CHAPTER 13
CHAPTER 13
Sa tuwing nakatingin ako sa mga magkasintahang magkasama, napapatanong ako minsan kung ano ang pakiramdam na magmahal? Ano ang feeling na magkaroon ng boyfriend?
Dahil sa totoo lang, sa buong buhay ko sinubukan kong magkagusto sa mga lalaking sa tingin ko'y ayos naman sa akin. So I let Fern to court me. Naguguluhan ako sa aking nararamdaman at ang iniisip ko lamang ay gusto ko si Fern.
S'ya 'yong ideal na lalaki na hinahanap ko. Ngunit bakit hindi gano'n kataas ang nararamdaman ko sa kan'ya? Ilang months na n'ya ako nililigawan at alam ko kung bakit hindi ko s'ya magawang sagutin.
It is because may hinihintay akong tao na pilit kong tinatanggi sa sarili. Hindi s'ya 'yong lalaking pinapangarap ko, hindi s'ya 'yong gusto kong mahalin. Now I know na hindi pala maipipilit ang puso na magmahal ng isang tao. Kusa itong nararamdaman sa hindi malamang rason.
Khalvin Gael Caddel is not my type, but it turned outs that he was the one who can make my mind control and hearts to pounds. Takot at pangamba ako sa nararamdaman ko dahil hindi dapat ako mahulog sa kan'ya. I don't like him, I said it many times but my heart speaks louder than my words. I knew that I'm falling to him.
Galit ako sa kan'ya at hindi ko gusto ang kan'yang kagawian, gano'n din sa ugali. Bakit s'ya? I kept asking myself for past few days para malaman ang sagot. Iyon pala ay alam ko na ang sagot pero hindi ko lang masabi sa tamang salita.
“Inay,” tawag ko kay Inay nang makitang nagluluto s'ya ng ulam para sa mamayang gabi.
Agad naman s'yang napatingin sa akin. “Halika rito, anak.”
Sinenyasan n'ya akong tumungo sa kan'ya kaya dahan-dahan akong lumapit dito. Tumayo ako sa kan'yang gilid at inisip kung tama 'bang magtanong sa kan'ya tungkol sa pag-ibig.
“Tapos na pala kayo maglaro ng braha ng Ama mo, anak? Ipagtitimpla ko kayo ng tea,” malambing n'yang sabi at ngitian ako.
Napangiti ako ng tipid sa kan'ya and somehow, nalulungkot ako at saka masaya rin. Siguro dahil naisip ko na naman ang sakripisyo nilang dalawa ni Ama para lang ipaglaban ang pag-iibigan nila.
“May tanong ako, Inay,” mahina kong tanong.
“Ano ba iyon?”Kumuha s'ya ng sangkalan at kutsilyo para maghiwa ng repolyo.
Napalunok ako sa sariling laway. “Paano mo malalaman na mahal mo ang isang tao?”
Napatigil s'ya sa paghiwa at nakangiti akong tinignan. Binitiwan na n'ya ang kutsilyo at hinawakan ang aking kamay.
“Hmm, siguro may nagugustuhan kang lalaki at hindi mo alam kung like lang ba o love na?” nangangasar n'yang tanong sa akin.
Napasimangot ako at umiwas dito ng tingin. Hindi kami masyado close ni Inay dahil mas malapit ang loob ko kay Ama. Pero mahal ko naman si Inay at importante s'ya sa akin kaya hindi ko masabing wala kaming pinagsamahan ni Inay.
“Inay naman, eh.”
Tumawa s'ya at pinisil ang magkabilang pisngi ko. “Ang anak ko dalaga na talaga. May nagugustuhan na pa lang binata. Sino naman ito, anak?”
“Hindi muna sa ngayon, Inay.” I rubbed the back of her palm. Ngayon na may ideya na s'yang may nagugustuhan ako ay wala na itong urungan. “I want to know kung mahal ko na ba s'ya, so that wala akong regrets na sagutin s'ya.”
I know now that I love Khalvin, but still I want to know my mother's answer about the differences of like and love.
“Paano mo malaman kung mahal mo ang isang tao?” tanong ulit ni Inay. “Kapag minsan nasasabi mo lang bigla na ayaw mo sa kan'ya, mapa-ugali man o physical n'yang anyo pero alam mo sa iyong sarili na kahit gaano pa man kaayaw mo sa kan'ya ay mahal mo pa rin s'ya.”
That was exactly ang nangyayari sa akin kapag iniisip ko si Khalvin...
“Pakiramdam mo masaya ka sa kan'yang piling pero may kaunting pangamba dahil sa what if ganito gano'n.” Napaisip pa si Inay. “You wanted to know them well, 'yong buong pagkatao nila. You're always thinking that person.”
Magkatugma nga ang sagot ni Inay sa palagi kong iniisip at nararamdam kay Khalvin. Alam ko kung bakit nagustuhan ko si Fern pero hindi ko magawang mahalin. Magkaiba ang infatuation sa love.
“I bet hindi lang iisa ang manliligaw mo, anak. Kaya kung sino man ang lalaking nasa isip mo ngayon ay baka s'ya nga ang tinutukoy mo,” nakangiting dugtong pa ni Inay.
Ngayon ko lang talaga nagawang magtanong kay Inay at talagang tungkol pa sa pagmamahal. Palagi kasi si Ama ang tinatanong ko lalo na tungkol sa mga assignments ko noon. Nahihiya akong magtanong noon kay Inay dahil nakikita kong mas close silang dalawa ni Zannie.
Magaan ang pakiramdam ko ngayon na nagkausap kami ni Inay. Natatakot ako na baka aalamin nya kung sino ang mga manliligaw ko dahil ngayon ko lang sinabi sa kan'ya ito. Mukha namang hindi s'ya nagtatampo o ano dahil do'n.
“Nand'yan ba si Fern?” tanong ko sa nakilala kong kaibigan ni Fern nakaraan, nasa labas kami ng bicycle shop ni Khalvin.
Binitiwan naman n'ya ang hawak n'yang gamit at nilingon ako, ngumiti s'ya nang makilala ako.
“Ikaw pala iyan, Miss Yannie. Nando'n si Fern sa loob, makikita mo rin kaagad.”
“Salamat,” ngiting pasasalamat ko rito bago naglakad papunta sa entrance ng shop. Maraming kotse at motor pala rito, mukhang mamahalin din.
Sinipat ko ang aking damit na orange halter dress na hanggang ibabaw ng tuhod ko. Nakabuhaghag na ang buhok ko na umaabot ng hanggang dibdib ko. Medyo awkward lang dahil halos mga lalaki ang nandito at ako lang mag-isang pumunta rito.
Sana naman wala pa rito si Khalvin. Baka kasi manggulo sa gaganapin naming usapan ni Fern. Alam ko na ang gagawin n'ya kahit kaunting panahon ko lamang s'ya nakilala.
Agad ko namang nakita si Fern na papunta sa direksiyon ko habang may hawak na malaking bag sa likuran. Kumakaway s'ya sa kan'yang mga kasama kaya hindi n'ya kaagad ako nakita.
“Fern,” medyo malakas kong tawag sa kan'ya na agad n'yang ikinatingin sa akin.
Agad naman s'yang napangiti. Nagpaalam na s'ya sa kan'yang kasama muna bago ako nilapitan. Napatingala tuloy ako dahil mataas din ang lalaking ito.
“Dapat tinext mo ako na pupunta ka pala rito. Nakakahiya na ikaw ang nakipagkita sa akin,” mahina n'yang sabi at hinila ako sa labas ng shop.
“May sasabihin kasi ako sa 'yo, Fern...”
Napakagat ako sa sariling labi. Nakaraang araw ko pa inisip ng mabuti ang sasabihin ko sa kan'ya. Ang hirap pala i-reject ang taong naging mahalaga na sa 'yo.
Yes, ngayon ko na napag-isipan na ipahinto na s'ya sa panliligaw sa akin. Paunti-unti ko munang sasabihin sa kan'ya kung bakit gano'n ang desisyon ko.
Baka kasi mas lalo ko pa s'yang masaktan kapag nalaman kaagad n'ya na si Khalvin, na boss n'ya'y nanliligaw sa akin. Higit sa lahat, ang pinili kong sagutin kapag may tyempo na ako.
“Anong sasabihin mo? Good news ba iyan?” mas lalong lumawak ang ngiti n'ya. Para naman akong sinaksak ng kutsilyo sa nakikita kong kasiyahan sa kan'yang mga mata. Kaya ko 'bang gawin ito?
Pero kailangan. Ayaw kong umasa sa wala si Fern. Hindi ko kakayanin na habang nagp-pursige s'yang ligawan ako ay nahuhulog na pala ako sa ibang lalaki. Mawawasak s'ya kapag pinatagal ko ito kaya mabuting mas maaga ay maagapan pa.
Napayuko ako at huminga nang malalim. “I'm afraid to say this, but I want you to stop courting me for now on, Fern,” I painfully said.
Pag-angat ko ng tingin ay kasabay nang pagkawala ng ngiti n'ya at mga mata n'ya ay nagtataka. Medyo lumuwag ang pagkakapit n'ya sa kan'yang bag.
“Bakit naman, Yannie? Sabi ko naman sa 'yo na kaya kong maghintay kahit abutin ako ng taon, 'di ba?”
Simula sa pagkahina ng boses n'ya ay rinig ko ang kaunting garalgal dito. Pinigilan ko ang aking hininga sa sobrang sakit na nararamdaman. 'Yong feeling na wala kang choice kundi saktan na lang s'ya kaysa naman sa ipilit kong sagutin s'ya pero batid naman na hindi s'ya magiging masaya.
Napahilamos ang palad ko sa aking mukha at tumayo nang matuwid. “Pinagbigyan kita, Fern... Pero kasi ang nararamdaman ko ay hindi na hihigit pa. Napag-isip-isipan ko na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay.”
Nanghihina na binaba n'ya ang kan'yang bag at maluha-luha akong tinignan. Ako naman ay nakatingin lamang sa kan'ya na nasasaktan din na makita s'yang ganito.
Ganito pala kahirap ang pagmamahal na sinasabi nila. Kailangan mong pumili ng isa dahil hindi p'wedeng dalawa. Akala ko kayang kong turuan ang puso ko na mahalin ang lalaking pinapangarap ko pero hindi pala. Hindi ko kayang ipilit.
“May nakahigit na ba sa akin, Yannie?” Tumulo sunod-sunod ang mga luha n'ya, hindi kumukurap habang nakatingin sa akin. “M-Mas higit pa ba ang kaya n'yang ibigay na pagmamahal sa 'yo? Ginawa ko naman, Y-Yannie, kahit pagod na ako sa buhay ko. Isiningit kita sa pang-araw-araw kong gawain... Dahil mahal kita.”
“Pasensya na talaga, Fern,” mahina kong sabi. Hinawakan ko ang aking braso dahil sa hangin na dumampi sa akin.
Naninigas ang katawan ko, hirap na hirap sa paghinga dahil kanina ko pa pinipigilang maiyak sa kan'yang harapan.
Umiling s'ya. “G-Gusto ko lang iyon sabihin sa 'yo. Hindi kita pipilitin kung iyan ang desisyon mo. Nasasaktan man ako sa oras na ito pero wala na akong magagawa kung may mahal ka na.”
“F-Fern,” garalgal kong sabi at napatakip sa bibig.
Kinuha n'ya ang kan'yang bag sa lupa at nanghihina na sinukbit sa kan'yang balikat.
“Alam mong kasiyahan ang gusto ko para sa 'yo, Yannie. Nagawa kitang pasayahin.” Pinahid n'ya ang kan'yang luha at pilit na ngiti akong tinignan ngunit sunod-sunod naman ang mga luha n'yang lumabas. “Mahal talaga kita, Yannie. Kaya ayaw kong guluhin pa ang isip mo. Piliin mo kung sino ang mahal mo dahil s'ya lang ang makakapagbigay ng kasiyahan sa 'yo.”
Nanginginig na malalaking hakbang ang ginawa ko para maabutan s'ya. Niyakap ko s'ya na kaagad naman n'yang ikinatugon. Ngayon ko lang napagtanto na nanginginig ang kan'yang katawan. Pinipigilan n'yang bumigay s'ya sa harapan ko.
Isang mahigpit na yakap ang binigay ko rito at s'ya na mismo ang kumalas. Ginulo lamang n'ya ang buhok ko bago umalis na hindi na nagsasalita. Masyado ko s'yang nasaktan kaya kahit sa pamamaalam ay hindi n'ya nagawa.
Napahawak ako sa dibdib ko at pinigilan na umiyak dito sa labas. Sobrang sakit ng dibdib ko pero ayaw kong ilabas, kaya ko pa naman. Nag-aalala ako kay Fern. Sana sa kabila sa nangyari ay hindi na s'ya mailang sa akin sa aming pagkikita.
Inayos ko muna ang mukha ko bago napagpasyahan na umalis na ngunit nakita kong kausap ni Khalvin ang tauhan n'ya, mukhang may tinatanong.
Agad na napatingin s'ya sa akin ngunit gano'n na lang ang pagbagsak ng puso ko nang walang emosyon n'ya akong tinignan. Para s'yang na-dissapoint sa akin sa 'di ko malamang dahilan. Anong ginawa ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro