CHAPTER 26
CHAPTER 26
Gusto akong ipakilala ni Khalvin sa kan'yang pamilya kaya balak n'yang dalhin ako sa bahay nila. Ngayon ko lang din nalaman na nags-stay pala sa apartment si Khalvin dahil malayo ang bahay nila sa university. Hindi pa nga ako nakapunta ro'n.
Bigla akong kinabahan nang makaharap ko na ang Mama ni Khalvin. Alam kong mabait s'yang klaseng Ina ngunit hindi ko maiwasan na mag-isip na baka ayawan n'ya ako para sa kan'yang anak.
Half Italian and half Filipino pala ang Ina ni Khalvin, gano'n din ang Ama n'ya, sabi n'ya sa akin. Kaya pala sobrang ganda ng kan'yang Ina. Bakit kaya wala ang Ama n'ya?
Bigla akong nahiya nang hawakan ng Mama ni Khalvin ang aking kamay at saka ako niyakap saglit.
“Kay gandang babae,” nakangiting sabi ng Mama ni Khalvin at nanunuksong tinignan ang kan'yang anak na nasa likuran ko lamang. “Mga binata na talaga ang anak ko, may mga nobya na, bukod sa aking bunsong anak na si Airo. Mukhang walang plano iyon sa pagkakaroon ng nobya.”
Kilala ko nga si Airo, kasama na si Zahiro. Sabi ng mga estudyante walang hilig ang mga Caddel sa pagkakaroon ng babae o nobya, mas lalo na 'yong bunsong si Airo. Medyo hindi lang ako makapaniwala na sa kaguwapuhan nila na madalas habulan ng babae ay wala silang hilig sa babae.
Kung iba 'yan baka ginamit na nila ang kaguwapuhan nila para magkaroon ng maraming babae.
Totoo kayang walang babaeng dumaan kay Khalvin? Nakaraan pa bumabagabag ito sa aking isipan matapos ang nangyari sa amin. Magaling s'ya mang-akit at isa na ako sa biktima. Kaya minsan napapaisip ako kung nagsisi ba ako.
“M-Maganda rin po kayo, Madam,” nahihiyang sabi ko at tumabi kay Khalvin.
Agad naman akong hinapit ni Khalvin sa beywang at hinalikan ang noo ko sa harapan ng Mama n'ya. Pasimple ko s'yang kinurot sa tagiliran at wala naman s'yang paki kung tadtad ng kurot ang tagiliran n'ya sa ginagawa ko.
Tumawa ang Ginang, mukhang nagustuhan naman n'ya ang sinabi ko. Totoo naman kasing maganda s'ya. Kaya na-speechless ako bukod sa suplada n'yang aura.
“Honest din ang girlfriend ng panganay ko. O s'ya sige na mga anak, kumain na kayo sa kusina at susunod ako.” Tinapik n'ya balikat ko. “Welcome ka palagi rito anak, ah?”
Nakangiting tumango ako. Sarap sa taenga na matawag na anak galing sa Ina ng mahal mong lalaki.
“Nando'n si Zahiro, Ma?” tanong ni Khalvin bago pa man makaalis ang ginang.
“Nando'n na, kasama nga ang girlfriend n'ya. Si Airo 'di ko alam kung nasa'n. 'Yong batang iyon mahilig magsekreto.”
Nandito nga si Babykel. Hindi man lang ako sinabihan na sila na pala ni Zahiro.
“Okay, Ma.”
Tinignan ako bigla ni Khalvin nang umalis na ang kan'yang Ina. Napataas ang kilay ko nang makitang nakangisi na s'ya ngayon sa akin.
“You heard it, right?”
“Ang alin?” taka kong tanong.
“Na may girlfriend na si Zahiro. Akala mo nakalimutan kong may paghanga ka sa lalaking iyon, ah,” maangas n'yang turan na ikinasimangot ko.
“Parang gag*. Masaya ka na n'yan?” taas kilay kong tanong na ikinatango n'ya.
“Of course I'm happy. Hindi ka na maaaring magkagusto sa kan'ya dahil may girlfriend na s'ya. Para ka talaga sa akin, babe,” nagmamayabang n'yang sambit.
“Buti mahal kita, kung hindi baka sinapak na kita,” asik ko na mas lalo n'yang ikinangisi.
“Mahal ka rin ni Khalvin,” sabi n'ya lamang bago ako hinila, nagpahila naman ako.
Hindi naman ako nagkamali nang makita si Babykel na nakayakap ngayon sa likuran ni Zahiro. Nagluluto pala si Zahiro at mukhang nagtatampo dahil sa nakabusangot n'yang mukha. Mukhang sinusuyo rin ni Babykel ito.
Bigla akong pinahinto ni Khalvin sa gilid ng kusina at sinenyasan akong tumahimik. Nagtataka ko s'yang tinignan.
“H'wag nating istorbuhin. Mukhang nag-e-emote ang gag*.” Mahinang humalakhak s'ya na ikinataas ng kilay ko.
“May kalokohan kang iniisip 'no?” nagdududa kong tanong sa kan'ya na ikinailing n'ya. Malaki ang kan'yang ngiti na pinatalikod ako mula sa kanya at niyakap lamang ako bigla mula sa aking likuran.
“H-Hey—”
“Shh, I want to hugged you just like this. D*mn, you're mine for real, huh?” Pinaghahalikan n'ya ang batok ko na ikinatawa ko. “I love you, babe.”
“Gag*.”
“Nag-express ako ng nararamdaman ko, babe, tapos ito ang isusukli mo? Anong klase —”
“I love you rin, babe,” agap kong sambit bago pa man s'ya makapagsalita.
Napalakas ang tawa ko nang pisilin n'ya ako ng yakap. Pulang-pula ang leeg at malapad ang ngiti n'ya nang silipin ko. Umiiwas s'ya sa tuwing hinahabol ko ang mga mata n'ya.
“Hey!” Hampas ko rito.
“Stop it, babe. I'm already turned on so don't test my patient here,” babala n'ya na ikinanganga ko.
“Bastos!”
“Kaya nga h'wag mo akong akitin dahil talagang mamaga ang bibig at pikikay mo sa akin,” nangangasar n'yang sambit na talagang tutuhanin n'ya kapag inasar ko pa s'ya.
Naudlot ang ginagawa namin nang makitang nakatingin na sa amin sila Babykel. Gulat na bumitaw si Babykel sa pagkakayakap nang makita ako. Si Zahiro naman ay inis na lumingon kay Babykel dahil siguro hindi na ito nakayakap sa kan'ya. Ganito pala mainis si Zahiro.
Tinakpan ni Khalvin ang mga mata ko bigla tapos aalisin din. Taka ko s'yang tinignan. Bumaba ang mukha n'ya at bigla na lang bumulong sa taenga ko.
“H'wag masyadong tumitig sa kan'ya. Nagseselos ako at kapag nangyari iyon... Tapos ka sa akin.”
Naiilang si Babykel dahil sa yakap ni Zahiro na mukhang walang balak na humiwalay. 'Di ko nga lang pinapansin at baka hindi kayanin ni Babykel ang ilang na nararamdaman n'ya.
Nasa harapan kami ng hapag-kainan, kaharap lang namin sila Zahiro at Babykel. Paunti-unti ang subo ang ginagawa ni Babykel habang nakatutok at nakayakap sa kan'ya si Zahiro.
Napangiti na lamang ako nang palihim. Masaya ako na unti-unting naka-move on na si Babykel sa dati n'yang boyfriend. Hindi n'ya deserve na lokohin. Alam kong hindi gagawin ni Zahiro ang ginawa ng kan'yang ex.
Kaya siguro medyo nahihiya si Babykel sa akin dahil alam n'yang sobrang fan ako ni Zahiro. Nilinaw ko naman sa kan'ya na wala lang iyon at humahanga lang ako sa mga kanta n'ya.
Tinignan ko ang aking pinggan at nakitang nilagyan ako ng kanin at ulam ni Khalvin, napanganga na lang ako sa dami ng kanin. Binalingan ko si Khalvin. May ka-text s'ya sa kan'yang cellphone habang sinasalinan ako ng juice.
Gusto kong silipin ang cellphone n'ya dahil sa kuryuso ngunit pinigilan ko lamang ang aking sarili. Napabuntong hininga ako at nagsimula na akong kumain kahit ang dami ng pagkain.
“Oh.”Biglang nilahad sa akin ni Khalvin ang kan'yang cellphone kaya napatingin ulit ako sa kan'ya.
Tinignan ko lamang ang kan'yang cellphone. “Anong gagawin ko d'yan?”
Sinuklay n'ya ang kan'yang buhok gamit ang mga daliri n'ya. Sinuot n'ya ang braso at kamay sa aking likuran, hinapit n'ya ang aking beywang papalapit sa kan'yang upuan. Pati upuan ko'y napausog din papalapit sa kan'ya.
“Narinig ko sa ibang magkarelasyon na pinapahiram ng lalaki ang kanilang cellphone sa kanilang girlfriend... I want to try it too.”
S'ya na mismo ang naglagay ng cellphone n'ya sa aking palad. Binuksan ko ang kan'yang cellphone. Parang may kung anong humaplos sa puso ko nang makita ang aming litrato na nakuha sa bahay ni Jarian.
Nakahiga kami sa kama at ang mga buhok namin ay magkadikit. His hair is not that curly habang 'yong akin ay makulot na talaga. Hanggang ibabaw ng dibdib lang ang pagkakakuha ng litrato. Nakangiti ako ng tipid habang s'ya'y nakataas ang kilay at nakangisi.
Binalingan ko ulit si Khalvin kung nakatingin ba ito sa akin. Nilalaro n'ya lang ang buhok ko at ikukumpara sa kan'ya. Hindi pa s'ya kumakain.
Nang makitang hindi naman n'ya tinitignan kung ano ang ginagawa ko sa cellphone n'ya ay kinalikot ko ang mga messages n'ya. Mabilis ang pag-scroll ko at wala talaga akong nakitang may ka-text s'yang babae bukod sa akin.
Sunod kong binuksan ang facebook n'ya. Madalang lang s'yang mag-post, mas marami ang mga memes sa timeline n'ya kaysa sa pictures. Kapatid lang naman n'ya at kan'yang Ina ang nasa picture n'ya.
Binalik ko na ang cellphone n'ya sa kan'ya, kinuha naman n'ya ito. “Tapos ka na?”
Tumango ako. “Kumain na tayo.”
Tinuro n'ya ang kan'yang bibig kaya kinunutan ko s'ya ng noo.
“Feed me,” sabi n'ya na ikinangiwi ko.
“Gag* ka ba?”
“Hayst! Ba't sila nagsusubuan, huh? Alagaan mo naman boyfriend mo, babe,” reklamo n'ya at tinuro pa talaga sila Babykel na abala na rin sa kinakain nila.
Napabuntong hininga ako at pinagbigyan s'ya. Minsan kasi nakokonsensya naman ako na palagi ko s'yang sinasabihan na gag* at hindi ko masyadong pinapakita na mahal ko s'ya. Natatakot at nahihiya lang ako. Baka kasi asarin n'ya ako. Lulubog ang mukha ko kapag nangyari iyon.
Kabaliktaran kaming dalawa. Kung ako na hindi showy sa nararamdaman ko. S'ya naman ay mahahalata na sa gesture at sa paraan ng pag-aasikaso n'ya sa akin.
Minsan napapaisip ako kung deserve ko ba ang pagmamahal n'ya. I can't even tell to my father that we had a relationship. Habang s'ya pinakilala na n'ya ako sa Ina n'ya. Ako lang talaga ang may problema.
I tried to compose myself and tried to call him by our endearment.
“Babe.”
Agad s'yang napatingin sa akin nang marinig iyon. Gulat s'ya ngunit nakangiti naman. Mabilis na inubos n'ya ang kan'yang sinusubo at saka ako hinawakan sa kamay, hinaplos n'ya iyon.
“Bakit? Busog ka na? Mukhang inaantok ka na, ah,” sunod-sunod n'yang sambit na ikinailing ko.
“Punta ako ng rest room sana.”
“Samahan na kita.”
“Hindi na.” Agad ko s'yang pinabalik sa upuan nang tumayo s'ya. “Babalik din ako. Hintayin mo ako rito, alam ko naman kung saan ang rest room mo.”
Tumango-tango s'ya habang nakangisi. “Puntahan mo ang kwarto ko, may CR do'n. I know you're tired so... I'll stay here to stop myself,” bulong n'ya sa huling salita na ikinanindig ng balahibo ko.
Hinampas ko s'ya ng dalawang beses at mabilis na umalis do'n. Rinig ko ang tawa n'ya habang papaalis ako. Pulang-pula tuloy ang mukha ko. Pinaalala ba naman sa akin!
Pagkatapos kong mag-retouch at magbanyo ay sinuri ko muna ang kan'yang kwarto, black and red ang kulay. Napangiti ako nang makita ang solo picture naming dalawa sa study table n'ya. May picture din kaming magkasama.
May mahabang lamesa rin kung saan mga regalo ko sa kan'ya no'ng nag-celebrate kami ng monthsary namin. We're in relationship in more than four months already. Napapaisip tuloy ako kung hanggang kailan ang relasyon namin. Hanggang saan papatungo ito?
I am planning to tell our relationship to my father this week. Ayaw ko na itago s'ya sa pamilya ko. Pero kaya ko 'bang sabihin kapalit sa walang kasiguraduhan kung papayag ba si Ama?
Lumabas na ako sa kwarto ni Airo. Bigla kong nakasalubong ang isang lalaki na mukhang taga bantay sa bahay na ito dahil sa uniform n'ya. Lalampasan ko na sana s'ya nang makitang mabibilis na sumalubong sa akin si Khalvin.
Akala ko sa akin s'ya pupunta ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang nilampasan n'ya ako. Bigla n'yang sinuntok ang lalaki na nakasalubong ko.
“Khalvin!” Naalarma ako nang makitang dumudugo ang bibig at ilong ng lalaki sa bawat suntok ni Khalvin. Parang halimaw na pinagsusuntok n'ya ito kaya napaatras ako sa takot. Bigla akong nanginig.
“F*ck! Tama na, Khalvin!” biglang sigaw ni Zahiro mula sa malayo, mabibilis ang takbo n'ya at inawat si Khalvin. Ngunit ayaw magpaawat ni Khalvin.
“Don't f*cking try to stop me!” Marahas na hinawi ni Khalvin ang kamay ni Zahiro sa kan'yang braso at tinulak ang lalaking walang kalaban-laban sa sahig, napahiga ulit ito.
“T-Tama na po—”
“T*ngina kang hayop ka!” Sunod-sunod ang suntok n'ya na ikinaalarma ko. Natameme ako at hindi maigalaw ang katawan sa sobrang pangamba at taka ko. Bakit n'ya pinagsusuntok ang lalaki?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro