Chapter 8
Chapter 8
Nakatulala na lang ako sa buong pinangyarihan. Wala na ang mga lobo tangay ang lahat ng kayaman ng malaking kubong ito, nagkalat ang mga katawang walang buhay, mga dumadaing na boses ng mga nasugatan, nagsabog na sariwang dugo at hagulhol na pag iyak ng babaylan na nakilala ko.
Bakit umatake ang mga lobo? Papaanong sila lamang ang nakakagamit ng kanilang mga kakayahan sa kubong ito? Talaga ba na ginawa nila ito dahil lamang sa mga ginto at dyamante?
Ito ba talaga ang gawain ng lalaking itinakda para sa akin? Papaano niya nababato ng masasamang salita ang mga bampira kung mas masahol pa ang ginagawa niyang ito kaysa sa amin?
Narinig ko na lamang ang paglaglag ng mga espadang hawak ni Finn at Evan. Maging ang hawak na bote ni Rosh ay nabasag na rin, sabay sabay lang naman silang nagtumbahang tatlo.
Mabilis ko silang dinaluhan tatlo na may kaba sa aking dibdib. At napahinga ako nang maluwag nang malamang inabot lamang ang mga ito ng tulog dahil sa dami ng kanilang nainom na alak. Siguro ay ito ang kauna unahang beses na makikita kong lasing ang mga kapatid ko.
Vampires can't be drunk. At kahit isang drum pa ang inumin namin ay hindi kami malalasing, mukhang nasa ilalim pa rin kami ng kapangyarihan ni Geane.
Hinayaan ko muna ang tatlong matulog habang nagsisimula na akong maglakad papalapit kay Geane. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako sa mga nangyayari, nag uusap sila ni Adam at kung hindi ako nagkakamali ay magkaibigan pa sila, papaano niya ito nagawa sa isang kaibigan? Papaano niya naatim patayin ang lalaking minamahal ng kanyang kaibigan?
"Geane.." mahinang tawag ko sa kanya habang kalong niya ang walang buhay niyang asawa. Pakiramdam ko ay nadudurog ang aking puso, how I hate this kind of scene.
"I told you, dapat ibinalik mo na sa kanila. Dapat ibinalik mo na sa kanila, ayos lang naman ako. Masaya na akong makasama ka sa maiksing panahon. Dapat ibinalik mo na lang sa kanila, hindi sila nakakalimot..hindi.." mahinang sabi niya sa lalaking niyayapos niya ng mahigpit.
"Geane. I don't understand, bakit nagkakaganito?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Mahal na prinsesa, maaari ka bang lumapit?" kahit nag aalinlangan ako ay marahan akong yumuko para lumapit sa kanya.
Nagulat na lang ako nang kabigin niya ang batok ko dahilan para mas magkalapit ang mukha namin dalawa. Pinilit kong magpumiglas pero higit na mas malakas siya sa akin sa loob ng kubong ito. Kusa na lang umawang ang bibig ko nang makita kong may kulay puting usok na lumalabas sa bibig niya na unti unting pumapasok sa bibig ko.
What the hell is she doing?! Anong inilalagay niya sa akin? Muli kong sinubukang magpapalag pero nararamdaman ko ang paghigpit ng paghawak niya sa akin. Unti unti ko nang nararamdaman ang pag iinit ng aking buong katawan ko dahil sa hindi pamilyar na enerhiyang pumapasok sa akin.
Sinubukan ko muling manlaban pero wala pa rin akong nagawa, napansin kong nagkukulay ginto na ang kanyang mga mata, mga mata na tanging mga lobo lamang ang mayroon. Bakit siya may mga matang ganito? She's not a werewolf at nararamdaman ko ito. Anong mayroon sa mga mata niya?
Nang bitawan niya ako ay muntik na akong mapasubsob sa sahig kung hindi ko lamang maaagap na naihawak ang aking mga kamay bilang suporta. Ramdam na ramdam ko ang pangangatal ng aking mga katawan. Nahihirapan na rin ako sa aking paghinga at nararamdaman kong may kung anong bago sa loob ng sistema ko.
"Anong ginawa mo sa akin?!" malakas na sigaw ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot at pinagpatuloy niya ang pagtitig sa kanyang asawa.
"Sagutin mo ako Geane! Anong ginawa mo sa akin?!" muling sigaw ko sa kanya. Anong klaseng mahika ang isinalin niya sa akin?
"Malalaman mo rin mahal na prinsesa sa takdang panahon, ikaw ang kaisa isang may karapatan sa kapangyarihang 'yan..." lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Kakayahan? Karapatan? What the hell?
"Anong kakayahan ito?! Alam mo ba na napakalaking kasalanan ang ginawa mong ito? Hindi ba at nakikilala mo ako? Maaari kang mahatulan ng kamatayan! Bawiin mo ang kung anong inilagay mo sa akin!" galit na sigaw ko sa kanya na parang wala lamang sa kanya.
"Lumabas na kayo mahal na prinsesa. Buburahin ko na sa mundong ito ang lugar na ito.." nanlaki na lang ang aking mga mata nang itaas niya ang isa niyang kamay dahilan kung bakit may malalakas na pwersa na unti unting tumatama sa mga pondasyon ng kubon.
Napamura na lang ako nang makita kong may babagsak sa aking bakal. Pinilit kong makagalaw at sa isang iglap ay malayo na ang narating ko.
Damn, my strength is back. Bumalik na ang kakayahan ko bilang isang bampira. Mabilis hinanap ng aking mga mata si Evan, Finn at Rosh na kasalukuyan pa rin natutulog. Dapat ay gising na sila ngayon.
Sa mabilis kong pagkilos ay nailagay ko ang katawan ng mga natutulog na prinsipe sa ilalim ng isang lamesa bago ako muling bumalik sa harapan ni Geane. Panay ang pagsalag ko sa mga bagay na pumapatak sa akin habang pilit kong hinuhuli ang kanyang mata.
"What happened to them? Bakit hindi pa sila nagigising?" wala na sila sa ilalim ng kapangyarihan niya dapat ay may malay na sila ngayon.
Napansin ko na bahagya niyang nilingon ang mga prinsipeng natutulog.
"Mukhang lason ang nainom nila, mahal na prinsesa.." muntik ko na siyang sakalin sa sinabi niya. Lason?!
"What?! You're serving a damn poison here?! Give me the antidote! Give me the goddamn antidote!" nagpapanic na sabi ko.
Napasigaw na lang ako nang may bakal na bumagsak sa ibabaw ng lamesa na siyang pinaglalagyan ko sa tatlong pasaway na prinsipe. Patakbo ko silang pinuntahan, mabilis akong nagpakawala ng napakakapal na usok dahilan para maprotektahan ang kanilang mga katawan.
Nagsisimula nang gumuho ang buong lugar na ito. At alam kong hindi biro kung mababagsakan kami ng mga bakal na siyang pundasyon nito. Some materials are made of silver. Masasaktan kaming apat.
Inangat ko na ang kanilang mga katawan gamit ang aking mga usok.
"Gamitin mo sa tama ang kakayahang mayroon ka mahal na prinsesa at alam kong pasasalamatan mo rin ako balang araw.." napatitig na lang ako sa kanya. Gusto ko pang manatali para magtanong sa kanya tungkol sa buong pangyayari pero mas mahalaga ang buhay naming apat.
Mabilis akong tumakbo habang kaagapay ang makapal na usok dala ang tatlong prinsipe hanggang sa tuluyan na kaming makalabas sa gumuguhong kubon. Humihingal akong napasandal sa puno, masyado akong nabaguhan. From human strength to vampire strength, nabigla ang katawan ko.
Muli kong sinulyan ang mga namumutlang mga prinsipe. Shit! Papaano mawawala ang lason sa kanilang mga katawan?
"Oh god, anong gagawin ko sa inyong tatlo?" hahawakan ko na dapat sila nang mapansin ko na unti unti nang nalulusaw ang malaking kubon dahilan kung bakit napatitig na lamang ako dito.
Kung ganoon ay kasamang mawawala ang maiiwan sa loob nito, kung hindi ko binilisan ang pag alis dito malamang ay nakasama na kaming apat sa pagkalaho nito.
Nang tuluyan na itong mawala sa aking mga mata, bigla na lang akong napahawak sa dibdib ko. Fuck!
I can't breathe. Anong nangyayari sa akin? Bakit kinakapusan na naman ako ng paghinga? Bigla na lamang akong dinalahik ng pag ubo hanggang sa naging sunod sunod ito.
Pilit kong pinatitigil ito pero wala akong magawa.. Anong nangyayari sa katawan ko? Anong nangyayari sa akin?
Muli akong umubo nang umubo, halos takpan ko na ang bibig ko para patigilin ito pero nang ibaba ko ang aking kamay ay nagimbal ako sa nakita ko. Why am I coughing with blood? Nalason din ba ako?
Pakiramdam ko ay biglang nanunuyo ang lalamunan ko. Nauuhaw ako, hindi sa dugo kundi sa isang malinis na tubig. Bakit tubig ang hinahanap ko?
Pinakiramdaman ko ang buong paligid habang pilit hinahanap ang ingay mula sa agos ng mga tubig. I am damn thirsty at hindi ko maipaliwanag kung bakit tubig ang hinahanp ko sa halip na dugo. Nang matukoy ko na kung nasaan ang hinahanap kong ilog ay hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo papunta dito.
Para akong nakakita ng isang paraiso nang makakita ako ng ilog, hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Mabilis akong lumapit dito, sasalok na sana ako ng tubig sa malinis na ilog nang mangatal na lamang ako sa sarili kong repleksyon.
What he fuck happened to my eyes?! Tama ba ang nakikita ko? Why am I having golden eyes? Napaatras na lang ako sa ilog sa takot na muli kong makita ang aking repleksyon.
Ilang minuto ako tulalang nag aalinlangan kung lalapit ba ako sa ilog o hindi, papaano ako makakabalik sa Sartorias na ganito ang mga mata ko? Huminga ako ng malalim at pagapang akong bumalik sa ilog, nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
I want to see it again.
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at sa pagkakataong ito ay kulay itim na ito. Namamalikmata lamang ba ako kanina? Ipinilig ko na lamang ang aking ulo bago ako sumalok ng tubig para uminom.
Kailangan kong makahanap ng lunas para sa kanilang tatlo, kailangan kong makahanap ng babaylan para maipaliwanag niya sa akin ang nangyayari sa katawan ko.
Ano itong ipinasa niya sa akin na gumulo sa buong sistema ng katawan ko?
Tumayo na ako para makabalik sa tatlong prinsipeng iniwan ko nang manlambot ang mga tuhod ko dahilan kung bakit bumagsak ang katawan ko sa lupa. Bigla na lamang nanlabo ang aking mga sa hindi ko maintindihang dahilan.
At habang nagsisimula nang bumaba ang talukap ng aking mga mata ay may naaninaw akong pigura ng isang lalaking lumalapit sa akin.
"No..no..wag kang lalapit.." halos bulong na lang ang nagawa ko. Hindi ko siya makita ng maayos.
Naramdaman ko na lamang na umangat ang ulo ko hanggang sa may malasahan akong dugo sa mga labi ko. Agad naglabasan ang mga pangil ko at marahan akong uminom ng dugo niya sa kanyang pulso.
Sino ang lalaking ito? His blood is too powerful.
Nang ihiwalay ko ang mga pangil ko sa kanya ay pilit akong nagsalita. Hindi ko alam kung bakit nanghihina pa rin ako.
"Who are.. you?" naramdaman kong nasa bisig na niya ako. His finger is caressing the side of my lips.
"Sinasaktan mo ako, mahal na prinsesa. Kinalimutan mo na ba ako?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pilit ko siyang inaalala.
Hinuli niya ang dalawang kamay ko at inilagay niya ito sa kanyang mga pisngi.
"Princess Lily.." naaaninaw ko ang mga puting bagay mula sa likuran niya. I used to play with his 8 tails.
"Orion.." nang tawagin ko ang pangalan niya ay ngumiti siya sa akin.
"Yes, the white fox who's been in love with you Princess. I am back, hindi na kita iiwan.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro