Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

CHAPTER 18


Kunwari nagising ako nang makarating na sa destinasyon namin. Nakalimutan ko saglit na kasama ko s'ya nang makita ang lugar na pinuntahan namin. Lumabas ako ng sasakyan.

“Babe,” tawag ni Khal mula sa loob ng kotse.

“Ang mahal dito, Khal,” sabi ko habang nakanganga ang bibig sa sobrang gulat at saya.

Dati patingin-tingin lang ako sa labas dahil bawal pumasok kapag hindi naman guest, ngayon nasa loob ako ng isa sa tourist spot sa San Jose. Nasa resort kami, na p'wedeng mag-stay sa hotel at sa beach house. May swimming pool din dito.

“Edi malaki ang ginastos mo rito? Entrance pa lang mahal na, eh,” sabi ko pa, nakangusong binalingan ko s'ya.

Tumawa s'ya sa mahinang boses at sinuklay ang nakabuhaghag n'yang buhok, sandali akong napatulala sa kulay ng buhok n'ya.

“Sa tingin mo gagastos ako ng malaki sa date natin? Pinakiusapan ko pinsan ko na ilibri tayo rito.” Pinahid n'ya ang ilong n'ya gamit ang likod ng kan'yang kamay. “Nag-iipon din ako 'no.”

Hinampas ko s'ya nang malakas ngunit mas lalo lamang s'yang nangangasar na tumawa. Kuripot pala ang italianong ito! Napahiya ako ro'n, ah.

“Gag* ka talaga. Sabi mo kanina ikaw gumastos lahat? Free lang pala ito, ah.” Mahina kong hinila ang kan'yang buhok na ikinaaray n'ya.

“Hey, nanakit ka na, ah. Mapanakit na instik.” Hinuli n'ya kamay ko at pinulupot sa kan'yang beywang, yakap-yakap ko tuloy s'ya, nag-vibrate ang tawa n'ya. “Totoong ako ang gumastos dito, I was just kidding. Mahal ka ni Khalvin kaya dapat lamang na mamahaling lugar ang ibigay ko sa 'yo, hmm?”

Sinubsob ko ang mukha ko sa kan'yang dibdib at niyakap s'ya sa kahihiyan. Marami kasing nakatingin sa amin at malakas pa ang boses namin. At saka kung ano-ano na ang sinasabi ni Khalvin na nagbibigay buhay sa natutulog kong puso.

“Khalvin naman, eh.”

“Oo na, oo na. Mamaya mo na ako i-kiss kapag wala nang tao. Mahal din kita. ”

“Wala pa nga akong sinasabi, ah.”

Napangiwi ako sa kan'yang pinagsasabi. Sinilip ko ang kan'yang mukha, nakatingala sa kan'ya. Napako ako ang mga mata ko sa malumanay at malambing n'yang mga mata habang inaayos n'ya ang buhok ko. Sumasayaw ang mga buhok namin sa paghawi ng hangin.

Kapag tinititigan ko ang kan'yang mga mata ngayon ay parang dinadala ako sa mapayapang lugar. Nakakagaan ng loob habang nakatitig sa kan'yang mga mata.

Napakurap s'ya na parang natauhan sa aming posisyon. Ngumiti ulit s'ya na parang inosente at sinuklay ang buhok ko gamit ang kan'yang daliri.

“May tent ako malapit sa beach, lakad muna tayo?” yaya n'ya na ikinangiti ko lamang.

Magkahawak kamay kaming dalawa habang naglalakad sa tabi ng dagat. Madilim na at sa tingin ko'y ala-sais na rin. Medyo malayo ito sa tinitirhan namin kaya kanina kaagad nagpaalam ako sa magulang ko na baka bukas na ako makauwi o madaling araw.

“Magkano pala ang ginastos mo rito?” tanong ko, nakaabang ako sa kan'yang sagot habang nakatitig sa kan'ya.

Napalingon s'ya sa akin, saglit natigilan. “Ano...” Napakamot s'ya sa batok.

“Magkano?” ulit ko na ikinaiwas n'ya ng tingin sa akin.

“Hindi naman gano'n kamahal, babe. H'wag mo na tanungin, okay?”

Huminto kami sa paglalakad. Mabilis n'yang niyakap ako at sinubsob ang mukha sa aking leeg. May kung ano pa itong binubulong.

“Seriously, Khal. Tinatakot mo ako na baka malaki ang nilabas mong pera.” Bahagya kong tinulak ang kan'yang balikat kaya kita ko ang pag-iwas ng tingin n'ya. “Sabi mo nga kanina mahal ang bayad. Magkano nga?”

“It doesn't matter, babe. Ang importante ay mahal natin ang isa't isa.” Hinuli n'ya ulit ako at niyakap nang mahigpit. Ayaw n'yang nakikita ko sa mga mata n'ya na mahal nga talaga ang bayad.

“Mahal mo puwet mo. 'Di mo sasabihin? Aalis ako.”

“Ten thousands. ”

Naningkit ang mga mata ko at hinampas ang likuran n'ya habang yakap ko s'ya.

“Sinungaling! Five thousands ang entrance sa kada isang tao. Sasabihin mo ba ang totoo? 'Di na talaga ako maniniwala sa 'yo sa susunod. ”

Pasinghal na bumuga s'ya nang hininga. Humiwalay s'ya sa yakap at nakasimangot na tinignan ako.

“Fifty thousands lang naman, babe. Come on, pupunta na tayo sa tent natin ” Hinila n'ya kamay ko ngunit nagpumiglas ako. Tatlong beses ko s'yang hinampas sa tiyan na ikinareklamo n'ya.

“Nila-lang mo iyon?! Khal! Ang mahal ng bayad, ano ba!” Halos mangiyak-ngiyak akong nakatingin sa kan'ya, pinaghahampas ko s'ya sa sobrang frustrated ko. Kainis, gagastos sa first date pero ganito na s'ya kagastos.

“Mahal kong Yannie.” Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko kaya napatigil na ako. “Hayaan mo akong gawin ito, hmm? This is my first time and I'm so happy to spend my money for this. Wala akong mapanggagamitan sa extra kong pera kaya ginagamit ko na lang sa ating dalawa, okay?”

“Edi i-save mo sa bank. Ayos lang naman sa akin kung sa ordinaryo na lang tayong beach. Khalvin naman, eh.” Nagpapadyak ang mga paa ko sa lupa ko.

He licked his lower lips. “Minsan lang naman ito, babe. Don't be mad, feeling ko tuloy ayaw mo sa surprise ko.”

Umiling ako rito at niyakap s'ya. Hindi n'ya alam kung gaano ako kasaya na gumastos s'ya nang gano'n kalaki para sa akin. Imagine fifty thousands in one day lang. But I feel bad because of me, ginagastos n'ya lahat para sa akin. I don't want that. Gusto ko pareho kaming gumagastos.

“H-Hindi sa gano'n. Nasasayangan lang ako sa pera, but I love your surprise. ” Napayuko ako lalo. “Next time dapat pareho na tayo gumagastos, ah? Ayaw kong maramdaman ang ganito na parang guilty.”

Ramdam kong tumango s'ya at ang paghalik n'ya sa noo ko. Dahan-dahan n'yang inangat ang baba ko para umangat ang tingin ko sa kan'yang mukha.

Naglulumikot ang mga mata n'ya. Parang kinakabisado n'ya ang mukha ko. Pansin ko na may earings pala s'ya sa taenga. It suits him well. Bakit sa iba ayaw kong makakita ng may earings ang lalaki? Maybe he was exception.

'Yong medyo singkit n'yang mga mata ang isa sa nagustuhan ko. His blonde hair ay bumagay din sa guwapo n'yang mukha. Moreno s'ya, matangos ang ilong at matangkad. I think 6'4 ang height n'ya. Para s'yang kapre, I feel so small.

“Can I touch and kiss you?” tanong n'ya bigla na ikinanganga ko.

Ito na naman ang pag-usbong ng init ng katawan ko. Why he suddenly asked me like that? 'Di ba n'ya alam kung gaano ko kagustong halikan s'ya sa sobrang cute n'ya? Nag-aalangan lang ako na gawin iyon, baka kasi asarin ako.

Napalingon ako sa paligid. “N-Ngayon?”

Dahan-dahan s'yang tumango. Bumaba ang kan'yang kamay sa aking beywang. Medyo nakayuko tuloy s'ya dahil do'n.

“K-Kung di ka komportable sa hawak ko, let me kiss you then. I promise that I won't force you,” nangangamba n'yang sabi, tinatantiya kung tatanggi ba ako.

Iniisip n'ya siguro na wala akong tiwala sa kan'ya. But it's already three months, never n'ya akong pinilit dahil ginusto ko naman. We're just kissing and touching, not totally touch.

Huminga ako nang malalim. Dahil ayaw kong nang patagalin ito ay ako na mismo ang tumingkayad at hinuli ang kan'yang labi. Muntik na akong ma-out of balance kung di kaagad n'ya ako hinapit papalapit sa kan'ya at mahigpit akong niyakap habang ginagalaw ang labi namin.

“I miss you,” he said between the kiss. Medyo nakapikit ang mga mata n'yang tinignan ako at inangkin ulit ang labi ko.

Napaungol ako sa gitna nang halikan namin. Mahigpit kong hawak ang balikat n'ya habang nakayakap ang isang braso ko sa kan'ya. Pinasok n'ya ang kan'yang dila kaya binuka ko nang kaunti ang bibig ko, agad n'yang nahanap ang aking dila.

He was sipping and kissing me deeply like he was longing for this. Nalunod ako sa kan'yang halik at 'di pinansin ang kamay n'yang hinihimas ang aking tiyan. Parang pinapagaan n'ya ang paghinga ko.

“Relax, we're still just kissing, babe.” Mabilis n'yang pinangko ang pang-upo ko at walang kahirap-hirap na binuhat.


Para akong bata na nakalambitin sa kan'yang harapan. Yakap ko ang kan'yang leeg. Magkadikit ang aming noo at hinihingal. Mabilis s'yang naglakad at namalayan ko na lang nasa loob kami ng tent. Inihiga n'ya ako at inatake ulit ng halik.

“D-Dapat ikaw mag-relax—.”

“Pagdating sa 'yo nababaliw na ako,” mabilis n'yang sabat at inatake naman ng halik ang aking leeg.

Muntik ako na akong mapaungol, natakpan ko ang aking bibig at napapikit. He was gently biting my earlobe and then to my neck. Magka-interwined ang kamay namin sa magkabilang gilid ng ulo ko.

I want more than this. I know what my body wants, but I'm too shy na sabihin iyon. Instead na sabihin sa kan'ya ay ako na ang gumawa. Pinulupot ko ang aking binti sa kan'yang beywang at pinagdikit ang aming ibaba. Nanginig s'ya bigla at tumigil saglit dahil do'n.

“Babe, don't torture me.” Binitiwan n'ya ang dalawa kong kamay at diniin ang beywang ko sa hinihigaan namin. He started kissing my lips and side lips now.

“K-Khalvin, ohh.” Hindi ko maiwasang umungol nang subukan kong abutin ng beywang ko ang kan'ya.

“F*ck, you're tempting me!” nahihirapan n'yang sabi. “You want me to touch you? Tell me, babe.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro