Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

Chapter 48


The wind embraces my skin with the smell of autumn dancing in the breeze..

Sa kabila ng itim na telang nataklob sa aking mukha, napakalakas pa rin ng aking pakiramdam. Ang nagngingitngit na galit ng mga mataas na bampira, ang sigawan at walang katapusan paghataw sa tambol.

Papalapit na nang papalapit ang yabag ng bampirang may dalang nang napakalaking palakol na siyang pupugot sa aking ulo.

Sa huling pagkakataon maaari bang manghina ang pakiramdam ko? Can I be a human for a while? I just want to feel numb right now, walang sakit, walang kirot at pagdurusa.


"I love you Adam Ephraim Daverionne.." sa tagal namang magkasama ngayon ko lang nalaman ang buong pangalan niya.

Ipinikit ko na ang aking mga mata habang hinihintay ang aking kamatayan.

Kasabay nang pag angat ng bagay na kikitil sa aking buhay ay ang pagbagsak ng kung ano na siyang yumanig sa buong kapaligiran. Tuluyan na akong nakaramdam nang panlalamig sa aking buong katawan hanggang sa makaramdam ako ng paninikip sa aking dibdib.

Damn, I can't breathe.


Para akong nawalan ng pandinig habang patuloy na nanlalamig ang aking katawan. Ano na ang nangyayari? Nasaan na sila? Nasaan ang papatay sa akin? Hindi ako makagalaw nang maayos sa habang patuloy sumisikip ang aking dibdib. Anong bumabalot sa aking katawan?

It's not the lunar eclipse yet.


Nawala ang itim na tela sa aking ulo at bumuga ako ng hangin nang malaman ko kung nasaang sitwasyon ako. Nasa ilalim ako ng tubig, papaanong biglang nagkaroon nang ganitong kadaming tubig?

Kakapusin na ako ng hininga. Mabilis kong tiningnan ang posisyon ni Adam at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko kasalukuyan itong tinutulungan ni Clifford na makawala sa bato. Maging ang kadena ko ay gumagalaw na rin at nang iangat ko ang aking paningin ay nakita ko si Orion na kinakalagan ako.

Nang kapwa na kami mapakawalan ni Adam ay nagmadali na kaming lumangoy pataas para kumuha ng hangin. Hindi pa man ako nakakabangon sa pagkagulat dahil sa ginawang pagtulong sa amin ni Clifford at Orion, ito na naman at namamangha ako sa likuran ng makapangyarihang hari na kasalukuyan kaming pinuprotektahan.


"Haring Tobias?" ang hari ng Deltora ay tinutulungan kami. Inilibot ko ang aking mga mata sa kapaligiran.

Karamihan ay sa kanila ay natatangay na ng malakas na pag agos ng tubig, may mga panang walang humpay kaming pinupunterya pero walang nakakalampas sa kapangyarihan ni Tobias. Nagkalat ang iba't ibang bampirang nakikipaglaban sa isa't isa.

Papaanong nangyari ang mga bagay na ito?


"Go! Go run!" sigaw ni Haring Tobias sa amin habang sinasalag niya ang mga panang lumilipad mula sa iba't ibang direksyon ko.


"SUGURIN ANG LAHAT NG TAGA PARSUA! TINARAYDOR TAYONG LAHAT!" sigaw ng matandang konseho.

Nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang makitang lumalaban ang lahat ng mga Viardellon, maging ang malalakas na mandirigma ng sa Deltora, ang mga kapatid ko, mga babaylan, ang iba't ibang kawal ng lahat ng imperyo ng Parsua, ang lahat ng mga dumalo galing sa Trafadore at maging ang biglaang pagdating ng grupo ni Lucas.

Lumuluhang napasapo ako sa aking bibig habang inaalalayan ako ni Orion, papaanong sa loob ng tatlong araw ay nagawa silang kumbinsihin ni Dastan para tumulong?


"I said run!" sigaw muli sa amin ni Haring Tobias. Gumawa siya ng napakalaking alon para lamunin ang mga bampirang nagpupumilit nang makalapit sa amin.


"Huwag hahayaang makatakas ang lobo at taksil na prinsesa! Patayin silang dalawa! Kitilin ang lahat ng sagabal! Maging ang apat na taksil na hari!" sigaw ng matandang konseho.

Napansin ko na ang labintatlong magkakapatid na Viardellon na lakas loob na pinalibutan ang nakaparaming konseho. Nangunguna sa kanila si Seth ang ang kanilang hari na tinatawag ng na lahat na si Uno, hindi ko akalaing tutulong din siya. Marami na rin babaylan na nakaagapay sa aming lahat.

Hinayaan ni Haring Tobias na maiga ang tubig sa posisyon namin para agad kaming makatakbo. Inaalalayan ako ni Orion habang nakasuporta naman si Clifford kay Adam, may pinapainom itong kung ano dito.


"What the hell is that?" angil na sabi ko Clifford. Mariin akong hinawakan ni Orion.


"It's a medicine to regain his power, we need to hurry.." halos buhatin na ako ni Orion sa pagmamadali.

Walang tigil sa pagsigaw ang hari ng Halla Eberron dahil sa ginagawang pagtulong ni Clifford na hindi siya pinapansin. Sa bawat bampirang susugod sa amin ay may panibagong bampirang taga Parsua na haharang para tulungan kami. Tumigil ako sa pagtakbo nang makita ko si Dastan na nakikipaglaban sa dalawang malalakas na konseho.


"Dastan.." tawag ko sa kapatid ko. Mabilis pumalit sa pwesto nito ang mga taga Avalon para hayaan kaming saglit na mag usap. Agad akong humiwalay kay Orion at itinapon ko ang sarili ko sa aking kapatid.


"Kuya.." naramdaman kong hinalikan niya ang ibabaw ng ulo.


"Hinding hindi kita isusuko Lily, lalaban tayo. Hindi ko isusuko ang kapatid ko, hindi na tayo malalagas..." lalo akong humagulhol sa sinabi niya.


"Dastan.." hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.


"Go, run. Ipinapangako kong susunod ako.." pilit niyang kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya. Napansin ko na nakipagtitigan siya kay Adam.


"Let's go Lily.." hinila na ako ni Adam mula kay Dastan.


"I love you kuya.." ngumiti sa akin si Dastan bago siya muling sumugod sa mga kalabang bampira.


"Ride on my back.." agad nag anyong lobo si Adam kaya sumakay na ako sa likuran niya. Sumakay na rin sa kanilang kabayo si Orion at Clifford. Hanggang ngayon ay tanong pa rin kung bakit nila kami tinutulungan.


"Why are you helping us? Bakit nyo kami tinutulungan?" tanong ko sa kanilang dalawa.


"I love you, hindi pa ba sapat 'yon?" tanong sa akin ni Orion.


"I thought it was just about my throne. Pero hindi, mahal na nga siguro kita. Ayokong mamamatay ka.." mahinang sabi ni Clifford. Nauna nang tumakbo ang kanilang mga kabayo sa amin.


"I hate them Lily.." agad na sabi ni Adam.


"Ikaw ang mahal ko Adam.."


"I know.."


Tumakbo na rin kami ni Adam pero alam kong may mga nakasunod na ring mga bampira sa amin kaya ginagawa ko ang lahat para malason sila bago pa kami tuluyang abutan ng mga ito.

Ganito rin ang ginagawa ni Clifford at Orion sa mga bampirang sumasalubong sa amin.


"Fvck!" napamura ako nang may tatlong susugod sa amin ni Adam. Kita ang gustong pagtulong ni Orion at Clifford sa amin pero masyado silang abala sa mga bampirang kasalukuyan na rin nilang kinakalaban.

I heard Adam's loud howl, tumigil siya sa pagtakbo at hinarap niya ang tatlong bampirang nakabuntot sa amin. Nanatili akong nakasakay sa kanya habang nakalabas na ang aking mga pangil ang namumula kong mga mata.

Pero bago pa tumalon si Adam para sumugod ay ay nagbagsakan na ang mga katawan ng mga ito sa kanilang namumuting mga mata.


"Are you okay Lily?" tanong ni Finn na nakasakay na rin sa kanyang kabayo. Kasunod nito si Evan at si Caleb na malakas na tumatawa.

Muli kaming nagpatuloy sa pagtakbo kasabay ng mga kapatid ko. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko habang nakikita silang tatlo.


"And the best actor goes to.. drumrolls drumrolls...sino kaya sino kaya? No other than Gazellian Brothers! Tang ina, tulo ang luha ko sa acting skills ni kamahalan. Dalang dala ako, hagulhol ako ng iyak. Wohooo, kamahalan.." sabay ngumiwi si Finn at Evan dito.

Alam kong tunay ang mga luhang nakita ko sa kulungan kanina. They are my brothers, I know if they are faking it or not.


"Pupugutan ka ng ulo ni kamahalan Caleb, tumahimik ka.." tamad na sabi ni Evan.


"Bakit? Hindi ba kayo proud? Iyak din naman kayo kanina. Tatlong araw din kaming nagrehearse Lily, nakailang take kami ni kamahalan. Akalain mo 'yon?" natatawang sabi ni Caleb.


"What are they talking about Lily?" hindi ko masagot si Adam.


"That was real gago ka. Akala ko hindi na itutuloy ni Dastan ang plano.." sabi ni Finn.


"Huh? Hindi ba kaya hindi natin nadalaw si Lily sa loob ng tatlong araw ay nagpractice tayong magkakapatid?" ako na ang napapangiwi sa sinabi ni Caleb.


"ANONG SINASABI MONG PRACTICE CALEB? GAGO KA!" sabay na sigaw ni Evan at Finn.


"Ang lagusan Lily!" sigaw ni Orion. Inilabas ko na ang aking napakakapal na usok.


"Fvck! Ang bibilis nila, maabutan tayo. Mauna na kayo.." itinigil ni Evan ang kanyang kabayo na nagpalaki sa aking mata. Anong sinasabi niyang magpapaiwan?!


"What? No! No! You'll go with us Evan! Anong magpapaiwan?! No!" sigaw ko.


"Let's go Lily.." dumikit ang mga kabayo ni Finn at Caleb sa amin ni Adam.


"Utos ito ni Dastan, kailangan ka naming maibalik sa Parsua dahil nandito ang malakas nating depensa. Susunod din sila sa atin.." nilingon ko si Evan na ngumiti muna sa akin bago niya hinarap ang paparating na mga bampira. Bakit ganitong ganito rin ang ngiting ibinigay sa akin ni Dastan kanina?


"Pero, ayokong may maiiwan sa atin.." nagmamakaawang sabi ko kay Finn at Caleb na nanatili na lamang tahimik. Nagsimula na akong muling umiyak sa mga nangyayari, pinaka ayaw ko na may kapatid na naiiwan sa isang labanan.

Nang nakakalayo na kami ay agad akong nagtaka nang mawala ang usok na bumabalot sa akin. Nasaan ang usok na inilabas ko?


"What's wrong?" tanong ko sa aking sarili.


"What happened?" tanong ni Clifford. Habang pinipilit kong gamitin ang kapangyarihan ko ay unti unti nang lumabas ang mga bampira sa iba't ibang direksyon.

Natigilan ako nang makita ko ang pinuno ng grupong ito, maaari niyang pigilan ang kapangyarihan ko. Dahil katulad ko ay usok din ang sa kanyang kapangyarihan pero sa kakaibang paraan. Higit sampu ang kasama nitong bampira.


"This is mine.." umuna na sa amin si Orion.


"Sasamahan kita.." humakbang na din si Caleb kasabay nang pagsuntok ng kanang kamao niya sa kanyang kaliwang palad.


"Finn, ikaw na ang bahala kay Lily.." nakatalikod na sabi ni Caleb. Tumango si Finn sa sinabi nito.


"Caleb..Orion.." hindi na lumingon sa amin ang dalawa dahil nauna na silang sumugod sa mga bampirang gusto kaming pigilan.

Sabay tumakbo si Adam at ang mga kabayo ni Finn at Clifford.


"No! Hindi ka makakatakas!" napasinghap ako nang makalapit agad sa akin ang bampira pero kapwa humarang si Orion at Caleb dito.

Madaling napatumba ni Finn at Clifford ang mga kasamang bampira nito bago kami tumakbo nang napakabilis.

Isa na namang likuran ng kapatid ko ang aking iniwan. Wala nang tigil sa pagluha ang aking mga mata.


"Tama ba itong ginagawa natin? Mas maraming nadadamay na buhay..." mahinang sabi ko habang patuloy kaming tumatakbo.


"Hindi mo ba pagtitiwalaan ang desisyon ng ating hari na nakikipaglaban ngayon para sa buhay mo Lily?" natigilan ako sa sinabi ni Finn.


"I admired your brother Lily. He's really a king.."


"He's the wise king of all Lily. Ang kapatid natin na kayang gawin ang lahat para lamang sa atin. Hindi ka niya isusuko, hindi ka namin isusuko.." tipid na sabi ni Finn. Napatitig na lang ako sa aking kapatid.

Ngayon ko gustong isigaw kung gaano ako kasayang isinilang bilang isang Gazellian. Napapalibutan ako ng mga kapatid kong punong puno ng pagmamahal.


"I guess your family is different from other vampire family Lily, masaya akong nanggaling ka sa ganitong klase ng pamilya.."


"Yes, we are different Adam.." sagot ko sa kanya.

Muling may sumalubong na panibagong grupo ng bampira at sa pagkakataong ito ay si Finn na ang humarang.


"Mahal ka namin Lily kaya namin ginagawa ang lahat ng ito. Ikaw na ang bahala sa kanya Adam.." walang pinalampas na bampira si Finn dahil sa bawat pagtatangka ng mga itong humabol sa akin ay para silang nawawala sa katinuan dahil sa ilusyon ni Finn.

Sumigaw ako nang napakalakas sa kapatid ko habang papalayo na kami sa kanya.


"Hihintayin ko kayo! Hihintayin ko kayong lahat sa kaharian!" bahagya lang itinaas ni Finn ang kanyang kamay bilang pagsagot.


"Ilabas mo na ang lagusan.." sabi ni Clifford. Muli kong inilabas ang aking usok at mabilis kaming tumawid dito. May mga bampira na ring nakaabang sa akin at maging ang mga kawal mula sa ibang imperyo ay nandito na rin.

Kaninong lagusan ang ginamit nila?


"I guess this is my time.." tipid na sabi ni Clifford.


"Clifford.."


"Go, umalis na ngayon. Lobo, ingatan mo ang prinsesa. I love her.." hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Clifford samantalang nagngingitngit sa galit si Adam.


"Let's go Lily.." muling tumakbo si Adam pero agad akong nagsalita kay Clifford.


"Ingatan mo ang sarili mo Clifford. Maraming maraming salamat.."


"Yes and I won't ever forget the softness of your lips Esmeralda.." I heard Adam's growl.


"Papatayin ko siya sa susunod naming pagkikita.." hindi ko na lamang sinagot si Adam. Maraming nagtangkang humabol sa amin pero hindi ito pinagbigyan ni Clifford.

Mas lalong binilisan ni Adam ang pagtakbo lalo na nang may malalaking ibon na sa himpapawid dala ang napakaraming bampirang nakasunod sa amin. Karamihan sa kanila ay pinauulanan na kami ng pana. Pilit kong ginagamit ang kapangyarihan ko para maprotektahan si Adam.


"Lily, look.." kinilabutan ako nang makitang nakaabang na ang lahat ng mga kawal, ang naglalakihang mga kanyon, mga mandirigmang may pana at espada at maging mga babaylan ng Parsua Sartorias, Deltora, Avalon at maging sa Trafadore.

Pinagsiklab ko ang panibagong digmaan. Unti unti nang nagkakaroon ng mahikang harang ang buong kabuuan ng Parsua.


"Malapit na tayo, malapit na tayo Adam.." lumuluhang sabi ko.

Nagtatambol ang dibdib ko nang magtalunan na ang mga nakasunod sa aming bampira. Napakarami nila at ang karamihan sa kanila ay masasalubong na namin sila. Hindi ko kakayanin ang dami nila pero kailangan kong lumaban para sa mga bampirang tumulong sa aming lahat. Ibinuka ko ang aking dalawang kamay para salubungin ang mga bampira.


"Keep running Adam.." seryosong sabi ko. Hinayaan kong mapayid nang napakalas na hangin ang aking mahabang buhok habang nakabuka ang aking mga kamay.

My eyes are now glowing with my fangs aching for battle.


"I am always with Lily.." huminga ako ng malalim sa sinabi ni Adam. Lalong bumilis ang pagtakbo niya kasabay nang usok na lumalabas sa aking mga kamay.


"We'll fight together Adam.."


"Always.."

Kapwa kami sumugod ni Adam, tumalon ako mula sa likuran niya at kasalukuyan na kaming magkatalikuran. Limang bampira ang umangat sa ere at sinakal ng aking mga usok hanggang sa magutan ang mga ito ng paghinga. Panay ang tumilipong ulo ng mga bampira dahil sa pagpugot ni Adam sa mga ito.

Bigla na lamang may kung anong tumagos sa likuran ko. At kusa na lang akong bumuga ng saliri kong dugo.


"Lily!" akala ko ay tuluyan na akong babagsak nang sinambot ako ni Adam. Umalulong siya nang napakalakas habang pilit tumatakbo nang mabilis. Kahit nanghihina ako ay nakikita ko ang mga bampirang humahabol sa amin, pinilit kong tanggalin ang panang bumaon sa tiyan ko sa kabila ng sakit at hapdi nito.


"A..dam.." muli akong inubo ng dugo. May tama na siya sa kanyang paa.


"They're here.." bulong ko nang mas lumalapit na ang mga bampira sa amin. Karamihan sila ay nasa himpapawid at may hawak ng mga pana para patamaan kami.


"A..dam.." sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko pero wala na akong lakas. Tatama na ang pana sa amin dalawa, ginawa na namin ang lahat pero bakit hahantong pa rin dito?

Niyakap ko si Adam nang napakahigpit, umaagos na sa balahibo niya ang nawawalang dugo sa aking katawan.

Hinintay kong may panang tumama sa amin pero wala akong maramdaman. Nang pilit kong sinilip ang mga bampirang malapit na sa amin ay kasalukuyan na sila nakatusok sa mga puso nila ang matatalas ng ugat ng isang uri ng halaman.


"Rosh.." nasabi ko na lang. Pinilit kong iangat ang paningin ko sa kabila nang nanghihina kong katawan.

Habang papalapit na kami sa hangganan ng Parsua mas naaninaw ko na kung sinong bampira ang namumuno sa lahat ng mga kawal, mga mandirigma at mga babaylan na nakaabang sa akin. Ang ikalawang prinsipe ng Deltora na makaparangyarihang nakatindig sa gitna nilang lahat.

Lumingon ako sa aming likuran, sobrang dami na nang bampirang nakasunod sa amin na nagmumula sa himpapawid. Nagawa nga silang harangin ng malalakas ng bampira ng Parsua, hindi pa rin sila mapipigilan sa dami nila.


"Come on faster!" pakinig kong sigaw ni Rosh. Nakabuka na ang kanyang mga braso na parang nakaabang sa akin.


"You need to get inside sweetheart. I love you so much.." bigla na lamang akong itinapon ni Adam nang napakalakas at mabilis akong sinambot ng mga braso ni Rosh.

At muling umagos ang mga luha sa aking mga mata. Pinaghandaan nilang mabuti ang lahat para lamang mailigtas ang buhay ko. Umangat ang isang kamay ni Rosh at walang habas niya itong ibinaba kasabay ng pagsigaw niya.


"I GOT HER! NOW FIRE!"


--

VentreCanard



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro