Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

Epilogue

Thank you!

LANDER MONTENEGRO

BAGO ang araw na ihatid ko sa Hacienda Montemayor si Aviona ay nagpakasal muna kaming dalawa. Hindi ko siya ibinalik sa mga Montemayor hanggat hindi nababago ang apelyido niya.

Hindi rin natapos ang buong gabi na kapiling ni Aviona ang kanyang pamilya dahil sinundo ko agad siya, itinakas ko siya ng gabi ring iyon. Sumama siya ulit sa akin, I already have the blessing of her mother, Camilla. Alam ni Camilla Montemayor na mahal ko ang anak niya, and she said na sapat na iyon para sa kanya.

Walang alam si Aviona na ngayong gabi namang ito ay kakatagpuin ko ang ama niya.

Hendrick, Aviona's father, made a call to me yesterday. He said he wanted to meet me. Of course, hindi niya lang ako basta gustong makita. I was thinking, maybe, he also wanted to kill me.

I took the elevator and went inside to an office. Actually, it's an abandoned office. Natanaw ko agad si Hendrick, he was standing beside his sons; Carick and Ayrand Rome Montemayor. They are also with Raphael and Leonardo Saavedra. I know them well. Kilala ko ang bawat miyembro ng pamilya ni Aviona.

And according on how they stand, it looks to me that they were going to fight. Pamilyar sakin ang mga ganitong hitsura. Lalo na kung paano gumalaw ang kanilang mga panga nang makita nila ako.

Tumayo ako sa harapan nilang tatlo at namulsa. I was about to speak nang lakad-takbong lumapit sa akin si Carick. This guy was raging mad. And crap, he's going to punch me. Easy to dodge, but nah. Inagaw ko sa kanya ang ilang taon nang ipakidnap ko ang kapatid niyang si Aviona, so I deserved his punch at wala akong balak ilagan ito.

Nang lumapat sa mukha ko ang kanyang kamao ay nabuwal ako sa pagkakatayo. He had a gun on his back, I sensed it. Balak niya iyong kapain upang itutok sa akin when suddenly Hendrick stopped him. "Enough."

Lumapit sa akin si Raphael at kinuwelyuhan ako upang ibangon sa pagkakaupo. "I can't believe you're Lander Montenegro. You're not that really good in hand combat to be a kingpin, aren't you?"

He's totally wrong about that. Madali lang sa akin na baligtarin siya at ihiga sa sahig kung hahawakan ko ang kanyang pulso. And in just ten seconds, kaya ko silang itumbang tatlo. Yet, I've rather not. Kapag nabalian ko sila ng buto ay baka ako pa ang mayari kay Aviona.

Napapikit na lang ako nang sikmuraan ako ni Raphael. Mas malakas siya kay Carick, sabagay, he's part of the Phoenixes. Sumunod si Ayrand ng tadyak sa akin.

Si Leonardo naman ay tila walang balak na sumali, nanonood lang ito sa isang tabi. Good thing, siya kasi ang pinakamalakas sa lahat ng narito. Kung hindi ako nagkakamali ay parehas ang lebel naming dalawa, at mukhang ilang suntok lang mula sa kanya ay ikamamatay ko na.

Sinundan ako ng suntok ni Carick sa tagiliran sanhi para mapaluhod ako. Dumudura na ako ng dugo.

Umupo si Hendrick upang magpantay kami. He held my chin to raise my face. "You ruined our lives."

I smirked. "Because it was meant to happen."

He struck my face with his fist. Sinakal niya ako. "You know we're going to kill you, pero pumunta ka pa rin. Why?"

Pinilit kong makapagsalita. "B-because I need to say something."

Lalong humigpit ang pagkakasakal niya. "Say it!"

"I love your daughter. Iyon ang kabayaran ko sa kasalanan ko sa inyo. At hindi ako... nagsisisi."

"Bastard. You ruined her life." Mariin niyang sabi.

"Let me live... I will make it up.. to her... I promise ... I-im going to make... your princess... my queen..."

Bumitaw siya sa akin at saka nagmura. "And what makes you think I will let you to do that?"

I wiped the blood on my mouth as I stood up. "B-because she's carrying my child."

Nanlaki ang mga mata niya.

"I'm gonna blow up your head, liar!" Si Carick.

"Go on. If you really think I'm lying, then put a bullet in my head." Humugot ako ng phone sa aking bulsa, slowly. "But before you do that, let me speak with Aviona. If I'm going to die today, I wanna tell her how much I love her. I wanna hear her voice for the last time."

Hendrick stepped forward and took the gun from Carick. Itinutok niya muli ito sa akin. "Then say your last words to her."

Napapikit ako. Damn it. Mukhang wala nga yata silang balak na buhayin pa ako. So, I should stick with Lola Peach's tip. Sabihin ko raw ito kay Hendrick kapag dehado na ko. "I know where Merdie is."

Nagbago ang mukha ni Hendrick. Damn, mukhang effective. "You will marry my daughter, right?"

"It's a goddamned yes."

Bumaba ang hawak niyang baril. "Then tell me where Merdie is."

I don't know their story, but it really looks effective.

Umigting pa ang panga ni Hendrick. "Sasakalin ko ang gurang na yun."

Hindi pa yata alam ni Hendrick na deads na ang matandang target niyang sakalin.

Nagkatinginan na lang kami nina Raphael at Carick. Pagkuway napangisi ako. Makikita ko pang lumaki ang anak namin ni Aviona.

Lumabas na agad ako sa silid na iyon. Maigi ng maagap. Napapangiti na lang ako.

Habang tumutulo ang dugo sa labi ko ay tila anag-ag na bumabalik sa alaala ko ang nakalipas...



MULA SA PAGBUKAS ng malaking pintuan ng Ybarra's mansion.

Napangisi ako nang makita ang batang babae na bitbit ng mga tauhan ko.

"Here's your new toy, Lord."

"Shut up." Iwinasiwas ko ang isang kamay ko, iglap lang ay nawala na ang mga lalaking naka-itim na tuxedos. They are my bodyguards, though I don't really need them. I can protect myself, pero makulit lang talaga ang ama ko. Masyado niya akong iniingatan na para bang ano mang oras ay maaari akong mawala sa kanya.

Bakit hindi? Isa ako sa pinaka-iingatan niyang yaman. Ako lang naman ang utak ng mga bagong gamot sa lab. Sa eksperimento ko galing ang mga bagong likhang droga na pinagkakakitaan niya ngayon ng milyon-milyon araw-araw.

Nilapitan ko ang paslit. Natutulog siya sa couch. May bakas pa ng luha sa pisngi. Isang light color na mamahaling bestida ang suot niya. Tila siya isang manika na may makinis at mamula-mulang balat. Halatang alagang-alaga at mahal na mahal siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Sayang at hindi niya na mararanasan ang pagmamahal ng mga iyon.

I stared at her, fighting the urge to touch her skin.

Naalimpungatan ang magandang anghel, nagmulat siya ng mga mata at ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko ng tumama sa akin ang malamlam niyang paningin.

Tila may dala iyong lason sa pagkatao ko at hindi ko nagustuhan ang kakaibang epekto na masahol pa sa pinakamalakas na drogang nilikha ko. Ni hindi ko namalayan na meron na palang nabago sa akin sa sandaling magtama ang aming mga paningin ng batang Montemayor.

Pinalagutok ko ang aking daliri.

Mayamaya ay isang may edad na babae ang lumapit sa akin, isa sa mga bagong tauhan ko.

"Ikulong mo ang batang iyan, at wag na wag mo siyang palalabasin hanggat hindi ko sinasabi. Do you understand?" utos ko rito.

Sumaludo ang babae sa akin. "Yiz, ser!"

Nakasunod ang tingin ko sa papalayong babae at sa buhat-buhat nitong bata. Darating ang panahon na lalaki ang batang iyon sa poder ko, magtatanong siya at maghahanap ng pamilya.

Pero kailangan niyang maintindihan na kapag naging pag-aari ko na ang isang bagay, wala nang ibang may karapatan dito kundi ako na lang.

"Welcome to my kingdom, Aviona Camille Montemayor..." I whispered. "You are mine now, at wala ng makakakuha sa'yo mula sa akin. I'm going to mark you right at this very moment."

Wala ka ng ibang makikilala kundi ako. Ako at ako lang.

Just me. Only me.

Just Lander.

WAKAS

JAMILLEFUMAH





Again, thank you for making it this far! And yes, this story has a book version. More polished and with additional scenes and a special chapter for those who want to collect the book. You can ask for stocks from the staff of bookstores near you. The price of the book is P199. It's only one book, and it's a complete copy! 


Take care of Aviona and Lander for me. And please do not forget to tag us once you have it already! @jfstories, @psicom, and @officialpsicom on IG! Mas mahaba sa book si Lander =)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro