Chapter 49
Chapter 49
War is always ruthless. Shred with blood, boundless death and endless cry of agony. A never ending pain with overflowing tears and thousands of life sacrifices.
Ilang beses kong sinabi sa sarili kong ipinanganak ako bilang isang prinsesang mandirigma. Gazellians are born fighters, we never hold back for what we believed for and we'll fight for it no matter what happens. But I never wanted war, I never wanted blood bath and I never wanted death.
Maraming beses na akong naharap sa iba't ibang klase ng digmaan sa tagal nang pananatili ko sa mundong ito, pero kahit minsan ay hindi ko inakalang darating ang pagkakataon na ako mismo ang magsisindi ng isang panibagong pangmalawakang digmaan.
Nakakarinig ako ng walang katapusang putukan ng mga kanyon, ingay ng mga panang lumilipad mula sa iba't ibang direksyon, mararahas na yabag ng mga kabayo at pagtama ng napakaraming sandata sa isa't isa.
Sobrang dami nang dugo ang nawawala sa akin, unting unti nang nanghihina ang aking katawan. Sa kabila nang panghihina ko ay nararamdaman ang mga bisig ng pangalawang prinsipe ng Deltora habang panay ito sa pagtawag sa aking pangalan.
"Lily! Stay with me! Fvck! Damn heal her!" sigaw na ito nang sigaw sa dalawang babaylang pinagtutulungan gamutin ang malalim na tama sa aking katawan. May lason ang mga panang kanilang ginagamit at ramdam kong unti unti na itong kumakalat.
Ang tanging nakikita ko na lamang ay ang kanyang nag aalalang mukha at ang madilim na kalangitan. Napapalibutan na din kami nang nagtatayugang matatalim na halaman na siyang pumuprotekta sa amin.
"Si A--dam.." nangangatal na sabi ko.
"He's fine, he's fighting outside the barrier. He's protecting you" pagpapakalma sa akin ni Rosh. Bigla na lamang akong nakaramdam nang dagok mula sa aking likuran dahilan kung bakit bigla akong napabangon. Muli akong sumuka ng sarili kong dugo.
"What the--- what the fvck are you doing?! I said heal her!" muling sigaw ni Rosh na mas lalong naalarma sa nakikita niya sa akin.
"Ma--hal na prinsipe uma--bot na po sa puso ng prinsesa ang la--son." mahinang sabi ng isang babaylan. What? Umabot na sa puso ko? Wala na ba talaga silang magagawa sa akin? Kusang umagos ang aking mga luha dahil sa aking narinig.
"Mga inutil!" galit na galit na sabi ni Rosh. Muling niyugyog ni Rosh ang balikat ko. Bakit kung kailan nakaabot na ako sa Parsua ay kailangan pa akong tamaan ng panang may lason?
Papaano na ang pinaghirapan nilang lahat kung mauuwi lamang ako sa kamatayan? Papaano na ang lahat ng mga bagay na ginawa ng mga kapatid ko kung babawian din ako ng buhay?
Walang humapay sa pag agos ang aking mga luha habang pilit kong hinuhuli ang mga mata ng ikalawang prinsipe ng Deltora. Ramdam ko ang pangangatal ng bisig niya habang pinagmamasdan niya ako. Sa nanghihina kong kamay ay pilit kong inabot ang kanyang mga pisngi.
"Rosh, nag—ma--makaawa ako sa'yo. Don't let me die, ayo--ko pang m--amatay mahal na prinsipe, ayoko pang ma--matay. Nagmama--kaawa ako sa'yo, hu—wag mo a—kong ha—yaang mama--tay" ramdam ko ang maiinit na luhang naglalandas sa aking mga pisngi habang nagmamakaawa ako sa kanya.
"Lily.."
"Ma--hal na prin--sipe, gusto ko pang mabuhay. Huwag mo a—kong—" hindi ko na maituloy ang aking pagsasalita nang may panibagong dugong kumawala sa aking bibig.
"Gus—to ko pang ma—buhay" hinang hina na ako. Pero gusto kong ipaabot sa kanya na gusto kong lumaban sa kamatayan. Hindi maaaring mauwi sa wala ang pinaghirapan ng buong Parsua.
Ilang beses kong narinig ang pagmumura ni Rosh bago niya marahas na hinalit ang kasuotan niya.
"Drink from me.." inilapit niya ang palapulsuhan niya sa akin.
"Hindi maaari mahal na prinsipe! Maaari ka rin malason!" ang mga babaylan mismo ang naglayo ng palapulsuhan ni Rosh mula sa aking bibig.
"Anong gusto nyong gawin ko?! Hayaan ko siyang mamatay?! Leave, iwan nyo kaming dalawa.." malamig na sabi ni Rosh.
"Mahal na prinsipe hindi maaari."
"I said fvcking leave!" sigaw ni Rosh sa mga ito. Walang nagawa ang mga babaylan kundi lumabas sa mga nagtatayugang matatalim na halaman na nakapalibot sa amin.
"Now drink, don't worry I won't die because of poison.." he's lying, nalason na siya noon at nasaksihan ko na ito.
"Rosh.."
"Just fvcking drink Princess Lily!" mas inilapit niya sa akin ang kanyang palapulsuhan pero agad ko itong tinabig at buong lakas kong inangat ang aking sarili para kagatin siya sa kanyang leeg. Narinig ko ang pagmumura ni Rosh sa ginawa ko.
Sa unang paglapat pa lamang ng kanyang dugo sa aking mga labi ay agad nagkaroon ng lakas ang aking katawan. Hindi man kasing lakas ang epekto nito katulad ng dugo ni Adam masasabi kong bubuhayin ako nito o higit pa. Prince Rosh blood is too powerful to cleanse the poison all over my body.
"Fvck, I said bite on my pulse not on my neck. What should I expect? Girls always crave on my neck mated or not. Hanggang kamatayan, talagang hinahabol ng kababaihan ang aking leeg.." kung maaari lamang akong pumili ng leeg na kakagatin sa pagkakataong ito, si Rosh ang kahuli hulihan kong pipiliin. Siya lamang ang nakilala kong bampira na marami pang nasasabi habang kinakagat.
Patuloy akong umiinom sa kanyang dugo habang nararamdaman ko pa ang lason sa aking katawan.
"Huwag mong uubusin ang dugo ko mahal na prinsesa, gusto ko pa rin mabuhay" humalakhak pa siya na parang walang pangil sa kanyang leeg. Nang maramdaman kong kaya ko na ang sarili ko ay inawang ko na ang mga pangil ko sa kanya. Pansin ko na agad hinawakan ni Rosh ang kanyang noo.
I did drink too much.
"Salamat Rosh, salamat.." tumango ito sa akin. Hindi na siya makapagsalita, mukhang sobrang dugo ang nakuha ko sa kanya o maaaring nalipat sa kanya ang lason.
"Rosh.." nag aalalang tawag ko sa pangalan.
"I am fine.." pagsisinungaling niya sa akin.
Nawala ang atensyon ko kay Rosh nang marinig ko ang ingay mula sa labas ng harang, kusang pinagalaw ni Rosh ang kanyang mga halaman para makadaan ako at makita ang kabuuan ng mga pangyayari.
I looked outside the barrier and yes, everything is on war. Hinanap ng mga mata ko si Adam, may mga lobo na itong nakasuporta sa kanya. Kusang humawak ang mga kamay ko sa harang na parang mahahawakan ko siya kanyang napakalayong distansya.
Nang mamataan ng mga kalabang bampira na malapit ako sa harang ay mas lalo silang nagsugudan patungo sa aking direksyon. Apat na bampira ang patungo sa kinatatayuan ko, agad naharang ang tatlo dito ng mga pandirigma ng Parsua pero may nakalusot na isa.
Mabilis na nakadamba sa kanya si Adam at marahas itong pinugutan ng ulo.
"A--dam.." tawag ko sa lalaking pinakamamahal ko. Parang nawala ang bigat sa aking dibdib nang makitang nasa maayos pa rin siyang kalagayan.
"Stay there Lily!" sagot sa akin ni Adam.
"Lalaban din ako Adam.."
"But you're hit!"
"Alam mong wala na akong tama Adam.."
Napasigaw ako nang magkaroon ng isang napalakas na pagsabog mula sa gawing norte. Anong nangyayari? Nakita kong nagtatakbuhan dito ang mga kalabang bampira. It couldn't be, the barrier.
"Mahal na prinsipe! Malapit na nilang masira ang harang sa norte!" malakas na sigaw ng humahangos na kawal kay Rosh at nang lingunin ko ito ay magimbal ako sa nakikita ko. Namumutla na siya at nahihirapan na siyang makatayo.
I did poison him.
"Ako ang magbabantay sa Norte. Huwag kayong titigil sa pagpapaulan ng kanyon!" pilit na sigaw niya.
"Rosh.." alam kong pakinig niya ang tawag ko pero pinili niya akong hindi pansinin. Mabilis siyang naglaho para magtungo sa Norte.
Walang tigil ang labanan, mabilis akong nagtungo sa mga babaylan para bigyan ako ng butas at makalabas sa harang. Gusto kong tumulong at walang makakapigil sa akin. Lalo na at wala pa akong nakikitang kahit isang kapatid ko, maging ang malalakas na bampira ng Parsua na nagpaiwan parar lamang tuluyan akong makatakbo.
"Lalabas ako.." matigas na sabi ko.
"Hindi maaari, mahal na prinsesa.."
"Kailangan kong lumabas" madiing sabi ko sa babaylan sa aking namumulang mata. Wala itong pinagpilian dahil mas makapangyarihan ako sa kanya.
Hinayaan kong maglabasan ang aking mga pangil at ang tumitinding pagniningas ng aking mga mata. Ibinuka ko na ang aking mga kamay. At kasabay nang pagbukasn ng harang ay ang mabilis kong pagtakbo dala ang pinakamakakamandag na usok na tutuyo sa kanilang mga katawan.
Apat bampira ang umabang sa aking paglabas na marahas kong iniangat sa ere gamit ang aking kapangyarihan. Unti unti kong tinutuyo ang kanilang mga katawan hanggang tanging buto na lamang nila ang niyayakap ng kanilang mga balat. Sabay sabay silang bumagsak sa lupa habang nananatiling pula ang aking mga mata.
Agad hinanap ng aking mga mata si Adam, kasalukuyan na siyang susugudin ng pitong bampira nang sabay sabay. Muling naglabasan ang aking mga pangil at mabilis akong sumgod sa direksyon ng mga ito. Hindi ko hinayaang pagtulungan si Adam ng mga ito dahil pilit kong inagaw ang apat na bampira at muli kong silang sinakal gamit ang kapangyarihan ko. Alam kong ilang beses ko lamang ito maaaring gamitin at anumang oras ay manghihina ang buong katawan ko pero hindi ko pwedeng hayaang pagtulungan nila ang lalaking mahal ko.
"Lily! Ang tigas na ulo mo!" iritadong sabi ni Adam kasabay nang muli niyang pagpugot sa ulo ng dalawang bampira. Nakasuporta na din sa amin ang malaking lobong si Lucas.
"I want to fight Adam!" malakas na sigaw ko habang nakikipagbuno na ako sa isang babaeng bampira. Ilang beses kaming nagpapagulong gulong at pilit gustong sakalin ang isa't isa.
"They wanted us dead! You should have stayed inside!" akala ko ay matatamaan ako ng suntok nang bampira nang sinakmal ni Adam ang ulo nito at walang habas na ihigis. Agad akong sumakay sa kanyang likuran.
"I am not weak Adam! I am not! Sa tingin mo ba ay makakayanan kong manuod lamang habang lahat ay nakikipaglaban para sa akin? Para sa atin?!" angil na sabi ko kasabay nang pagtakbo niya nang napakabilis para sabay naming sugudin ang grupo ng mga bampira.
"But! Fvck! You never listen to me! Hindi mo ba nakikita? Walang katapusan ang dami nila! nauubusan na tayo ng mga kasamahan.." giit niya. Tama siya napakarami nang mga taga Parsua ang wala nang buhay. Maging ang norte ay muntikan nang mabutas kung hindi dito nagtungo si Rosh.
Agad nabalot ng kaba ang dibdib ko nang mapatingala ako, halos takpan na nang malalaking nagliliparang mga ibon ang kalangitan dahil sa dami ng mga ito. Muling nagpaulan ang mga ito ng pana na siyang pilit hinarangan ng aming mga babaylan. Pero kahit anong gawing harang ay marami pa rin ang nakakatagos at karamihan na sa mga kawal at mandirigma ng Parsua ay isa isa na rin natatamaan.
"WALANG TITIGIL! SUMUGOD KAYO NANG SUMUGOD! HINDI PANA ANG UUBOS SA ATING LAHAT" malakas na sigaw ni Rosh na nakasakay na sa kanyang kabayo. Ginagamit na niya ang kanyang kapangyarihan para patayin ang mga bampirang nakasakay sa mga nagliliparang malalaking ibon sa himpapawid.
Mas lalo akong niyakap ng kaba, wala na sa loob ng harang si Rosh at nakikipagpatayan na siya sa mga bampira. Isa lang ang ibig sabihin nito, talagang nauubusan na kami ng mga kasamahan. Nasaan na ang mga kapatid ko? nasaan na ang mga hari? Nasaan ang malalakas na bampira ng Parsua?
Nagpatuloy ang madugong labanan, napakarami nila at nauubos na ang mga bampira ng Parsua. Pilit naming pinuprotektahan ni Adam ang isa't isa sa abot ng aming makakaya pero hindi ito sapat para hindi kami masugatan at masaktan. Kapwa na kami nanghihina.
Nagtatalunan na ang mga bampirang nanggaling sa himpapawid dahilan kung bakit napapalibutan na ako, si Adam at si Lucas. Hindi lang sampu ang mga bampirang handa nang sumugod sa amin.
Gamit na gamit na ang kapangyarihan ko at alam kong hanggang apat na lamang ang bampirang kaya kong kitilin nang sabay sabay. At sa dami ng mga bampirang nakapalibot sa amin masasabi kong hindi namin kakayanin itong tatlo. Pansin ko mabilis na pagtakbo ng ni Rosh patungo sa amin pero natigil siya nang may limang bampirang humarang sa kanya.
Nagsimula nang maglapitan ang iba pang mga bampira sa aming tatlo.
"Fvck.." sabay umalulong nang napakalakas si Adam at Lucas. Hindi na maganda ang sitwasyon namin.
"I love you so much Lily. I love you sweetheart, kahit anong mangyari.." nag init ang mga mata ko sa sinabi ni Adam. Alam kong nakukuha na niya ang aming sitwasyon.
"Mahal na mahal kita Adam.." mahinang sagot ko sa kanya.
Sa isang iglap ay nagkahiwa hiwalay kaming tatlo. Agad kong inangat sa ere ang apat na bampirang kaya kong patayin.
"Lily!" tawag sa akin ni Adam. Nawala ako sa konsentrasyon nang makita kong may tatlong bampira ang pasugod na sa aking likuran, mabilis silang nadambahan ni Adam dahilan kung bakit sila tumilapon sa napakalayong direksyon.
Nanlaki ang mga mata ko nang may apat na bampirang sumunod sa kanilang direksyon para pagtulungan si Adam. No!
"Adam!" bumaba ang mga kamay ko at patakbo na ako sa kanya.
"Don't fvcking look at me! Look at your front!" sigaw sa akin ni Adam.
"Adam!" hindi ko siya pinakinggan at nagmadali akong tumakbo sa kanya pero agad may dumambang dalawang bampira sa aking likuran. Mabilis akong ginagapos ng isa sa kanila habang ay isa ay pilit pinupugot ang aking ulo.
"Fvck! Lily!" hindi makapalapit sa akin si Adam at halos manlaki ang mata ko nang may tumusok na kamay ng bampira sa kanyang likuran ni Adam.
"Adam!" nagpupumiglas ako. Pinilit kong makawala sa dalawang bampirang pinagtutulungan na akong pugutan na ulo. Nagawa ko pang maglabas ng usok pero bago ko tuluyang malason ang dalawang bampira ay may isa sa kaninang nakakuha ng punyal, pinunterya niya ang aking puso pero marahas ko silang pinigilan pero nagawa niya pa rin magtagumpay dahil itarak niya ito sa sugat kung saan ako tinamaan ng pana kanina.
"Lily.." mahinang tawag sa akin ni Adam.
Marahas nila akong itinapon dahilan kung bakit lumipad ang katawan ko at tumama mismo sa makapangyarihang harang ng Parsua. Kasabay nang pagtama ng buong katawan ko sa harang ay ang muling paglabas ng aking dugo sa aking bibig. Bumagsak ako sa lupang halos hindi makagalaw, pakiramdam ko ay nabasag ang lahat ng buto ko sa katawan. I can't move.
"A—dam, A—dam, naririnig mo ba ako?" nanghihinang tawag ko sa kanya. Naghahalo na ang mga luha at dugo sa aking mukha.
"Lumaban naman tayo Adam hindi ba? Lumaban naman tayo, hindi ba?" paulit ulit na tanong ko sa kanya.
"Lily, mahal na mahal kita.." nakahandusay na ang katawan ko sa lupa habang nakatulalang sa lalaking agaw buhay na rin katulad ko.
"Ang layo mo Adam, gusto kong gumapang patungo sa'yo. Gusto kitang yakapin sa ating natitirang oras, ang layo layo natin sa isa't isa. Ang layo layo mo. Hindi na ako makagalaw Adam.." malabo na ang aking mga mata pero kita ko ang pagpupumilit ni Adam tumayo pero muli siyang natutumba.
"Lily.." tipid akong ngumiti nang makita kong may mga lobong pumuprotekta sa kanyang nakahandusay katawan. Habol ko na ang aking paghinga, nararamdaman ko na rin ang paghina ng pagpintig ng puso ng lalaking pinakamamahal ko.
Nagsisimula nang lumapit sa akin ang mga bampira, sinubukan akong tulungan ng mga kawal pero wala silang nagawa sa mga lakas ng mga bagong dating na bampira. Hindi ako makagalaw, hindi ako makagalaw. Nakikita kong may nagdadatingan na rin mga konseho.
"Lily!" pakinig kong sigaw ni Rosh at nang akma siyang lalapit sa akin para tulungan ako ay may tumagos na espada mula sa kanyang likuran. Fvck, no. No!
Unti unting bumagsak ang katawan ni Rosh mula sa kanyang kabayo. Nag uumapaw na ang mga luha sa aking mga mata, halos lahat na ng mga taga Parsua ay walang nang buhay. Ramdam kong humihina na ang pintig ng puso ni Adam, hindi ko alam kung may buhay pa si Rosh habang ako ay pilit pinuprotektahan ng mga babaylan na naglalabasan na sa mga harang.
Pinipilit kong gumalaw, nauubos na rin ang mga lobong nakapalibot kay Adam. Kitang kita ko ang sabay pagdukot ng mga bampira sa puso ng tatlong babaylan na nagtangkang tumulong sa akin.
"Masyado kang matatag mahal na prinsesa.." isa siya mula sa mga konseho. Dalawa silang may hawak nang espada at mukhang aatakihin nila ako sa mula sa magkaibang direksyon.
"A—dam, A—dam, please answer me. Malapit na sila sa akin, malapit na.." wala akong ibang nagawa kundi pagmasdan ang papalapit na mga bampira patungo sa akin. Sabay na silang sumugod sa akin.
"A-dam, paalam. Mahal na mahal na mahal kita.." ipinikit ko na ang aking mga lumuluhang mga mata at inalala ko na lamang sa huling sandali ang masasayang pangyayari sa aking buhay.
Ang tawanan naming magkakapatid, ang ilang beses nilang paghaplos sa aking buhok. Ang paglapat ng kanilang mga labi sa aking noo, ang walang katapusang yakap na ibinibigay nila sa akin. Ang pagkagat ng aming mga pangil sa isa't isa, ang mga ngiti namin sa hapagkainan, ang mga biro ni Caleb, ang mga irap ni Dastan, ang boses ni Harper, ang katalinuhan ni Evan, ang mga ilusyon ni Finn, ang nakakatwang gamit ni Casper, ang yakap ni ina. At ang mga halik at haplos ni Adam, ang una naming pagsasayaw at ang unang beses na nagtama ang aming mga mata.
Hinintay ko nang may tumama sa aking mga espada pero sa halip na matalim na bagay ang maramdaman ay nanlamig ang buong pagkatao ko nang may mga dugong sumaboy sa aking buong katawan. Ayokong imulat ang aking mga mata, ayokong imulat.
"Lily.." gusto ko man manatiling nakapikit sa aking nakahandusay na katawan alam kong kailangan ko itong imulat.
Unti unti kong inaninaw ang nasa harapan ko at nang tuluyan ko na itong makita ay humagulhol na ako sa pag iyak na rinig ng lahat ng mga nilalang sa loob ng digmaang ito. Walang humpay ang dugong umaagos patungo sa aking katawan na nagmumula sa katawan ng dalawang lalaking pilit akong binibigyan ng ngiti.
Nakatusok sa dalawang malaking espada ang mga katawan ni Orion at Clifford na pilit akong pinuprotektahan.
"Sorry we're late.." ngising sabi sa akin ni Clifford.
"Natagalan ako mahal na prinsesa.." ngiting sabi sa akin ni Orion na nagsusuka na rin ng dugo. Walang habas hinugot ng dalawnag bampira ang mga espada sa katawan ng dalawang lalaking nagprotekta sa akin.
Pero agad napugot ang mga ulo nito nang biglang magpakita ang dalawang tinitingalang hari ng Parsua, si Dastan at Tobias na nagigimbal din napatitig sa dalawang prinsipeng humarang para sa akin.
Nanatiling nakaluhod sa aking nakahandusay na katawan ang dalawang prinsipe. Hindi sila gumagalaw at kapwa sila nakatitig sa akin pero wala pa rin tigil ang pag agos ng dugo sa kanilang mga katawan. Unti unti nang nadadatingan ang mamalakas na bampira ng Parsua at humilera silang lahat sa harang na siyang pumuprotekta sa aming buong imperyo.
Pero nanatili ang aking atensyon sa dalawang prinsipeng nakaluhod sa akin, pinagmasdan ko ang kanilang mga tama.
"Lily, gusto kong humingi nang tawad sa lahat.." hinaplos ni Clifford ang pisngi kong punong puno ng luha at dugo.
"Tandaan mong ikaw lang ang prinsesang mamahalin ko hanggang kabilang buhay.." muling ngumiti sa akin si Orion.
Sinubukan kong magsalita pero hindi na ako umabot dahil kapwa na bumagsak sa akin ang kanilang walang buhay na mga katawan. Isang napakalakas na hagulhol ang kumawala sa aking bibig habang nararamdaman ko ang mga katawan ng mga lalaking isinakripisyo ang sariling buhay para lamang sa akin. Hindi ko man lang sila nagawang pasalamatan sa lahat. Wala man lang akong nasabi sa kanila.
Wala akong tigil sa paghagulhol.
Dahil sa digmaang ito tuluyan na akong iniwan ng dalawang prinsipeng hindi ko nagawang suklian ng pagmamahal.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro