CHAPTER 21
CHAPTER 21
Malalim ang iniisip ko kaya 'di ko namalayan na tumigil ang kotse ni Nakko. Tinignan ko ang nakapalibot sa amin. Maraming puno ang nakapalibot sa amin ngunit ang isang malaking bahay ang umaagaw ng atensyon ko.
“Nand'yan si Khalvin. Sasamahan kita para makita mo s'ya, ” sabi ni Nakko na ikinalingon ko sa kan'ya.
“D-D'yan ngayon si Khalvin? Ano ang mayro'n sa bahay na iyan?” taka kong tanong na ikinabuntong hininga n'ya.
“D'yan pumupunta ang mga estudyanteng nagc-cutting. Minsan tumatagay, nagsusugal at nakikipagpustahan sa awayan. Marami ka pa talagang walang alam kay Khalvin,” iling-iling n'yang saad, lumabas s'ya ng kotse kaya gano'n din ako.
Mabilis ko s'yang pinigilan sa braso bago pa s'ya humakbang. “S-Sigurado ka bang nandito si Khalvin? Hindi tumatagay si Khalvin sa pagkakaalam ko. Nambubully s'ya pero hindi s'ya nanakit.”
“Iyan ang panlabas na anyo na nakilala mo sa kan'ya, Yannie. Paano ang panloob?” inis n'yang tanong, sinuklay n'ya ang buhok sa harapan. “Para mapatunayan ko sa 'yo na tama ako, kailangan mong makita s'ya ro'n at nang magising ka. Hindi normal ang pag-iisip ng lalaking iyon.”
Naunang naglakad si Nakko kaya wala sa sariling sumunod ako sa kan'ya. Parang ang bigat ng mga paa ko ihakbang ito papasok sa abandonadong bahay. Natatakot ako na baka tama si Nakko. Kilala ko si Nakko, hindi s'ya nagsisinungaling sa akin. Sino ang paniniwalaan ko kung sakali?
Nasa pintuan pa lamang ako ay rinig ko na ang nagsisigawang mga estudyante sa loob na parang may awayan na nagaganap. Mahigpit akong napahawak sa damit ni Nakko nang pumasok kami.
Madilim pa ang paningin ko. Ilang ulit kong binukas-sara ang mga mata hanggang sa nakaaninag na ako. Medyo madilim dito sa loob ngunit kitang-kita ko sa itaas ng ring ang dalawang taong nagpapaliparan ng suntok.
Napabuka ang bibig ko at nanginig bigla sa aking nakita. Ayaw kong tanggapin na ginagawa n'ya ito ngayon ngunit kitang-kita ng dalawang mga mata ko na si Khalvin ang isa sa nakikipagsuntukan sa lalaki.
Hindi ako maaaring magkamali, 'yong army jeans n'yang suot kanina ay gano'n din ngayon. Ibig bang sabihin... Ito ang emergency na sinasabi n'ya?
Naghiyawan ang mga estudyante, mas nangingibabaw ang mga lalaki na uhaw sa awayan. May mga babae rin dito na nakikipag-inuman. Mabibilis ang paghinga ko na tila sobra-sobra na sa mahina kong puso.
“That's the real him. 'Di n'ya lang magawang makipagsuntukan sa eskwelahan dahil inaalagaan n'ya rin ang kan'yang pangalan. Pero rito naman n'ya dinadala ang kaaway n'ya at papaulanan ng suntok,” sabi ni Nakko sa gilid ko.
Hindi ko s'ya sinagot at nakatingin pa rin kay Khalvin na agresibong hinagis ang kasing taas din n'yang lalaki sa sahig. Kitang-kita ko ang pawisan n'yang katawan sa pang-itaas na walang suot na damit. Medyo nakalaylay ang suot n'yang army jeans kaya bakat do'n ang v-line n'ya.
Nakatali ang kan'yang buhok paitaas, may mga hibla pa ng buhok sa pisngi at noo n'ya. Nadagdagan ang appeal n'ya dahil do'n. His gritting his teeth while sharply looking at the man who are now standing proud and smirking.
Napatakip ako sa bibig nang biglang sumuntok ang lalaki kay Khalvin. Sa pangatlong suntok nito ay natamaan ang mukha ni Khalvin. Napaatras s'ya at hinawakan ang kan'yang mukha. Mas lalo lamang nandilim ang mukha n'ya at sinipa ang lalaki sa tiyan kaya malakas ang pagkakabagsak nito.
Hindi ko kayang makitang ganito si Khalvin. Kahit takot at nanginginig ay nakipagsiksikan ako sa mga estudyanteng humaharang sa daanan. Tinawag pa ako ni Nakko ngunit hindi ko ito pinansin.
Takot ako sa mga lalaking nadadaanan ko ngunit nakatingin lamang ako kay Khalvin hanggang sa nakarating ako sa harapan ng ring.
“Delikado ka d'yan, Miss. Baka masuntok ka nila, ” concern na sabi ng lalaki at hinawakan ako sa braso para ilayo sa arena. Halos yakapin na n'ya ang braso ko dahil sa pamimilit ko.
“P-Pigilan n'yo sila, Kuya!” Nagpumilit ako na makalapit sa arena ngunit hindi n'ya ako hinayaan.
Nag-aalala ang mukha n'ya kahit mukha s'yang delikadong tao rin. “Seriously, miss. Mapapatay kami ni Khalvi—”
“Don't f*cking touch my girlfriend!” umalingawngaw sa buong arena ang sigaw ni Khalvin na ikinasinghap ko.
Mabangis na nagngitngit ang ngipin n'yang tumalon pababa ng arena at mabibilis na hakbang na nilapitan kami. Agad akong binitiwan ng lalaki at may sinasabi ito na parang nagmamakaawa.
Gulat ako nang muntik nang suntukin ni Khalvin ang lalaking humawak sa akin kung hindi lang ito inawat ng mga lalaki. Nagpumiglas si Khalvin at agad na lumayo na ang lalaki para 'di s'ya masuntok ni Khalvin.
“You son of a b*tch!”asik pa n'ya at sinipa ang mga humaharang sa kan'ya.
Mula sa pagkagulat ko ay kusa akong lumapit sa kan'ya kahit nanginginig ako takot sa kan'yang gawin. Pinigilan ko s'ya at niyakap ang pawisan n'yang katawan.
Napapikit ako nang hawakan n'ya ang aking braso. Akala ko itutulak n'ya ako. Nang mapagtanto na ako ang yumakap sa kan'ya ay hinayaan n'ya akong yumakap sa kan'ya nang mahigpit. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako sa kan'yang dibdib habang nagkakagulo na rito.
“You better calm down, bro. She's scared,” rinig kong sabi ng lalaki kay Khalvin, rinig ko pa ang marahas na pagbuga nang hininga ni Khalvin na tumatama sa aking ulo.
Napapikit ako nang mariin nang binuhat n'ya ako. Agad na pinulupot n'ya ang binti ko sa kan'yang beywang at niyakap ang katawan. Sumiksik ako sa kan'yang mabasang leeg at hindi pinansin ang pawisan n'yang katawan. Inamoy ko s'ya para pakalmahin ang nanginginig kong katawan.
“F*ck that *sshole! He even dare to touch my girl!” sigaw pa n'ya kaya kinurot ko ang balikat n'ya para tumigil ito sa kakamura. Hinalikan lamang n'ya ako sa sentido bilang ganti.
Sa tingin ko tumigil na ang awayan sa arena dahil rinig ko papalayong boses ng mga tao. Nagsimula nang maglakad si Khalvin bago kausapin ang kan'yang kakilala siguro, parang may inutos ito.
Hawak n'ya ang pang-upo ko at kinuha ang damit n'ya na kanina ay suot-suot n'ya. Hindi ko matignan ang kan'yang mukha dahil alam kong galit pa rin s'ya.
Hindi s'ya nagsasalita kaya mas lalo lamang nadagdagan ang pangamba ko. Nagalit ko ba s'ya dahil pumunta ako rito? Dapat ako nga magalit, eh!
Mahigpit ko s'yang niyakap sa leeg nang pumasok kami sa silid na mukhang tambayan lang dahil maraming sofa rito.
Pagkasara n'ya ng pinto ay halos mahigit ko ang aking hininga nang isinandig n'ya ako sa saradong pinto habang buhat-buhat ako. Mabibilis ang paghingal n'ya sa leeg ko. Napapikit ako.
“How did you get here?” marahas n'yang tanong at sinilip ang mukha ko, hindi pa rin ako tumingin at yumuko. “Kung hindi kita nakita ay baka kung anong gawin ng lalaking iyon sa 'yo. Babaliin ko talaga kamay n'ya sa paghawa—”
“P-Pinapaalis n'ya lang ako kanina kaya h'wag kang magalit sa kan'ya, ” mabilis kong sabat at tinago ulit ang mukha sa kan'yang dibdib.
“Ngayon pinagtatanggol mo na s'ya? T*ngina n'ya, eh.” Mas isinandal n'ya ako sa pinto gamit ang katawan n'yang nakaipit sa akin. Kinuha n'ya ang braso ko at magaan na pinunasan ng kan'yang damit. Binubura ang paghawak sa akin kanina ng lalaki. “Hinawakan ka pa! If I saw that f*cking—”
“Tama na sa kakamura mo!”
Kinurot ko ulit s'ya sa beywang ngunit mabilis n'yang kinuha ang kamay ko at nilagay sa uluhan ko. Napaangat tuloy ako ng tingin sa kan'ya. Umatras ang dila ko nang makita ang mabangis n'yang mukha na tila papatay ng tao.
Napakagat ako sa sariling labi. “Tama na, please. T-Takot na ako sa 'yo.” Pilit kong inaalis ang kamay kong nasa uluhan ngunit di n'ya ako hinayaan.
Napabuga s'ya nang hininga at nanlambot. Noyakap ako ay tumugon naman ako, umiyak nang tahimik sa kan'yang leeg.
“I'm sorry, babe. Please, don't be scared. Si Khalvin lang ito, hmm? You shouldn't be afraid 'cause I'm your boyfriend. ”
Malambing n'yang hinalikan ang pisngi ko bago pinagdikit ang aming noo. His mesmerizing eyes are looking at me. Sa kabila ng kabagsikan sa kan'yang mga mata ay hindi ko maiwasang maakit dito. He tilted his head before he claimed my lips.
Napasabunot ako sa buhok n'yang nakabuhaguag na dahil sa gawa kong paghawak nang mahigpit. Napaungol ako sa kan'yang bibig nang sipsipin n'ya ang dila ko sa loob. Humiwalay s'ya sa halik at saka ibabalik din matapos silipin ang mukha ko.
Napabuka ang bibig ko at kinuha ulit n'ya ang pagkakataon na iyon para makapasok. Napadaing s'ya na parang may hinahanap sa halik ko. Naging mapaghanap ang halik n'ya hanggang sa tumigil na s'ya. He buried his face into my neck. He slightly bite it at nagpakalma ng sarili.
“Don't leave me yet, please, babe. Let me explain first,” mahina n'yang bulong habang sa leeg ang mukha n'ya. “How did you find me here anyway? Hinanap talaga ako ni Yannie. Pa-kiss nga sa labi.”
Binigyan ko s'ya nang isang halik at saka ulit yumakap sa leeg n'ya. Kung ano-ano pa ang binubulong n'ya para lambingin ako, pinamulahan ako ng muka.
“I miss my girlfriend already.” He kissed my nose like he always do. Hinaplos din ang buhok kong makulot na nakabuhaghag. “You're mine, right? Akin naman talaga si Yannie.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro