Chapter 33
Hirap na mga angels? Kapit lang, wala pa tayo sa intense. Lol
Chapter 33
Isang linggo na ang nakakalimpas matapos ang nakakapagod na komprontasyon ko mula sa aking mga kapatid. Wala na akong balita tungkol sa kanilang ginagawang hakbang tungkol kay Adam.
I hope he's fine. Sana ay hindi siya pinahihirapan ng pamilya niya, sana ay hindi siya nasasaktan ngayon, sana ay hindi lumuluha ang lalaking pinakamamahal ko.
Nangako siyang magtutungo siya dito para sundan ako, pero na lang ang mangyayari kung sakaling makaengkwentro niya ang aking mga kapatid? Sino ang kakampihan ko?
I am too drained, gusto ko na lamang habang buhay magkulong sa kwarto kong ito.
Isang marahang katok ang pumukaw sa aking atensyon, hindi na ako nagulat nang pumasok si Harper na may dalang baso ng dugo. Tahimik siyang nagtungo sa lamesang malapit sa aking kama at ipinatong niya ito.
"Lily.." nanatili lamang akong tahimik.
"Harper, iwan mo na ako.." malamig na sabi ko.
"Lily, you can't stay like this. Kailangan ng Sartorias ng isang matalino at matatag na prinsesang katulad mo. We want you back Lily.." unti unti akong lumingon sa kanya at gamit ang pagod kong mga mata ay napatitig ako sa kanya.
"Are they hunting him? Ano na ang nangyayari?" tanong ko sa kanya. Marahan lamang itong tumango sa akin. Fvck!
"There's a way, we have Claret. She can help you and your mate Lily" saglit akong natigilan sa sinabi ni Harper. Muntik ko nang makalimutan ang dyosa mula sa salamin.
"Until now, hindi pa rin maganda ang samahan nila ni Zen. Pilit pa rin siyang iniiwasan nito dahil sa pangyayaring naganap sa Halla Eberron, we need to help her for us to gain her trust. Maaaring siya ang sagot sa malaki mong problema Lily. Walang kahit sinong bampirang makakatulong sa'yo kundi siya. Gusto kitang tulungan pero wala akong kakayahan Lily pero maaari kitang suportahan para humingi ng tulong kay Claret, I am nothing against you and that wolf. Masaya akong nakita mo na ang lalaking magmamahal sa'yo habang buhay.." wala na akong luhang ilalabas pa. Sa halip ay tipid na lang akong ngumiti kay Harper.
"Magpatawag ka ng mga tagasunod, ipag utos mong ihanda ang aking mga kasuotan.." mabilis na tumango sa akin si Harper.
Kung si Claret nga ang sagot sa problema namin ni Adam, kailangan ko rin siyang tulungan sa sarili nitong problema. Give and take is always everywhere. Ang isang prinsesang katulad ko ay hindi gugustuhing magkaroon ng utang na loob.
Nang sandaling makalabas na ako ng kwarto ay agad nangunot ang noo ko. Lumiit ang bilang ng aming mga tagasunod. Mukhang nabasa naman ni Harper ang nasa isip ko kaya mabilis siyang nagpaliwanag sa akin.
"Ipinag utos ni kamahalan na bawasan ang ating mga tagasunod. Natira na lamang ang mga tagasunod na matagal nang tapat sa ating pamilya. It's because of your mark Lily, mararamdaman ng kahit sinong bampira na minarkahan ka na ng isang lobo. Hindi namin gugustuhin na tuluyan itong lumabas sa palasyo.." tahimik lang akong tumango sa sinabi ni Harper.
Isa pa sa malaking ipinagpasalamat namin magkakapatid ay ang hindi pagsugod ng mga taga Halla Eberron sa aming kaharian. Gusto ko man sabihin sa kanila na may isang bampirang na nakakaalam na itinakda ako sa lobo pinili ko na lamang sarilinin ito. My brothers might kill Clifford, na siyang magiging panibagong sanhi ng digmaan. Bakit ganito? Bakit nauuwi ang lahat sa isang madugong digmaan?
Pumasok na kami sa kwarto ni Harper, agad nangunot ang noo ko nang makitang may matandang masahista sa kwarto niya.
"What's with this Harper?" nagtatakang tanong ko.
"Claret will switch her place, siya ang magmamasahe kay Zen. Zen will notice right away and voila! We did help her. Masyadong marupok si Zen, bibigay din ang kapatid natin.." napatango ako sa sinabi ni Harper.
"She's near.." nagmadaling lumabas si Harper sa kanyang kwarto at hindi rin nagtagal ay kasama na nito si Claret na mukhang nalilito na. Agad kong dinampot ang kwintas na nasa lamesa ni Harper.
"Why?" nagtatakang tanong niya.
"Ikaw na muna ang masahista" nakatitig lang ako kay Claret. Matutulungan niya kaya ako? How? She's so fragile, weak and damn ex human.
"Anong gagawin ko?"
"Kailangan ni Zen ng masahe, kailangan mo nang kumilos" hindi na siya nakaangal nang simulan siyang hubaran ni Harper, tumulong na rin ako.
"Ayaw sa akin ni Zen.." nag aalinlangang sabi niya. Zen is obsessed with her, lumapat lang ang kamay nito sa kapatid ko mawawala na ang galit nito.
"Hindi ka ba nakakaramdam Claret? Gusto ni Zen na ikaw ang lumapit! Gumawa ka ng paraan! Can't you seduce him? Umiinit na ang ulo ko sa inyong dalawa" iritadong sabi ko.
"Wag mong masyadong akitin, baka hindi lang umabot sa pagbabati ang mangyari. Remember Claret, kailangang birhen ka hanggang sa dumating ang natitirang tatlong babae. Tandaan mo ito dahil matagal na itong nakalimutan ni Zen" isinuot ko ang pengkeng kwintas sa kanya.
"Bakit kailangan ko itong isuot?"
"Isuot mo muna 'yan para hindi maramdaman ni Zen ang presensiya mo. Hayaan mong akalain ka munang masahista, hindi din kasi pinapakita ang mukha ng mga masahista ng mga prinsipe. Kapag medyo namasahe mo na siya saka mo na gawin ang dapat mong gawin" gusto kong ngumisi sa pagsisinungaling ni Harper.
Tulad nga nang naging plano namin ni Harper, naging maayos na si Claret at Zen dahil dito magiging maayos na rin ang pakikipag usap namin sa kanya. We can't ask help from her if she still has her own problem to deal with. Kaya mahalagang matulungan ko muna siya.
Pero nakalipas muli ang ilang linggo, hindi ko magawang sabihin kay Claret ang kailangan ko. Ilang beses kong sinubukan pero may kung anong laging pumipigil sa akin. Damn.
Alam kong paparating na si Adam sa Sartorias, nangako siya sa akin.
Abala ang buong palasyo sa paghahanda sa taunang pagdiriwang ng Parsua Sartorias kung saan binubuksan ang palasyo para sa lahat ng mamamayang nasasakupan ng buong kaharian. Dito namin pormal na ipakikilala si Claret hindi lamang sa buong imperyo ng Sartorias kundi sa buong Parsua.
Kasalukuyang sinusukatan ng isang bampirang mananahi si Claret para kasuotang isusuot niya sa pagdiriwang. Pinapanuod lang namin siya ni Harper habang nasa sulok naman si Evan at Finn na nagchechess, nanunuod sa kanila si Caleb na kanina pang humihikab.
Kailan ko pa sasabihin kay Claret na gusto kong humingi ng tulong sa kanya? Fvck! Gulong gulo na ako.
Nasa kabilang dulo naman si Zen at Casper na siyang sinusukatan na din ng isa pang mananahi. Si Dastan naman ay nasa aklatan nito at nakikipag usap sa ilang heneral mula sa Deltora at Trafadore.
"Spelling tayo..spelling.." basag ni Caleb sa katahimikan.
"Ano na naman 'yan Caleb?" tamad na sabi ko.
"Spell 'obsessed'" nakita kong sabay ngumisi si Finn at Evan na tahimik lamang kaninang nagchechess.
"Z- E- N" ngising sagot ni Finn.
"Obsessed" mabilis na sabi ni Evan. Hindi ko na maiwasang mapairap, hindi lang ako maging si Harper ay napapalakpak na rin sa kalokohan ng aming mga kapatid.
"Hindi ko akalaing magagaling pala sa spelling ang mga Prinsipe ng Sartorias, pinahahanga nyo ako mga kapatid" sarkastikong sabi ko.
"Naririnig kayo ni Zen, marami pang inaayos sa ating palasyo, huwag nyo nang dagdagan pa" saway ni Harper.
"Uhuh? Alam kong hindi na niya tayo naririnig Harper" umismid lang si Harper sa sinabi ni Caleb.
"Just don't hold the sound Harper, hayaan mong marinig ni Zen ang sinasabi ng tatlong 'yan. Tingnan ko lang kung hindi sila magyelo, mga takot naman kayo kay Zen" ismid na sabi ko.
"Hindi ako takot sa gagong 'yan" mabilis na sagot ni Caleb.
"Me too" sabi din ni Finn.
"Hindi ko lang siya pinapatulan" sabi naman ni Evan.
"Uhuh? Maniniwala na ba kami sa inyo? Anong masasabi mo Claret?" tanong ni Harper kay Claret, ngumisi lang ito sa amin. Nagpaalam na ang manunukat nang matapos na siya kay Claret, naupo na rin siya sa sofa na inuupuan namin ni Harper.
"Sinasabi ko lang ang nakikita ko. Look at him, hindi man lang napapansin ni Zen na nakatingin tayong lahat sa kanya habang nakatitig siya kay Claret. He's too obsessed Lily, parang mamamatay lagi ang prinsipe ng nyebe kapag nalingat lang sa kanyang mga mata si Claret. Is that really the mate thing? Imposibleng mangyari 'yan sa akin.." uminit ang ulo ko sa sinabi ni Caleb.
"Me as well, hindi ako mababaliw sa babae. May pangil man o wala" siguradong sabi ni Finn.
"Falling in love is not part of my plan" sabi din ni Evan na hawak ang isang chess piece na ititira niya.
"Harper, Claret. Tumayo muna kayo.." malamig na sabi ko. Kahit nagtataka si Clare at Harper ay sumunod ang mga ito sa akin. Malakas kong binuhat ang malaking sofa at walang habas ko itong ibinato sa mga kapatid kong walang alam sa mga sinasabi nila.
"What the fuck Lily! Ang init ng ulo mo!" malakas na sigaw ni Caleb.
"What the hell? Akala ko ba ayaw mo nang may masira?" angil din na tanong ni Evan.
I know Finn's using his illusion right now, dahil walang napapansin si Zen, Casper at ang kalalabas na si kamahalan.
"Wala kayong alam mga kapatid. Hindi nyo pa sila nakikilala, hindi pa nagkukrus ang mga landas niyo. Sabihin nyo 'yan sa akin kapag nakilala nyo ang mga babaeng aangkin sa mga pangil nyo, sabihin nyo 'yan sa akin kapag kapwa na nagningas ang mga mata niyo nang dahil sa babae. Huwag nyong kwestiyonin si Zen dahil mas higit pa siya sa inyo bago niya nakilala si Claret.." natahimik silang tatlo sa sinabi ko.
Umirap pa ako sa kanila bago ako tumalikod pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay narinig ko ang boses ni Finn.
"Para kay Zen ba ang mga sinabi mo Lily? O para sa inyo ng lobong ipinatutugis na ni Dastan ngayon?" huminga ako nang malalim at matapang kong hinarap ang mga kapatid ko kailanman ay hindi ako kayang intindihin.
"Both brother, hindi ko kayang marinig na pinagkakatuwaan nyo ang nararamdaman ni Zen dahil nararamdaman ko din ang bagay na 'yon. Nararamdamang kailangan kong pigilan para sa posisyon at responsibilidad na kinamulatan ko. Kayong tatlo, tandaan nyo ang mga sinabi nyo nang mga oras na ito dahil sinisigurado kong kakainin nyong lahat ang mga sinabi nyo. Isinusumpa kong hinding hindi ko kaya tutulungan kapag nauhaw at nagutom ang mga pangil niyo sa mga babaeng nakatakda sa inyo. At ako ang kauna unahang tatawa sa inyo kapag nagsimula na kayong mabaliw sa babae may pangil man o wala" halos mapatalon ang tatlong nang bahagya kong pagalawin ang sofa gamit ang usok ko.
Muli ko silang inirapan hanggang sa tuluyan ko na silang iwan lahat.
Marami pa ang nangyari sa nakalipas na ilang linggo, nagpaalam si Claret sa aming mga Gazellian na mananatili muna ito sa Deltora kasama ang kanyang lolo habang wala si Zen sa palasyo.
Nakatakdang dumalo si Kamahalan at Zen sa isang pagpupulong pero sa hindi inaasahan ay mas napaaga ang pag uwi ni kamahalan sa hindi maintindihang dahilan.
"Prinsesa Esmeralda, pinatatawag po kayo ni kamahalan.." inabot na muli sa akin ng tagasunod ang isang baso na may kulay berdeng likido. Ito ang likidong ginawa sa akin ni Claret na pansamantalang nagtatago ng presensiya ng marka ni Adam sa akin. Kung ganoon ay may mga panauhin na naman kami.
Unang paglabas ko pa lamang sa aking kwarto ay pansin ko na ang hindi magandang aura ng mga kapatid ko. Finn, Caleb and Evan can't look at my eyes.
"What's the matter?" nagtatakang tanong ko. Hindi nila ako magawang sagutin sa halip ay kanya kanya sila ng pag iwas ng mga mata sa akin.
Nang makarating na kami sa isang maliit na bulwagan kung saan dito namin pinaghihintay ang aming mga bisita ay halos matulala na lang ako sa dalawang lalaking marahang nakayuko kay Dastan na kasalukuyang nakaupo sa kanyang trono.
Nasa dalawang magkabilang parte ng bulwagan ang matataas na opisyal ng mga bampira mula sa Halla Eberron at Lodoss Pegana.
Nanlalamig ang buong katawan ko habang dahan dahang lumingon sa akin ang dalawang makapangyarihang prinsipe mula sa magkaibang imperyo, kasabay nang kapwa nila pagngiti sa akin ay ang walang tigil na paghataw ng malakas na pagtibok ng aking puso.
Orion and Clifford..
Why are they here Dastan? Nagtatanong ang mga mata ko sa aking kapatid. Sa halip na may marinig akong paliwanag mula kay Dastan ay narinig ko na lamang ang pagsasalita ni Orion.
"Forgive me for interrupting your rest, Prince Esmeralda. Allow me to ask you properly. Sa harap ng konseho ng Parsua Sartorias, mga Gazellian at sa mga opisyal ng aming kaharian, maging sa mga taga Parsua Eberron..." halos hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa kaba ng dibdib ko habang pinagmamasdan si Orion. Hindi ko gusto ang patutunguhan nito.
"I am Prince Orion Atticus from Lodoss Pegana, will you marry me Princess Esmeralda Gazellian?" tipid na nakangiti sa akin si Orion habang ako ay tulalang tulala na sa nangyayari.
Pero hindi pa man ako nakakabawi ay narinig ko naman ang determinadong boses ni Clifford.
"I know, you need me. Your empire needs the power of my empire Prince Lily. Marry me, I'll protect you no matter what. Hindi ko na muling hahayaang maulit ang nakaraan, hinding hindi na kita bibitawan sa pagkakataong ito.." diretsong sabi ni Clifford na lalong nagpagulo sa isipan ko.
Ilang beses akong umiiling sa kanilang lahat habang humahakbang paatras. What the hell is happening?
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro