Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Chapter 35


Muli ko munang tinanaw ang aming napakalaking kaharian. Kung maaari lamang akong tumakbo mula dito, kung maaari lamang akong tumakas sa aking mga problema ay matagal ko nang nagawa. Pero wala akong ibang pagpipilian kundi manatili dito at saluhin ang lahat ng sakit ng katotohanang hinding hindi ko kailanman maiiwasan.

Nakatanaw si Dastan sa akin mula sa kanyang silid at nang mapansin niyang nakatitig ako sa direksyon niya ay agad itong tumalikod at umalis mula sa may bintana.

Napabuntong hininga na lamang ako bago ko pinasyang sumakay sa karwahe. Ngayon ang araw kung kailan susunduin ko si Claret sa mansyon ni Leon dito sa Sartorias, ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita. Mukhang tama na nanatili muna siya sa mansyon ni Leon nitong nakaraang araw dahil siguradong lubos siyang mabibigla at magugulat sa mga kaguluhang kinahaharap ng aming pamilya.

Para maputol ang walang tigil na usapan mula sa iba't ibang sulok ng aming imperyo, napagpasyahan ni Dastan na magdaos ng isang maliit na pagdiriwang para sa lahat ng mamamayan ng Sartorias. Ako, si Harper at Claret ang naatasang maging punong abala dito kaya ngayon ay kailangan ko na siyang sunduin.

Ipinag utos din sa amin ni Dastan na palabasin siyang wala sa Sartorias ngayon at kasama pa rin siya ni Zen mula sa pagpupulong. Sinabi niyang gusto muna niyang manatiling mag isa sa kanyang silid sa loob ng ilang araw na walang gumagambala, nirespeto namin itong lahat.


Nang nagsimula nang tumakbo ang karwahe ay muli na naman akong napabuntong hininga. Hindi niya ba naintindihan ang pinag usapan naming lahat? Hindi ba siya makapaghintay man lang?

Nilingon ko ang lalaking nakaupo sa tabi ko. Sinabi ko sa kanilang pipili ako matapos ang pagdirawang ng aming kaharian para ipakilala ang aming itinakdang babae. Bakit hirap na hirap siyang intindihin ito?


"What are you doing here Clifford?" iritadong sabi ko.


"Ihahatid ko ang aking mapapangasawa sa mansyon ni Leon" nangunot ang noo ko sa kanya. Prente siyang nakasandal ngayon habang may librong binabasa na hindi pamilyar sa akin.


"How sure are you Clifford?" nanghahamak na tanong ko sa kanya. Ibinaba na niya ang librong hawak niya at nakangisi siyang humarap sa akin.


"I am very sure Lily Esmeralda Gazellian, you're a wise princess. Alam kong pipiliin mo ang tama..." marahan niyang hinaplos ang aking buhok. Pinili kong manatiling nakatitig sa kanya.


"Sinasabi mo ba na hindi tamang piliin si Orion? He was my first love and also a prince like you.." ilang beses siyang umiling sa akin at natagpuan ko na lamang ang ilang daliri niyang hinahaplos ang mga labi ko.

Hinayaan ko siya sa kanyang ginagawa, gusto kong iparating sa kanya na walang epekto ang ginagawa niyang pang aakit sa akin. Inaamin ko, si Clifford ang tipo ng isang bampira na kahuhumalingan ng napakaraming prinsesa, hindi lamang siya makisig at mapanghipnotismo. Kayang kaya rin niyang paikutin sa kanyang mga daliri ang isang marupok at mahinang babae sa simpleng paghawak at paghaplos niya pa lamang.


"Ikaw at ang imperyo ng Sartorias ay higit akong kailangan. Hindi sapat ang kapangyarihan ng Parsua Sartorias at Lodoss Pegana para pagtakpan ang kataksilan mo. Tandaan mo, ampon lamang ng isang bampira ang karibal ko samantalang ako ay isang purong bampira, maharlika at makapangyarihan. Ako lamang ang kaisa isang bampirang nararapat sa'yo.. " naglalandas na ang ilang daliri niya pababa sa aking leeg. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang akong kinabahan. Nagsisimula na rin magkulay pula ang kanyang mga mata.

He wants my blood and I can feel his thirst through his eyes. Dahil nararamdaman ko na ang tensyon sa pagitan namin ay agad kong iniwas ang mga mata ko sa kanya.


"Then wait. Wait for my decision Clifford.." mahinang sabi ko.


"Don't worry, we can learn to love each other Lily. I will make you fall in love with me.." hindi ako sumagot sa kanya. Hanggang markado ako ni Adam, siya lang ang kaisa isang lalaking mamahalin ko.


"But before that---" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang paglabas ng mga pangil niya.


"No!" akala ko ay kakagatin niya ako pero nagulat ako nang sapuhin niya ang magkabilang pisngi ko. Pilit akong nanlaban pero naramdaman ko na may mga sinulid na gumapos sa aking katawan dahilan para hindi ako makakilos.

Nawala ang mga pangil niya at tuluyan ko nang minura ang sarili ko sa aking isipan nang siilin niya ako nang mariing halik. No! Pilit kong itinitikom ang mga labi ko pero masyadong mapangahas at mapusok ang kanyang mga labi na pilit niyang pinaparamdam sa akin.


"Sto---hmm" fvck!


Habang pilit kong iniiwas ang mga labi ko sa kanya ay agad kong nilabas ang aking nakakalasong usok dahilan para pakawalan niya ang mga labi ko at takpan niya ang kanyang ilong.


"Are you fvcking insane?!" malakas na sigaw ko sa kanya. Nasa akmang sasampalin ko na siya nang bigla na lamang siyang nawala sa karwahe pero agad ko rin naramdaman ang bulong niya mula sa likuran ko.


"Always remember that foolish decision will definitely kill you. I love your lips future wife.." huli na nang lingunin ko siya. Wala na siya sa likuran ko. Damn it! Fvck!

Ilang beses kong pinunasan ang labi ko hanggang sa naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. I am sorry Adam, I am so sorry. Hindi ko ginustong may makahalik sa akin. I am all yours, just yours. Fvck! I am sorry my Alpha.


Pinilit kong magmukhang normal nang makarating ako sa mansyon ni Leon. Sinalubong ako ng kanilang ilang tagasunod at dinala nila ako sa kanilang sala, nagpaalam ang isa sa kanila na susunduin lamang si Claret sa kanyang silid.

Pinili kong abalahin ang sarili ko sa pagmamasid sa kabuuan ng mansyon ni Leon, nakarating na ako dito noon pero masasabi kong mas dumoble ang ganda nito ngayon.

Nang maramdaman ko na ang presensiya ni Claret ay mabilis siyang hinanap ng aking mga mata. Agad akong tumayo at sinalubong siya ng yakap.


"Claret!" pilit kong pinasigla ang boses ko.


"Bakit mukhang napaaga ka yata? Bakit ikaw ang susundo sa akin? Nasaan ang tatlong prinsipe? Hindi ba kita naaabala Lily?" napanguso ako sa sinabi niya na may nangungunot na noo. Hindi pa ba siya nasisiyahan sa akin?


"Ayaw mo na ba sa palasyo? Isusumbong kita kay Zen!" ito na lang ang sinabi ko. I want a light conversation right now, ayoko na nang masyadong mabigat. I can't take it anymore.


"No, hindi naman sa ganun. May mga dapat lang akong tapusin, maaari ba na sumunod na lang ako mamaya?" lalong nangunot ang noo ko. Ano pa ang kailangan niyang gawin?


"Hindi maaari Claret, kailangan ko ang tulong mo ngayon. May maliit na pagdiriwang sa koloseo ng palasyo at inaanyayahan ang lahat nang mga babaeng bampira, tayong tatlo ni Harper ang punong abala sa bagay na ito" siya naman ngayon ang nangunot ang noo.


"Sasama ang loob ko kung hindi ka sasama ngayon sa akin, alam mo ba na may pinadalang sulat sa'yo si Zen? Nasa palasyo, hindi ko dinala" kita ko ang pagkislap ng mata ni Claret nang sabihin ko ito sa kanya. Inabot sa akin ni Dastan ang sulat matapos ang mahabang makikipag pulong namin sa mga taga Halla Eberron at Lodoss Pegana.


"Maaari mo ba akong bigyan ng isang oras para maghanda?" pinakatitigan ko siya. Ano pa ang kailangan niyang gawin? Bakit pakiramdam ko ay may itinatago siya sa akin?


"Ano pa ba ang mapagpipilian ko? Sige na. Hihintayin na lang kita dito" sagot ko sa kanya. Nagmadaling umalis si Claret at mukhang pabalik siya sa kanyang silid.

Hindi nagtagal ay biglang nagpakita sa aking harapan si Leon, nagsimula kaming mag usap ng tungkol sa bampirang pampolitikal pero hindi nalilingat sa akin ang ilang pagbibiro niya na hindi ko inaasahan. Napansin ko na lamang na natatawa na ako sa kanyang mga sinasabi ko.


"She's so beautiful.." awtomatiko akong tumigil sa pagtawa at hinanap ng aking mga mata ang pinaggalingan ng boses na narinig ko. It was Adam's voice but how?

Inangat ko ang paningin ko. Sa halip na si Claret ang mabigyang pansin ko ay mas napansin ko ang nasa likuran niya. I can see someone's shadow behind Claret, Adam? But how is that possible? I should have felt his presence. Kumaway sa akin si Claret na nakadungaw mula sa itaas ng kanilang mansyon. Tipid akong ngumiti sa kanyang bilang pagsagot.

Nakalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Claret dala ang ilan niyang kagamitan. Hinatid na kami ng kanilang mga tagasunod at maging ni Leon sa labas.


"Salamat lolo..." paalam ni Claret kay Leon bago sila nagyakapan ng mahigpit sa isa't isa. Tumango lamang ako kay Leon hanggang sa makasakay na kami ni Claret sa karwahe at magsimula na itong tumakbo.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya nagsalita na ako. Sinigurado kong may kaunting usok na pumasok sa tenga ng aming kutsero kung sakaling marinig nito ang sasabihin ko katulad nang kung anong ginawa ko kanina nang kausap ko si Clifford.


"This is weird, pero parang nakita ko si Adam kanina.." pinili kong sa labas na lamang tumingin. Wala akong narinig na sagot mula kay Claret.


"But that's impossible, siguradong pinagbawalan na rin siya nang lahi niyang makipagkita sa akin. He can't be here, kung nandito siya ay dapat nararamdaman ko siya.." pilit akong tumawa sa isinagot ko sa aking sarili.


"Lily.." narinig kong tawag sa akin ni Claret.


"Gusto ko nang tumakas, gusto ko nang tumakbo Claret. Anong pwede kong gawin? Ayokong makasal sa mula sa kahit sinong prinsipe Claret. I want Adam, siya lang ang gusto ko.." hinawakan ni Claret ang mga kamay ko.


"I'll try to help you.." mahinang sabi niya sa akin. Wala na akong masabing kahit anong salita sa kanya. Sa tuwing iisipin ko na babalik na ulit ako sa palasyo ay nanghihina na ako.


"Lily.." nakatitig lang ako kay Claret. May gusto siyang sabihin at nakikita ko ito sa kanyang mga mata. She's hesitating.


"What is that Claret?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


"Lily.." nag aalinlangan pa rin siya.


"Go on Claret, tell me.."


"Lily, I can smell someone's scent from you. Another male vampire, please don't let someone's touch you. Malaki ang epekto nito sa lobong nagbigay ng marka sa'yo. Sa ilang araw na pananatili ko sa mansyon ni lolo may ilang aklat akong nabasa tungkol sa mga lobo. I just discovered that a werewolves bound is much stronger than his/her mate if he or she is mated to a different creature. Ibig sabihin Lily, Adam is much attached than you. Ang bawat hawak o haplos sa'yo ng ibang lalaki ay panghihina ni Adam at agad niya itong mararamdaman kahit napakalayo niyo sa isa't isa. But the worst? Sa sandaling lumapat ang mga labi mo sa ibang lalaki pasusukahin mo ng kanyang sariling dugo ang lobong nagbigay ng marka sa'yo.."


Dito na tuluyang nadurog ang puso ko. 


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro