Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Prologue


My life as a crowned princess is a goddamn chaotic. From my untamed brothers, undisciplined people from my beloved land and endless clash between different empires. Having a great power will give you damn responsibilities. 

Responsibilities that I am born to handle. 

I am royal blooded vampire, beautiful, perfect and envied by every single vampire girl. The high and mighty Lily Esmeralda Gazellian. The ideal princess of Parsua Sartorias. 

Gabi na naman, ang paboritong oras ng mga bampira. Isinara ko na ang aklat na binabasa ko tungkol sa mga kakayahan ng aking kapangyarihan na hindi ko pa nasusubukang gamitin. 

Kasalukuyan akong nakatanaw mula sa asotea ng aking silid habang pinagmamasdan ang namumulang mga rosas na nagsabog sa harapan ng aming palasyo, ang aking  paboritong lugar. Ang nagliliparang mga alitaptap ang siyang nagbibigay liwanag sa buong kagandahan ng labas ng palasyo.

Isang marahang katok ang umabala sa aking pananahimik. 

"Paumanhin na po mahal na prinsesa, nais lamang pong ipaalam ng ating unang prinsipe na may mga panauhin tayong dadating kinabukas--" hindi ko na pinatapos ang aming tagasunod dahil iwinasiwas ko na ang aking kamay. 

"Panibagong alok ng kasal?" matabang na tanong ko. Marahang tumango sa akin ang tagasunod. 

"Masusunod, ipaalam mo kay Dastan na nasisiyahan ako sa maganda niyang balita" nagpapaumanhing tumango sa akin ang tagasunod bago ito lumabas ng aking silid. Dahil alam na nito na kabaliktaran ang ibig kong sabihin. Napabuntong hininga na lang ako habang iniisip kung ilang kasal na ba ang natanggihan ko. 

Muli kong binuklat ang aking aklat at sinimulan kong subukan ang kapangyarihan kong makalipat sa iba't ibang lugar. Kung makakabisado ko ang kapangyarihang ito, hindi na kami mahihirapang maglakbay mula sa iba't ibang empreyo.

 Nang naglabas ako ng napakakapal na usok na siyang magsisilbing lagusan ko, hindi na ako nag aksaya pa ng oras agad akong humakbang dito. At nang sandaling makalampas ako sa aking pulang usok ay namangha na lang ako, talagang dinala ako ng aking kapangyarihan sa ibang lugar.

Nasaang parte kaya ako ng Parsua ngayon? Hindi ko maintindihan kung bakit ako iniluwa ng aking kapangyarihan sa kalagitnaan ng kagubatan. Sinimulan ko munang maglakad habang inaanalisa kung nasaan ako at habang nagtatagal ako ay lalo akong namamangha sa aking nagawa. 

Nasa emperyo ako ng Halla, malayong malayo ito sa Parsua. Kung hindi ako nagkakamali ay tatlong buwan ang aabutin bago ako makarating dito gamit ang aming karwahe.

Muli pa sana akong hahakbang nang mapahawak na lang ako sa dibdib ko. Agad nanlambot ang tuhod ko at napaluhod na lang ako, sinikap kong itukod ang aking mga kamay sa masukal na kagubatan para masuportahan ang sarili ko sa tuluyan kong pagbagsak. Anong nangyayari sa akin? 

Biglang naglabasan ang mga pangil ko habang nagsisimulang mag init ang bawat parte ng aking katawan. Maging ang mga mata ko ay alam kong nagkukulay pula na rin.

What the hell is this feeling? Nagsisimula na rin manuyo ng aking lalamunan. Bigla akong inuhaw. May hinahanap ang mga pangil ko, may hinanap na dugo ang aking pagkauhaw. 

This feeling..

My mate is nearby.. at alam kong papalapit na siya sa akin. Hindi ko akalaing ganito pala ang epekto niya sa akin sa una naming pagkikita. Kaya ba ako dinala ng kapangyarihan ko dito? Pagtatagpuin na ba kami ng lalaking nakatakda sa akin? Ililigtas niya na ba ako sa walang katapusang pagtanggi ko sa mga kasal?

Kahit nahihirapan akong gumalaw ay sinikap kong itago ang sarili ko sa likod nang napakalaking puno nang marinig na hindi lang iisa ang paparating. Pawang malakas na pagtama ng pwersa ng mga kamao ang aking naririnig, pilit kong sinilip ang naririnig kong ingay mula sa mga bagong dating. 

At nang tuluyan nang tumama ang aking mga mata sa mga ito, bigla na lamang akong natigilan ako nang makitang kasalukuyang naglalaban ang isang babaeng bampira at isang lalaki na nasisiguro kong isang lobo kahit hindi pa ito nagpapalit ng anyo. 

Ilang beses kong  pilit kinalmot ang puno para pigilan ang sarili kong lumapit at kagatin ang leeg ng lalaking lob--

Lobo? Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang tuluyan ko nang maproseso ang mga nakikita ko. 

He's a werewolf...

"I can smell sweet scent.." narinig kong sabi ng lobo. Agad akong nagtago sa likuran ng puno nang bahagya siyang tumingin sa kinalalagyan ko.

"Papatayin kita lobo!" pakinig kong malakas na sigaw ng babaeng bampira. Dito na ako tuluyang lumabas sa aking pinagtataguan, kasalukuyan nang tumitilapon ang katawan ng lalaking lobo na dapat ay hahabulin ng bampira. 

Wala sa sarili akong nagpakawala ng nakakalasong usok na unti unting bumalot sa katawan ng bampira. Nanlalaki ang mga mata niyang lumingon sa akin nang nagsimula nang lasunin ng aking kapangyarihan ang kanyang puso. 

Blangko ang mga mata kong nakatitig sa kanyang mga mata. Napakadami niya pang sinasabi na hindi ko na marinig at  maintindihan.

"Traydor ka! traydor ka sa ating lahi."

 Para akong walang naririnig sa mga sinasabi niya. Tinigilan lamang siya ng aking nakakalasong usok nang masigurado kong wala na siyang buhay. Bumagsak ang kanyang walang buhay na katawan habang may dilat na mga mata.

Nang mapansin kong nagsisimula nang magtumbahan ang mga puno papalapit sa akin ay agad akong natauhan. Ibig sabihin lang nito ay pabalik na ang lobo sa direksyon ko at alam kong nararamdaman niya na rin ang presensiya ko. Mabilis kong inilabas ang aking pulang usok at hindi na ako naghintay pa ng sandali agad akong bumalik sa aking emperyo. 

Unang hakbang ko pa lamang sa aking silid ay agad bumigay ang lakas ko. Nanghihina akong humilata sa aking kama habang nangangatal akong nakatitig sa aking mga kamay. 

Pumatay ako ng aking kalahi. Pumatay ako ng aking kalahi sa unang pagkakataon. Pumatay ako para sa isang lobo. Pinatay ko ang babaeng bampira para sa lalaking lobo. Hindi ako traydor..hindi ko alam ang ginagawa ko nang mga oras na 'yon...

Hindi ako traydor...

Wala akong koneksyon sa lobong 'yon...

He's not my mate...my mate is not a werewolf..

It can't be...He can't be a wolf.. please..

He can't be a werewolf...


--

VentreCanard






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro