Chapter 7
Chapter 7
Ilang beses kong hiniling sa asul na apoy na huwag akong igaya sa kapatid kong si Zen. Ayokong mapagaya sa sitwasyong kinahaharap niya ngayon, ayokong maranasan ang paghihirap na nakikita ko sa kanya. Dahil naniniwala akong ang maitakda sa hindi isang bampira ay napakalaking pasakit at mahirap ipaglaban.
Ang mauhaw sa dugo ng lalaking alam kong hindi ko kayang abutin ay isang matinding pagdurusa.
Mukhang talagang magkapatid kami ni Zen, hindi man ako pisikal na nakacadena ngayon katulad niya sa ilalim ng palasyo, ramdam na ramdam ko naman ang napakahigpit na cadenang nakagapos sa buong pagkatao ko.
Ginawa ko ang lahat bilang isang mabuting prinsesa, gumagawa ako ng desisyon na hindi lamang naaayon sa aking sarili kundi pati na rin sa kapakanan ng aming nasasakupan. Pero bakit hindi man lang pinagbigyan ang kahilingan ko? Bakit hinayaan ng asul na apoy na ipanganak na lobo ang lalaking mamahalin ko habang buhay?
Nanatili siyang nakasubsob sa lamesa habang hawak ang kamay ko. Kaharap ko na ang lalaking itinakda sa akin pero sa halip na yakapin at pagaanin ang kanyang nararamdaman at sabihin sa kanya ang katotohanang hindi siya pinagkaitan ng dyosa mula sa buwan dahil nandito ako sa harapan niya ay mas pinili kong manatiling tahimik.
"Adam.." nanatili siyang hindi gumagalaw. Alam kong katulad din naming mga bampira, higit na importante din sa mga lobo na makita ang mga itinakda sa kanila. At ang masabihang wala kang kapareha lalo na at isa kang mataas na lobo ay isang hindi katanggap tanggap na bagay.
"I am a witch. At nararamdaman kong may babaeng nakatakda sa'yo.." mahinang sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung may kakahayahan ba ang mga mangkukulam para malaman kung may nakatakda sa isang bampira, lobo o maging sa mga tao. Ang mahalaga ay masabi ko sa kanyang hindi siya ipinanganak na walang kapareha , ayokong maniwala siya sa mga sinabi sa kanya ng mga nakakatandang lobo. Gusto kong mabuhay siyang alam na may babaeng nakatakda sa kanya.
Dahan dahan siyang tumunghay para salubungin ang mga mata ko.
"How? Papaano mo nasabi?" tanong niya sa akin. Inihiwalay ko na sa kanya ang aking mga kamay at pinagsalikop ko ang aking mga kamay sa ibabaw ng lamesa.
"Nakikita ko sa aura mo.." gusto kong murahin ang sarili ko.
Simula nang isilang ako, hindi ko pinangarap na maging isang mangkukulam at hindi ko akalaing dadating ang pagkakataong magpapanggap akong isa sa kanila.
Napapakagat labi na lamang ako sa ilalim ng itim na panyong nakatakip sa aking mukha, talaga pa lang gagawin naming mga Gazellian ang lahat para lamang sa mga itinakda sa amin.
"Sinasabi mo ba na mali ang nakita nila tungkol sa akin?" maling mali Adam.
"Hindi maiiwasan ang pagkakamali Adam.." gusto kong sabihing sinungaling ang mga nakakataas na lobo dahil sa mga salitang ipinaniwala nila sa kanya pero alam kong ginawa lamang nila ang alam nilang tama.
Vampires and werewolves are never been allies. At napaka imposible ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magkaibang lahi. Lalo na at hindi lamang kami pangkaraniwang mga bampira at lobo.
I am a Princess and he's an alpha, papaanong ang maiimpluwensyang katulad namin ni Adam ang mangungunang sumuway sa paniniwalang nakamulatan na ng iba't ibang salinlahi?
We can't fight the vampire and werewolf laws. Maraming maaapektuhan kung susubukan naming magsama ni Adam.
"Is that you Esmeralda? Ikaw ba ang babaeng itinakda sa akin?" napatitig na lang ako sa kanya. Maging siya ay nakatitig na rin sa akin, dahan dahan kong inalis ang mga kamay ko sa ibabaw ng lamesa nang tangkain niya itong hawakan.
"Hindi ako, hindi ako.." mahinang sagot ko sa kanya na sinabayan ko nang marahang pag iling.
"Then tell me about her, nakikita mo ba siya? What is she like?" ramdam ko ang interes sa boses niya habang tinatanong ako. Atleast, nabawasan ko ang bigat sa dibdib niya.
You are not mateless Adam, dahil may isang prinsesang gustong gusto ka nang abutin at hawakan.
"She's beautiful and a short tempered woman. Walang siyang pakialam sa nararamdaman ng mga nakakarinig sa maaanghang niyang mga salita. She's a sharp tongue woman. Maganda nga siya pero hindi nito mababawasan ang dami ng mga nilalang na may galit sa kanya. Her attitude will kill you.." napapangiti na lang ako nang mapait habang sinasabi sa kanya ang mga karakter ko.
Pero pakiramdam ko ay muling hinaplos ang dibdib ko nang makitang tumatawa siya sa mga sinasabi ko. Papaano niya nagagawang tawanan ang pag uugali ko? I thought he would hate me, I am not an ideal mate.
"I should tame her then.." kagat labing sabi niya sa akin. Tame me?
Papaano? Nasisiguro kong ito na ang huli nating pagkikita Adam, pinagbigyan ko lamang ang sarili kong makausap, mahawakang saglit at matitiga ka sa mga oras na ito dahil alam kong sa sandaling makaalis na ako sa kubon ito wala nang pagkakataon pa para muling mag krus ang mga landas natin.
We have our different path. At hindi natin maaaring samahan ang bawat isa, dahil kapwa lamang mapapahamak ang ating mga buhay.
"But she's not a werewolf Adam.." natigilan siya sa sinabi ko. Hinintay kong magsalita siya pero sinagot niya lamang ako ng isang ngiti bago siya muling nagsalita.
"I will love her for what she is.." pakiramdam ko ay gumaan ang dibdib ko sa sinabi niya.
"Except for a vampire.." dito na ako hindi nakapagsalita.
"Pinatay ng mga bampira ang mga magulang at mga kapatid ko Esmeralda, hindi ko kayang mabuhay kasama ang nilalang na nabibilang sa lahing pumatay sa buong pamilya ko.." tuluyan nang nadurog ang puso ko sa sinabi niya.
"Mga walang puso ang mga bampira Esmeralda, tanging pagpatay lang ang nalalaman nilang lahat. Wala silang nagagawang maganda sa mundong ito kundi maghari harian at habangbuhay na maniwalang sila ang pinakamataas. Wala silang kakayahang maaawa o magmahal. They're all heartless.."
Gusto kong sabihin sa kanya na hindi lahat ng bampira ay katulad ng mga sinasabi niya. Pero sa tono ng pananalita niya, alam kong matibay na ang pundasyon sa paniniwala niya sa mga bampirang katulad ko.
I guess everything will end here.
"Hindi naman siya isang bampira Esmeralda, hindi ba?" nanatili lamang akong nakatitig sa kanya habang nag iisip ng dapat isagot sa kanya. I am a vampire Adam.
"She is not. Makikilala mo rin siya baling araw.." tipid na sagot ko sa kanya.
Muli pa sana siyang magsasalita sa akin nang makarinig kami ng malakas na sigawan. At halos manlaki ang mga mata ko nang makitang nag uunahang magtakbuhan palabas ng kubon ang 'tao' na may takot sa kanilang mga mukha at karamihan sa mga ito ay nababahiran na ng kanilang sariling mga dugo.
What the hell is happening?
At halos mangatal ang katawan ko nang makita ko ang puno't dulo ng kaguluhang ito. Dahan dahan akong lumingon kay Adam na may tanong sa aking mga mata.
I can see werewolves attacking the every weakling inside this tent. Bakit sila umaatake? Ano itong ginagawa nila? Papaano sila nakapagpalit sa anyong lobo?
Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Nawala ang kapangyarihan ni Geane?
Mabilis hinanap ng aking mga mata ang babaylan na aking nakilala at halos magimbal na lamang ako nang makitang lumuluha siyang punong puno ng dugo ang katawan habang nakakandong sa kanya ang walang buhay niyang asawa.
Halos mangatal ang mga kamay ko, gusto ko nang gamitin ang kapangyarihan ko. Gusto ko nang patigilin ang mga hangal na lobong ito sa pag atake.
"What the hell did you do?!" malakas na sigaw ko kay Adam. Mga kasamahan niya ang may kagagawan nito!
Nanatili lang siyang nakatitig sa akin.
"Anong ginawa nyo?!" muling sigaw ko sa kanya. Wala akong mahanap na sagot sa blangko niyang ekspresyon.
Panay pa rin ang walang tigil na pag atake ng mga lobo sa walang labang mga 'tao'
Muli kong sinubukan gamitin ang kapangyarihan ko pero nanatili pa rin ang lakas ko bilang isang tao. Fuck! Bakit ang mga lobong ito lamang ang nakakagamit sa kanilang kakayahan?
Napansin ko na kapwa na may sakbat sa kanilang mga likuran ang mga lobo. At nasisiguro kong kaban ito ng mga ginto at ang magagandang kristal na hinangaan ko kanina. They've ruined the place.
"Anong karapatan mong sabihang walang puso ang mga bampira?! Anong karapatan mong sabihan na tanging pagpatay lamang ang alam ng mga bampira? Ano ito? What is this? Hindi ba at ito rin ang ginagawa nyong mga lobo? Pumatay kayo dahil lamang sa mga ginto?!" sigaw ko sa kanya.
Hindi na ako nagulat nang makalapit na sa amin ang mga kapatid ko. Kapwa sila may hawak na espada at nakatapat ang mga dulo nito kay Adam. Pero pansin kong hindi sila makatayo ng maayos dahil sa dami ng alak na nainom nila.
"Sinaktan ka ba niya Lily?" agad na tanong ni Evan na muntik pang matumba.
Nakita kong tumaas ang kilay ni Adam nang marinig ang pangalan ko. Mas lalong inilapit ni Finn at Evan ang hawak nilang espada kay Adam pero nanatili itong hindi natitinag habang mariin pa rin nakatitig sa akin.
"Oh, the Alpha from Eberron" tumabi sa akin si Rosh na hindi makapaglakad ng maayos habang umiinom ng alak. He's damn drunk at siya ang kauna unahang bampirang nakita kong nalasing.
"Adam! Let's go! That woman is a vampire! She's deceiving you!" pakinig kong sigaw ng isa sa mga kasamahan niya bago ito nag anyong lobo.
Nakita kong umismid sa akin si Adam bago nito walang pasabing nahawi ang mga espada ng mga kapatid ko.
"Mga bampira.."
Ito na lang ang huli kong narinig sa kanya bago siya nag anyong lobo at tumakbo kasama ang kanyang kasamahan papalayo sa kubon punong puno ng walang buhay na katawan ng mga inosente nilalang na kanina ay nagkakasiyahan lamang.
You're the heartless one, Adam..
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro