
Chapter 25
HINDI AKO MAPAKALI. Kakatapos lang kasi ng kasal namin ni Just Lander at mag-asawa na kaming dalawa ngayon. Ano na ba ang kasunod? Ano na ang mangyayari? At bakit ang seryoso ngayon ni Lola Peach habang nakatitig siya sa akin?
"Lola Peach, kinakabahan po ako."
"Nakow! Eh, bakit ngayon ka pa kinabahan? Eh, ilang beses ka ng nakadyot, de pungas ka!" Ani Lola habang sinusuutan niya ako ng kung ano.
"Para saan po iyan?"
"Para hot ka ngayon gabi. Pihadong manggigigil sa'yo nito si Ser." Ngumiti ang kanyang mga gilagid habang pinagmamasdan niya ako sa mula ulo hanggang paa.
"Ano po yung hot, Lola?"
"Hot," napakagat-labi si Lola. "Malaswa."
Napanguso ako. "Malaswa?"
"Dun't wori. Mahilig si Ser sa mga malalaswa."
Napakamot na lang ako.
"Hija, basta kapag nagka-baby kayo ni Ser, isunod mo sa pangalan ko ha?"
Tumingin ako kay Lola, parang malungkot siya.
Hinila niya ako at niyakap. "Ku, ang bilis-bilis ng panahon. Dati napakaliit mo pa, iyakin ka pa at ang hirap patahanin. Ipinaghe-hele pa kita. Pero ngayon malaki ka na at may asawa na."
"Lola, umiiyak ka?"
Suminghot siya at hinalikan ako sa ulo. "Bat ako iiyak? Matapang tong Lola mo, ano ka ba!"
Ngumisi ako.
"Ah, basta! Masaya ako, Aviona. Masaya ako ni Ser ang naging asawa mo, masaya ako kasi napagbago mo siya. Masaya ako kasi masaya ka sa kanya."
Tama, masaya ako kay Just Lander.
"Lola, nasaan po si Lola Merdie." Naalala ko. Kanina pa pala wala si Lola Merdie, nami-miss ko na siya.
Inginuso ni Lola iyong kabilang kwarto. "Hayun, nagpapa-chorva kay Piccolo."
"Chorva?"
"Seksi taym ba. Alam mo na yun, lintek ka!"
Nanlaki ang mga mata ko. "Bubuntisin din po siya ni Piccolo?"
"Hay naku. Hindi na mabubuntis iyon at makunat na."
"Makunat?" napaisip ako. "Kumukunat po ba ang pepe?"
"Hindi. Si Lola Merdie mo lang talaga ang may ganoong pepe."
Natakot tuloy ako. Baka kasi isang araw ay bigla na lang kumunat din ang pepe ko. Napabuntong-hininga ako.
Umupo si Lola para magpanatay kami. Hinawakan niya ang magkabila kong palad. "Bakit ba parang hindi ka masaya? Kung ako ang bubuntisin ni Ser, eh baka ako na ang pinakamasayang diwata sa buong mundo."
"Hindi naman po ako malungkot, Lola. Marami lang po akong hindi maintindihan."
"Ano bang hindi mo naiintindihan, pisti ka?"
"May mga sinabi po sa akin si Just Lander na hindi ko po naunawaan."
"Tulad ng ano?" tanong ni Lola.
"Tulad nang sabihin nyang mahal ka niya?" biglang sumingit si Lola Merdie mula sa likuran. Pawisan ito at walang kahit anong saplot sa katawan. Rumampa ito sa harapan namin.
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Sinabi po ba yun ni Just Lander?"
"Hindi. Pero parang ganoon ang nais nyang sabihin sa'yo." Namewang siya at nagpalakad-lakad pa sa kuwarto. Hindi ko tuloy maiwasang damahin ang dibdib ko, bakit iyong kay Lola Merdie hanggang tiyan niya na?
"Tapos na kayo? Saan na si Piccolo?" tanong ni Lola Peach sa kapatid.
Napatingin naman ako kay Lola Peach, wala siyang dede kaya hindi ko maikumpara ang akin sa kanya.
"Naroon sa kwarto, lupaypay. Isang round lang si gago." May inis na salaysay ni Lola Merdie. "Tagal tigasan. Kailangan pang bombahin!"
"Aw!" ewan pero napatili si Lola Peach sa sinabi nito.
"Mga Lola, ano po yung 'mahal'?" sumingit na ako.
"Iyon yung tinatawag na 'love,'" lumapit sa akin si Lola Merdie at itinuro ang aking dibdib. "Ibig sabihin, kapag mahal mo na ang isang tao, bahagi na siya nito."
Napahawak ako sa dibdib ko. Totoo nga kaya ang sinasbi ni Lola Merdie? Totoo kayang mahal ako ni Just Lander?
"Eh, Lola Merdie, paano ko po malalaman kung totoong mahal ako ni Just Lander?"
Nagkatinginan ang dalawa. Tumugon si Lola Peach pagkuwan. "Hindi malalaman, hija. Mararamdaman mo."
"Nararamdaman mo ba na mahal ka niya?" si Lola Merdie ang nagtanong.
Umiling ako. "Hindi ko po masasabi."
"Ikaw ba, hija." Sumeryoso ang mukha ni Lola. "Nararamdaman mo ba na mahal mo siya?"
Napalunok ako. Paano ko ba malalaman na mahal ko si Just Lander? Napayuko ako. "Hindi ko po alam."
Lumapit sa akin si Lola Merdie at muling itinuro ang aking dibdib. "Pero itong puso mo," napapikit siya. "Alam nito."
"Lola Merdie..."
"Minsan, malalaman lang natin na nagmamahal tayo kapag tayo'y nasaktan na."
Nasaktan? Pero ilang beses nang nasaktan ang puso ko. At ang dahilan nito ay si Just Lander. Posible nga kaya na mahal ko na si Just Lander?
Kinuha niya ang aking palad at may inilagay siya doon.
Ito iyong mint na candy.
"Galingan mo, ah."
Ngumiti ako sa kanya bago ako tumango. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at humakbang patungo sa kwarto kung saan naroon si Just Lander. Hinihintay niya ako doon para buntisin.
Malapit na ako sa pinto nang matigilan. Nagtaka siguro si Lola Merdie kaya nilapitan niya ako. "May problema?"
"Posible po bang kumunat ang pepe?"
"Oo naman." Lumapit siya sakin at bumulong. "May kilala nga akong makunat ang pepe eh."
"Sino po?"
Napahagikhik siya. "Iyang Lola Peach mo."
...
SINILIP ko ang loob ng kuwarto. Nakatayo si Just Lander, nakatalikod siya sa gawi ko at nakaharap sa malaking bintana. May hawak siyang sigarilyo, kung kay Lola ay tobacco, kay Just Lander naman ay payat lang na stick na tinatawag niya rin minsang yosi.
Nitong mga nakaraang araw, hindi na siya madalas magalit. Palagi na rin niya akong tinititigan na para bang ano mang oras ay maglalaho ako. Iyong mga kilos at galaw niya, hindi na masiyadong nakakatakot katulad ng dati. Nabawasan na iyong pagiging malamig niya at pagkunot ng noo.
Huminga ako nang malalim.
Bakit bigla akong kinabahan?
Di ba asawa ko na siya? Dapat masaya ako at hindi kabado? Pero kapag sumasagi sa isip ko iyong "love" na sinasabi nila Lola Merdie, kinakabahan ako.
Mahal daw ako ni Just Lander... at dahil asawa ko siya, dapat mahal ko rin siya. Pero pagmamahal nga ba itong nararamdaman ko?
Pagmamahal ba ang tawag kapag kaya kang paligayahin ng isang tao at kaya rin niyang saktan ang damdamin mo?
Pagmamahal ba kapag gusto mo siyang makasama sa buong buhay mo?
Pagmamahal ba kapag gusto mo sa'yo lang siya at sa kanya ka lang? Iyon ba ang kahulugan niyon? Kasi kung iyon nga, oo nagmamahal nga ako.
Mahal ko nga si Just Lander. Mahal na mahal.
Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha. Dumiin ang pagkakakuyom ng palad ko sa hawak kong mint candy.
Kung mahal mo, aalagaan mo. Kung mahal mo hindi ka papayag na mawala siya sayo.
At dahil mahal mo... gagawin mo ang lahat para paligayahin ang taong mahal mo.
Papaligayahin ko si Just Lander sa pamamagitan nitong mint candy ko!
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro