CHAPTER 14
CHAPTER 14
Hindi ko na nalapitan si Khalvin no'ng araw na tinignan n'ya ako na parang may bagay akong nagawa na hindi n'ya nagustuhan. He immediately walk out of the scene at hindi ako pinansin.
Aaminin kong masakit sa part na nakita n'ya ako pero kung titignan n'ya ako ay parang wala lang ako sa kan'ya. Tatlong araw na s'yang ganito at hanggang ngayon ay hindi s'ya nagpapansin sa akin gaya ng kagawian n'ya.
Anong magagawa ko kung kinaiinisan n'ya ako ngayon? Mapapahiya lang ako kung lalapitan ko s'ya para tanungin kung ano ang problema namin. Ang labo naman kasi n'ya. Hindi ko alam kung ano ang kinaiinisan o galit n'ya sa akin.
“Khalvin is starring at you, Yannie,” mahinanang bulong ni Steff at humagikgik pa.
I pursed my lips at pasimpleng tinignan ang pwesto n'ya na medyo malayo sa akin, sa gilid banda. Umiinom s'ya ng gatorade habang nakatingin sa akin ng seryoso. Nakita n'yang napatingin ako sa kan'ya at hindi ko inakala na lalabanan n'ya ang titig ko.
Umiwas kaagad ako ng tingin at nakipag-usap na lang kay Steff. This is the last day na gagawin namin ang activity. Mamayang gabi ulit ay pupunta kami sa bahay ni Jarian, since hindi kami nakapunta ng dalawang days dahil sa naging mas busy kami.
Nakita ko sa 'di kalayuan na papalapit si Jarian sa aming gawi. May hawak s'yang tray na naglalaman ng pagkain namin. Sinenyasan ko s'yang bilisan n'ya at nagugutom na ako.
Napatalon ako nang bahagya nang may umupo bigla sa aking tabi. Pagtingin ko ay unang napansin ko ang malaki n'yang dibdib at nakalugay n'yang mga buhok. Agad kong nakilala si Khalvin sa amoy pa lang n'ya at sa buhok n'ya.
“Eat,” matigas n'yang sabi at nilapag ang vegetable salad sa aking harapan at saka gatas na nasa bote.
Nagtataka kong sinipat ang vegetable salad na binigay n'ya. Napatingin ako kay Jarian na nakangising umupo na lamang sa tabi ni Steff, kanina kasi katabi ko s'ya.
“Pumapayat ka na, oh.” Pinaharap ako ni Khalvin sa kan'yang mukha at tinuro ang pagkain na nilapag n'ya, parang ayaw n'yang mapunta da oba ang atensyon ko. “Kain na.”
“This is not a vitamilk,” I softly said.
Sumalubong ang kilay n'ya. “I'll give you later, now eat.”
Napatango na lamang ako at hindi nakipag-sagutan tulad ng ginagawa ko nakaraan. Mukha kasing seryoso talaga s'ya ngayon na hindi mo kayang biruin na.
Ngayon lang siguro s'ya naglakas loob na lapitan ako sa 'di malamang dahilan. Nakaraan kasi inutusan n'ya lang kaibigan n'ya na idawat sa akin ang vitamilk. Kahit nagtatampo s'ya sa akin ay hindi n'ya kinalimutan na bigyan ako ng vitamilk araw-araw.
Napanguso ako para pigilan ang ngiti. Ngayon na alam ko ang nararamdaman sa kan'ya ay unti-unting lumalabas ang totoo kong nararamdaman sa kan'ya. Natatakot lang talaga ako minsan na ipakita rito ang affection ko.
“Let's talk later,” bulong ni Khalvin sa akin na ikinatingin ko rito, sobrang lapit ng mukha n'ya na ikinalunok ko.
“Tungkol saan?”
Matagal s'yang napatitig sa akin. “About us, I want to clear something between us.”
I took a deep breathe and exhale it. Tumango ako kahit nagkakarera na ang dibdib ko sa sobrang pangamba at excited.
Sa tuwing nag-uusap kami ni Jarian ay kadalasan nagpapansin si Khalvin. Hahawakan n'ya ang kamay ko mula sa ilalim ng table at hihimasin na parang hindi nagsasawa. Akala n'ya nakalimutan ko na iniiwasan n'ya ako ilang araw na?
Pagkatapos ng klase namin ay nagmamadali ang ilan na makalabas. Sinukbit ko ang aking bag sa balikat at nakitang nag-aabang si Khalvin sa labas ng room namin. Bukas pa kasi ang schedule n'ya na magka-same room kami.
Hindi pa n'ya ako napansin. Napatigil ako nang makitang inaayos n'ya ang kan'yang buhok. Ginawa n'yang salamin ang kan'yang cellphone at kung ano-anong ekspresyon ang ginawa n'ya bago nilagay sa bulsa n'ya. Napatakip ako sa bibig at pinigilan na matawa.
He was patiently waiting for me outside. Sa tingin ko mga isang oras siguro dahil wala s'yang klase mga alas-kwatro hanggang alas-singko. Parang may humaplos naman sa puso ko.
Agad s'yang napatayo nang matuwid at agad akong nilapitan. Seryoso n'yang inayos ang aking buhok na hindi ko ma inayos kanina dahil sa kakamadali. Kinuha n'ya bag ko at sinabit sa kan'yang balikat gaya ng kadalasan n'yang gawin.
“You look tired. Let's eat outside first, ” malambing n'yang sabi at hinawakan ang kamay ko. Magkahawak kamay kaming naglalakad.
Pigil ang ngiti ko habang nasa magkahawak kamay pa rin ang mga tingin ko. Minsan sinusulyapan ko ang seryoso n'yang mga mata ngunit batid naman na malambing s'ya sa oras na ito lalo pa't hawak n'ya ang aking kamay. Sinulit siguro n'ya dahil minsan binabaklas ko.
“Saan ang kotse mo?” tanong ko nang nakarating kami sa parking lot, hinahanap ang kan'yang kotse.
Namamawis na ang kamay namin kaya saglit kaming huminto sa paglalakad. Binaklas muna n'ya ang kamay namin at pinunasan ang pawis gamit ang panyo n'ya. Napayuko ako dahil mukhang galing sa akin ang pawis. Wala man lang s'ya kaarte-arte.
“Hindi ako nagdala, hiniram ng kapatid ko,” sagot n'ya at hinawakan ulit ang aking kamay.
“Pasada tayo ng tricyle pag-uwi?”nagtataka kong tanong habang binabagtas namin ang daan palabas ng university, medyo malapit na sa bayan kung saan kami kakain.
“Maglalakad tayo pauwi. I want us to have a conversation while heading to your home.”
Tumango na lang ako at tinignan ang mga estudyante na parehas din na papalabas na ng university. Some of them nakatingin sa amin. Kapansin-pansin ba naman kasi ang katangkaran ni Khalvin at pagiging malaki n'yang lalaki. Dagdag pa na mahaba ang blonde n'yang buhok.
Minsan kinakausap n'ya ako at pinapatay ang oras habang naglalakad kami. Minsan nahuhuli ko s'yang nakatingin sa magkahawak kamay namin at ngingiti na parang nanalo sa lotto. Para kaming puppy love na bago lamang sa pag-ibig. Oo nga pala, this is our first time being with the person we love.
“Dito na lang siguro tayo.” Tinuro ko ang 7/11 kung saan kami unang nagkita matapos ng ilang taon na hindi ko s'ya nakita.
“Anong gusto ni babe ay susundin ko,” nakangiti n'yang sabi at hinila na ako, napanguso tuloy ako sa pinagsasabi n'ya.
Bago ko pa man buksan ang glass door ay inunahan kaagad n'ya ako. Binitiwan n'ya ang magkahawak kamay namin at pinulupot ang kan'yang braso sa aking beywang. Iginaya n'ya ako papasok.
“'Yong kamay mo, Khal,” mariin kong bulong sa kan'ya at pasimpleng inaalis ang kan'yang braso sa aking katawan.
Wala naman masyadong tao pero kasi panay tingin ng mga estudyante grupo sa kabila sa amin.
“Si Fern hinayaan mong yakapin ka tapos ako hawakan ka sa beywang ayaw mo?” salubong ang kilay n'yang sabi.
Kumunot ang noo ko at hinampas s'ya sa balikat na ikinasama ng tingin n'ya sa akin, parang nagtaksil ako sa kan'ya. Nabitawan n'ya ako.
“Friendly hug iyon, Khal. H'wag kang magselos.”
“No, hangga't sabihin mo sa akin kung sino sa aming dalawa ang gusto mo. Paano ko pigilan ang selos, huh? Nag-iisip ka ba, Yannie?” Mas lalo s'yang nainis sa akin, dahil siguro sa pag-utos ko sa isang bagay na hirap gawin.
Napabuntong hininga ako. “Mamaya na natin pag-usapan iyan, Khal.”
Tinitigan muna n'ya ako bago binalik ang mga braso sa aking beywang at mas lalo pa akong hinapit sa kan'ya. Dinala n'ya sa mga snacks area at sa pinakalikod kung saan nando'n mga drinks.
Minsan nakakalimutan kong wala pala kaming label. It's looks like alam n'yang may nararamdaman ako sa kan'ya pero hindi n'ya lang masabi kung anong klase iyon. Kung umasta s'ya ay parang seloso ko na s'yang boyfriend. Lalo pa kaya kung sinagot ko 'to?
Binayaran muna n'ya sa cashier ang pagkain na napili namin bago tumungo sa pinakadulo ng table na good for four person.
Nauna akong umupo bago s'ya. Inasikaso n'ya ang mga pagkain na kakainin namin ngayon. Binuksan n'ya ang coke in can at nilagay sa harapan na lamesa ko.
Hinayaan ko lang s'ya ang mag-ayos ng pagkain namin. Tinitigan ko ang bawat galaw n'ya at mukha n'ya. Napapansin kong gustong-gusto kong nakikita ko s'ya. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa kan'yang labi na mariing nakalapat.
“Nakipagkita ka kay Fern nakaraan at hindi mo man sinabi na pupunta ka sa shop ko,” inis n'yang sabi at binalingan ako, mukhang nagulat naman s'ya na nakatingin ako sa kan'ya.
“Nakipag-usap lang ako kay Fern, Khal,” mahina kong sabi at hinawakan ang kamay n'yang mahigpit na nakahawak sa bote ng soft drinks n'ya.
Suplado pa rin ang mga mata n'ya ngunit kita ko naman naapektuhan s'ya sa ginawa ko. Napalunok s'ya sa sariling laway at napatingin sa labi ko.
“Ano naman ang pinag-usapan n'yo? Sinagot mo na ba s'ya? Are you planning to reject me?” sunod-sunod n'yang tanong na parang kinakabahan na ito sa maaaring isa sa hinala n'ya ay tama. But he was wrong.
Ang sunod kong ginawa ay talagang ikinalaki ng mga mata n'ya. Nilagay ko ang aking palad sa kan'yang dibdib at ang isa ay nasa balikat n'ya bilang suporta. Nilapit ko ang aking mukha at hinalikan ang gilid ng labi n'ya. Nanigas s'ya sa kan'yang upuan.
“I rejected him, don't be mad,” bulong ko at lumayo sa pagkakalapit. Hinawakan ko kamay n'ya ulit na nakayukom na parang may pinipigilan.“I don't want to hurt him anymore. Pinatigil ko na s'ya dahil pinili kita—”
Hindi na n'ya ako pinatapos. Hinila n'ya ang kamay ko at aking batok kaya napausog ako sa kan'ya, pinaglapat n'ya ang aming mga labi.
“K-Khal.” Humiwalay ako sa halik, akmang itutulak ko ang dibdib n'ya sa pagkabigla nang pigilan n'ya ako.
“It's clearly that you choose me. F*ck.” Napamulat ang mga mata n'ya na puno ng pagkasabik. “I want to kiss you again, babe. I think I'm going to explode.”
Napangiti ako sa kan'yang sinabi at magsasalita na sana ngunit inatake ulit n'ya ang labi ko. Because of so much emotion that I am feeling right now, hinalikan ko s'ya pabalik.
Ang mabagal na halikan at nauwi sa mapusok. Hindi ko na inalala na nasa loob pa kami ng 7/11. Para s'yang sabik na sabik sa akin. Sinipsip n'ya ang labi ko at ipapasok ang dila pagkatapos. Nanatili ang mga kamay n'ya sa tagiliran ko, mahigpit n'yang hawak ito.
“Halik muna, Khal, nasa labas tayo,” natatawa kong sabi nang humiwalay ang mga labi namin.
Pinasadahan ng dila n'ya ang labi n'ya at malambing na nakatingin sa akin. I can see into his eyes that his feeling right now is higher than infatuation.
Natatawa na lang ako sa kan'yang pamumukha ngayon dahil natameme s'ya sa aking harapan. Mukhang gusto pang umisa pero agad ko itong inilingan at sinimulan nang kumain.
“Let's kiss again, babe—”
Inilingan ko ito na ikinabuntong hininga n'ya. Hindi n'ya ako pinilit at niyakap lamang ang kalahati kong katawan at sinabayan akong kumain.
Pakiramdam ko tama naman ako na pinili s'ya. Masaya ako. I feel so comfortable with him. Parang nakalimutan ko na ang masamang impression ko sa kan'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro