Chapter 6
Chapter 6
Human strength is not bad at all. And I can't accept the fact that I am starting to enjoy this.
It was all because of my mate.
Kung wala ako sa ilalim ng kapangyarihan ng babaylan, kung wala ako sa loob ng kubon na ito maaaring naiwasan ko ang gagawin niyang paghalik na siyang lubos kong pagsisisihan.
I am so glad that my first kiss was from my mate.
Hindi ko akalaing madali niyang matitibag ang napakatayog na pader na pilit kong itinayo sa pagitan naming dalawa. Lumabas ako sa kaharian ng Parsua Sartorias na may buo at matibay na desisyon. Isang desisyon na alam kong makakabuti sa aming dalawa, pero ano itong ginagawa ko?
Why am I letting him caress my hair? Why am I letting his arm around my waist? Why am I still lovingly staring with him?
"What are you?" halos bulong na lang ang narinig ko mula sa kanya. Marahan niyang isinumping ang takas na buhok sa gilid ng aking tenga na lalong nakapagpabilis sa pagtibok ng aking puso.
Nanatiling may takip na itim na panyo ang aking mukha at tanging mga mata ko lamang ang kanyang nakikita pero bakit ganito na lamang ang paraan ng pagtitig niya sa akin?
Nakatitig lamang siya sa akin habang hinihintay niya ang aking sagot.
Tama ba na sabihin kong isa akong bampira? Anong gagawin niya kapag nalaman niyang nasa lahi ako ng kinamumuhian niya? Hindi niya ako nakikilala bilang babaeng itinakda sa kanya at malaki ang posibilidad na itulak niya ako kapag nalaman niya ang lahing kinabibilangan ko.
"I am.." hindi ko magawang maituloy ang pagsasalita. Damn.
I am always proud of being a vampire princess but this is time, I can't find any strength to admit it. I can't accept any rejection from my own mate, not from this werewolf, not from him. It will definitely shatter me.
"Let me guess, you're a witch?" awtomatikong umangat ang isa kong kilay na siyang nakapagpatawa sa kanya.
Dahan dahan kong dinala ang mga kamay ko sa kanyang dibdib at marahan ko siyang itinulak para magkaroon kami ng distansya.
Damn, I want to play with him.
Mabilis akong tumawid sa kristal na kurtina na muling lumikha ng ingay pero hindi nakaligtas sa aking pakiramdam ang paglandas ng kanyang kamay sa aking mahabang buhok bago ako tuluyang nakahakbang papalayo sa kanya.
"Esmeralda.." napakagat labi na lang ako nang maramdaman kong sinusundan na niya ako mula sa kabilang panig ng kristal na kurtina.
"What's wrong?" tanong niya sa akin. Binagalan ko ang paglalakad ko, ganoon din siya na sinasabayan lamang ako.
"You're just too fast.." mahinang sabi ko. Halos mapairap na lang ako sa sinabi ko dahil napakalayo nito sa bagay na gusto kong gawin kasama siya.
Everything is always fast for vampires if we're in different situation right now, I'll probably offering myself to him. Hindi ganitong kailangan ko pang lumayo sa kanya.
Sa kultura at tradisyon ng mga bampira, sa sandaling makilala at matagpuan mo na ang itinakda para sa'yo hindi na kailangan pang aksayahin ang mga oras. Sa isang iglap ay maaaring matagpuan mo na lamang ang sarili mong lumiliyab at nag aapoy sa mga haplos at halik ng lalaking itinakda para sa'yo.
Kung wala ako sa loob ng kubon na ito at nasa ganito kaming distansya at mga ideyang ito ang tumatakbo sa isip ko, alam kong hindi ko na makokontrol ang aking pagkauhaw sa kanya. Naramdaman ko na ito nang una ko siyang nakita at alam kong simula nang araw na 'yon tuluyan na niyang ginulo ang buong sistema ko.
Sa buong kasaysayan at henerasyon ng mga bampira, kilalang kilala kaming mga Gazellian hindi lamang sa pagiging maharlika kundi sa paraan ng aming pagkauhaw sa mga nakatakda para sa amin.
Isang buhay na halimbawa na lamang ang aking kapatid na si Zen na kasalukuyang nakacadena sa ilalim ng palasyo dahil sa tindi ng kanyang pagkauhaw sa itinakdang babae mula sa kabilang mundo. At alam ko sa sarili kong matagal na rin akong nauuhaw sa lobong ito at malaki ang pasasalamat na hindi ako napagaya kay Zen.
"Fast?" kahit may nakapagitan sa amin, alam kong nakangisi siya sa akin. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Lumabas na ako sa magandang parte ng kubon at nagsimula na akong muling maglakad pabalik sa pinanggalingan ko. Wala akong dapat ipag alala sa mga kapatid ko dahil siniguro sa akin ni Geane na nasa kabilang kubon ang mga ito habang kasama ko pa ang lobong ito.
"I am asking you, what are you?" muling tanong niya sa akin.
"I thought werewolves are good at guessing?" sinagot ko siya ng tanong. I can't just tell him that I am a vampire.
"Who told you that? But I am sure you're a witch, hindi ka naman kakaibiganin ni Geane kung hindi ka mahilig sa mahika na katulad niya" hinayaan ko na lamang siya sa sarili niyang paniniwala.
"By the way, why are you here Esmeralda?" bigla niyang tanong na bahagyang nakapagpatigil sa akin. Nang mapansin ko si Geane mula sa di kalayuan ay mabilis akong nahanap ng isasagot sa kanya.
"I am here for Geane, dinadalaw ko siya.." kailan pa ako natutong magsinungaling?
"Oh, so you two are good friends.." tumango na lang ako sa kanya.
"What about you? Why are you here? Blood for gold? What a peculiar business.." napansin ko na natigilan din siya sa sinabi ko. Ano pa ba ang dahilan niya kung bakit siya nandito?
"I am not into gold Esmeralda.." sagot niya sa akin habang nakapamulsa siyang naglalakad.
"Then why are you hurting yourself inside that cylindrical wire? That's suicide, you're just killing yourself.." mabilis na sagot ko sa kanya. Hindi ko na inabalang lumingon sa kanya habang sinasabi ito. Nanatili akong nasa unahan ang atensyon pero ramdam kong nakatitig siya sa akin.
"Worried?" alam kong nakangisi na naman sa akin sa akin.
"Sinasabi ko lamang ang aking nakikita lobo.." mahinang sagot ko.
"Hindi mo pa tinatawag ang pangalan ko Esmeralda.." napakagat labi na lang ako sa narinig ko. How can I call his name properly?
Siguradong mangangatal ang boses ko sa sandaling tawagin ko ang pangalan niya.
"I am sorry for that.." sagot ko na lang sa kanya.
Nang mapansin ko si Geane na kumakaway sa akin si Geane ay napahinga ako ng maluwag, hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong ikilos habang nakasunod sa akin ang lobong ito na walang nang tigil sa pagtitig sa akin.
"Come here Princ—" pinandilatan ko ng mata si Geane na agad niya namang nakuha.
"Nagkakilala na pala kayo, alam mo ba na si Adam ang isa sa pinakamadalas na panauhin namin sa kubon na ito?" hindi ako sumagot, ano ba ang dapat kong sabihin?
"Hindi mo nasabi sa akin na may maganda kang kaibigan Geane. A very beautiful witch.." naupo na kami ni Adam sa mga libreng upuan.
"Witch.." pag uulit ni Geane. Umirap lamang ako dito.
"Oh, wala ba akong nabanggit sa'yo?" baling niya sa lobo. Sasagot na sana ito sa kanya nang marinig naming tinatawag na si Geane ng kanyang asawa.
"Maiwan ko muna kayong dalawa.." nang makaalis si Geane ay agad tumayo ang lobong katabi ko at lumipat siya sa upuan ni Geane na siyang kaharap ko.
Bloody hell, is he trying to be gentleman? Naiinis ako.
"Baka tumakbo ka na naman.." ngising sabi niya sa akin.
Wala na akong ibang tatakbuhan pa. I had enough for running, bumigay na ako sa'yo.
"I am not good at running, mabilis akong mahuli.." sagot ko sa kanya. Akala ko ay sasagot siya sa akin pero napansin kong nakatulala na siya sa akin.
"Can you remove yo—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil mabilis akong umiling.
"I am sorry, but I can't show you.." mahinang sagot ko.
"It's okay, hindi kita pipilitin pero alam kong maganda ka.." lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya.
Sanay na ako sa mga papuri mula sa tatlo kong malalambing na kapatid pero iba pa rin pala kung magmumula ito sa lalaking itinakda para sa akin. Nagwawala ang puso ko, nagwawala dahil sa lobong nakatitig sa akin.
"Esmeralda, can you be my Luna? Sumama ka na sa akin.." halos mapanganga na lang ako sa sinabi niya. What the?
"I am not your mate. Werewolves are into mate thing right?" mabilis na sagot ko sa kanya. Mapait siyang ngumiti sa akin na agad nakapagpakunot sa aking noo.
"Yes, but I can't be mated to one.." agad nangunot ang noo ko sa sinabi niya. How come? Alam kong kami ang itinakda sa isa't isa, sinong nagbigay sa kanya ng maling ideyang ito?
"What? Every werewolf has their own mate right? Papaanong wala ka?" who the fuck is supplying him wrong ideas?!
"We have our bone oracle Esmeralda, binasahan ako ng mga nakatataas. The moon goddess didn't give me one, I don't have a mate Esmeralda.." napakuyom na ang mga kamay ko.
Kung ganoon ay nagsisimula na pala ang mga lobo para paghiwalayin kaming dalawa, alam na ng mga nakatataas na lobo na itinakda siya sa isang prinsesang bampira. At sa halip na sabihin sa kanya ang totoo, binigyan siya ng maling ideya.
"Naniniwala ka sa kanila?" tanong ko sa kanya.
"Hindi sila magsisinungaling sa akin.." mahinang sagot niya sa akin. Nagsisinungaling na sila sa'yo..
"Sa tagal kong nabubuhay sa mundong ito, ikaw pa lang ang kaisa isahang babaeng umagaw ng aking atensyon at hindi ko alam kung bakit. You can't be my mate because I don't have one but I don't understand, I have this unfamiliar feeling with you Esmeralda..." nanatiling tikom ang bibig ko sa mga sinasabi niya.
Why are you doing this so soon? Pangalawang beses pa lang natin magkita pero halos gusto ko nang takbuhan ang posisyong mayroon ako ngayon.
"Can you be my Luna, Esmeralda? Can you be my wife?" halos mangatal ang buong pagkatao ko sa tanong niya sa akin. Pilit kong pinigilan ang sarili kong hindi tumayo at yakapin siya at sabihing ako ang babaeng itinakda sa kanya.
Ako ang pinili ng dyosa mula sa buwan na magmahal sa kanya.
Dahan dahan niyang isinubsob ang sarili niya sa lamesa, ibinaling niya ang kanyang paningin sa kanyang kanan. I can only see half of his face.
Gustong gusto ko nang sumagot sa kanya at sabihing ako ang babaeng nakatakda sa kanya pero wala akong lakas ng loob para magsalita. Alam kong sa isang maling salita ko ay sisiklab ang kaguluhan.
Why are we like this? Bakit nasa magkalabang mundo kami? Bakit hindi na lang siya ipinanganak na bampirang katulad ko?
"Hindi din magtatagal ay ihahanap na nila ako ng mapapangasawa Esmeralda, malapit nang ipasa sa akin ni ama ang kanyang katungkulan bilang pinuno ng aming grupo at para tuluyan kong makuha ang respeto ng aking pamumunuan kailangan ko nang makasal sa lalong madaling panahon.." para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig ako sa lobong malayo na ang tanaw.
Oh god, he can't marry someone else.
"Adam.." unti unti kong ibinaba ang aking mga kamay sa kanyang buhok. At halos magwala na naman ang dibdib ko nang hulihin ng kamay niya ang kamay ko at dalhin niya ito sa kanyang mga labi.
"Please be my Luna, Esmeralda. I can always kiss your hand if you want it. Sumama ka na sa akin.."
How? How Adam? nagsisimula na silang paglayuin tayo..
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro