Epilogue
Thank you angels <3
Epilogue
All beasts have their own weakness and never in my wildest thoughts that mine will be a very beautiful woman with fangs.
Mabilis kaming tumatakbo sa kagubatan ni Lucas habang hinahabol ko ang amoy ng mga babae.
"What the heck Adam? I don't like this idea of yours." Nagpatuloy ako sa pagtakbo habang nakasunod siya sa akin.
"Why not? I won't be mated to anyone else. Peeking is not a sin unless you'll get caught." Ilang beses kong narinig ang mura niya sa sinabi ko.
Ilang linggo na ang nakakalipas simula nang italaga ang magiging pinuno ng buong lahi ng mga lobo at ang kaibigan kong si Lucas ang napili. Kasama ako sa anim na pinagpilian pero agad din akong tinanggal nang basahin ng matatandang lobo ang aking kapalaran. Ipinanganak akong walang kapareha, walang babaeng inilaan sa akin ang dyosa mula sa buwan.
Unmated Alpha is not suited to be a king.
"Lucas, hindi mo pa ba nakikilala ang iyong Luna?" tanong ko dito habang patuloy kami sa pagtakbo.
"Not yet" tipid na sagot nito. Alam kong ayaw ni Lucas pahabain ang usapan namin tungkol dito.
Nakarating kami sa ilog kung saan madalas may ilang mahihinang diwatang naliligo, mga babaylan na babago pa lamang natututo o kaya mga angel na mahilig mag anyong tao sa hindi ko maintindihang dahilan.
Kilala ang ilog na pupuntahan namin na siyang may pinakamalinis at pinakamalinaw na tubig at pinaniniwalaang hindi lamang nakakagaling ng mga sakit, nagagawa rin nitong palakasin ang kapangyarihang mayroon ang isang nilalang.
Nang mas makalapit na kami ni Lucas ay napagtanto kong grupo ito ng mga mag aaral na babaylan. Mabilis akong nagtungo sa matataas na damo kung saan madali akong makakapagtago.
"You're insane Adam." Ismid ni Lucas na nasa likuran ko.
"All you need to do is to peek Lucas, they won't notice us." At kung mahuli man kami, mabilis kaming makakatakbo sa kanila. Wolves are fast runners.
Tatlong magagandang babaylan ang natutuwang pinagmamasdan ang ilog, mukhang kagagaling lamang nila sa kanilang pagsasanay.
I can't help but to wag my tail when the beautiful young priestesses started to strip their dresses. I am now seeing their fair and flawless body. Shit, I can hide behind these tall grasses forever.
"Damn, Lucas you need to see this. These girls are much entertaining than the previous one." I heard him growl inside my head.
"Faster we need to go." Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagtatampisaw ng magagandang babae sa ilog.
"Adam"
"Why are you being so conservative Lucas? Tired of girl's body? What happened to you? You're not your usual self, trying to be a good king already? Suit yourself Lucas."
"Fuck you. Move!" My wolf grinned while giving a convenient space for my dear peeking friend. And with just a minute both of us are wagging our tail together while enjoying watching the priestesses' naked body.
"I like the girl from the left."
"Then, I'll go with the right one." Tamad na sabi ni Lucas.
"Wala ba kayong nararamdaman? Parang may nanunuod sa atin." Narinig kong sabi ng babaeng may pinakamalaking dibdib.
You're just imagining things babe, no one is watching you girls.
"Let's go Adam." Umalis na sa kanyang posisyon si Lucas.
"Wait until she came out of the water."
"Oh fuck, we've seen enough Adam! Let's go." Bago pa kami tuluyang mahuli ng mga babaylan ay mabilis na kaming tumakbo ni Lucas na siyang kumuha sa atensyon ng mga babaylan.
Sinubukan nila kaming paulanan ng mga mahika pero mabilis na kaming nakatakbo ni Lucas na tumatawa sa aming isipan.
"Damn, they should have run after us naked." Nagbibirong sabi nito.
"Why don't just find a female wolf and mate with her right away? You're probably lack of sex Adam." Maybe?
Nasa kalagitnaan kami ni Lucas ng pagtakbo nang mapansin namin na may babaeng matapang na nakatayo sa dadaanan namin. She's also a priestess but a powerful one.
Tumigil kami ni Lucas sa pagtakbo at marahas kaming umungol para takutin ang babaylan.
"I have the Glaoch." Kapwa kami natigilan ni Lucas sa sinabi nito. Ang Glaoch ay isang kapangyarihan na siyang maaaring makapagpababa sa dyosa ng buwan dito sa lupa.
Maraming nagsasabi na hindi lamang dyosa mula sa buwan ang kayang tawagin nito kundi ang iba't ibang klase ng dyosa na nabubuhay. Tanging may dugong lobo lamang ang may kakayahang maghawak nito. Pero papaanong napapunta ito sa babaylang katulad niya?
"Sumunod kayo sa akin." Wala kaming pinagpilian ni Lucas kundi sumunod dito. Tatlo ang babaeng isinisilang na siyang maghahawak ng Glaoch, isa na dito ang kapatid ni Lucas, ang babaeng inialay sa Halla Eberron na may dugo rin lobo pero papaanong napunta ito sa babaylang ito?
Natigil kami ng Lucas sa paghakbang nang makakita kami ng kubon at hindi na maganda ang pakiramdam namin sa lugar na ito. Bigla na lamang naghagis ng pantalon sa amin ang babaylan.
"I hope it will fit. Pumasok kayo kung gusto nyong malaman." Dahil kapwa kami may gustong malaman ni Lucas ay mabilis kaming nag anyong tao at nagsuot ng pantalon.
At pagkapasok pa lang namin sa kubon ay bigla na lamang nawala ang talas ng pakiramdam ko. Napansin namin na nakaupo na sa isang lamesa ang babaylan at nakahanda na ang dalawang tasa ng kape.
"Who are you? Bakit nasayo ang Glaoch?" agad na tanong sa kanya ni Lucas.
"Because my mate stole it from its original handler." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng babaylan.
"Nagkaroon ako ng malubhang sakit at wala itong lunas kung hindi ko kukuhanin ang kapangyarihan ng Glaoch na siyang may bahid ng kapangyarihan ng dyosa. My mate killed the original handler and he stole the Glaoch for me to survive."
"Paanong nananakaw ang Glaoch?" nagtatakang tanong ko.
"Maaari itong ilagay sa isang boteng may mahika Adam, pero papaano ito nakaya ng katawan mo, wala kang dugo nang lobo." Naguguluhang sabi ni Lucas.
"Maaari itong isalin sa nilalang na walang dugo ng lobo kung hindi direkta, nasa loob ng bote ang Glaoch nang kuhanin ng katawan ko. At maaari ko na itong isalin sa kahit anong nilalang dahil nawala na ang paghahanap nito sa dugo ng lobo." Hindi ko alam ang bagay na ito.
"Bakit mo sinasabi sa amin ang bagay na ito?" tanong ko sa kanya.
"Dahil gusto ko nang ibalik ang Glaoch sa kung kanino ito nararapat. Hindi nalunasan ang sakit ko sa halip ay lumipat ito sa lalaking minamahal ko. Unti unti na siyang nilalamon nito at wala na akong alam kung paano pa ito malulunasan. Humihingi ako ng tulong sa inyo." Nagmamakaawa ang mga mata niya sa amin.
"Sinira mo at nang kapareha mo ang balanse ng Glaoch sa panahong ito, papaano pa namin kayo tutulungan?" Malamig na sabi ni Lucas.
"Ipinapangako kong ibabalik ko ang Glaoch sa nilalang na karapat dapat. Nakikita kong malapit na siyang magtungo dito at malaki ang koneksyon niya sa'yo." Nakatitig lamang ako sa babaylan habang nakatitig siya sa akin.
Koneksyon sa akin?
"Pero magiging epektibo ang pagsasalin ko sa kanya kung isa lamang ang mananatili sa aming buhay. You need to kill me and my mate." Sabay kumunot ang noo namin ni Lucas.
"Pinapapatay mo ang sarili mo at ang asawa mo? Are you out of your mind?!" Hindi kami basta na lamang pumapatay ng walang dahilan.
"My mate is dying inside, hindi man halata sa labas pero bilang na ang araw niya. At mamamatay akong kasama siya, hindi ko kayang manatiling buhay sa mundong ito na wala siya. Kill us both, bago pa mahuli ang lahat. Malaki ang posibilidad na masalin sa nilalang na pagsasalinan ko ng Glaoch ang sakit kung hindi kami kikitilin ng isang lobo." Kumuyom ang kamao ko sa sinasabi niya.
"Papaano kami makasisigurong nagsasabi ka ng totoo?" tanong ni Lucas.
"Sa tingin nyo ba ay magagawa ko pa kayong linlangin kung nakasalalay dito ang pagsasama namin ng lalaking mahal ko? Kayong mga lobo ang higit na nakakaalam nito. Your mate thing is the strongest of all, mas matindi pa kayong magmahal sa mga bampira. Alam nyo ang magiging pakiramdam ko kapag nawalay ako sa lalaking mahal ko. At ayokong mangyari ang bagay na ito." Natahimik ako sa sinabi niya, hindi ko mararanasan ang mga sinasabi niya. I will never be mated.
"Hindi lang ito para sa akin kundi para din ito sa inyong mga lobo, sa hinaharap at sa'yo." Muling sabi niya sa akin.
"Anong malaking kinalaman ko dito? Hindi ako ang susunod na hari ng mga lobo, siya." Itinuro ko si Lucas. Ngumiti sa akin ang babaylan.
"Ibibigay ko sa inyo ang takdang araw, hinihiling ko sa inyong kitilin ang aking minamahal, dalhin nyo ang lahat ng kayamanang nasa kubon na ito na maaaring maging sanhi ng kasakiman at hayaan nyong burahin ko na ang lugar na siyang nabuo naming magkasama. Kasabay namin maglalaho ang kubong ito." Nanatili kaming tahimik dalawa ni Lucas habang iniisip kung tama bang sundin namin ang gusto nito.
"Adam, mukhang ikaw ang tinatanong niya." Tipid na sabi ni Lucas.
"But you're the king, make a decision."
"Nasa pagitan tayo ng Eberron at Deltora Adam, hindi ko ito territory. Hindi pa ako ang hari, ikaw ang may hawak ng desisyon." Sagot sa akin ni Lucas.
"Pagbibigyan mo ba ako?" ilang minuto akong tumitig sa babaylan hanggang sa makagawa ako ng desisyon.
"Gagawin ko." Lumapad ang ngiti niya sa kanyang mga labi.
"Sa sandaling kitilin mo ang lalaking mahal ko darating ang araw at pasasalamatan mo ako."
--
Ngayon naiintindihan ko na ang ibig sabihin ng babaylan. Totoong nagpapasalamat na ako sa mga oras na ito, hindi lumipat ang malubhang sakit kay Lily kahit hawak niya ang Glaoch.
Hindi ko akalain na makikita ko ang sarili kong nasa loob ng palasyo ng Parsua Sartorias tanaw ang magagandang halaman ng tinitingalang hari ng lahat. Hinihintay ko na si Lily dahil maninirahan na siya kasama ko sa Halla Eberron kung saan ako ang namumuno sa lahat ng mga lobo.
Natigil ang digmaan sa pagdating ng dyosa pero lubos na namangha ang lahat nang ipahayag ng hari ng Sartorias na pag aari niya ito. Walang sinuman ang may kakayahang pumantay sa kapangyarihan ng nilalang na napiling maging kabiyak ng isang dyosa.
Nang makarinig na ako ng mga yabag ay lumingon na ako sa aking likuran pero sa halip na si Lily ang makita ko ay ang hari at ang apat pang prinsipe ang aking nakita.
Katulad ko ay tumanaw rin ang limang Gazellian sa kalawakan ng napakagandang hardin ng kanilang palasyo.
"Itinuring namin siyang higit pa sa prinsesa sa napakahabang panahon." Pakinig kong sabi ng kanilang hari.
"Ibinibigay namin ang lahat ng kagustuhan niya." Mula ito kay Caleb.
"Hinding hindi namin siya pinaluluha." Sabi ni Finn.
"Isa siya sa tatlong pinakamagandang babae sa mundong. Always make her feel beautiful." Ngiting sabi sa akin ni Evan.
"Always comb her hair, hindi na namin 'yon magagawa sa kanya." Ngumiti din sa akin si Casper.
"Tandaan mo na nauna kaming nagmahal sa kanya, kaming mga kapatid niya ang unang lalaking minahal niya. Mahalin mo ang kapatid ko ng higit sa binigay namin sa kanya, dahil siya ay isang klase ng prinsesang bampira na hinding hindi mo pagsasawaang mahalin." Napatitig na lang ako sa limang Gazellian na sabay sabay naglingas ang mga mata sa aking harapan.
Bahagya akong yumuko sa kanilang lahat.
"Hindi nyo na kailangang sabihin. Mamahalin ko siya ng higit sa lahat at ipinapangako kong mananatili pa rin siyang inyong prinsesa." Tipid ngumiti ang magkakapatid sa akin.
"Adam?" sabay sabay kaming lumingon sa babaeng pinakamamahal ko. Sa wakas makakasama ko na siya na walang hahadlang sa pagitan naming dalawa.
"Shall we go?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya ng matamis pero bago siya lumapit sa akin ay sinimulan niyang halikan sa pisngi ang kanyang mga kapatid.
"Mahal na mahal ko kayo mga kapatid, maraming salamat sa lahat." Ngumiti lang ang mga ito sa kanya. Tumango na ang mga prinsipe sa amin bago ko kinuha ang kamay ni Lily at nagsimula na kaming lumabas ng palasyo.
"Adam, may dadaanan lang ako saglit. It is okay with you?" Tumango ako sa sinabi niya. Dinala ko ang maleta niya habang nakasunod ako sa kanya. Pumitas siya ng ilang bulaklak bago kami nagtungo sa kagubatan. Mukhang nakukuha ko saan kami patungo.
Kapwa kami nagulat nang makita namin na may bampira nang nauna sa amin.
"Rosh.." Bati ni Lily sa kanya. Napansin ko na may bulaklak ang maliit na halaman na may nakasabit na kwintas.
Inilagay na rin ni Lily ang kanyang bulaklak sa tapat ng espada ni Clifford at ang banga kung saan nandito ang abo ni Orion.
"We did survive because of them. Ibinigay ni Serena ang buhay niya para sa akin, alam mo ba na pinakaayaw ko nang ganito? Ayokong pinagsasakripisyuhan ako." Pakinig kong sabi ni Rosh.
"Dahil alam niyang higit na kailangan ka ng mundong ito, itinuwid niya ang mga maling ginawa niya Rosh. Siguro nga ay hinadlangan ka niyang makilala ang babaeng itinakda sa'yo pero sa pagkakataong ito gumawa na siya ng paraan para magkita kayo. Binuhay ka niya Rosh, ginawa niya ang tama." Hindi sumagot kay Lily ang prinsipe.
"All we can do right now is to thank them endlessly. These princes are my good memories that I won't ever forget. Orion, Clifford maraming salamat sa lahat." Biglang umihip ang banayad na hangin dahilan kung bakit nilipad ang buhok ni Lily.
"Habang buhay ko rin silang pasasalamat Lily, habang buhay." Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo niya.
"Mauna na ako sa inyong dalawa, maingat kayo sa paglalakbay." Tumango na kami kay Rosh bago ito nawala sa aming harapan.
Naglakbay kami gamit ang kapangyarihan ni Lily at sinalubong kami ng aking pinamumunuan sa buong Halla Eberron na magkahawak ang kamay. Dinala ko sa aking mga labi ang dalawa niyang kamay sa harap ng lahat ng lobong nakamata sa amin.
"We are now free Lily, I love you so much my beautiful Luna." Ngumiti siya nang napakatamis na mas lalong nagpabilis na tibok ng puso ko.
Damn, I am so inlove with this beautiful vampire.
"I love you more, my Alpha."
Tonight, we both heard the howling voice of all werewolves freeing our almost tragic forbidden love.
-- END --
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro