Chapter 27
"JUST LANDER, totoo bang lumulubog ang araw bago magdilim?" Aviona asked as she was looking at the sunset. Nakatanaw kami sa malawak na karagatan kung saan tanaw namin ang papalubog na araw.
I nodded.
"Saan napupunta yung araw? Sa ilalim ng dagat?"
I glanced at her to see her brown eyes. Hindi ko siya kayang tingnan nang matagal. Ayaw ko rin titigan ang kanyang magandang mukha. Maybe because I was too afraid to lose her. Pero kailangan. Kailangang-kailangan na.
I nodded again. "Oo. Lumulubog ang araw sa ilalim ng dagat."
Her eyes widened. "Sabi ni Lola Peach ay yari raw sa apoy ang araw. Kapag lumubog ito sa dagat, ibig sabihin ay mamamatay ang apoy nito?"
Amused akong ngumiti. "Oo. Kapag nawala ang apoy ay nawawalan din ng liwanag. Iyon ang dahilan kung bakit nagdidilim pagkatapos lumubog ng araw sa karagatan."
Napatingala sya. Mayamaya ay ay tila ba may pumasok sa isip niya. "Alam ko na! Kapag wala ng apoy ang araw ay nagiging buwan?"
Napapikit ako. "Oo, ganoon nga."
Napapalakpak sya. "Yay! Ang galing!"
Pagkuwan ay muli naming magkapanabay na pinagmasdan ang papalubog na araw. I believe that sometimes a man has to lie to his girl when he's upset and not in mood of answering.
I don't know how will I tell her that this might be the last day we're together. Parang hindi ko kayang mawalay sa kaniya, but I have to leave her. Sa ngayon kasi ay iyon lang ang alam kong paraan para mailigtas sya sa masamang pwedeng mangyari.
Iyon din ang paraan para maibalik sa kanya ang mga panahong nawala. Mga panahon at bagay na ninakaw ko mula noong napunta siya poder ko. Gusto kong mabalik iyon lahat sa kanya.
God, she's beautiful. Sa loob at labas, napakaganda niya. At ang tulad niya ay hindi dapat iniiwan. Sya iyong babaeng dapat inaalagaan.
Humarap sya sa akin and she pouted. "Just Lander, may itatanong sana ako sa'yo."
Namulsa ako. "Sige lang."
Sige lang, Aviona. Habang nandito ako... Lahat ng tanong mo, sasagutin ko. Dahil pagkatapos nito, alam kong mahihirapan na ako sa mga magiging tanong mo dahil siguradong sa susunod na magtatanong ka ay hindi ka na ganoon kainosente. Kapag tuluyan mo nang nakilala ang mundo, hindi ko alam kung maski ang hanapin ako ay gagawin mo pa...
Lumikot ang mga mata niya. "Alam mo ba kung saan ko makikita ang pag-ibig?"
I took a breath, deeply. "Hindi naman hinahanap yun. Kusang darating yun."
"Kusa kong makikita yun?"
Kinuha ko ang kaniyang kamay at inilagay sa aking dibdib. "Nararamdaman."
"Paano ko malalaman na natagpuan ko na nga iyon?" Nakatingala siya sa akin habang nakangiti. Sa tingin ko ay alam niya na ang sagot sa tanong, pero gusto niya lang talagang marinig mula sa akin.
"Close you eyes, Aviona." Utos ko sa kanya. "Pumikit ka."
Ginawa naman niya ang sinabi ko.
"Kasing ganda iyon ng kalangitan at sinliwanag ng mga bituin. Kasing lawak ng karagatan at kalupaan. Kasing taas ng himpapawid at sin tayog ng kabundukan."
Ngumiti sya sa gitna nang kayang pagkakapikit. "Natagpuan ko na, Just Lander..."
"Oo, natagpuan mo na." Idiniin ko ang kaniyang palad sa aking dibdib. "Narito, Aviona." Maingat kong iniangat ang kaniyang mukha.
"Just Lander..." nagtagpo ang aming mga mata.
Unti-unti ay naglapit ang aming mukha. Dahan-dahan ay nagdikit ang aming mga labi. It was soft and gentle. Romantic and unforgetable. I cupped her face as our lips moving. Hindi ko mapigilang hindi namnamin ang bawat sandali.
Nang kumalas ako sa kaniya ay kusang bumuka ang aking bibig. "A-Aviona..."
"Just Lander..." Nakatitig lang sa aking ang kulay tsokolate niyang mga mata.
"I love you..."
....
NAGISING AKO SA MALAKAS NA INGAY. Tinig iyon nina Lola Peach at Lola Merdie. Kapwa sila nagmamadali. Napabangon ako nang kunin ni Just Lander ang aking kamay mula sa pagkakahiga. Pagkagaling namin sa karagatan ay tumuloy muna kami sa isa pang bahay ni Lola Merdie na isa raw tagong rest house.
"Kailangan na nating umalis," sabi niya.
"Anong nangyayari?" Umusbong ang kaba sa aking dibdib. Parang may hindi magandang mangyayari. Sa hitsura nila'y para bang nasa panganib kami.
Walang sumagot sa tanong ko. Mabigat pa ang aking katawan dahil sa antok, kaya ang natatandaan ko na lang ay hila-hila na nila ako.
May pinagtatalunan sila tungkol sa sasakyan. Ayaw na kasi ni Just Lander sa sumakay sa kotseng pagong ni Lola Merdie. Mabuti na lang at may iminungkahi si Piccolo. "Mukhang kailangan natin si Happy B."
"Sinong Happy B?" tanong ni Lola Merdie.
"Iyong sasakyan ko."
"May sasakyan kang dala?"
"Oo iyon ang gamit ko kanina noong sumunod ako rito. Wag kayong mag-alala, walang binatbat ang mga bagong modelong kotse sa heavy duty mini bus ko na minana ko pa sa lolo ko."
Nagkatinginan muna ang mga matatanda bago nagpasyang puntahan ang likuran ng bahay. Napatanga kami nang makita namin si 'Happy B' na nakahimpil doon. Mukhang luma, pero mukhang alaga naman. Tila nga lang iyon uod na hugis parisukat. Matanda na si Piccolo kaya ilang taon na kaya ang mini bus niyang ito kung minana pa niya ito sa kanyang lolo?
"Sigurado kang ito si Happy B?" tanong ni Lola Merdie habang nakatingala sa sasakyan.
"Oo." Nakangisi si Piccolo. "Happy B means Happy Bus."
....
LUMAPIT AKO kay Just Lander na nakaupo sa isang tabi. Nakasakay sa isang sasakyan na tinatawag daw na bus. Ayon naman kay Piccolo, na kasalukuyang nagmamaneho nito, ay 'Happy B' daw ang pangalan nito. Kahit pala sasakyan ay puwedeng pangalanan?
"Just Lander, saan tayo pupunta?" taong ko sa kaniya.
Sabi kanina ni Piccolo ay kaya Happy B ang pangalan ng busy niya ay dahil magiging masaya ang lahat ng sasakay rito. Pero bakit seryoso si Just Lander? Ni hindi siya ngumingiti?
Nakatingin sya sa papel na ibinigay sa kaniya ng kapatid niyang si Kyo. "Tatakas tayo."
"Sa mga kalaban?"
"Oo." Ang kaniyang mga mata ay nasa kawalan. "Natunton na nila tayo. At alam na rin nila kung saan tayo patungo."
"Saan ba tayo sa patungo?"
Matagal sya bago nakasagot. "Sa piyer."
"Anong meron doon."
Umigting ang kaniyang panga. "May barko doon na naghihintay sa atin."
"Kailangan nating makarating doon bago tayo maabutan ng kalaban?"
Tumango siya.
Ilang sandali pa'y tumunog ang cellphone ni Just Lander. Sinagot niya iyon bago siya lumayo sa akin. Mayroon siyang kausap pero hindi ko naman marinig.
"Hija, wag kang hihiwalay sa akin," ani sa akin ni Lola Peach bago siya nagkasa ng baril na hawak niya. Hinila niya ako papunta sa harapan ng bus kung saan naroon sina Lola Merdie at Piccolo na nagmamaneho.
"Lola, natatakot po ako. Baka po maabutan tayo ng mga humahabol po sa atin."
"Wag kang matakot. May mga tutulong sa atin pagdating natin sa barko."
"Isa pa, mabilis magmaneho si Piccolo," sabat ni Lola Merdie. "Hindi nila tayo maabutan."
Biglang huminto ang sasakyan sanhi para magkauntugan kaming tatlo. Galit na galit si Lola Merdie na hinarap si Piccolo. "Tangina, dahan-dahan naman! Kapag ako nainis, ididribol ko yang ulo mo!"
Nakangiwi si Piccolo n nilingon kami. "Flat ang gulong."
"Hebi dyuti nga!" palatak ni Lola Peach.
"Tangina di ko talaga alam bat pinatulan ko 'tong gurang na 'to e!" himutok naman ni Lola Merdie. "Kahit MOMOL lang, di dapat pasado 'to sa taste ko!"
Napasimangot si Lola Peach. "Ku e ayan at kahit ang tatanda niyo na, ex with benepits pa rin kayo!"
Napakamot naman si Piccolo. "Mahal ko ang ate mo kahit pampalipas lang ako para sa kanya. Basta kailangan niya ako, dumarating pa rin ako."
"Ay, pak gurl si Ati!"
Sinilip ni Just Lander ang bintana ng sasakyan. "Malapit na tayo. Takbuhin na lang natin kaysa maabutan nila tayo."
Nakalapit na siya sa amin kaya natigil ang matatanda sa pag-uusap.
"Pero hindi ko maiiwan si Happy B ko." Reklamo ni Piccolo.
"Wag kang pabebe, Piccolo." Sermon ni Lola Merdie. "Wag kang paimportante dahil hindi ka mukhang tao!"
"Seryoso ako, magpapaiwan na ako dito. Ihaharang ko rin sa daan itong bus ko para matagalan ang mga kalaban sa paghabol."
"Feeling mo, bida ka na niyan?" napahalukipkip si Lola Merdie.
Tumayo si Piccolo at siniil ng halik ang matanda. "Hindi. Gusto lang kitang iligtas at ang mga kasama mo."
Humanga yata si Lola Merdie sa sinabi nito kaya ginantihan niya ito ng halik na may kasamang dakot sa harapan nito. "Isa kang bayani... kahit pahaba ang ulo mo."
"Umalis na tayo. Natatanaw ko na sa malayo ang mga sasakyan nila!" sigaw ni Lola Peach.
Hinuli ni Just Lander ang aking pulso at tumakbo nang mabilis patungo malapit sa natatanaw naming barko. Isang malaking barko na dati ay sa drawing ko lang ni Lola Peach nakikita. Ito raw iyong sasakyan na ginagamit para makatawid sa dagat. Inarkila pa raw ito ni Kyo Montenegro para magamit namin.
Sa likuran namin ay nakasunod din na nananakbo ang dalawang matanda. Hindi namin alintana ang layo namin sa barko dahil sa panganib na maari naming makaharap kapag naabutan kami. Pasalamat na rin kami kay Piccolo na haharang sa daraanan ng mga kalaban. Kahit papaano ay may oras pa kami para tumakbo.
"Kailangan nating bilisan, umaandar na ang barko!" sigaw ni Just Lander.
Halos malagutan na ng hininga ang dalawang matanda makasabay lang sa bilis ng pagtakboo namin. Hanggang sa nakalapit na kami. Subalit hindi humihinto ang barko sa pag-andar nito.
"Aabot ba tayo?!" tanong ko sa gitna ng pagtakbo.
"Kailangang umabot tayo!" desididong tugon ni Lola Peach.
Kahit pagod na kami ay mas binilisan pa namin ang pagtakbo. Ang pag-asa na lang, kung makaabot kami, ay iyong tila isang tulay na nagsisilbi para makasampa sa barko. Subalit dahil umaandar ang barko ay malapit na itong bumigay.
"Bilis!" Unang nakatuntong si Lola Merdie. Nakasunod si Lola Peach pero saktong naputol na ang tabla.
Buong lakas akong binuhat ni Just Lander at maingat na ibinato sa matanda. Maige't nakapitan nila ako kaya nakasampa ako nang ligtas.
Hinihingal kami nang makatungtong kami. Tuwang-tuwa ako dahil nagawa namin. Mabilis ang andar ng barko kaya malabong maabutan kami. Gusto kong magtitili sa saya pero iba ang mukha nina Lola Peach at Lola Peach.
"B-bakit po?" kabadong tanong ko.
Tulala ang dalawa at bakas ang lungkot sa mukha. Nakatanaw sila sa daungan kung saan kami nagmula.
Saka ko lang napagtanto kaya marahan akong lumingon. Nitong mga sandaling ito ay nanalingin akong wag naman po sana na tulad ito ng iniisip ko ngayon. Hindi pwede ito. Hindi. Nasaan si Just Lander?
May mga luha na sa aking mga mata nang nilingon ko ang pinanggalingan ko. Sa di kalayuan nga ay naroon sya sa at nakatanaw na lang sa amin doon.
"Just Lander..." usal ko. Naglandas na ang mga luha. "Lola Peach, balikan natin si Just Lander..."
Subalit mga matang luha rin ang tugon sa akin ni Lola. Ganoon din si Lola Merdie ng tangkain kong kausapin sya.
"Just Lander!!!" akma akong tatalon sa dagat para balikan sya. Pero bago ko pa magawa iyon ay hawak na ako ng dalawang matanda.
Tatalon ako, kaya ko ito. Natatanaw ko pa sya, kaya pa ito.
Kitang-kita ko ang mukha ni Just Lander kahit malayo sya. Kitang-kita ko kung paano sya ngumiti sa akin na parang wala lang.
"Just Lander!!!" sigaw ko muli.
Maingay ang paligid dahil sa ungol ng barko pero narinig ko ang kaniyang mga sinasabi. "Hanggang dito na lang ako, Aviona."
"Ayaw ko..." hagulgol ko. "Nangako tayo, di ba? Na magsasama tayo. Sa hirap at ginhawa ay magkasama tayo..."
"L-lakasan mo ang loob mo, Aviona." Pumiyok sya. "M-magpakatatag ka..."
"J-Just Lander, hindi ko kaya..."
"Kaya mo!" matigas na bigkas niya. "Hindi ka lang isang Montemayor kundi Montenegro ka na rin, Aviona."
Hindi ako makahinga. Sobrang sakit ng dibdib ko, hirap akong huminga. "J-Just Lander..."
"Magsikap ka, Aviona. Mag-aral ka. Darating ang araw ay hahanapin kita. Sa araw na iyon ay pakakasalan ulit kita."
"P-pero hindi ko kaya nang wala ka..."
Nagtagis ang kaniyang bagang. "Tumingin ka sa palad mo."
Bumaling ako sa mga palad ko para lang matagpuan doon ang piraso ng papel. Ang papel na ito, ito yung listahan ko. Nakalista doon ang salitang pag-ibig at may marka na ng tsek iyon. Kaya naman bigla na lang kumabog ang aking dibdib.
Ito na nga kay aang pag-ibig na nasa listahan ko? Ito nga siguro na nararamdaman ko. Ginamit ko ang aking buong lakas para isigaw ito.
Ngayong gabi ay kailangang masabi ko ito. "Mahal kita, Lander!" namamalat na ako. "Mahal na mahal kita, Lander Montenegro!!!"
Mahina na ang kaniyang tinig dahil malayo na kami sa isa't isa. Subalit sa kabila nito ay nabasa ko ang binigkas ng mga labi. "Sa wakas, nasabi mo rin ang pangalan ko. At oo," huminga sya ng malalim. "Mahal na mahal din kita Aviona Camille Montemayor-Montenegro!"
Pagkatapos niyon ay tuluyan na syang lumiit sa paningin ko. Wala na akong makita kundi ang pagdaloy ng mga luha ko. "B-balikan kita, Lander, pangako. H-hahanapin kita, asawa ko..."
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro