Chapter 40
Chapter 40
Pagkatapos kong marinig ang kwento ni Lucas, hindi ko na alam kung may kakayahan pa akong pakinggan ang mga susunod pang mga pangyayari. Bakit hindi ko kayang tanggapin na ang lahi ko ang may dahilan ng lahat? Talaga ba na nagmula ako sa isang lahing may napakasakim at maitim na budhi?
Wala na ba talagang magandang nagawa ang mga bampira sa nakaraan? Kami na lang ba lagi ang sanhi ng lahat? Bakit kami ang walang tigil na sinisisi ng lahat sa mga hindi magagandang bagay na nangyayari sa mundong ito? Talaga ba na kami ang dahilan o kami lamang ang pilit nilang sinisisi at itinuturo sa lahat? Papaano kung kami ang biktima?
Humiwalay ako kay Adam pero kahit hindi na ako nakaupo sa kandungan niya ay nakapulupot pa rin ang isang braso niya sa akin para pakalmahin ako.
"Kung sinasabi mong ang bampira ang siyang nagpasimuno ng lahat. Papaano pumayag ang natitirang mga nilalang sa gusto nito? Ganito ba sila mga katanga para lamang maniwala sa simpleng sinabi nito? Bakit hindi sila naghangad ng kapangyarihan? Bakit ang bampira ang hinayaan nilang makipagtalik sa dyosa kung maaaring sila rin ang siyang maging makapangyarihan? Bakit hinayaan nila ang bampira sa halip na sila mismo ang humawak ng makapangyarihan?" mahabang tanong ko kay Lucas.
Tanging bampira lamang ang naghangad ng kapangyarihan? Pumayag maging sunod sunuran ng natitirang mga nakaupo sa trono? Imposibleng mangyari ang bagay na ito.
"Huwag mong sabihin sa akin na puro babae na ang natitirang nakaupo?" muling tanong ko.
"Sa pitong nakaupo sa trono, dalawa lamang ang babae. Ang lobo at ang babaylan.." tipid na sagot ni Lucas.
"Dalawa, ibig sabihin may tatlo pang natitirang mga lalaki. Ang sirena o sabihin nating sireno hindi ba at may kakayahan silang maging tao maaari siyang makipagtalik sa dyosa. Ano ang reaksyon ng engkandang lalaki? Papaano ang anghel? Sigurado akong higit itong sasalungat kapag naging makapangyarihan ang isang demonyo. Sabihin mo Lucas, papaano nagpaubaya ang tatlong lalaking ito sa bampira? Kung tutuusin ay lahat sila ay may abilidad na maging makapangyarihan.." alam kong may mali sa kwentong ito ni Lucas.
"Dito pumasok ang malaking panlilinlang.." mahinang sabi ni Adam, bahagya akong napalingon sa kanya. Panlilinlang?
"May relasyon ang bampira at lobo at alam ito ng lahat ng nasa trono..." what?!
"What the hell? Are you telling me that the werewolf allowed her mate to---" is she damn killing herself? Kung si Adam ay nagsuka na ng dugo nang mahalikan ako ng iba, papaano pa kung higit pa sa halik ang nangyari sa pagitan ng dyosa at bampira?
"What fvck is wrong with the history?!" sumisigaw na ako. Sumasakit na ang ulo ko sa gulong ginawa ng nakaraan.
"Lily that werewolf was too powerful, hindi siya makakaupo sa trono kung mahina siya. Hindi siya namatay nang gabing may nangyari sa bampira at sa dyosa.." paliwanag ni Adam na lalong nagpainit ng ulo ko. Hindi ito magandang dahilan ang pagiging malakas ng lobo. That damn vampire should only on his mate! Damn him.
"Isa siyang malaking hangal! Why did she allow the vampire to mate with someone else? Pareho silang mga hangal!" ang kikitid ng utak ng mga nakaupo sa trono noon. Papaano magkakaroon nang magandang simula ang bawat mga lahi kung siyang magsisimula nito ay mga walang kakayahang mag isip?
"Because the werewolf is madly inlove with the vampire Lily, she even endured all the pain just to give her mate's happiness. Gustong maging makapangyarihan ng bampirang pinakamamahal niya kaya pinagbigyan niya ang kagustuhan nito. Tinulungan niyang kumbinsihin ng bampira ang mga natitirang nasa trono para tulungan sila sa plano nito.." napasubsob na ako sa aking palad. The past was too idiotic.
"Alam ng lahat na sa tuwing makikipag isa ang isang lalaki sa isang dyosa ay magkakaroon ito ng hindi matutumbasang lakas. Pero bakit ang bampira ang napiling makipag isa sa dyosa? Dahil siya lamang sa natitirang lalaking nasa trono na siyang may kapareha, ibig sabihin nito walang kakayahang abusuhin ng bampira ang katawan ng dyosa at gamitin ng paulit ulit dahil may babae nang naglalaman sa kanyang puso. Hindi niya kayang tumagal magkipag isa sa babaeng hindi itinakda sa kanya. Ito ang ideyang ipinaniwala ng bampira at lobo sa mga nakaupo sa trono.." paliwanag ni Ledare. Si Lucas na muli ang nagpatuloy.
"Pero iba ang nangyari, nabulag sa kapangyarihan ang bampira. Nang sandaling maramdaman na niya ang kapangyarihan bigla na lang niyang kinalimutan ang babaeng nagsakrispyo para sa kanya. Lumabas ng kwarto ang bampira na tanging kapangyarihan na lamang ang bumabalot sa kanya. Walang humpay sa pag iyak ang dyosa dahil sa dalawang panyayari, ang ginawa ng bampira sa kanya at sa pagkamatay ng demonyong siyang pinakamamahal niya, hindi dahil pinatay ito ng mga nakaupo sa trono kundi dahil sa pag iisa ng niya at bampira, hindi pa sila ikinakasal ay itinali na ng demonyo ang kanyang sarili sa dyosa. He already bounded himself to his goddess. Kaya namatay siya nang nagtagumpay ang bampira sa kanyang binabalak, katulad naming mga lobo ikamamatay namin kapag may gumalaw sa nilalang na itinakda sa amin.." wala na akong lakas para magsalita, nanatili na lamang akong nakatitig sa kanya habang pilit kong ipinoproseso sa aking utak ang aking mga naririnig.
"Nang gabing 'yon ang sakim na bampira mismo ang pumatay sa natitira pang nakaupo sa trono. Pero sugatang nakatakas ang lobo at itinakas niya mula sa palasyo ang dyosa.." napakuyom ang kamao ko sa narinig ko. How can he be so cruel? Papaano niya nasikmurang gawin ito sa babaeng itinakda sa kanya? Hinayaan niya na lamang ang sarili niyang lamunin ng sariling kasakiman.
"Wala bang ibang nilalang na nabubuhay ng gabing 'yon? Bakit parang sila lamang pito ang nasa mundong ito?" iritadong tanong ko. Wala ba na maaaring tumulong sa kanila?
"Mahimbing na natutulog ang lahat dahil sa mahika ng babaylan Lily.." pagsabat ni Adam. Hindi din nagtagal ay nagpatuloy na muli si Ledare.
"Tumakbo nang tumakbo ang lobo habang dala ang sakit sa kanyang puso. Pero kahit gaano kabilis ang kanyang pagtakbo alam niyang maaabutan pa rin sila ng bampira. Ano nga ba ang magagawa ng dalawang babaeng nahihinagpis ng gabing 'yon? Dahil sa matinding panghihina nag anyong tao na ang babaeng lobo at bumagsak sa lupa ang mga katawan nila ng dyosa. Sa kabila nang panghihina ng lobo ay nagawa nitong lumuhod at humingi ng tawad sa dyosa, pinatawad siya nito at binigyan pa siya ng isang kahilingan. Alam ng dyosang ilang sandali na lamang ay lalagutan na ng hininga ang lobo.." agad kong pinahid ang nagpapatakan kong mga luha. Ito na naman sila at pumapatak dahil sa nakaraang lubos kaming pinahihirapan.
"At ang kahilingan ng agaw buhay na lobo, wala nang kahit isa mula sa mga kalahi niya ang hahayaang muling umibig sa isang bampira.." dito na ako tuluyang nanghina.
"Sa nanghihinang katawan ng dyosa ay tinupad niya ang kahilingan nito. Ibinulong nito sa hangin na wala nang bampira at lobo na maaaring magsama at mismong ang mga lahi na nito ang maglalayo sa kanila. Bakit? Dahil sa tuwing may lobo at bampirang mag iisang dibdib may parte sa mundong ito na tuluyan nang maglalaho. Hindi ka ba nagtataka mahal na prinsesa? Bakit lima lamang ang mga imperyo gayong pito ang mga namumuno noon? Dahil dalawa nang imperyo ang tuluyang naglaho dahil sa pag iibigan ng nakaraang lobo at bampira.." nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pagpatak ng mga luha ko. Bakit napakalupit ng kanilang mga sinapit? Bakit kailangang lubos na maghirap ang isang lobo at ang isang dyosa? Nagmahal lang naman sila, hindi ba? Bakit lubos silang pinahirapan?
"Nahuli ng bampira ang dyosa at ilang daang taon itong ikinulong at ginamit para lamang sa kapangyarihan. Walang kakayahang saktan ng dyosa ang bampira dahil pag aari na nito ang parte ng kanyang kapangyarihan. Nagtagumpay ang bampira, nasa kanya na ang lahat. At simula noon, naghari ang mga bampira sa lahat hanggang ngayong kasalukuyan.." hinang hina na ako sa mga naririnig ko.
"Pero bakit may mga dyosang tumutulong pa rin sa amin? Hindi ba nila alam ang nangyari?" tanong ko habang walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha.
"Mga traydor ang mga dyosang tumutulong sa inyo. Traydor ang dyosa ng asul na apoy, traydor ang dyosang pinag aalalayan ng mga bampira sa Halla. Hindi mo ba napapansin sila ang mga dyosang limitado ang kapangyarihan.." kaya ba kada isang daang taon lamang namin nakakausap ang asul na apoy? Kaya ba kailangan madalas ng alay sa dyosa ng Halla dahil hindi sapat ang kapangyarihan nito?
Gusto kong magwala sa mga nalalaman ko, ayokong paniwalaan pero bakit nagtutugma tugma?
"Simula nang araw na 'yon wala nang dyosa ang nagtangkang bumaba sa lupa. Sa halip ay gumagamit sila ng enerhiya ng tatlong napipiling babae na siyang sasaniban nito sa tuwing susubukan niyang makipag usap sa mga nilalang sa lupa. Isa ako noong napiling babae mahal na prinsesa at ipinakita sa akin ng isa sa mga dyosa ang lahat lahat.." kung ganoon ay isa ako sa gagamitin ng dyosa?
"Sinasabi mo ba na ang Glaoch ay isang enerhiyang na siyang dahilan para mapasok ng dyosa ang katawan ko?" matapang na tanong ko.
"Lily.." humigpit ang pagyakap ng braso ni Adam.
"Oo, ito nga.." sagot ni Lucas.
"Sa tatlong babae may isang nagsasakripisyo mahal na prinsesa. Isa lamang sa inyong tatlo ang maaaring gamitin ng dyosa at ang dalawa ay tagapagbalanse lamang ng enerhiya. Sa tuwing lilisanin ng dyosa ang katawan ng napiling babae ay nauubos ang buong lakas nito dahilan para tuluyan itong agawan ng buhay. Isa lamang ako sa tagapagbalanse ng enerhiya noon.." aagawan ng buhay? What the fvck?
"I can help, maaari akong magbalanse ng enerhiya. I am not a hero, I can't sacrifice myself.." diretsong sabi ko.
"Papaano? Kung ang dalawang babaeng kasamahan mo ay imposible nang saniban ng dyosa. Ang isa ay naging alay na ng mga bampira sa Halla Eberron, she's the Hanana Tree.." natigilan ako sa sinabi ni Lucas. Ito na ba ang malaking koneksyon ko sa puno? Ito ba ang ipinahihiwatig ng lalaking ermitanyo?
"Another one is my sister, she's pregnant.." para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nila. Anong ibig sabihin nito? Na ako ang magsasakripisyo? What the fvck?!
"But I can't! I don't want to die, bakit kailangan ay ako ang magsakripsiyo?! Bakit kailangan niyang pang bumaba sa lupa? She can stay there! Bakit kailangan? Who is she? Is she your goddess? The moon goddess?" what the--- dahan dahan akong lumingon kay Adam.
"She did pair us right Adam? Hindi ba at ang dyosang ito ang nagpares sa atin? Bakit kailangan niya tayong ipares kung alam niyang maaari tayong maging sanhi ng pagkalaho ng isang imperyo?! Siya ang gumawa ng problemang ito!" halos sabunutan ko na ang aking sarili.
"Siguro ay ito ang paraan niya para maitama ang maling nagawa niya.." mahinang sabi ni Lucas na lalong nagpainit ng ulo ko.
"By killing me?! Papatayin niya na lamang ako dahil nagkamali ang pagkakaparehas niya sa akin?!" sigaw ko.
"I won't let that happened Lily.." pagpapakalma sa akin ni Adam.
"Isa pa ang maaaring dahilan niya kung bakit gusto niyang bumaba sa lupa. Ito ay para tuluyan na niyang matulungan ang dyosang ilang libong taon nang itinatago ng mga bampira.." nangunot ang noo ko sa sinabi ni Lucas. Ilang libong taon? Itinatago?
"What do you mean?" bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba nang muling nagtama ang mga mata namin ni Lucas. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa susunod niyang mga sasabihin.
"Hanggang ngayon ay buhay pa rin ang dyosang nasa kwento, prinsesa ng mga Gazellian. At pilit itong itinatago, ikinukulong at pinahihirapan. Bakit hindi mo itanong sa mga haring tinitingala nyong mga bampira?"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro