Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5


Chapter 5


Holy blue fire, my heart is beating so fast. His eyes and his gaze are now melting me..

Anong ginagawa ng mga titig ng lalaking ito sa buong sistema ko? Mahina ang koneksyon namin sa isa't isa sa loob ng lugar na ito pero bakit pilit pa rin nagwawala ang pagtibok ng puso ko? Bakit pilit pa din nitong nakikilala ang lalaking ito?

It's no good Lily. He will notice you, your mate will notice you.


Sinubukan kong muling humakbang pero lalo lamang nangatal ang aking mga tuhod. Damn, ano itong nangyayari sa akin? It was just a few words from him but damn. This werewolf can make my heart beats, faster and slower at the same time.

Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin habang natahimik ang lahat ng mga 'taong' kanina pang nagsisigawan nang marinig nila ang malakas na sinabi ng lobong ito.

He's looking at me intensely like we're the only 'people' inside this mystic tent. Bakit ganito ang mga mata ng lobong ito?


I thought kisses will only come from lips but I did realize that some kisses are given by the eyes..


Gusto kong tumakbo, gusto ko nang lumayo sa lugar na ito dahil hindi na ako pamilyar na sa nararamdaman kong ito, pero may malaking parte sa pagkatao kong gusto munang manatili. I want to see him more, I want to touch his skin and I want to know my mate more.

Pakikipaglaban ba sa loob ng alambreng bakal ang pinagkakakitaan niya? Ginagawa niya ba ito kapalit ng mga ginto? What is he? Is he an Alpha? Beta? Bakit siya nakatitig sa akin? Nararamdaman niya rin ba ang nararamdaman ko? O hindi lang siya sanay na may babaeng nanunuod sa kanya na may nakatakip na mukha? Damn. Gustong maraming malaman tungkol sa kanya.

My damn heart and brain are now conflicting with one another.


Hindi lang siya ang nakatitig ngayon sa akin, maging ang mga 'taong' abala kanina sa panunuod ng labanan ay kapwa nasa akin ang mga atensyon. How I hate this situation.

Huminga ako nang malalim bago ko unti unting inihakbang paatras ang aking mga paa pero halos mapapitlag na lang ako nang maramdaman kong may humawak sa aking mga balikat.


"Princess Lily, calm down. Act natural.." mahinang bulong sa akin ni Geane mula sa likuran.


"They're all looking at me.." nangangatal na bulong ko sa kanya.


"Everyone! Don't scare my guest" tatlong beses pumalakpak si Geane dahilan kung bakit sunod sunod nawala ang mga mata ng mga taong nakatitig sa akin.


"You too Adam, yes she's new and please don't scare her.." mabilis na sabi ni Geane kay Adam na sa akin pa rin nakatitig. Ngayon naman ay nakakunot na ang noo nito sa akin na parang may hindi siya maintindihan.

Mabilis na akong tumalikod habang nakaalalay pa rin sa akin si Geane. Hawak ko ang dibdib ko na parang ngayon lamang ito nakahinga ng maluwag. His eyes are too intense.


"Why don't you try to talk to him?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Geane.


"I'm out! I'll be back tomorrow!" pakinig kong sigaw ng lobo mula sa likuran. Aalis na siya?


"Princess Lily.." muling naagaw ni Geane ang atensyon ko.


"No, I can't talk to him.." seryosong sabi ko.


"Pero ngayon na ang pinakamagandang oras para magkausap kayo.." mahigpit akong umiling sa sinabi ni Geane.


"And what? Makikilala niya ako kapag nagkausap kami Geane. Malalaman niyang ako ang itinakda sa kanya, what will happen next? Walang magandang maidudulot kung magsasama kami Geane, mula kami sa magkaibang lahi.." mahabang paliwanag ko sa kanya habang patuloy kami sa paglalakad.


"Mas palalakasin ko ang mahika sa loob ng kubon na ito, hindi ka niya makikila bilang kanyang kapareha.." napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.


"Nandito ang mga kapatid ko Geane. Sigurado akong hindi sila magdadalawang isip na patayin ang lobo kapag nalaman nilang nilapitan ako nito. They will definitely kill each other. Ayokong mangyari 'yon" mahabang paliwanag ko.


"Abala ang mga kapatid mo sa kabilang kubon, mahal na prinsesa. Wala kang dapat ipag alala" hindi pa rin ako kumbinsido sa mga sinasabi niya.


"Maaaring ito na ang huli nyong pagkikita ni Adam kung binabalak mong tuluyan nang hindi makipag ugnayan sa kanya. Bakit hindi mo na lamang gamitin ang pagkakataong ito para sa una at huli nyong pag uusap? Ito na ang pinaka malayang lugar sa pagitan nyong dalawa, malayo sa mata ng mga kauri nyong pilit kayong paghihiwalayin.." natahimik ako nang ilang minuto sa sinabi ni Geane.


"But I am not ready yet, no. Hindi ko pa kayang makipag usap sa kanya.." oo, gusto ko siyang matitigan at mahawakan nang matagal pero alam ko sa sarili kong hindi pa ako handang makausap siya. Sa ngayon ay kuntento na muna akong pagmasdan siya mula sa malayo.


"What will you do now Princess Lily? He's behind us.." bulong niya sa akin. Nanlamig na lang ako nang mabilis na humiwalay sa akin si Geane. What the?


"Hey.." narinig ko ang boses ng lobo mula sa aking likuran.

Nagmadali akong maglakad na hindi lumilingon sa kanya. Gusto ko nang magmura, kung nasa labas lang ako ng kubong ito siguradong malayo na ako sa lobong sumusunod sa akin. I can easily use my vampire speed to run away from him but having this human strength? Shit.


"Wait.." tawag niya sa akin. Lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko. Hindi pa ako handa! Hindi ko pa siya kayang kausapin. Ngayon ko pinagsisihang tumayo pa ako sa sulok ng lamesang pinanggalingan ko.

Pinili kong magpatuloy maglakad hanggang sa makarating ako sa dagat ng mga taong nagsasayawan kasabay ng masiglang musika. Ilang beses pa akong napairap nang may sumagi sa aking mga nagsasayaw.


"Hey, stop running!" napakagat labi na lang ako nang marinig kong muli ang boses niya. He's still after me.

Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa lugar na kakaunti lamang ang tao at karamihan pa sa mga ito ay mga magkakapareha na kapwa mga naghahalikan sa kung saan saang sulok.

How can they kiss back without knowing what kind of creature they are kissing with?


Nang mapansin ko na hindi na nakasunod sa akin ang lobo ay bahagya ko nang binagalan ang aking paglalakad at pinili ko na lamang pagmasdan ang ayos ng buong paligid.


Akala ko ay hindi ako makakakita ng maganda sa lugar na ito dahil na rin sa magulong ayos nito sa unahang bahagi na punong puno ng mga taong nag iinuman, magulong nagsasayawan at iba't ibang klase ng sugal, pero hindi ko akalaing makakatagpo ako ng ikamamangha ng aking mga mata.

Nagkalat ang malalaki at eleganteng puting paso sa paligid na may mga naggagandang mga bulaklak na may kasama pang hindi mga katayugang mga kawayan. Sa gitna nito ay may mga nagniningning na mga kurtina.

A crystal bead curtains flowing elegantly in six rows, it has red crystals on top and gold on its lower part. This place is so enchanting and damn fascinating, na kahit ang isang prinsesang katulad ko na lumaki sa paligid ng ginto at mga kristal ay talagang mamamangha.

What is the purpose of this place?


Napansin ko na sa magkabilang dulo nito ay may dalawang gintong paso na nakasarado pero sa maliit na dulo ng takip nito ay may kulay puting usok na lumalabas. Hindi ko mapigilang mapapikit at langhapin ang usok nito. It smells like a jasmine flower.

Hindi na ako nagdalawang isip pa, sinimulan ko nang ihakbang ang aking mga paa papasok sa mga kurtinang kristal. At sa dahan dahang pagdaan ko dito ay nagsimula na rin itong gumawa ng maliit na ingay.

This place is so beautiful..


Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa makaabot ako sa ikatlong hanay. Panay ang marahang paglandas ng aking kanang kamay sa mga kristal na kurtinang dinadaanan ko habang nakangiting pinakikinggan ang mahinang pag iingay nito. It was like a soft melody that can easily calm someone's heart.

I tried to close my eyes while slowly walking with the sweet fragrance of the smoke and mellow music of this crystals.


"These crystals should witness your beauty sweetheart.." bigla akong napamulat sa narinig ko.

At halos matulala na lang ako nang makitang nasa kabila lamang ang lobong tinataguan ko. Tanging isang linya ng kurtinang kristal lamang ang pagitan namin sa isa't isa.


"Why are you running away from me?" mahinang tanong niya sa akin. Gusto ko man siyang sagutin pero pinili ko na lamang manahimik at sagutin siya sa aking isipan.

Because we can't be together, mas madaling lumayo habang hindi pa natin kilala ang isa't isa.


Nagsimula na ako muling humakbang paatras nang mapansin niya ang ginagawa kong pag atras ay muli siyang nagsalita.


"I won't move from here, just don't run again.." natigilan ako sa paghakbang dahil sa sinabi niyang ito.

Hindi ko siya masyadong makita dahil sa mga kristal na nakapagitan sa aming dalawa.


"Did I scare you? I'm sorry for that.." nanatili akong tahimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ako kailanman matatakot sa kanya, natatakot ako sa magiging sitwasyon naming dalawa kung hahayaan kong magkalapit kami.


"I've never seen you here. Are you from Deltora?" napansin ko na nagsimula na siyang humakbang papalapit sa akin. Sinungaling na lobo.


"I thought you'll not move?" tanong ko sa kanya. Narinig ko siyang mahinang tumawa sa sinabi ko.


"Is it okay if I move a few inches?" hindi ko maiwasang hindi itaas ang aking kilay. Nakahabang na siya, bakit kailangan niya pang magpaalam?


"I am not from Deltora.." sagot ko sa nauna niyang tanong.


"Then, who are those guys a while ago?" kumunot ang noo ko sa tanong niya. Napansin din niya si Finn at Evan kahit abala siya sa pakikipaglaban kanina?


"You've been watching me.." diretsong sabi ko.


"I am" mabilis na sagot niya. Sa isang iglap ay katapat ko na siya ngayon pero nanatili siya sa kabilang kurtina.


"Why can't you show your face? I know your face is as beautiful as your eyes sweetheart.." hindi ko alam kung bakit nakangiti ako sa likuran ng itim na panyong nakatakip sa aking mukha.

Napakatamis din palang magsalita ng mga lobo.


Huminga ako ng malalim bago ako nanalangin sa asul na apoy sa kasalanang buong puso kong gagawin.


"Can you tell me your name?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na ito.


"Adam.."


"Esmeralda.."

Agad kong inabot ang aking kanang kamay, sa pagitan ng mga kristal na naghihiwalay sa aming dalawa.


"You should kiss me.." hindi na ako naghintay dahil mabilis niyang inabot ang aking kanang kamay at dahan dahan niya na itong dinadala sa kanyang mga labi.


Pero nagulat na lang ako nang hilahin niya ako sa kanyang mga bisig at tuluyan ko nang tinawid ang kristal na kurtinang nakapagitan sa aming dalawa.

Naramdaman ko na lang ang paglapat ng aming mga labi. Pero sa kabila ng itim na panyong nakapagitan sa mga labi namin ramdam na ramdam ko ang lambot at init ng labi ng lalaking itinakda para sa akin. My first mate's kiss.



"Werewolves don't kiss on hand, we always kiss on lips Esmeralda..."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro