Chapter 38
Chapter 38
Buong akala ko ay sasalubungin ako ng malalakas na ungol at bagsik ng mga lobo pero para akong lumulutang sa hangin habang tumitindig ang aking mga balahibo habang pinagmamasdan na nakangiti ang karamihan sa kanila na parang isa akong nilalang na kailanman ay hindi nila naging kaaway.
'Am I dreaming Adam? Tell me..' hindi makapaniwalang sabi ko habang nakatitig ako sa mga lobo. Karamihan sa kanila ay mga anyong tao pero mayroon din na mga nakaanyong lobo.
Nasa bandang dulo si Lucas na nagmamasid lamang sa mga nangyayari.
'You are not dreaming, this pack is accepting our love Lily, malaking bagay na ang suporta ni Lucas sa ating dalawa..' nang muli ko sanang tingnan si Lucas ay nakita ko na itong pumasok sa hindi kalakihang bahay. Hindi man ito kasing laki ng aming palasyo, masasabi ko na maganda ang pagkakagawa dito.
"She is really beautiful.." ngiting sabi ng isang babae. Pansin ko na may pagkakahawig siya kay Lucas. She could be his sister.
"Yes, she is.." bahagyang pinisil ni Adam ang kamay ko.
"Papaano natin masisigurong hindi niya sasabihin sa mga kalahi niya ang kutang ito?" may lalaking humakbang pauna at mariin itong nakatingin sa akin. Inaasahan ko na ito, hindi lahat ay sasang ayon sa akin.
"She won't do that.." humarang sa akin si Adam sa paraang mapoprutektahan ako.
"She is Adam's mate, she won't do anything unnecessary to harm our pack.." pagtatanggol ng babae sa akin.
"Wala akong sasabihin sa palasyo. I am here because of Adam, wala nang ibang rason.." matapang na sabi ko. Ngumiti sa akin si Adam dahil sa sinabi ko.
May isang lalaking lobo pa sana na magsasalita nang dahan dahang nahawi ang grupo ng mga lobong nakaharap sa akin nang may isang matandang mabagal na naglalakad patungo sa posisyon namin ni Adam. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong mataas na tagapayo ng grupong ito.
"Maligayang pagdating sa lugar ng mga lobo, mahal na prinsesa.." inabot nito sa akin ang kanyang. Alam kong makikipagkamay siya sa akin kaya inilahad ko rin sa kanya ang aking kamay.
Nang sandaling magdaop ang aming mga palad pakiramdam ko ay may kung anong tumusok sa puso dahilan para unting unting manlabo ang paningin ko. Hindi ko na makita ang matandang babae at tanging kamay niya lamang na nakahawak sa akin ang aking nararamdaman.
What is she doing? Bakit nanghihina ako?
"Lily! Ledare anong ginagawa mo sa kanya?" malakas na sigaw ni Adam. Tuluyan nang nangatal ang mga tuhod ko nang bitawan ko ang kanyang kamay hanggang sa mawalan na ako ng balanse.
Ramdam ko ang pag angat ng aking katawan. I can feel Adam's warm body.
"Lily..lily.." I can hear his suffering voice.
"She's fine.." kung hindi ako nagkakamali ay boses ito ni Lucas.
"Fine?! Anong ginawa mo sa kanya Ledare?!" sigaw ni Adam. Tanging pandinig ko na lamang ang aking nagagamit. What's going on? Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko?
"Maaari na kayong bumalik sa inyong ginagawa. Walang kahit anong masamang intensyon ang bampirang ito" kaswal na sabi ng matanda. What is this? Confirmation of my intention?
"Ipasok na natin siya sa loob.." pormal na sabi ni Lucas.
"No! Ibabalik ko na siya sa kanilang palasyo. I thought you can understand us Lucas?" angil na sabi ni Adam.
"Damn it Adam, we're not going to harm her! She has something to do for all the werewolves in this world. Lahat tayo maapektuhan kung may mangyayaring masama sa kanya!" what? Ano itong sinasabi ni Lucas?
"What are you talking about?" kahit si Adam ay nagtataka na rin.
"Si Ledare ang makakapagpaliwanag ng lahat. Just trust me, I won't harm her or this whole pack. Alam namin na para ka na rin namin pinatay kapag sinaktan namin ang prinsesang 'yan.." humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Adam.
"I am not sure about this. Pero sa hindi ako papayag na may hahawak muli sa kanya.." malamig na sabi ni Adam.
"Let's go.." ramdam ko na naglalakad na si Adam habang buhat ako. Hindi ko alam kung bakit sa kabila nang nanghihina kong katawan, sa nanlalabo kong mga mata ay hindi man lang ako nakakaramdam ng kaba.
Dapat ko pa ba itong ipagtaka? Habang dama ko ang mainit na katawan ni Adam, kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng takot at pangamba. I always feel safe and protected when I am with him.
"Just feed her with your blood, she'll be fine.." hindi nagtagal ay nakalasa na ako ng patak ng dugo sa mga labi ko hanggang sa mapagtanto kong malapit lang sa labi ko ang palapusuhan ni Adam.
I sink my fangs and drink his thick blood. Habang unti unting dumadaan sa aking mga labi ang kanyang dugo ay dahan dahang bumabalik ang linaw ng aking mata at lakas ng aking katawan.
At sa sandaling imulat ko ang aking mga mata ay sinalubong ako ng ginto mata ni Adam.
"I'm so sorry.." pinunasan niya ang dugo sa labi ko. Mabilis akong bumangon at lalong nagningas ang aking mga mata. Agad akong humakbang sa ibabaw ng lamesa habang lumalabas na ang aking kapangyarihang usok sa aking magkabilang kamay. Handa ko nang sugurin ang matandang babae. She did something to me!
"Lily!" sigaw sa akin ni Adam.
Mabilis akong naalerto nang maramdaman ko ang presensiya ng mga lobong sunod sunod lumitaw mula sa labas ng bintana at kapwa nanlilisik ang mga mata nila sa akin, handa na akong sugurin anumang oras. Napapalibutan ako nang napakaraming lobo.
Talaga palang kahit kailan ay hinding hindi magkakasundo ang mga bampira at lobo, laging may magtataksil at laging may malilinlang.
Agad nag anyong lobo si Adam at Lucas, pero ang lubos na ipinagtaka ko ay sa halip na sumalungat sa amin si Lucas at kampihan ang kanyang sariling grupo ay ito siya at nakaharang din sa akin sa paraang mapoprotektahan ako.
I heard Adam's loud growl to other werewolves. Kahit si Lucas ay ganito rin ang ginawa sa mga kasamahan nito na siyang nagpatungo sa lahat ng mga lobong nakapalibot sa aming lahat. Nag init ang ulo ko nang mapansin ko na simpleng nakaupo lamang ang matandang lobo na siyang dahilan ng lahat.
For the last time, I heard Lucas' roar causing all the werewolves to run outside the place. Kusa na lang bumaba ang aking mga kamay habang nakikitang nawawala na ang mga lobong muntik nang pumatak sa akin.
Napatungo na lang ako nang maramdaman ko na hinihila ni Adam ang damit mahabang kasuotan ko. Gusto niya akong bumaba sa lamesa at maupo. Can't he use our mind link?
'Adam?' wala akong nakuhang sagot sa kanya. What's wrong?
Pansin ko na wala na si Lucas. Hindi binitawan ni Adam ang kasuotan ko hanggang hindi pa ako bumababa sa lamesa kaya sumunod na ako sa gusto niya.
"Adam, can't you talk?" tanong ko sa kanyang anyong lobo. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko na kahit lobo pala ay ngumingisi.
"Bampira, kailanman ay hindi pa ako nakakakita ng lobong nagsasalita.." seryosong sabi ni Lucas na nakapantalon na. Nagkibit balikat na lang ako. I am just trying to talk to my mate.
Nang makaupo na ako ay mabilis tumakbo si Adam sa kung saan pero agad din siyang bumalik at nakapagbihis na ito.
"Maaari na ba tayong magsimula?" tumayo na ang matandang babae sa kanyang malayong inuupuan at naupo na rin siya sa lamesang pinalilibutan namin.
"That was close.." naiiling na sabi ni Adam.
"Masyadong maiksi ang pasensya ng babaeng itinakda sa'yo.." matabang na sabi ni Lucas.
"Lahat ng mga bampira ay maiiksi ang pasensiya.." mahinang sabi ng matandang babae.
"No, Claret is nice.." ngiting sabi ni Lucas. Pinili kong hindi sumagot dahil totoo naman ito. Yes she's nice and I am not. Aminado ako.
"Sagutin mo muna ako, anong nangyari sa akin? Bakit bigla na lamang nanghina ang buong katawan ko?" tanong ko sa matandang lobo.
"Hindi ba at hindi ito ang unang beses na nangyari ito sa'yo? Nakaranas ka na rin nang panghihina hindi ba?" bahagya akong natigilan sa sinabi ng matanda hanggang sa bumaliks sa alaala ko ang babaylan ng kubon kung saan may kung anong pinasa siya sa akin na hanggang ngayon ay isang malaking katanungan.
"Isang beses.." agad lumingon sa akin si Adam sa kanyang nag aalalang mata.
"Why didn't you tell me?" tanong nito sa akin.
"Matagal na itong nangyari.." sagot ko kay Adam.
"Maaari mo ba sa aking sabihin kung kailan mo unang naramdaman ito? Saan? Kailan o paano?" napatitig ako sa matanda.
"What's with this? Anong mayroon sa nararamdaman ko?" nagtatakang tanong ko.
"Nagmula ba ito sa isang babaylan?" pagsabat ni Lucas.
"What the---" halos mahati ang buong lamesa sa malakas na pagsuntok ni Adam.
"Ipinasa niya ba sa'yo Lily?" hinawakan ni Adam ang aking dalawang braso at pilit niyang sinalubong ang aking mga mata.
"Ipinasa? Hindi ko maintidihan.." naguguluhang sabi ko. Ang tanging natatandaan ko lamang ay may kung anong puting usok siyang ipinasa sa akin. Ano nga ba ang bagay na ito? Mapapahamak ba ako nito base sa reaksyong ito ni Adam?
"Kung ganoon ay kumpleto na sila, pero bakit kailangan niyang ipasa sa isang prinsesang bampira?" tanong ni Lucas sa matanda.
"Maaari ba itong ilipat ni Lily sa iba? Damn it, not her. Not my Lily.." nalilito na ako sa kanilang pinag uusapan. Anong ililipat? Why not me?
"I don't get you, anong ibig sabihin niyo ng kumpleto? What? Is this some sort of prophecy? Na may mga babaeng nakatakda? Nagkakalokohan ba tayo? Mayroon din kayong mga lobong ganito?" lalong nagulo ang pag iisip ko nang sabay umiling si Lucas at ang matandang lobo.
"Answer me Ledare! Maaari ba itong ilipat ni Lily sa iba?" desperadong tanong ni Adam. Pero tuluyan nang napasandal si Adam sa kanyang kinauupuan na parang hinang hina dahil sa isinagot ng matandang babae.
"Isang beses lang maaaring ilipat ang Glaoch. Hindi na niya ito maaaring ilipat pa sa iba Adam. She's the chosen one.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro