Chapter 3
BAKIT KAYA PARANG BIGLANG NAGALIT SI JUST LANDER?
Kanina ay maayos naman siya, maaliwalas ang kulay kalangitan niyang mga mata. Anong nangyari at parang biglang naging malamig at mailap ang mga iyon?
"Nakow! Eh, ano ba kasing ginawa mo bakit nagalit si Ser?" nangunot ang karampot na noo ni lola. May sinisipsip sya buto ng santol.
Napayuko ako dahil hindi ko alam ang sagot.
"Aba'y bakit galit na galit iyon ng ganoon? Tila ba gusto ng kadyot, ere."
Humawak ako sa kamay ng matanda. "Ano pong gagawin ko, Lola? Ayaw ko pong magalit sya sa akin. Baka ikulong niya na naman ako..."
"Hala, sige at puntahan mo sya. Humingi ka ng tawad at magmakaawa ka."
Napakagat labi ako.
...
AVIONA CAMILLE MONTEMAYOR was standing a few steps away. She was begging for my forgiveness. But how could I accept her apology if she didn't even know what she did?
Kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit nga ba ako galit. Basta lang galit ako. Naguguluhan.
Aviona Camilla slowly walked toward me. Lumuhod siya sa harapan ko. Nagulat ako nang bigla siyang humikbi.
My stomach tightened up and I was momentarily speechless.
Yumuko siya pasimpleng nagpunas ng luha. "Sori na, Just Lander..."
And just like that, parang ayaw ko nang magalit.
Sinundot nya nang maingat ang aking braso. "Sori na, oh..."
Hell. She was really cute, I couldn't stand it.
Ano ito? Bakit may ganito akong nararamdaman?
Ano na naman ito? Nagsimula na naman akong mag-panic, pero sa huli ay nangibabaw ang kagustuhan ko na abutin siya.
"Jack..." Hinaplos ko ang buhok niya.
Pumaling ang kanyang ulo at saka sya nahihiyang ngumiti. It made me caught my breath.
"Galit ka pa?"
I frowned at her. "Oo."
Napalabi muli sya. "Anong dapat kong gawin para hindi ka na magalit?"
Bahagya kong ibinuka ang mga hita ko paharap sa kanya. Nanikip ang loob ng aking pantalon sa isiping malapit lang ang kanyang mga labi sa harapan ko.
Pinaningkitan nya ng kanyang mga mata ang nakabukol ko roon. "Sori rin pala sa paghila ko sa santol mo."
I suppressed a grin.
She bit her nails. "Pwede ko hawakan ulit? Pangako, hindi ko na hihilahin."
Umiling ako at hinawakan siya sa ulo. "Saka na. Pero wag kang mag-alala, hindi na ako galit."
Tumango siya. Nang makita ko ang kanyang ngiti ay tila may mainit na kamay na humaplos sa aking dibdib. And I didn't like it.
...
Nakasunod ako kay Lola Peach habang namamasyal kami sa sementadong lawn ng mansiyon ni Just Lander. Ngayon lang ako nakapasyal sa parteng ito kaya naman manghang-mangha ako. Lahat ng aking nakikita na bago sa paningin ay agad na itinatanong ko kay Lola Peach.
Inilista ko iyon sa papel na itinabi ko. Narito ang mga listahan ng mga gusto kong makita at bagong nalalaman.
Narito rin sa listahan ko ang mga bagay na nakita ko na tulad ng bituin, ulap, langit at santol na may buhok. Mukha ngang marami pa talaga akong dapat makita.
Biglang may humintong sasakyan sa aming harapan. Alam ko ang bagay na ito dahil ipinaliwanag sa akin ito ni Just Lander. May gulong ito na gumugulong at may silya sa loob. Hindi ko nga lang alam kung paano ito umaandar. Basta ang alam ko lay ay gumugulong ang gulong nito.
Inilista ko ito sa aking listahan.
Bumukas ang koste at isang mataas na lalaki ang bumaba, kulay gabi ang suot nitong damit. Kasing katawan ito ni Just Lander. Hindi magkahulma ng mukha pero makinis din ito at matulis ang ilong na gaya rin ng kay Just Lander.
Ngumiti ito sa amin.
Sa akin ito nakatingin. Parang pati ang mga mata ay nakangiti. Mukhang mas mabait ito kay Just Lander.
Nagsalita ang lalaki. "Hi, I'm looking for Lander."
"Ano raw po, Lola?"
Sumubo si lola ng santol. "Naghahanap daw sya ng Lander."
Nangunot ang noo ng lalaki. Samantalang ako ay hindi maalis ang paningin sa buhok nitong nakatirik. Paano nito kaya napatayo at napatigas iyon ng ganon? Ang galing!
"Excuse me?"
"Paraanin daw siya."
Napangisi ito. "Nandyan ba si Lander?" Sa akin pa rin ito nakatingin.
Sumagot ako. "Walang Lander dito. Just Lander meron."
"What?" lumapit sa akin ang lalaki. "What's your name, young lady?"
Bumulong si lola. "Pangalan mo raw noong bata ka pa."
Binalingan ko itong lalaki. "Ako si Jack. Ikaw? Lalaki ka, di ba?"
"Of course." Napahalakhak ito. "Nakakatawa ka naman." Inilahad nito ang isang palad sa akin. "My name is Patrick Ko. It's nice meeting you."
Tiningnan ko ang kamay ng lalaki bago ko ito kinuha. Pagkuwan ay tinikman ko ang daliri nito.
Nanlaki ang mga mata nito sa ginawa ko. "What the..."
Isa pang sasakyan ang huminto malapit sa amin. Natuwa ako nang makita kong iluwa niyon si Just Lander. Gusto ko sana syang salubungin subalit nakasimangot na naman sya.
Mabibigat angmga hakbang nya at nang makalapit sya sa akin ay agad nyang hinablot ang aking pulso.
"Anong ginagawa nyo rito sa labas?"
Si Lola Peach ang sumagot. "Nakow! Ser, eh kumakain kami ng santol e."
Hindi nya nilingon ang matanda bagkus ang lalaking may nakatirik na buhok na mukha ang binalingan nya. "What are you doing here?"
"Seriously?" Malawak ang ngiti nito sa kanya. "I was just vising you, Lander." Pagkatapos ay tumingin na naman ito sa akin.
Hindi na sumagot si Just Lander at hinila nya na ako papasok. Hindi ko alam kung anong nangyari pero mukhang galit na naman sya.
"Hey, Lander!" hinabol sya ng lalaking may tirik na buhok. "Wait!"
Galit na hinarap ito ni Lander. "Shut up! Just get out of here or I will fu cking put a bullet in your fuckin g head!
Hinila na nya ako papasok pagkasabi nya niyon sa lalaki.
Ano kayang nangyari bakit galit na naman sya? May nagawa ba akong masama?
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro