Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 02

CHAPTER 02

Pagkatapos naming umalis sa hapag-kainan nang natapos ay kaagad na kaming lumabas ni Nakko. Inasikaso na rin ng kasam-bahay namin ang mga gamit ko kaya hindi ko na inabala pang umakyat sa kwarto at mag-ayos. Baka mamaya ma lang siguro.

"Masyadong matagal ang anim na buwan mo ro'n. Buti na lang bumalik ka at naisipan mong dito na lang mag-aral," sambit ni Nakko habang nakatukod ang kan'yang siko sa railings ng veranda ng bahay nila.

Iisang subdivision lang kami ni Nakko dahil halos sa subdivision namin ay mga chinese ang naninirahan dahil mismo chinese din ang may-ari nito. Kaya madali lang na magkita kami rito at halos magkapatid na kami sa sobrang close namin mula pagkabata hanggang ngayon.

"Hindi ko kayang iwan sila rito, lalo na si Zannie na walang kapatid na makakausap." Napabuntong hininga ako. "Kumusta ka na pala rito? Si Zannie? Ayos lang ba s'ya habang wala ako rito?"

"I'm always fine and she's totally fine with her boyfriend, but I think ngayon mukhang hindi s'ya okay," sagot n'ya, mukhang nalilito na rin s'ya kung ano ang magiging reaction n'ya sa biglang sinabi ni Ama.

Napatango ako sa kan'yang sinabi at ngumiti rito. "Thank you dahil kahit wala ako rito binabantayan mo naman ang kapatid ko."

Ngising napailing s'ya at ginulo ulit ang buhok ko na makulot. Hindi umuulbo ang buhok ko kahit kulot ito. Natural ko na itong buhok dahil namana kay Inay ito. Si Zannie naman ay straight ang buhok, malamang kay Ama nanggaling.

"Wala 'yon, ako lang naman ang maasahan mong kaibigan." Kinindatan n'ya ako kaya napailing na lang ako sa kan'yang pagiging mahangin.

Nakko is a pure chinese, unlike me na half lang. Magkapartner sa business ang pamilya namin kaya mula pagkabata ay ganito na kami ka-close. Napagkakamalan na nga kami na magjowa. Kaibigan ko lang talaga s'ya at sadyang malapit lang kami sa isa't isa.

Singkit masyado ang mga mata n'ya at may matangos s'yang ilong na talaga namang paborito kong pisilin kapag inaasar s'ya o trip ko lang. Hanggang dibdib lang n'ya ako, sobrang taas n'ya at moreno rin ang kan'yang kutis.

Kaya marami ring nagkakagusto sa kan'ya at halos may nga itsura ang kan'yang mga kaibigan dahil nakakasama n'ya ito sa model no'ng high school pa s'ya.

Pagkatapos naming mag-usap ng ilang oras ni Nakko ay napagpasyahan ko nang tumungo sa park kung saan kami magkikita ni Fern.

He was my suitor and we're dating almost seven months kahit nasa Manila ako ay palagi n'ya akong china-chat at pinapadalhan ng somai dahil alam n'yang paborito ko iyon. May kaya ang pamilya n'ya ngunit nagtatarbaho pa s'ya habang nag-aaral. Iyon ang nagustuhan ko sa kan'ya.

Tumungo muna ako sa public comfort room at inayos ang aking mukha. Naglagay lang ako ng pulbo sa mukha at hindi na ako nag-abala pa'ng maglagay ng make up. My lips is already reddish so I don't need to put some lipstick on it.

Inayos ko ang suot kong black bouffant dress na hanggang ilalim ng tuhod ko. Nakalugay lamang ang makulot kong buhok na hanggang ilalim ng dibdib ko. Hindi ko mapagkakaila na maputi rin ang balat ko.

Napabuntong hininga ako at saka napagpasyahang lumabas na. I'm not confident to myself. Feeling ko hindi sapat ang kagandahan ko. Big deal pa kasi dati 'yong tungkol sa makulot na buhok. Bully ako noon dahil do'n.

Ngayon naman ay hindi na ako binubully dahil sa nag-mature na ang kanilang pag-iisip. Pero dala-dala ko pa rin ang sakit na dinulot nila kaya wala ako masyadong kaibigan, pili lamang.

Tipid akong napangiti nang makita si Fern na tutok da kan'yang cellphone habang naka sa bench malapit sa play ground. Mas lalong naging maskulado ang katawan n'ya dahil sa kan'yang tarbaho.

Dagdagan pa ang pagiging seryoso n'ya, mature s'yang klaseng lalaki kaya nagkasundo kami. Kaya nga nagustuhan namin ang isa't isa dahil parehas ang mga gusto namin.

Niyakap ko s'ya mula sa likuran habang nakaupo s'ya. Napatalon s'ya sa kan'yang kinauupuan at biglang lumingon ang ulo n'ya sa akin.

"What the-" Biglang nagbago ang kan'yang ekspresyon, mukhang nagulat talaga s'ya nang makita ako. "Yannie!"

Halos mapunit ang labi namin sa sobrang lawak ng mga ngiti namin. Tuluyan na s'yang humarap sa akin at tumayo, niyakap n'ya ako nang mahigpit. Ramdam ko na sobrang nasasabik na s'ya sa akin sa grabeng higpit ng yakap n'ya.

"Na-miss kita ng sobra." Humiwalay s'ya yakap at tinignan ang kabuohan ko. "Your dress suits you well. Hindi pa rin ako makapaniwala na makita ka ngayon."

"Anim na buwan lang akong nasa Manila, Fern, tapos miss mo na kaagad ako?" ngisi kong tanong.

Pigil ang ngiti s'yang nakatingin sa akin. "Akala ko talaga ro'n ka na mag-aaral hanggang sa makapagtapos ka. Plano ko sanang sundin ka ro'n at sabay tayong mag-aral sa same university. "

Bahagyang napanganga ang bibig ko at kaagad s'yang inilingan. Nahihiyang tumawa ako.

"Y-You don't have to do that. Kapag nasa malayo ako magkikita pa rin naman tayo. You don't have to risk your job at saka alam kong tutol ang pamilya mo rito," I awkwardly said.

Manliligaw ko pa lang s'ya pero kung makaasta kami ngayon ay parang mag-on na talaga kami. Buti nga hindi s'ya nagtataka na hinahayaan ko s'yang yakapin ako gayong sa pagkakaalam n'ya'y wala pa akong nararamdaman sa kan'ya.

Napangiti s'ya. Hinawakan n'ya ang kamay ko at malambing na hinalikan ang likuran nito. His eyes never leave mine.

"You are worth it to risk, Yannie. I love you that's why I'm doing this."

Napangiti na lamang ako sa kan'yang sinabi at hindi na tumugon. Ilang beses ko nang narinig ang salitang 'I love you' sa kan'ya. Parang nalulusaw ang puso ko na makita ang pagmamahal sa kan'yang mga mata. He mean everything he says.

The time that I left him here, the time I realized how much I like him. Dahil gusto ko talagang kumpirmahin kung talagang mahal ko na s'ya ay hindi ko sinabi sa kan'ya na gusto ko rin s'ya. Nasa dating process pa rin kami kahit pareho na aming nararamdam.

Hindi kasi porket na gusto ko s'ya ay sasagutin ko na s'ya. Gusto ko na kapag sinagot ko na s'ya, sigurado na ako sa aking nararamdaman at s'ya na ang lalaking gusto kong iharap sa altar.

Sounds clingy, but I'm one of the woman who dreamed about having a one and only boyfriend, na magiging mapangangasawa ko na rin. I don't need a lot of boyfriends para mahanap ang the one ko.

Having a lot of suitors is fine. Dahil sa panliligaw, makikita ko kung sino ba talaga ang tipo ko at deserving ng pagmamahal ko.

Nilibot namin ang buong banwa habang nag-uusap ng mga bagay na hindi namin nagawa no'ng nasa Manila ako. Bumili rin kami ng mga pagkain na makakain namin habang naglilibot kami.

Umabot pa nga ng dalawang oras ang ginugol namin hanggang sa kusang tumigil ang mga paa namin sa tinatarbahuhan n'ya. Malaking bycle shop ito.

Mas malaki ang pwesto ng nakahilirang mga motorsiklo at kotse. Nasa bandang kanan naman ang pwesto kung saan nakapwesto si Fern. Dito sila nag-aayos ng mga bycles.

"Mga kaibigan ko pala, Yannie, " nakangiting pakilala ni Fern at nilahad n'ya ang kan'yang kamay sa harapan ng sinasabi n'yang mga kaibigan.

Napayuko naman ako sa kanilang harapan. "Hello sa inyo. Hindi ko alam na marami palang mga kaibigan si Fern."

Nasa apat silang lahat ngayon. Mukha namang hindi sila nga loko-loko tulad ng ibang lalaki. Magaan tuloy ang pakiramdam ko sa kanila.

"Ikaw pala si Yannie na sinasabi ni Fern," nakangising sabi ng binata na kalbo. "Palagi kang bukam-bibig ng kaibigan namin, Miss. Kung alam mo lang."

Napuno ng asaran ang pag-uusap namin. Inis na inis tuloy si Fern dahil sa sobrang hiya sa akin, binuko lang naman s'ya ng kaibigan n'ya kasi. Hindi man masyado nagsasalita ang tatlo ay ramdam ko naman na masaya sila na makita ako. Mukha pa nga silang namamangha sa akin sa 'di malamang dahilan.

"Mag-a-alas singko na pala, Fern. Hatid mo na si Miss Yannie at baka hanapin 'yan ng magulang," biglang sabi ng isang kaibigan ni Fern na may malaking katawan.

"Oo nga 'no." Napatingin si Fern sa wrisr watch n'ya at tinignan ako. "Hatid na kita sa bahay n'yo, Yannie. Napahaba yata ang kuwentuhan natin."

Ngumiti ako nang tipid at nilagay ang dalawa kong kamay sa likuran ko. "Ayos lang, nag-enjoy naman ako. Masaya rin pala kasama ang mga kaibigan mo."

"Naman!" Nag-approve sign naman ang isang kasama namin na.

Ngumiti ako sa kanila. "Aalis na kami, ah," paalam ko sa kanila, kumaway naman sila sa akin ni Fern nang hilahin na n'ya ako paalis sa working area ng shop.

"Sorry pala kung medyo magulo sila, ah? Masaya naman talaga sila kasama," nahihiyang sabi ni Fern at napakamot pa sa batok.

Umiling ako sa kan'ya. "Ayos lang talaga, really. Maybe it's time naman na maghanap ako ng mga taong makakausap at makasasalamuha. Palagi na lang kasi akong tutok sa pag-aaral ko at sa ilang taon na lumipas wala man lang ako masyadong kakilala."

Gaya nga sa sinabi ko, pili lang ako sa mga taong kakaibiganin ko. 'Yong iba nakakausap ko, lalo na mga ka-block mates ko pero hindi ko matawag na close friend dahil nag-uusap lang kami tungkol sa school stuff.

Si Nakko at Babykel lang talaga ang kaibigan ko. Si Babykel kasi tahimik lang at mabait kausap kaya siguro naging komportable ako sa kan'ya, 'di s'ya masyado nagsasalita at mostly seryoso ito. Si Nakko naman ay masasabi kong sakto lang ang ugali n'ya. May pagkamaingay pero madalas sira ang ulo.

"P'wede bang hawakan ang kamay mo?" tanong bigla ni Fern nang nasa labas na kami.

Napatulala pa ako ng ilang segundo at napatango na rin. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya nang nahawakan na n'ya ang kamay ko. Nagsimula ulit kaming maglakad ng tahimik.

Biglang dumaan ang motorsiklo sa gilid ko, sa sobrang bilis ng pagpapatakbo n'ya ay napalingon ako rito. Isang pamilyar na lalaki ang nakita kong bumaba sa kan'yang motorsiklo.

As he removed his helmet, biglang bumahaghag ang kan'yang mahabang na buhok na hanggang ilalim ng dibdib, blonde ang buhok n'ya na hinaluhan ng black. It was like a view of sunset.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro