Chapter 34
Chapter 34
Gusto kong murahin ang mga kapatid ko. Bakit pakiramdam ko ay pinagtulung tulungan na naman nila ako?
Why are they making this damn decision without my permission? Buhay ko ang pinag uusapan dito, ang panghabang buhay ko sa mundong ito. I can't just let someone decide for my own life even my brothers!
Wala silang karapatan para pangunahan ako. For me marriage is sacred, it is an eternal vow. I want to marry the man I loved and that's Adam.
"I don't have any idea about this. Can I have a word with you your highness?" pormal na tanong ko sa aking kapatid sa harap ng mga matataas at may katungkulang mga bampira mula sa dalawang magkaibang kaharian. Hindi ako papayag na maipit sa pagdedesisyong ito.
Tumayo si Dastan mula sa kanyang trono at makapangyarihan siyang nagsimulang humakbang patungo sa akin. Bawat pagkilos niya ay sumisigaw ng awtoridad na siyang dahilan kung bakit maging ang ibang mga bampira mula sa kabilang imperyo ay nirerespeto siya. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa akin ay muli siyang nagsalita.
"Para sa aming mga panauhin, maaari nyo munang bigyang pansin ang mga ipinahanda kong pagkain at mga inumin. Saglit ko lamang kakausapin ang aming prinsesa.." nang sabihin ito ni Dastan ay isa isang pumasok ang unipormado naming mga tagasunod habang sulong ang mga gintong lamesa kung saan nakahilera ang mga pagkain para sa mga maharlikang bampira.
Napansin ko na sabay tumango si Orion at Clifford kay Dastan. Mabilis nakalapit si Casper kay kamahalan at may kung anong binulong sa kanya si kamahalan na mabilis nagpatango sa dito. Tumango na rin ang mga natitira kong kapatid at pinili nilang magpaiwan sa bulwagan para samahan ang napakarami naming panauhin.
Naunang lumabas ng bulwagan si Dastan kaya sinusundan ko na lamang ang kanyang paglalakad hanggang sa makarating kami sa silid aklatan ng aming palasyo.
Mabilis nakalapit si Dastan sa isang lamesa, may nakahanda ng pitsel sa ibabaw nito na naglalaman ng dugo at dalawang cristal na baso. Mukhang inaasahan na ng kapatid ko ang sasabihin ko sa bulwagan kaya nagpahanda na siya ng sarili naming inumin.
"Have a drink Lily.." ipinagsalin ako ni Dastan sa isa pang baso bago ito mabilis nakalapit sa akin at inabot ito. Nang sandaling mahawakan ko na ito ay agad nawala sa aking harapan si kamahalan at nagtagpuan ko na lamang siyang nakatanaw sa labas ng bintana.
"Siguro ay isinusumpa mo na ako ngayon Lily.." seryosong sabi niya sa akin habang nanatili siyang nakatalikod sa akin. Gamit ang bilis ko bilang isang bampira ay lumapit ako sa kanya at nakitanaw na rin ako sa bintana.
"Nagagalit ako kamahalan, masyado mo na akong pinangungunahan. Wala na ba talaga akong karapatan para magdesisyon ng para sa akin?" malamig na sabi ko. Pansin ko na bahagya na niyang iniinom ang dugong nasa kanyang baso.
"Akala ko ay hindi na kita makakausap ng mahinahon. I always wanted you composed like this, not the emotional one.." hindi nagbago ang ekspresyon ko sa sinabi niya. Marami na rin akong nailuha kaya hindi na ako masyadong emosyonal sa mga oras na ito.
"Dastan, ayokong makasal sa isa kanila. I am already mated to someone else, the marriage will not work. Besides, I can't be happy with them. Habang buhay lamang akong masasaktan kapag nagpakasal ako sa isa sa kanila.." paliwanag ko sa kanya.
"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo ito Lily? We don't need you to be happy, we need you alive. Can't you see them Lily? Handa ka nilang tanggapin kahit markado ka na ng isang lobo. Having one of them will keep you alive in this world.." pansin ko ang paghigpit nang pagkakahawak ni Dastan sa kanyang baso.
"Can't you find another way Dastan? Please, not this marriage my king. Mahalaga ang kasal para sa akin, gusto kong makasal sa lalaking mahal ko. Gusto kong matulad sa matatag na kasal ni ina at ama. I want that kind of marriage Dastan.." pangangatwiran ko sa kapatid ko.
"Sa tingin mo ba ay makikita mo pa ang dalawang prinsipeng kasalukuyang nasa bulwagan ngayon kung may naiisip pa akong ibang paraan Lily? I need to enlighten your mind Lily. Ayokong dadating ang oras na mauupo ako sa aking trono para panuorin na pinupugatan ng ulo ang sarili kong kapatid. Can't you imagine that? How can I consider myself as an effective king if I can't even protect my own sister Lily? Anong sasabihin ko kay inang reyna kapag lumabas siya? That I let you die with that werewolf?" napatitig na lang ako sa hinahangaan kong hari.
Alam kong para sa aking kapakanan lang ang lahat ng ginagawa niyang ito pero ano na lang ang mangyayari sa akin sa hinaharap? Yes, I am physically alive but my heart and soul will definitely die.
Binawi ang paningin ko mula kay kamahalan bago ako sumimsim ng dugo sa aking baso. Natahimik kami ng ilang minuto bago ako muling nagsalita.
"How about Adam? How about my mate Dastan?" malamig na tanong ko.
"I am giving you time to talk with him. Just once Lily, once is enough.." hindi ko magawang sumagot sa kanya. At mukhang hindi niya na rin ako inaasahang sumagot dahil nagsimula na siyang humakbang papalayo sa akin pero lakas loob akong nagsalita sa huling pagkakataon.
"Papaano kung sa'yo ito nangyari Dastan? What if your mate is a werewolf? Anong desisyon mo? Are you going to marry someone else for the sake of this empire?" akala ko ay sasagutin niya ako pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Mapait na lang akong napangiti, minsan ay may limitasyon talaga ang mga katanungan para sa mga haring katulad niya.
"Susunod na ako. Tell them to wait for me.." mahinang sagot ko bago ako humarap sa bintana.
"I will definitely marry someone else Lily just for the sake of this empire. Matagal ko nang itinapon ang sarili kong kaligayahan simula nang naupo sa aking trono.." dito na ako tuluyang muling napalingon sa kapatid ko.
Yes, Dastan was never been selfish. Laging ang kaharian muna ang kanyang inuuna at dito ko siya lubos na hinahangaan.
Hahakbang nasa akong para sumunod sa kanya nang marahas nabuksan ang pintuan ng aklatan. Iniluwa nito si Caleb na humihingal at mukhang balisa. Mukhang may nangyayaring hindi maganda sa bulwagan.
"Kamahalan! Lily!" hindi na namin hinintay na magpaliwanag pa si Caleb dahil nagmadali na kami para makabalik sa bulwagan at halos mapamura na lang ako nang makitang nakatapon na lahat ng pagkain. The whole place is a mess.
Kalahati na lamang ang natitirang maayos sa bulwagan, karamihan sa mga pader at matatatag na pundasyon ay mga gumuho na. Kasalukuyan nang nasa mainit na paglalaban si Orion at Clifford na kapwa na may dugo sa kanilang mga labi, ganito rin ang ilang bampirang mga kasama nila na pilit pinuprotektahan ang kani kanilang mga prinsipe.
Anong ginagawa nilang lahat?!
"Do you think I'll let you live? You good for nothing dog!" malakas na sigaw ni Clifford habang walang tigil sa pagsugod kay Orion na nakalabas na ang walong puting buntot.
They're both throwing hard punches with one another. At halos masira ang pader sa tuwing tatama dito ang kanilang mga katawan. They also got their unique powers, Clifford got the power of sharp strings that can cut someone's flesh which are only visible on his eyes. While Orion can camouflage and make himself invisible, he also got a poisonous claw.
Nagsisimula ko na ring malanghap ang iba't ibang klase ng dugo mula sa mga bampirang kasalukuyang naglalaban pero angat ang dalawang dugo na siyang nakikilala kong mula kay Orion na siyang tanging naiba sa aming lahat at kay Clifford.
Walang tigil sa kamumura si Caleb, Finn at Evan habang inaawat ang mga konseho at mga bampirang naglalaban mula sa magkaibang imperyo. Nakatitig lang kami ni Dastan sa nangyayari.
What the hell is going on here? Hindi ba at kalmado lang silang lahat nang iwan namin sila ni Dastan? Bakit nagkaroon na ng ganito?
"Princess Esmeralda is mine, hindi nararapat sa kanya ang katulad mong uhaw sa kapangyarihan!" sigaw sa kanya ni Orion na walang tigil sa kakawasiwas ng kanyang mga kamay. Ang pwersa nito ang siyang pilit gustong tumama sa katawan ni Clifford na hirap nitong iniilagan, ganito din si Orion sa tuwing nararamdaman na siyang papalapit na matalas na sinulid sa kanya. Malakas ang pakiramdam ng mga katulad ni Orion.
"Stop! Please stop!" sigaw ko sa nagkakagulong bulwagan. Napansin ko na kalmado pa rin si Dastan, natagpuan ko na lamang siya sa isang sulok na umiinom ng dugo mula sa gintong kopita.
Lalo akong kinabahan nang makaramdam ako ng pagyanig sa buong palasyo. Anong nangyayari? Napatingala na lang ako dahil sa ilang alikabok na pumapatak. Damn, are they going to ruin the palace?
"Fvck! Can someone stop them?!" nang sabihin ko ito ay agad sumigaw nang napakalakas si Harper dahilan para takpan naming lahat ang aming tenga at mawala sa pakikipaglaban ang lahat pero nang matapos sumigaw si Harper ay hindi pa rin tumigil sa pagsugod sa isa't isa si Clifford at Orion na kapwa na nababahiran nang napakaraming dugo.
"Fvck! I said stop you both!" muling sigaw ko. Sisigaw na sanang muli si Harper nang pigilan na siya ni Evan at Caleb na mukhang nanghihina na. They should have covered their ears well!
Hindi pa rin ako pinapansin ni Orion at Clifford na lalong naging seryoso at mukhang handa nang patayin ang isa't isa. Napasapo na lang ako sa aking bibig nang kapwa silang tinamaang sabay ng isa't isa.
Tumagos ang matalas na sinulid sa katawan ni Orion at tuluyan na rin natusok ang katawan ni Clifford ng nakakalasong matatalim na kuko ni Orion. Halos sabay ko silang nakitang sumuka ng dugo. Damn it. Ayoko nito.
"Stop please, stop. Tumigil na kayo.." hindi pa rin nila ako pinansin at pilit nilang idinidiin ang kanilang mga kapangyarihan para mas masaktan o higit ay makitil na ang isa't isa.
Isa ito sa pinaka inaayawan ko. I never wanted killings for my own sake, kailaman ay hindi ko ito ginusto.
Akala ko ay wala na akong iluluha pa pero naramdaman ko na lamang ang unti unting pag agos ng aking mga luha kasabay ng pagbigkas ko sa mga katagang labag sa aking buong pagkatao.
"I said stop! Stop! Itigil nyo na ito! Pipili na ako! Pipili na ako sa inyong dalawa. Just stop please, stop this killings.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro