Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Chapter 47


Some people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together.


We fight back and we risk everything we had just to be together, yet here I am away from him. Completely separated from the love of my life and waiting for the death that will forever tear us apart.

Tatlong oras na ang nakakalipas simula nang palabasin ng mga kawal ang aking mga kapatid. Naiwan akong mag isang lumuha kasama ang mga kadenang nakabalot sa aking mga kamay at paa. Hindi ko inaabalang tumayo o gumalaw man lang nang may pumasok na mga kawal para kuhanin ako.

Mukhang oras ko na talaga.


"Taksil!" nagbingi bingihan ako. Yakap ko ang aking mga binti habang nakapatong ang aking baba sa aking tuhod. Wala akong naririnig, wala akong naririnig.


"Tumayo ka na!" wala akong naririnig.


"Talagang nagmamatigas ka!" napadaing ako nang hilahin ng kawal ang buhok ko para lamang tuluyan akong mapatayo.

Sa kabila nang sakit na nararamdaman ko pinilit kong patatagin ang aking sarili. I gave him my fearless and deathly stare I could ever give. Gusto kong iparating sa kanya na sa kabila ng mga kadena sa aking katawan ay kayang kaya kong kitilin ang kanyang buhay sa isang iglap lamang.

Ramdam ko ang biglang pangangatal ng kanyang katawan sa paraan ng pagtitig ko pero pinilit niyang makabawi hanggang sa lumipad ang mabigat niyang palad sa aking pisngi dahilan kung bakit bigla akong bumagsak sa matigas at malamig na sahig na may dugo sa aking mga labi.


"Ang tapang mo! Mamamatay ka rin naman!" humalakhak siya nang napakalakas. Pero sa halip na magmukhang kaawa awa muli ko siyang pinakatitigan ng mariin habang kapwa ko inaangat ang aking mga nakakadenang kamay para punasan ang dugo sa aking labi.


"Talagang.." nanggagalaiting sabi nito. Akma na nitong paliliparin ang kamao sa akin nang pigilan siya ng dalawang kawal na kasama niya.


"Tama na 'yan! Kailangan na natin siyang ilabas, hindi siya dito papatayin!" saway ng isang kawal sa kanya. Umismid lamang ang kawal na gusto na akong patayin.

Lumapit na sa akin ang pangatlong kawal at tinanggal niya ang kadena sa pagkakatali nito sa matatag na pundasyon ng kulungan. Marahas nilang hinila ang kadena dahilan para pwersahan akong tumayo at malakad para sundan sila.

Sa bawat paghakbang ako ay paglapit ko sa kamatayan. Masakit man tanggapin pero mukhang ito talaga ang aking kapalaran. Isang pagmamahalang mauuwi sa kamatayan.

Nang makalabas ako ng kulungan ay sinalubong ako nang makipot at napakadilim na daan. May ilang lamparang nakasabit sa bawat pader nito pero karamihan dito ay wala nang liwanag.

Akala ko ay mabibingi ako sa katahimikan sa paglapit ko sa kamatayan pero sa tuwing humahakbang ako ay naririnig ko ang ingay ng kadenang nasa aking paa na sumisimbolong isa akong prinsesang hindi malaya.


"Bilisan mo ang paglalakad!" sigaw ng kawal na kanina pang mainit ang dugo sa akin. Inagaw niya ito sa kawal na may hawak ng kadena at hantaran niya itong hinila dahilan para muli akong matumba.


"Ano ba?! Ayusin nyo ang trabaho mo! Tayo ang malilintikan ng konseho sa ginagawa mo!" nag aagawan na sila kung sino ang hahawak ng aking kadena.

Matindi kong pinaglingas sa gitna nang nagdidilim at napakipot na daan ang aking mga mata. My eyes as red as blood, my eyes with full of fury, rage and anger.

Kapwa natigilan ang dalawang kawal na nagtatalo habang nakatulala sa aking mga mata.


"Totoo nga pala ang naririnig ko tungkol sa mga mata ng Gazellian.."


"Mga inutil ba kayo? Ako na! gusto nyo ba na pati tayo ay pugutan din ng ulo?!" iritadong sabi ng pangatlong kawal.


"Tumayo ka.." malamig nito sa akin. Marahan akong tumayo na hindi man lang tinatanggal ang mapupula kong mga mata.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng isang napakalaking pintuan. Ito na ba? Ito na ba ang pintuan ng kamatayan?

Akala ko ito na pero bumungad sa akin ang panibagong kulungan, kung saan nakapalibot ang maliliit na kulungan ng daang bampira na kagaya kong nagkasala. Umalingawngaw ang malakas na sigawan nang makita nila akong lahat.


"Taksil!"


"Salot!"


"Kahihiyan ka sa lahi natin!"


"Prinsesang nagmamarunong!"


"Pugutan ng ulo!"

Sa halip na ibaba ko ang aking ulo ay lakas loob ko itong inangat sa aking nagniningas at nag aapoy na mga mata. Dahan dahan kong pinasadahan ng titig ang bawat kulungang nadadaraanan ko.

Biglang natahimik ang lahat ng mga bampirang nasa kulungan at kusa na lamang nagbabaan ang kanilang mga tuhod kasabay ng kanilang mga ulo. Namamanghang napatigil sa paglalakad ang mga kawal dahil sa biglaang pagbabago ng paligid.


"Anong nangyayari sa mga preso?"


"Sa loob ng kulungan ito, sa daang bampirang nakapiit sa lugar na ito. Huwag na huwag nyong kakalimutang ako ang pinakamakapangyarihan..." matatag na sabi ko dahilan kung bakit sabay sabay na lumingon sa akin ang tatlong kawal.


"Pugutan man ako ng ulo, isinusumpa kong mamamatay akong sinasamba ng lahat.." sinabi ko ito na may ngisi sa aking mga labi.


"Prinsesa Esmeralda.." sabay sabay na tawag sa akin ng mga nakakulong na bampira.


"Shall we go?" tanong ko sa mga ito. Hindi na nakapagsalita ang tatlong kawal at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Lingid sa kaalaman nilang may pumatak nang luha mula sa aking mga mata. Makakaya kong magkunwaring maging matatag sa mahihinang mga bampira pero saan ako kukuha ng lakas kung nasa harapan na ako ng mga bampirang makakapangyarihan na siyang lagi kong nakakasalamuha?

Hindi nakatakdang sa gabi ang pagpugot ng aking ulo, pinili nila ang dapithapon. Tuluyan na akong nakalabas ng kulungan at sa pagkakataong ito sa matinding sigawan ang aking narinig. At hindi ko na napigilan ang aking mga luha nang makita ang lalaking aking pinakamamahal na nakakadena na rin katulad ko.


"Adam!" halos magwala ako sa aking kadena at nagmadali akong tumakbo para lamang maabot siya pero agad akong hinila ng mga kawal dahilan kaya muli akong matumba. Fvck! Fvck! Why is he here?!


"Lily.." nanghihinang tawag nito sa akin. Halatang halata sa buong katawan niya na pinahirapan siya ng husto.


"Why are you here Adam?! Why are you here?!" nagwawalang sabi ko habang pilit na akong iginagapos sa isang napakalaking bato katulad ng sa kanya. Kapwa na nakabitin ang dalawa kong kamay sa mga kadena habang walang tigil ako sa pagwawala.


"Hindi ba sabi ko sa'yo? Anything happens to you, happens to me. If you're hurt then I'll be hurt, if you're in deep pain then I'll share it with you. And if you die then I'll die with you Lily.." kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya.


"Adam.."


"I love you Lily..so much.." nagtuluan na ang mga luha ko. I want to kiss him for the last time, I want to touch him, I want to feel his arms around me.


"Lily!" narinig ko ang boses ni Caleb. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nandito ang lahat ng mga kapatid ko at maging si Ina. Nagwawala na si Finn, Evan at Caleb na inaawat nang napakaraming bampira.

Nakikita ko rin si Orion at ang ilang mga kawal ng kanilang palasyo. Si Clifford na malamig na nakatitig sa akin, nandito rin ang mga kapatid niyang kambal. Ang iba't ibang konseho ng bawat imperyo. Ang labintatlong magkakapatid na Viardellon, ang mga Le'Vamuievos maliban lamang kay Rosh at maging ang buong pamilya ng mga namumuno sa Trafadore.

At ang lahat ng makakapangyarihang mga bampira sa bawat imperyo ng mundong ito. Iba't ibang hari, mga pamilyang may sariling pinaniniwalaan at mga bampirang uhaw sa batas na kailanman ay hindi naging baluktot sa kanilang mga kaisipan.

Parang may muli dumagok sa dibdib ko nang may makita akong mga lobo na kung hindi ako nagkakamali ay may matatas din posisyon. Bakit sila nandito? Bakit pinapanuod lang nilang magkaganito si Adam?

Isang malakas na tambol ang nagpatahimik sa lahat ng mga bampira. May pumagitna sa amin na isang matandang konseho na may hawak na lumang papel. Nagsimula siyang magbasa sa harap naming lahat.


"Nagpaalamang si Prinsesa Lily Esmeralda Gazellian at si Alpha Adam Ephraim Daverionne ay reinkarnasyon ng unang bampira at lobong nagkasala.." kumunot ang noo ko. Sinong unang lobo?


"At lalong nagkaroon ng komplikasyon sa mundong ito nang hindi lamang sila ang bampira at lobong nagtaksil sa loob ng panahong ito. Dahil ibinalitang may napatay na lobo at bampira sa Halla Eberron.." lalong lumakas ang bulong bulungan ng mga bampira.


"Lahat ay maapektuhan kung hahayaang magsama ang dalawang lahi, hindi lamang isa kundi isang imperyo ang maaaring maglaho at daang buhay ng mga bampira o kahit anumang lahi ang madadamay nang dahil lamang sa kahangalan ng dalawang ito.." kapwa kami nagwala ni Adam sa sinabi ng tagapag ulat.


"At para hindi na maulit ang ganitong pang yayari, kailangan na nating putulin ang matinding koneksyon. Kailangang mpigilan nang may muling isilang na lobo at bampira na kayang gumawa ng kataksilang katulad nito.." kung ganoon ay huli na kami ni Adam, kami na ang huling lobo at bampirang magmamahal sa isa't isa.


"Ayon sa pagsasaliksik ng mga natatanging konseho at pagsang ayon ng ilang punong lobo. Ang paraan lamang para wala nang muling sumunod sa kanila, na wala na muling isilang na bampira at lobo na maaaring gumunaw sa isang imperyo. Kailangan silang sabay pugutan ng ulo.." muling umalingawngaw ang malakas na tambol at sigawan ng mga bampira.

Tumutulo na ang mga luha ko habang nakikipagtitigan sa lalaking pinakamamahal ko.


"Mahal na mahal kita Adam, mahal na mahal.." ngiting sabi ko sa kanya sa kabila nang nanlalabo kong mga mata dahil sa aking mga luha.


"Mas mahal kita Lily, mahal na mahal..." kapwa na kami sinakluban ni Adam ng itim na tela sa aming mga ulo. Pakinig ko ang matinding pagsigaw ng mga kapatid ko, ang galit na mga bampira at ang pag alulong ng ilang mga lobo.


"Pugutan na nang ulo!" sigaw ng isang konseho.


"Adam..."


"Lily, mahal na mahal kita.."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro