CHAPTER 01
CHAPTER 01
"Welcome to San Jose, ma'am!"magiliw na sabi ng babae sa akin nang lampasan ko s'ya, mukhang nagtatarbaho s'ya rito sa Cruise ship.
Ngitian ko s'ya ng tipid. "Thank you."
Hindi na ako nakipag-intertain sa kan'ya at agad na tinahak ang daan papalabas ng barkong sinakyan ko. I'm so excited to meet my sister na naghihintay sa akin sa labas.
It's been a month.
Hinila ko ang aking maleta ko hanggang sa nakababa na ako ng barko. Marami akong nakasabayan na tulad ko'y nanggaling din sa Manila. Most of them are same age as me.
"Ate!"
Natigilan ako sa paglalakad at pinahinto sa paghila ng aking maleta. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Malawak akong napangiti nang makitang kumakaway ang kapatid kong babae, my only sister.
Nabitiwan ko na ang aking maleta at mabilis pa s'yang nakarating sa harapan ko. Namalayan ko na lang na yakap-yakap na n'ya ako. Halos masipat ako sa sobrang higpit nang pagkayakap n'ya.
"H-Hey, hindi ako makahinga." Natatawang tinapik ko ang kan'yang likod para humiwalay na s'ya
Agad naman s'yang napahiwalay at napatakip sa bibig. "Sorry, ate. Na-miss lang talaga kita!" Tumalon-talon pa s'ya sa aking harapan at niyakap ang braso ko sa ngayon.
Bahagyang napangiti ako. Kinurot ko ang kan'yang pisngi na ikinaaray n'ya.
"Sorry rin, sobrang cute mo kasi."
Imbes na mainis sa akin dahil kinurot ko lang naman ang mataba n'yang pisngi ay mas lalo lamang lumawak ang kan'yang ngiti.
"Inamin mo na rin sa wakas," tuwang-tuwa n'yang sabi at pinaghahalikan ang aking pisngi.
Pinahinto ko na s'ya sa kan'yang pinaggagawa sa akin dahil marami nang nakatingin sa amin. Mukhang natutuwa pa ang mga nakakita sa amin.
"Kumusta si Inay at Ama?" tanong ko sa kan'ya nang nakaupo na kami sa unahan ng tricycle at kasunod no'n ang pag-usad nito.
"Ayon malakas pa rin naman. Ilang buwan ka lang naman nando'n sa Manila kaya walang nagbago sa bahay," aniya at nilaro-laro pa ang aking kamay. "At saka hinihintay ka nila sa bahay."
Mas lalo tuloy akong nasasabik na makita sila. Anim na buwan akong nanatili sa Manila dahil sa pag-aaral ko. Dahil hindi ko gustong mahiwalay sa kanila ay bumalik ulit ako rito para rito na lang ipagpatuloy ang pag-aaral ko.
Gano'n lang din naman kasi ang kursong kinuha ko na Nurse. Kaya lang naman do'n ako nag-aral sa Manila dahil gusto kong maranasan kung paano mamuhay ng mag-isa ro'n.
It's hard to leave your family kung sanay ka na sa presensya nila. Hindi naman sa hindi ko kakayanin na mahiwalay sa kanila. It just that... Bakit ako lalayo sa kanila kung mero'n namang university rito sa San Jose? Nandito na rin ang kurso ko.
Naging mabilis ang pagdating namin sa bahay. Dahil sa sobrang excited kong makita sila ay mabibilis ang hakbang na pumasok ako sa bahay namin.
Muntik na akong atakihin sa puso nang bigla nila akong sinurprisa. Inaasahan ko naman na gagawin nila ito pero hindi ko pa maiwasang magulat at maging masaya na makitang inaabangan nila ako.
"Welcome back, Yannie!" sabay-sabay nilang bati na ikinahawak ko na lang sa dibdib ko, I'm really contented of what I have now.
May dala-dala ng cake si Ama at saka nakasunod lamang si Inay sa kan'yang likuran habang papalapit sa akin. Nakita ko rin na nandito si Nakko, kababata ko at matagal ko nang kaibigan.
Malawak ang ngiti ko na minsan lang makita sa aking labi. When it comes to my family, I can freely smile at all time. Hindi ako komportable sa maraming tao at kakaunti lang talaga ang mga kaibigan ko. Tulad na lang ngayon. Si Inay, Ama, Zannie at Nakko lang ang nandito.
"Masaya ako akong nakauwi ka na, anak," malambing na sabi ni Ama at niyakap ako gamit ang libre n'yang kamay, may hawak s'yang cake kasi sa kabila.
Niyakap ko rin s'ya at hinalikan sa pisngi. "Miss ko na kayo, Ama." Napatingin ako kay Inay. "Inay ko!"
Mahinang tawa ang pinakawalan ni Inay at niyakap ako. Dahil yakap ko rin si Ama ay kasama na rin s'ya sa yakap.
"Sama rin ako!" Sumali na rin si Zannie sa yakapan kaya halos masipat na ako sa sobrang yakap nilang tatlo sa akin.
"Tama na, tama na." Humiwalay na ako sa yakap at napatingin kay Nakko na naka-krus ang braso sa harapan ng dibdib nito.
"Nandito pala si Nakko!" magiliw kong wika at inambahan s'ya ng yakap, agad naman s'yang tumugon. Ginulo pa n'ya ang buhok ko kaya nakarinig kami ng tikhim mula kay Ama.
"Oh, tama na 'yan." Napahiwalay kami sa yakap ni Nakko dahil sa ginawa ni Ama. "Mamaya na kayo maglambingan at kakain muna tayo."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Nakko at mahinang napabungisngis. Inalalayan n'ya akong umupo bago s'ya tumabi sa akin. Umupo na rin sila Ama sa kani-kanilang upuan.
"Tayo'y manalangin muna sa ating panginoong Diyos," ani Mama at pinagdikit ang palad at ipinikit ang nga mata.
Gano'n din ang ginawa namin. Nasanay na kaming manalangin muna bago kumain. Lubos ang pasasalamat nina Ama at Mama sa may kapal na binigyan kami ng masaganang buhay at may kinakain kami sa pang-araw-araw.
May kaya ang pamilya namin kaya hindi naman gano'n kahirap ang pangangailangan ko sa pang-araw-araw. Lumaki ako rito sa Pilipinas habang ang kapatid ko naman ay nasa China.
Isang chinese si Ama habang si Inay naman ay filipino. Dati sa China sila naninirahan ngunit dahil sa mga kamag-anak namin na nangangailangan ng bahay ay pinatira muna ito ni Ama at saka kami tumungo rito sa Pilipinas.
Dahil sa paminsan-minsan naming pagbisita sa China ay hindi inaasahan na ro'n ipapanganak si Zannie. Four years old ako pa lang ako no'n.
"Dalawang taon na lang at graduating ka na anak. May balak ka bang mag-asawa pagkatapos ng pag-aaral mo?" masayang ungkat ni Inay na ikinatigil ko.
Kahit si Ama ay napatigil din, tinignan n'ya si Inay at mukhang may pinapahiwatig ito sa titig at naiintindihan ni Inay ang gusto nitong iparating. Ngunit hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no'n kaya sinangwalang bahala ko na lang muna.
"Wala pa akong boyfriend, Inay, kaya wala pa sa isip ko ang mag-asawa," nakangiwi kong sabi.
Pinilit ko pang ngumiti dahil awkward naman talaga na pag-usapan ang gano'ng bagay lalo pa't nandito si Nakko sa aming hapag-kainan.
Nakangiti pa rin si Inay habang makahulugang nakatingin sa aming dalawa ni Nakko na naiilang na sa kan'yang upuan. Nakaabang na rin si Ama at si Zannie naman ay abala sa kan'yang kinakain, tahimik lamang s'ya.
"Mas magandang pag-isipan mo kung sino ang magiging asawa mo kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral," mahinahon na sambit ni Ama at napatingin ulit kay Nakko bago sa akin. "Mas mabuting chinese ang mapapangasawa mo. Ayaw kong pagtabuyan ulit tayo dahil sa may isa sa ating pamilya na may lahing filipino."
"Filipino naman si Inay, Ama, ah."
"Kaya nga ayaw ng ilan ng kamag-anak ko sa atin dahil sa nakapagpangasawa ako ng purong filipino. Ayaw kong mangyari ulit ang hidwaan sa angkan natin," wika ni Ama na nakapagpahinto sa akin, gano'n din si Zannie na mukhang kinakabahan na ngayon.
Napalunok ako sa sariling laway. Masyadong seryoso ang pinag-uusapan namin. Akala ko pa naman magiging masaya ang pagsasalo namin ngunit mukhang nawalan na ng gana si Zannie.
Kahit wala pa akong nobyo ay nababahala na ako sa kinabukasan ko. May nagugustuhan akong lalaki at isa s'yang purong filipino. Kaya halos pait na ang panlasa ko.
Napatingin ako kay Inay at nakitang pilit na ngiti ang ipinukol n'ya. Mukhang hanggang ngayon dala-dala n'ya ang sakit sa nakaraan.
Alam ko naman talaga na sa pamilya ni Ama ay dapat makapagpangasawa lamang sila ng chinese na katulad nila. Nasa tradisyon nila iyon. Hindi ko alam na kahit half filipino kami ay dapat pa ring nakapagpangasawa kami ni chinese.
"Tapos na ako." Mabilis na tumayo sa pagkakaupo si Zannie at bahagyang yumukod sa harapan namin bago s'ya umalis.
Nag-aalala naman akong sinundan s'ya ng tingin. Alam ko na may nobyo na s'ya at hindi ito lahing chinese gaya sa gusto ni Ama. Natatakot ako na baka malaman ni Ama na may karelasyon si Zannie. Isang taon na namin ito tinatago sa kan'ya.
"Kumain na kayo." Binasag ni Inay ang katahimikang nakabalot sa pagitan namin. "'Di ba may pupuntahan pa kayo ng anak ko, hijo? Baka ma-late kayo."
"Sige po, Auntie," sagot ni Nakko at sinenyasan ako na s'ya ang bahala sa akin at h'wag na akong mag-alala pa.
Ngitian ko na lang s'ya ng tipid at mabilis na tinapos ang kinakain ko. Napaisip din ako sa biglang pag-ungat nila sa kasal na wala pa talaga sa isip ko.
Hindi ako makapaniwala na sasabihin ni Ama ito sa akin. Wala sa isip ko na gagawin n'ya ito sa amin ni Zannie. Kilala ko ba talaga ang Ama ko ng lubusan o nagbago na talaga s'ya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro