Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

TOTOO ba iyong sinabi ni Just Lander? Papatayin na niya ako? Dahil na iyon sa ginawa ko kay Chandra?


Nangilid ang aking mga luha habang nakatitig sa nakatutok sa akin ang baril. Ang sabi niya, kapag kinalabit niya raw ang gatilyo nito ay sasabog ang bao ng ulo ko. 


Ayaw ko pang mamatay!


Marami pa akong gustong makita. Ayaw ko pang mamatay dahil gusto ko pa syang makasama!


Tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha. "J-Just Lander... 'wag naman..."


Lumapit pa sya sa akin hanggang sa dumikit sa aking noo ang dulo ng kanyang baril. Saka ko lang naamoy na amoy alak sya.


Pumikit ako sa gitna ng aking pagluha. "J-Just Lander, ayaw ko pang mamatay..."


"Papatayin na kita, Aviona Camille," sabi nya. "Hindi mo ako mapipigilan."


Nagulat ako dahil tinawag nya akong Aviona Camille. Jack ang pangalan ko at hindi Aviona Camille!


Humikbi ako. "A-aviona Camille?"


Umigitng ang kanyang panga. "Ang totoo mong pangalan– Aviona Camille Montemayor."


Ha? Seryoso ba sya? Pwede pala iyon? Magpalit ng pangalan? 


Umiling ako. "P-pero Jack ang pangalan ko... A-ayaw ko ng Aviona Camille Montemayor... masyadong mahaba..." napasinghot ako. "P-pwede ba maging kapangalan ko na lang si Lola Peach... para sana astig– "


"Shut up!"


Pumaling ang ulo ko. "A-ano iyong shut up?"


Tinalikuran nya ako at napasabunot sya sa sariling buhok. "Fuck! Fuck!" sigaw nya.


Nanatili syang nakatalikod sa akin. Matagal syang walang kibo bago muli sya nagsalita. "Isa kang Montemayor, Aviona. Isa sa pinakamayamang angkan sa asya na nakalaban noon ng ama ko sa oil business."


Montemayor? Ako? Hindi ako tao? Montemayor ako?!


"Ipinagkait ko sa 'yo ang isang magandang buhay na dapat sana ay tinatamasa mo ngayon dahil inilayo kita sa tunay mong pamilya."


Hindi ko siya maintindihan. May tunay akong pamilya?


Nagpatuloy siya. "Ipinadakip kita noong limang taong gulang ka pa lang. Ikinulong kita sa isang kwarto na kinamulatan mong akala mo'y isang tirahan."


Hindi ko na maampat ang aking mga luha habang nakikinig ako sa mga sinasabi nya. Katulad kasi ito ng mga kwento sa akin ni lola Peach na tungkol sa isang prinsesang ikinulong sa isang kulungan mula noon bata pa hanggang sa magdalaga. Kinukwentuhan ako noon ni lola ng ganito.


"Kaya heto ang naging bunga." Humarap sa akin si Just Lander na blangko ang mga mata. "Heto ka sa harapan ko na isang tanga."


Napahagulhol ako. Ang sakit kasing isipin na tanga nga ako. Kaya pala kapag pinupuri ako ni Lola Peach ay sinasabi niya lang na maganda ako pero hindi niya ako sinasabihan ng matalino.


"At alam mo ba kung bakit sinasabi ko sa'yo ito?"


Umiling ako.


Itinutok nya muli sa akin iyong baril nyang hawak. "Dahil papatayin na kita. Karapatan mong malaman ang katotohanan dahil mamamatay ka na."


Dahan-dahan akong napaluhod dahil nanghihina ako. Nalulungkot ako dahil sa nalaman ko.


Iyong mga kwento sa akin ni lola tungkol sa isang prinsesa ay ako pala. Awang-awa pa naman ako noon sa prinsesang iyon kapag ikinukwento ni lola sa akin at pagkatapos ay malalaman kong ako pala iyon.


Pinunasan ko ang aking mga luha. "M-may gusto sana akong itanong, Just Lander..."


Hindi sya umimik. Nakatutok lang sa akin ang kanyang baril.


"I-iyon bang pamilya ko na tinutukoy mo... ay tulad din ba ni lola Peach?"


Umiwas sa akin ang kanyang mga mata.


"P-pamilya rin ba sila... tulad mo?" piyok ang boses ko. "T-tao rin ba sila tulad niyo?"


Umalon ang lalamunan ni Just Lander. "Oo."


Lalo akong napahagulhol. "T-tanga rin ba sila... tulad ko?"


Hindi na sumagot si Just Lander. Nakatutok lang sa akin ang kanyang baril.


"A-anong hitsura nila?" tuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha. "K-kulay tae rin ba ang mga mata nila? M-mas malaki ba sila kaysa sa akin? M-mahilig din ba sila sa santol?"


Bigla na lang ibinaba ni Just Lander ang kanyang baril.


Pumitik sya sa hangin at pumasok mula sa pintuan ang isang lalaki. "Get her a dress." Iyon lang at iniwan na nya ako.


Bakit sya biglang umalis?

Akala ko ba ay papatayin nya ako?


Mayamaya pa'y nilapitan na ako ng mga babaeng isa-isang nagsipasukan. Inalalayan nila ako hanggang sa makarating sa banyo.


"A-ano po ang gagawin niyo sa akin?"


Ngumiti sa akin iyong pinakamatandang ginang. "Lilinisan ka namin, hija. Bibihisan ka namin para sa kaarawan ni Ser."


...


NAKAMASID ako ngayon sa dagat na kataong narito sa mansyon. Pamilya kaya ni Just Lander ang lahat ng tao rito? Kung magkaganon man, posible rin kayang ganito karami ang pamilya ko?


Pasimple kong hinugot sa aking bulsa itong boxers na ginantsilyo ko. Mabuti at natapos ko ito kanina kahit kapos na ako sa oras. Kaya lang masyado itong maiksi. Dagdagan ko pa kaya? Baka naman kasing magmukhang panty ito kapag isinuot ni Just Lander.


Isa pang problema ko ay ang sikip pa nitong suot ko. Hapit sa akin baywang na sinintisan sa aking likuran at bahagyang bukas ang sa dibdib na bahagi dahil wala namang butones. Karugtong ng damit na ito ang maiksi kong palda na may disenyo. Maganda man itong tingnan sa harapan ng salamin pero hindi naman akong kumprotableng isuot ito.


Inayusan din ni Lola Peach ang aking mukha. Sya ang naglagay ng dekorasyon sa aking mukha na tinatawag nyang make-up.


Hinagilap ko agad kung saan naroon ang mga pagkain. Nang makita ko ito ay hindi na ako nagdalawang isip na tunguhin iyon. Hayun ito na katabi ng malaking cake.


Subalit bago ako makalapit doon ay biglang sumulpot sa harapan ko si Chandra. Maganda rin ang bihis nya na halos katulad ng sa akin. May hawak syang kopita.


Tinitigan nya muna ako mula ulo hanggang paa bago nya sinisim iyong alak sa kanyang kopita. "Saan ka pupunta?"


Hindi ko sya pinansin. Napasulyap lang ako doon sa mga pagkaing nakalatag isang dipa ang layo sa akin.


Napabaling na rin doon ang babae. Napangisi sya. "Patay-gutom."


Lumapit sya roon at kumuha ng pinggan. Nilagyan nya iyon ng kanin at ham.


"Oh," iniabot nya sa akin ito. "Kumain ka."


Anong nangyari? Bakit ang bait nya?


Akma ko ng kukunin iyon nang bigla nyang bitiwan. Natapon tuloy iyong pagkain sa sahig.


Napatingin tuloy sa amin iyong mga bisita. Iyong iba pa ngang babae ay hindi ko alam kung bakit natatawa.


"Oh, ano? Tititigan mo na lang ba yan?" pinandilatan ako ni Chandra. "Damputin mo, boba!"


Kumuyom ang mga kamao ko. Nais ko sana syang muling sabunutan subalit kapag ginawa ko iyon ay ako na naman ay malalagot kay Just Lander.


"Kapag hindi mo dinampot ang mga iyan ay mapapahamak ka kay Lander. Sasabihin ko sa kanya na nagsasayang ka ng pagkain."


Natakot ako bigla.


Tiyak na mapaparusahan na naman ako ni Just Lander nito. Kaya naman isa-isa kong dinampot iyong nalaglag na pagkain. Ngunit habang pinupulot ko ang mga ito ay may bumuhos na alak sa aking ulo.


Si Chandra, binuhusan ako!


Hindi ko alam kung bakit nagtatawanan iyong mga tao sa paligid.


Ano kayang nakakatawa? Iyong hitsura ko ba? Bakit sila masaya na binuhusan ako ng alak ni Chandra sa aking ulo?


"B-bakit mo ginawa iyon?" nanginginig kong tanong ko sa kanya. Nanginginig ako sa galit.


"I don't know." Napamewang sya. 


Napikon na ako kaya nilapitan ko sya. Pigil ko man ang aking sarili ngunit hindi ang aking mga paa. Nahablot ko agad ang kanyang buhok nang makalapit ako sa kanya.


Pero may mga humablot din sa akin. Ilang kababaihan na halos katulad ng kanyang gayak. Nakangiti pa ang mga ito at nagtatawanan habang inilalayo ako sa kanya.


"Hey bratty Chand, who's this bitch? Ito ba ang pinalit ni Lander sa 'yo? E mukhang taong-bundok 'to! Look at her make up!" sabay tawanan ng mga babae.


"No. Of course not! Hindi ako papayag na mainsulto nang ganito! Hindi ako ipagpapalit ni Lander sa ganitong uri lang ng babae!"


Mabilis akong nilapitan ni Chandra at sinampal ako. Hindi pa sya nakuntento at hinila ako sa buhok. Saka lang ako binitawan ng mga nakahawak sa akin nang kaladkarin nya ako patungo sa cake.


Inginudngod nya ako roon sanhi para tumumba ito. Bumagsak sa ito sa sahig kasabay ko.


Nagkatinginan sina Chandra at iyong mga babae sa nangyari. Para bang bigla silang nagkaroon ng takot. Siguro ay alam nilang magagalit si Just Lander dahil sa nangyari.


Lagot.


Lagot ako!


Nasira ko yata itong cake na napakamahal daw. Hindi na nya ako mapapatawad, hindi na.


Ano ang gagawin ko? Paano na?


"What the hell is happening here?" nangibabaw ang boses ni Just Lander sa paligid.


Natahimik ang mga taong kanina'y nakiki-usisa at nakatingin sa akin. Parang dagat na nahawi ang mga ito nang dumaan sya papunta sa akin.


Ang matangkad niyang pigura ay diretsong tinatalunton ang kinaroroonan ko.


Lumapit agad sa kanya si Chandra. "Itinumba nya yong cake mo, Lander. Ang babaeng iyan!"


Napaluha ako sa takot. Lalo na nang masalo ko ang asul nyang mga mata na tila nagyeyelo sa lamig.


"Is that true?!" sigaw ni Just Lander. Iyong mga tao siguro at nakasaksi ang tinatanong nya.


Isa-isang sumagot iyong kasama ni Chandra at itinuro ako. Pati iyong mga tao ay ako na rin ang itinuturo.


Paano ko ipagtatanggol ang aking sarili kung wala akong kakampi? Paano ko sasabihin kay Just Lander na hindi ako ang may kasalanan kung laging syang galit sa akin?


Napalunok ako at napahagulhol. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang kanyang tanong.


"Jack," tawag sa akin ni Just Lander.


Tumayo ako nang marahan habang lumuluha.


Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang aking lakas para makapagsalita. "H-hindi..."


Namula sa galit ni Chandra. "Liar! You bitch!"


Mabilis na hinugot ni Just Lander ang kanyang baril. Itinutok nya ito sa mukha ni Chandra at walang habas na pinaputok. Bumagsak ang babae sa lapag nang duguan ang mukha.


Lahat ng nasa paligid ay napatigagal sa kanyang ginawa. Ang malapot at pulang-pulang dugo ni Chandra ay umagos hanggang sa puwesto ko.


Na-estawa ako sa sobrang gulat at takot.


Para bang biglang huminto ang mundo ko. lalo na nang lumapit sa akin si Just Lander at kinarga ako sa kanyang mga bisig.


May sinabi sya pero hindi ko naintindihan. "This girl is my property. And those who will call her a bitch will die."


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro