagahan ay sabay-sabay dapat tayong kakain. Tawagin mo nga s'ya na bumalik dito.”

Natigilan ako at agad napatingin sa kan'ya. Napatikom ang bibig ko nang makitang nakaabang si Ama sa aking gagawin. Tumango ako rito ng dahan-dahan at nilabas ang aking cellphone.

Hindi ko matatakasan sa puntong ito si Ama. Ito nga ang problema ko ngayon. Hindi ko matawagan si Zannie, kagabi pa nga naka-off cellphone n'ya. May ideya akong nasa bahay s'ya ng kan'yang boyfriend ngayon ngunit ayaw ko naman sabihin iyon kay Ama. Wala pa s'yang alam sa mga nakarelasyon namin.

“H-Hindi s'ya makontak po,” ani ko, nagsalubong ang kilay n'ya at nilabas ang cellphone. Tinawagan siguro si Zannie.

“Nakaraan ganito rin ginawa n'ya. Saan ba pumupunta ito at palaging may lakaran? Kaunti lang din kaibigan n'ya sa pagkakaalam ko,” bulalas ni Ama na mas lalong ikinakaba ko.

“Baka dahil sa school works, Ama. Hintayin na lang natin si Zannie.”

Ang pinakatatakutan kong mangyari ay baka hindi makauwi si Zannie o makaabot man lang. Wala na akong maisip na dahilan para lang pagtakpan s'ya. Mismo si Ama ay mukhang nagdadalawang isip na paniwalaan ako. Kilala n'ya ako at natatakot ako na mabuko kami.

Nanatili ako sa bahay at hindi lumabas. Hinintay ko si Zannie hanggang sa umabot ng gabi. Napabalikwas tuloy ako sa kama at balak na s'yang hanapin kahit wala akong ideya kung saan ang bahay ng boyfriend n'ya.

Umalis ako sa aking kwarto at handa na sanang lumiko sa back door ng kusina nang bigla akong nakarinig ng pagkabasag ng bagay. Agad akong napatakpo papunta ro'n.

“Paano mo nagawa sa ating pamilya ito, Zannie, huh?! Anong kahihiyan na naman ito?!” sigaw bigla ni Ama nang madatnan sila.

Agad akong nakita ni Zannie kaya mabilis itong tumakbo sa akin na puno ng luha ang mukha. Humagulgol ito nang hagkan ko s'ya. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin kay Ama na nanliliksik ang mga mata.

“Kailan pa ito, Zannie? Akala ko ba wala lang nobyo, huh?” Dinuro-duro n'ya si Zannie. “Talagang ilang taon ang tanda ng lalaking kasintahan mo.”

“A-Ama—”

“At ngayon ko pa lang nalaman na do'n ka minsan pumupunta! Sabihin mo nga sa akin babae kung totoo ang sinasabi ng lalaking iyon.”


Nilapitan n'ya kaming dalawa kaya mas lalo kong niyakap si Zannie na mas malakas na ngayon humagulgol. Natameme ako sa sunod n'yang sinabi. Tila huminto bigla ang paghinga ko, pinipiga ang dibdib kong sinilip ang mukha ni Zannie.

“Buntis ka ba? Magsabi ka ng totoo babae!”

Salitang nagpahinto ng mundo ko. Para akong binagsakan ng hollow blocks sa ulo. Ano ba dapat maramdaman ko? Magagalit ba o maaawa para kay Zannie? Sa mukha n'ya ngayon ay mukhang totoo nga ang sinabi ni Ama.


Dalaga na si Zannie ngunit hindi pa s'ya tapos sa pag-aaral. Sinubukan ko s'yang pigilan sa kan'yang plano na lumayo ngunit hindi ko inaasahan na ito pala ang ibig n'yang sabihin na paraan para hindi sila maghiwalay ng kan'yang nobyo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro