Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20

CHAPTER 20


Ganito pala ang feeling na ma-inspire ng taong mahal mo. Na-m-motive kang ipagpatuloy ang gusto mong gawin, lalo na ang pagtatapos ng pag-aaral. Ano kaya ang pakiramdam kapag hindi maganda ang relasyon namin ni Khal?

I've been thinking this everyday. Nap-praning ako na baka isang araw tuluyan nang malaman ni Ama ang tinatago ko. Masisira kaya ang pag-aaral ko kapag nangyari iyon?

Hindi p'wede, kailangan kong patunayan kay Ama na hindi hadlang ang pagkakaroon ng relasyon habang nag-aaral.

Medyo panatag naman ako na hindi malalaman ni Ama ang tungkol sa amin ni Khalvin dahil kadalasan sa ibang lugar pumupunta para magtarbaho.

Tama nga si Zannie, ang hirap na itago ang taong gusto mong ipagsigawan sa mundo na s'ya'y para sa akin at ako'y para sa kan'ya.

Ayos lang naman daw kay Khalvin na wala masyadong may alam sa relasyon namin.  Hindi naman sa kinakahiya n'ya ako, ngunit dahil ayaw n'yang may mangialam sa relasyon namin lalo na mga estudyante. Ayaw n'yang makaagaw ng atensyon dahil sa nasa relasyon kaming dalawa.

“Panganay na pala s'ya sa pamilyang Caddel,” bulong sa akin ni Inay. Sinisilipan pa si Khalvin na nasa counter, s'ya kasi nagpresenta na mag-order.

Tumango ako kay Inay. “Opo, nay. Isa s'ya sa nag-bully sa akin noon.”

'Di makapaniwalang binalingan ako ni Inay, pasalit-salit ang tingin n'ya sa amin ni Khalvin.

“Totoo? Mukha namang mabait ang batang 'to. Baka naman nagpapansin lang, anak. Alam mo naman mga lalaki, kapag may nagustuhang babae, eh, inaasar nila.”

Napahagikgik na lamang kaming dalawa ni Inay hanggang sa umupo sa aking tabi si Khalvin dala angaliit na cake at chocolate coffee, s'ya nag-ayos no'n.

Pasimpleng pinulupot n'ya ang braso sa aking beywang ko na parang pinapakitang pagmamay-ari n'ya ako. Nasa harapan ko si Inay kaya kita n'ya ang ginawa ni Khalvin, ngiting-ngiti lamang ito.

“Mahigit tatlong buwan na po kami ni Yannie, Tita. Gusto ko sanang malaman kung ayos lang sa inyo na nasa relasyon po kami,” dire-diretsong sabi ni Khalvin at taas-noong nakatingin kay Inay na may determinado.

Akala ko talaga matatakot s'ya. Mukhang ginagamit n'ya ang kapangyarihan n'ya ngayon para mapapayag si Inay. Galing din nito.

“Matapang.” Napatango-tango si Inay at ngitian kaming dalawa. “Basta masaya ang anak ko sa iyo, hijo, at hindi mo s'ya sasaktan. Dalaga ko pa naman iyan.”

Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Inay. Alam kong papayagan n'ya ako dahil basi sa sinabi n'ya nakaraan ay wala s'yang problema sa relasyon namin ni Khal.

“Gagawin ko po ang lahat para 'di s'ya masaktan. I'll do my best,” turan ni Khalvin.

“Dapat lang, hijo, alam mo naman ang ibig kong sabihin na hindi s'ya sasaktan, 'di ba? Never cheat on her and don't hurt her physically and emotionally. It's normal naman kung simpleng awayan lang ang inyo. Communication lang talaga ang kailangan n'yo palagi, ah?”

Tumango-tango si Khalvin. “Yes, Tita. I'll never do that to her.”

Matapos silang mag-usap ay iniwan muna kami ni Inay at importante ang pupuntahan n'ya ngayon. Naiwan kaming dalawa ni Khalvin na ilang minuto nang walang nagsasalita sa amin.

Kahit komportable na ako sa kan'ya ay hindi ko maiwasang ma-awkward kapag naiisip ko ang nangyari sa amin sa resort. Hindi naman ako nagsisi na ipinakita ko sa kan'ya ang sarili ko.

He made me happy that he also show his hidden self. We touched and kissed like couples do. Sa pamamagitan ng pag-halik n'ya sa noo at buhok ko no'n ay pinapahiwatig n'yang mahal n'ya ako at nire-respeto ako.

May ugali talaga s'yang bastos and that's the problem, and i'm working on it. Pero pagdating sa akin sobra ang respeto n'ya. He asked me permission first before we do it. Mukhang wala pa talaga akong alam sa kayang gawin ni Khalvin para sa akin.

Napabalik ako sa ulirat nang halikan n'ya ako sa pisngi. Napaangat ang tingin ko. Ito na naman ang nakakaakit n'yang mga mata na kinakabisado ang mukha ko. Kaunting detalye ay alam n'ya, hindi ko alam kung ano ang iniisip n'ya ngayon tuloy.

“What's bothering you?” tanong n'ya, tinapik n'ya ang kan'yang hita na parang pinapaupo ako ro'n.

Napatingin ako sa paligid saka s'ya tinignan. “May mga tao. Khal. Holding hands muna.”

Hinawakan ko ang libre n'yang kamay at dinala sa aking hita, hinaplos ko ito at ngitian s'ya. Ngumiti din s'ya sa akin at mabilis hinalikan ang ilong ko. Mas hinapit pa n'ya ako sa kan'yang katawan at mahigpit na hinawakan ang kamay kong nasa hita.

“Make yourself comfortable to me, babe. Normal sa couples na maghalikan at maghawakan.”

Tinutukoy n'ya ang tulad na nangyari sa'min sa beach. Pinamulahan tuloy ako ng pisngi at inabala ang sarili na uminom ng chocolate coffee. Ramdam ko ang tumatagos n'yang titig sa akin ngunit ayaw ko munang salubungin ngayon. Parang nanghihingi kasi ng halik at alam kong tutugon ako kapag ginawa ko.

“Okay ba sa 'yo na ipakilala kita sa pamilya ko?” tanong n'ya na ikinatingin ko na rito sa bigla.

Inaasahan ko na ito dahil one time nasabi n'yang ipapakila n'ya ako sa kanila. Ngunit ngayon ko lang napagtanto na baka ayawan ako ng magulang n'ya. Base sa mga chismosa sa palengke ay suplada raw ang Ina ni Khalvin, katakot tuloy.

“Mabait ba s'ya? ” tanong ko na ikinangisi n'ya.

“Oo naman. Do you think hindi maganda ugali ni Mama?”

“Hindi naman sa gano'n... Katakot lang,” bulalas ko at napapikit nang mga mata.

“Sinisigurado ko sa 'yo na mabait si Mama. Mukha lang s'yang suplada dahil sa kilay n'ya. But she's the most soft hearted mother I know, just like you.” Tinaas n'ya ang baba ko para magkaharap kaming dalawa. “You're afraid that she might not like you, right? Gusto ka na nga n'ya makita at tuwang-tuwa pa.”

Napangiti tuloy ako at nawala ang pangamba sa kan'yang Mama. May gano'n nga talagang tao. Akala mo suplada sa unang tingin ngunit once na makilala mo ito ay ro'n mo lang malalaman ang tunay na s'ya.

Nilapit n'ya ang mukha sa akin. Ilang pulgada na lamang ang layo ng mga labi namin. Tinatantiya n'ya kung tutol ba ako.

Nang makitang inaabangan ko s'ya ay mabilis n'yang ipinaglapat ang labi namin. Nakadikit lamang ang mga labi namin at pinapakiramdaman ang sarili. Saglit lang n'ya sinipsip ang ibabang labi ko bago pinakawalan.

“Ama mo na lang ang kulang. I feel relief now.” Napabuga s'ya nang hininga na parang kanina pa n'ya pinipigilan habang kausap kanina si Inay. “Thank you na pinakilala mo ako sa Inay mo, babe. Masaya ako na legal tayo sa Ina mo.”

“Gusto ko kasing kahit sa kan'ya hindi kita tinatago. Hindi ko gusto 'to pero ayaw kong magkaproblema tayo.”

Hindi n'ya alam ang tunay na dahilan kung bakit ayaw ko s'yang ipakilala muna sa aking Ama. Siguro iniisip n'ya na sobrang strict lang ni Ama. Hindi ko magawang sabihin sa kan'ya na pinagkakasundo ako ni Ama sa kan'yang kakilala. Hindi pa p'wede sa ngayon.

Lumabas na kami sa coffee shop matapos naming kumain. Magkahawak kamay kaming tumungo sa kan'yang kotse na nakaparada sa labas. Balak kasi naming maglibot-libot sa bayan.

Nakapasok na kami sa kotse n'ya nang biglang may tumawag sa kan'yang cellphone. Tinignan n'ya kung sino ang tumawag, napaangat ang tingin n'ya sa akin.

“I'll answer this first,” aniya na ikinatango ko, saglit pa n'ya ako tinitigan bago lumabas ng kotse para sagutin ang tawag n'ya.

Medyo na-dissapoint lang ako na lumabas s'ya para hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila ng katawagan n'ya. I shouldn't feel this pero hindi ko maiwasan. Ako kasi kapag may tumatawag sa akin hinahayaan ko s'yang makinig dahil gusto n'ya.

Napabuga ako nang hininga para mawala ang pagkakasikip ng dibdib ko. Siguro masyadong pribado iyon. Pero naisip ko na baka hindi n'ya ako pinagkakatiwalaan ngayon.

Pumasok na s'ya sa kotse, mukhang nagmamadali pa nga. Hinawakan n'ya ang kamay ko kaya nagtataka akong tinignan s'ya.

“P'wedeng sa ibang araw na lang tayo mag-date, babe? May emergency lang kasi.”

Gusto kong tanungin kung anong emergency iyon pero pinigilan ko na lang. Baka nga malala ang emergency na sinasabi n'ya.

“Sige puntahan mo na baka ano pang mangyari. Let's date tomorrow then, babe?” ani ko.

Huminga s'ya nang malalim bago tumango. Hinalikan pa n'ya ang sentido ko bago pinaandar ang kotse. Mukhang nagmamadali nga talaga s'ya at ayaw kong maging sagabal do'n.

Hinatid n'ya lang ako sa bahay bago umalis. Napatulala pa ako sa papalayo n'yang kotse. Walang kiss at wala s'yang sinabi, basta na lang pinaharurot ang kotse.

Naiyukom ko ang kamay ko at napatingala. Hindi dapat ako umiyak. Simpleng bagay pa lang ito at pinapalaki ko pa. Baka magulo ang utak n'ya dahil emergency nga. May dahilan naman s'ya. Right.

Bago pa man ako makapasok sa bahay ay may humawak na sa aking kamay. Si Nakko kaagad ang nabungaran ko pagkalingon ko.

“Let's talk, Yannie,” seryoso n'yang sabi na parang sobrang seryoso talaga ang pag-uusapan namin.

Tumango na lang ako. Bukod sa nagtataka ako ay hindi ko maiwasang masaktan sa ginawa kanina ni Khalvin. Pakiramdam ko kasi hinatid n'ya lang ako at wala na, yo'n lang.

Napili naming mag-usap sa veranda ng bahay namin. Walang tao dahil lahat sila may pinuntahan. Si Zannie malamang sa boyfriend n'ya ngayon.

Magkaharap kami ngayon at parehong nakaupo. Hindi na ako komportable sa seryosong titig sa akin ni Nakko kaya ako na ang bumasag ng katahimikan. Nagtataka lang ako na imbes na maging masaya s'ya na makita ako ay ito ang pinapakita n'ya sa akin. Hindi ako sanay.

“Mukhang seryoso ang pag-uusapan natin, ah,” nakangiti kong sabi kahit sa loob-loob ko ay nababahala ako sa kan'yang katahimikan.

Napayukom ang kamao n'ya sa lamesa kaya napatingin ako ro'n, binalik din sa kan'yang mga mata na parang may ikinagagalit s'ya.

“Galit ka ba sa akin?” tanong ko.

Imbes na sagutin ako ay tinanong n'ya ako. “Si Khalvin ba ang boyfriend mo? Kailan pa ito?”

Medyo nagulat ako sa kan'yang tanong. Hindi ko sinabi sa kan'ya tungkol kay Khalvin. Paano n'ya nalaman?

Napatahimik ako kaya sarkastikong tumawa s'ya. Bawat tawa n'ya ay may bahid na galit do'n at hindi s'ya makapaniwala.

“Paano nangyari iyon? Bakit s'ya pa? Alam mo ba kung anong ginawa sa akin ng lalaking iyon, Yannie? Tapos...” Napahilamos s'ya sa kan'yang mukha at nagngitngit ang ngipin na tinignan ako. “I already told you that he's dangerous man. Hindi mo s'ya kilala at mas lalong tutol ang Ama mo rito.”

Alam kong may something kay Khalvin na parang delikado s'yang tao. Pero hindi naman n'ya ako sinaktan o ano. Malambing at nagagawa n'yang patawanin ako.

Napabuga ako nang hininga at sumandig, para kasing napagod ang katawan ko sa problemang nasalo ko ngayon.

“Nagkakamali ka, Nakko. He's a good guy at alam kong tutol si Ama rito. Kaya nga pag-iisipan ko pa kung ano ang magiging plano ko sa aming dalawa.”

Napailing s'ya sa akin na parang hindi makapaniwala sa kan'yang narinig.

“Nawala lang ako rito tapos ito na ang madadatnan ko? Arogante at walang galang ang lalaking iyon. Masasabi mo pa bang mabuti s'yang tao kapag sinabi kong ilang beses na n'ya akong binangga ng kotse?”

Natigilan ako. May parte sa akin na hindi naniniwala pero kasi isang beses kong nakita na ginawa n'ya iyon.

“Hindi lang iyon ang nakita mo, Yannie. Maraming beses na n'yang ginawa sa akin iyon at hindi lang masabi ng iba dahil sa perang pinapalamon n'ya sa taong nakakita,” galit n'yang sabi at napasinghal. “I bet you don't know his rude side then. Gusto mo bang ipakita ko sa 'yo ang totoong s'ya?”

“N-Nakko,” nahihirapan kong tawag dito.

Hindi ko matanggap ang kan'yang sinabi sa akin. Hirap tanggapin kahit may ebidensya na nagawa na n'ya iyon. Kaya ba puro galos palagi noon si Nakko galing racing? Naalala kong hindi n'ya ako pinayagang pumunta. Wala s'yang sinabi noon sa akin na binangga s'ya ni Khalvin.

“Boyfriend ko s'ya, Nakko,” iyon na lang ang nasabi ko dahil sa pagkabigla. Mukhang mas nagalit ko lang si Nakko, marahas s'yang tumayo at nilapitan ako. Kinabahan naman ako sa paglapit n'ya.

“Nahulog ka nga talaga sa bitag n'ya. Hindi ako makapaniwala na sinagot mo kaagad s'ya gayong galit na galit ka sa kan'ya.” Hinawakan n'ya kamay ko at marahan akong pinatayo. “Hindi ko alam kung masasabi mo pa bang mabait ang lalaking iyon kapag pinakita ko sa 'yo ang tunay na s'ya. Sumama ka sa akin at ipapakita ko sa 'yo.”



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro