Chapter 46
Chapter 46
Imprisonment of body is painful but imprisonment of heart is the worst.
Tatlong araw na akong nakapiit sa napakataas na kulungang ito na kahit bintana ay wala. Wala akong ibang naririnig kundi ang sarili kong pag iyak at ang mga kadenang nakatali sa aking mga paa sa tuwing magtatangka akong humakbang.
Nakahiga ako ngayon sa malamig na sahig habang nakatulala sa kisame ng kulungan. Ilang makasalanang bampira na kaya ang nakulong sa lugar ito? Ilang bampira na kaya ang nakaranas na maghintay ng sariling kamatayan sa masikip na lugar na ito?
Hindi ko akalaing dadarating ang araw na ang isang prinsesang katulad ko na tinitingala ng maraming bampira, na hinahangaan ng lahat ay matatagpuan ngayong nakahilata sa maduming sahig ng piitan habang hinihintay ang tawag ng kamatayan.
Ilang beses kong tinatanong sa sarili ko, kasalanan bang magmahal? Kasalanan bang sinunod ko ang tinitibok ng aking puso? Wala akong ibang ginawa kundi magmahal pero bakit kailangang humantong sa kamatayan?
"Zen, pwede mo ba akong kausapin ngayon? May itatanong lang ako.." kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang muling paghagulhol ko. Sawang sawa na akong marinig ang sarili kong umiiyak.
"Zen, bakit ganito? Kuya bakit ganito? Nagmahal lang naman tayong dalawa. Minahal mo si Claret, mahal na mahal ko si Adam. Pero bakit lagi na lang tayong humahantong sa kamatayan? Bakit lagi na lang ganito?" hindi ko na napigilan ang sarili kong mga luha dahil umagos na naman ang mga ito.
"Wala ba tayong karapatang maging masaya? Isinumpa ba ang pamilya natin pagdating sa pag ibig? Maaari mo ba akong sagutin Zen?" para akong baliw na kinakausap ang aking sarili.
Alam kong kahit ilang daang katanungan pa ang sabihin ko ay wala akong matatanggap na sagot mula sa kapatid ko.
"Nagmahal lang naman ako, nagmahal lang.." paulit ulit na sabi ko. I made myself in fetus style and I cried endlessly.
"Adam..."
"Adam..."
"Adam, gusto kitang makita.."
"Adam.." sinubukan kong pasukin ang isipan niya pero hindi ko ito marating. Nakasarado ito at posibleng hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Adam. Pero tatlong araw na ang nakakalipas. Ano na ang nangyari sa kanya?
"Adam.."
Mukhang hanggang dito na lang ako, sinabi ng konseho na sa ikatlong araw ako pupugutan ng ulo at alam kong anumang oras ay may mga kawal nang dadating para kuhanin ako at isalang sa harap ng lahat ng bampira ng imperyo ng Parsua.
Walang kahit isa sa pamilya ko ang dumalaw sa akin sa loob ng tatlong araw, malamang ay pinagbawalan na sila ng mas matataas na bampira. Bakit nga ba kailangan pa nilang mag aksaya ng oras sa isang taksil na katulad ko?
Sa halip na ipagpatuloy ang pag iyak ay sinimulan kong umawit ng isang awitin na naririnig kong pinatutugtog ni Casper sa kanyang kwarto, alam kong awitin ito mula sa kabilang mundo.
To the edge of the dream, of the dream
We can't be separated~~
Already, every time when I'm stifled to death when I give up again and again
My emotions that have no place to go wake me up
Your flawless smile knows
That it's an existence so distant that it's cruel
Even though the wound that can't be healed only eats away at my heart
Even now I can't completely hold back my thoughts that dwell within the darkness ~~
To the edge of the dream, of the dream
We met, and destiny begins to turn
It's a secret that no one, no one knows about
I fall, I fall, I fall
And I certainly can't return anymore ~~~
"Lily..." narinig ko ang boses ni kamahalan. Kahit nanghihina ako ay pinilit ko ang sarili kong bumangon.
Kasama nito ang ilan sa mga kapatid ko. May nakasunod sa kanilang dalawang mataas na konseho at apat na malalakas na kawal.
"Hanggang dito ba ay kailangan nyo pa rin kaming bantayan?" angil na sabi ni Caleb sa mga nakasunod sa kanila.
"Hindi nyo ba kami hahayaang mapag isa sa kanya?" malakas na boses na sabi rin ni Evan. Tahimik lang na nakatitig sa akin si Dastan at Finn habang nakaupo na akong nakatulala sa kanila.
"Paumanhin na mga mahal na prinsepe pero hindi namin kayo maaaring iwan sa lugar na ito.." sagot ng isang kawal. Seryoso lamang na nakamasid ang dalawang konseho sa amin.
"What the hell?!" galit na sabi ni Caleb.
"Caleb, Evan kaunting oras lamang ang mayroon tayo.." malamig na sabi ni Dastan. Tulad ni Finn ay bahagya na rin bumaba si Dastan para lamang hulihin ang mga mata ko. Nagsimula na rin si Evan at Caleb na maupo.
"Lily.." unang tumawag sa akin si Evan. Nangangatal ang boses niya at anumang oras ay alam kong iiyak na siya.
Sinubukan kong tumayo para mas lumapit sa kanila. Agad inilahad ni Dastan ang kamay niya sa gitna ng mga bakal na rehas at nang akmang aabutin ko na ito ay bigla akong natumba dahil sa kadenang nasa mga paa ko.
Ilang beses nagsusuntok si Caleb sa mga rehas na parang may magagawa siya para masira ito. Narinig ko ang ilang mura ni Finn.
Muli kong sinubukang abutin ang kamay ni Dastan pero hindi magpang abot ang aming mga kamay.
"Fvck! Fvck!" ilang beses pilit kinalampag ni Caleb ang rehas. Nanatiling hindi inaalis ni Dastan ang kanyang nakalahad na mga kamay sa akin pero ang mga kamay ko na ang unang sumuko.
"Hanggang dito lang ako Dastan, hindi na kita kayang abutin.." mahinang sabi ko habang napapasulyap sa kadenang nasa paa ko.
"Lily..." tawag sa akin ni Evan.
"Hindi ko man lang kayo mahahawakan sa huling araw ko.." tumulo nang muli ang mga luha ko. Paulit ulit ko itong pinapahid para hindi lumabo ang paningin ko, gusto ko na lamang silang pagmasdang lahat dahil ito na lang ang magagawa ko sa mga oras na ito.
"Lily patawad, patawad. Wala man lang akong nagawa, hinayaan kitang sumapit sa ganito. Hinayaan kong mahirapan ng ganito ang aking unang prinsesa.." mahinang sabi ni Dastan na hindi makatingin sa akin.
"No, it was not your fault Dastan. It was not yours kuya.." wala akong dapat sisihin. Ito ang batas namin, ang batas na mismong sinuway ko. At hindi ako nagsisisi dito, hindi ko kailanman pagsisisihan na minahal ko si Adam.
"Lily, gustong gusto ko nang itakas ka dito. Gusto na kitang ilayo pero napakahina ko. Ang hina hina ko.." halos iumpog na ni Caleb ang ulo niya sa rehas.
"I want to kill them all Lily, you don't deserved this Ate.." lalo akong humagulhol ng pag iyak sa sinabi ni Finn.
"I love you Lily, mahal na mahal kita Ate. Napakawalang kwenta kong kapatid. Sorry, sorry, sorry..." paulit ulit na sabi ni Evan. Umiiyak na sila maliban lamang kay Dastan.
"Gusto kong pumasok sa loob.." malamig na sabi ni Dastan sa mga konseho.
"Hindi namin ito mapapagbigyan kamahalan.." mabilis na sagot nito.
"What? Sa tingin nyo ba ay may magagawa pa kami? Kahit makapasok kami sa loob ng kulungan niya at magawa namin siyang maitakas sa tingin nyo ba ay malulusutan namin ang daang bampirang naghihintay sa amin sa labas?!" malakas na boses na sabi ni Dastan.
"Ito ang patakaran mahal na hari.." kumuyom ang mga kamao ng mga kapatid ko.
"Isang pagkakataon lang, nakikiusap ako.." napasapo ako sa aking bibig nang makitang yumuko ang kapatid ko sa konseho para lamang makapasok sa kulungan ko.
Hindi lang ako, maging ang mga konseho ay nagulat sa ginawang pagyuko ng isang hari. Labag man sa kagustuhan nila ay pinagbigyan nila ang pakiusap ng kapatid ko.
"Ibigay nyo ang susi.." matabang na sabi konseho. Hindi na naghintay pa si Caleb dahil hinablot na niya ito. Nangangatal pa ang mga kamay niya habang nagmamadaling buksan ang aking kulungan.
Nang sandaling mabuks ito ay mabilis pumasok ang lahat ng mga kapatid ko at niyakap nila ako nang mahigpit. Akala ko ay wala nang ilalakas ang pag iyak at paghagulhol ko pero nang maramdaman ko ang yakap nilang lahat halos sumabog na ang emosyon ko.
"Natatakot ako, natatakot akong mamatay. Akala ko tanggap ko na, akala ko makakaya ko nang tanggapin. Pero ayoko pa, nagmahal lang naman ako hindi ba? Nagmahal lang ako. Natatakot akong mamatay, takot na takot ako Dastan. Finn, Caleb, Evan. Huwag nyo akong bibitawan, yakapin nyo na lang ako, yakapin nyo na lang ako. Huwag nyo na lang akong bitawan. Yakapin nyo na lang ako..huwag nyo akong bibitawan.." pansin ko na yumuyugyog na rin ang mga balikat nila habang mariin nila ang niyayakap.
"Lily..."
"I'm sorry, I'm sorry Lily..I'm sorry.." paulit ulit na sabi ni Dastan. Ramdam ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko.
"Ayaw na kitang bitawan Lily, ayaw na ayaw na ayaw.." bulong ni Caleb.
"Alam mong hinding hindi kami magsasawang yakapin ka Lily. I want to embrace you so tightly.." bulong sa akin ni Evan.
"Akala mo ba ikaw lang ang natatakot Lily? Takot na takot din kami..takot na takot kaming mawala ka.." madiing sabi ni Finn na lalong nagpasikip ng dibdib ko.
"Dastan, Evan, Finn, Caleb. I will miss this, I will miss your embraces, I will miss your scents. I will miss you brothers.." nangangatal na sabi ko.
"Oras na.." pakinig kong sabi ng isang konseho. Hindi siya pinansin ng mga kapatid ko sa halip ay niyakap ako ng mga ito ng mahigpit.
"Oras na!" muling sigaw ng konseho.
"Palabasin ang hari at ang mga prinsipe. Nagtatagal na sila.." gusto ko man silang yakapin pa nang matagal alam kong mapapahamak sila kung mas ipagpipilitan kong huwag nila akong bitawan.
"Tama na, tama na. Lumabas na kayo.." kabaliktaran ito sa mga gusto kong sabihin. I want them to stay with me a little longer, I want them to hug me. I want to hear their voices a little longer.
"Give us five minutes.." malamig na sabi ni Dastan. Hindi nagsalita ang mga konseho. Humiwalay ang mga kapatid kong kapwa basa na ang mga mata, nagsimula silang lahat na ililis ang kanilang mga kasuotan at iabot sa akin ang kanilang palapulsuhan.
"Drink from us Lily.." hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Sinimulan kong uminom kay Dastan, sinundan ko sa palapulsuhan ni Caleb, sumunod kay Evan at huli kay Finn.
"Salamat.." ito na lang ang nasabi ko. Pinunasan ni Evan ang naiwang dugo sa mga labi ko. Hanggang sa sapilitan na silang pinalabas sa aking kulungan habang tulala akong nakatitig sa kanila.
Nagpumilit silang manatili pero pinagtutulakan na silang umalis ng mga kawal.
"Kamahalan, mga kapatid.." lumuluhang iniyuko ko ang aking sarili sa kanila.
"Hanggang sa muli, ipinapangako ko na kung sakaling papipiliin ako at mabibigyan ng pagkakataong muling isilang. Hindi ako magdadalawang isip na muling isilang biglang isang Gazellian. Ikaw lang ang kaisa isang haring titingalain ko Dastan, kuya.."
"Lily.." tuluyan nang nawalan ng panimbang si Caleb at Evan sa mga sinabi ko. Hanggang sa makita kong tumutulo na ang kanilang mga luha, umiiyak na kaming magkakapatid sa mga oras na ito.
"Evan, Caleb, Finn at maging si Ina, Harper at Casper. Tandaan nyong mahal na mahal na mahal na mahal ko kayong lahat kahit saan man ako makarating. Huwag kayong mag alala, lagi na kaming magkasama ni Zen.."
"Lily.." wala na silang magawa kundi tawagin ang pangalan ko.
"Umuwi na kayo sa palasyo, huwag nyo na akong panuorin. Ito na ang huli kong kahilingan mga kapatid. At lagi nyong tatandaang mahal na mahal na mahal ko kayo.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro