Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32


Chapter 32


Forbidden love is always the strongest


Pilit ko itong pinapaulit ulit sa utak ko, pilit kong pinaniniwalaan ang mga katagang ito na hinding hindi ko makakalimutan mula sa aklat na nagmula pa sa mundo ng mga tao.

Gusto ko itong paniwalaan, gusto ko itong yakapin at patuloy na panindigan. Pero papaano? Papaanong ang bawal na pagmamahalan ang siyang pinakamalakas? Kung sa umpisa pa lamang ng pakikipaglaban ko dito ay sinasalungat at pilit na akong hinahadlangan ng sarili kong pamilya?

Agad kong kinalas ang pagkakayakap sa akin ni Dastan at tulala na lang akong napatitig sa kanya.


"Dastan.." papaano niya nasasabi ito sa akin?


"I can't, I can't.." ilang beses akong umiling sa kanya.


"That is the only way to get rid of him, just reject him.." pagsabat ni Zen.


"Anong klase itong pinapagawa nyo sa akin?! Naririnig nyo ba ang mga sarili niyo? How can I reject my own mate?!" malakas na sigaw ko sa kanilang lahat.


"Then what do you want Lily? We will definitely kill him. Hindi na namin siya hahayaang mabuhay pa.." agad nag init ang mga mata ko at alam ko sa sarili kong nagkulay pula ito.


"Don't you dare Caleb! Hinding hindi ko kayo mapapatawad kapag pinatay nyo siya! At sa sandaling kitilin nyo ang buhay niya dadalhin ko ang galit ko hanggang kamatayan!" pakinig ko ang sabay sabay na pagmumura ng mga kapatid ko sa sinabi ko.


"I thought you're smart Lily, I always admire you for your every decision. But please, listen to us. We are not doing this because we want to torture you, hindi mo ba naiintindihan ang mga ipinaliwanag sa'yo ni kamahalan? It is not just about our family Lily, it's all about the whole empire of Parsua Sartorias. Maraming madadamay na inosenteng bampira na siyang nasasakupan natin.." mahinahong paliwanag sa akin ni Evan.

Muli na naman tumulo ang mga luha ko.


"How? How can I reject him? Werewolves can die because of mate's rejection. Are you telling me to kill my own mate?" napasubsob na lang ako sa aking palad habang patuloy na lumuluha.


"Or he'll turn into a rouge, alone and packless. Maaari din siyang mawala sa katinuan. Do you think I can be this cruel to my own mate? Sa tingin nyo kakayanin kong saktan ang lalaking itinakda sa akin? I will ruin his life if I did reject him..." naiintindihan ko ang gusto ng mga kapatid ko. Yes, they wanted me alive, they are just protecting me. But can't they put their feet on my shoes? Hindi biro ang sitwasyon ko.


"He won't turn into rouge Lily. He's an alpha. Alphas are better than normal werewolves, they can take mate's rejection without any damages yet it is still painful.." gusto kong sampalin si Evan sa mga sinabi niya. So my brother did some research for me to dumped my mate easily.

Nanatiling nakaupo sa kama ko si Dastan habang pinagmamasdan niya lamang ko. Sinubukan niya akong hawakang muli pero hindi ko na siya pinagbigyan pa.


"I can't, I can't. Hindi ko kaya ang mga sinasabi nyo.."


"Lily!" halos sigawan na nila akong lahat.


"Just let me run away, tatakbo na lamang ako mula sa imperyong ito. Just let me live with him. I want to be happy with him, hindi ko siya kayang saktan. I'll die if I hurt him. Part of me is him, papaano ko sasaktan ang kalahati ng buhay ko?" nagmamakaawang sabi ko sa kanila.

This is the only way, kapwa namin iiwan ni Adam ang dalawang lahing pilit kaming pinaghihiwalay.


"Run away?!" lalong lumakas ang boses ng mga kapatid ko sa sinabi ko.


"Are you fvcking out of your mind Lily?!" matigas na mura ni Zen. Nakita ko na lamang na malakas niyang sinipa ang pader ng aking kwarto.

Kapwa na nawala sa mahinahong pagkakatayo ang lahat ng kapatid kong prinsepe. Si Finn na walang tigil sa pabalik balik sa paglalakad habang sinasabunutan na ang kanyang sarili, si Evan na ilang beses humihinga nang malalim para patigilin ang lalong tumitinding kulog at kidlat sa labas ng palasyo. Si Caleb na nakaupo na at nakasubsob na sa isang lamesa.

Nanatiling nakatayo sa gilid ng kama si Casper na tulala na at si Harper na wala na rin tigil sa pag iyak. Habang si Dastan na hindi pa rin umaalis sa aking kama.


"This is the only way.." mahinang sabi ko sa kanya.


"Fvck!" sabay sabay na mura nilang lahat. Maliban kay kamahalan, Casper at Harper.


"Do you think, we'll allow you to do that Lily?" sa pagkakataong ito ay bumalik na sa pagiging mahinahon si Dastan.


"Then, what? Pilit nyo pa rin sasabihin sa akin na iwan ko ang lalaking itinakda sa akin? That I should reject him? Bakit hindi nyo pa ako diretsuhin? You wanted me to kill my own mate! Why are you so cruel?!" gusto ko silang saktan lahat! Bakit wala kahit isa sa kanila ang nakakaintindi sa sitwasyon ko? bakit? Dahil ako lang ba ang nakaranas nang makatagpo ng itinakda para sa akin? How about Zen? Why can't he understand my situation?!

Nakita kong magsasalita na sana sa akin si Zen pero binawi niya ito at sa halip ay sumuntok na lang siya sa pader.


"If I run away, walang madadamay. Hindi kayo madadamay, tanging ako lamang ang babalikan ng buong lahi natin. Hindi maaapektuhan ang Sartorias, walang digmaang magaganap, walang inosenteng bampirang magugulo. Just let me run away and carry all this problem alone. Ayokong nadadamay din kayo sa problema kong ito.." lahat sila ay napatitig sa akin na parang may sinabi akong bagay na hinding hindi nila matataggap.


"Sinasabi mo ba sa amin na pabayaan ka na lang namin Lily?" kunot noong tanong ni Caleb sa akin. Hindi na niya pinansin ang lamesang bigla na lamang nasira sa lakas ng pwersa niya.


"Fvck! What again? Let you run and what? Die? Hindi kayo tatagal ng isa o dalawang araw Lily. Both of you will just die out of foolishness! Do you think we can allow that thing happened to you?! Do you think we can just sit here and watch you running away with the thought that the next day we'll see your lifeless body?" galit na rin si Evan.

Nanatili lamang nakatitig sa akin si kamahalan na parang inaanalisa niya ang magiging reaksyon ko sa mga sinasabi ng mga kapatid ko.


"Bakit hirap na hirap ka na intindihin Lily? There is no chance for you and that werewolf! Hindi mo ba natatandaan ang nasaksihan natin sa Halla Eberron? The female wolf and the vampire? They killed them without any kind of hesitation!" minsan ko lamang makitang magkaroon ng ganitong emosyon ang mga kapatid ko. At hindi ko akalaing sabay sabay ko itong masasaksihan ngayon. Wala nang tigil sa pagkirot ang dibdib ko.


"Listen Lily. We don't fvcking care if we'll be involved in your problem. Hindi ito ang dahilan kung bakit pilit ka naming hinihiwalay sa lobo. Wala kaming pakialam kung magkapatayan na. Lagi ka naming papanigan kahit anong mangyari. We are Gazellians, we fight together and we die together. Pero ibang usapan na kung buong imperyo Lily ang madadamay, hindi lang tayong magkakapatid ang bampira sa Sartorias.." mahabang paliwanag ni Caleb.


"That's why I am not involving this empire anymore. Palabasin nyo na wala kayong alam. That I did run without your knowledge.." determinadong sagot ko.


"Are you fvckingly insane Lily? Papalabasin namin na hindi lang ang lahi natin ang pinagtrayduran mo kundi pati na rin kaming mga kapatid mo? Sinasabi mo ba sa amin na mas pabigatin pa namin ang kasalanan mo? Parang sinasabi mo na rin sa amin na hayaan ka na lang mamamatay!" halos makita ko na ang ugat sa leeg ni Zen.


"Oh fvck, sumasakit na ang ulo ko.." iritadong sabi ni Caleb.


"Anong dapat natin gawin kamahalan? She's not cooperating with us! We can't just let her do what she wanted. Papatayin niya ang sarili niya.." desperadong sabi ni Finn.

Magsasalita na sana si kamahalan nang may humahangos na kawal na bigla na lamang pumasok sa aking silid. Sisinghalan na dapat siya ng mga kapatid ko nang mabilis itong yumuko.


"Kamahalan, nakahanda na ang una at dalawang pangkat ng ating mga kawal. Nakaposisyon na sila sa hangganan ng ating imperyo.." nangunot ang noo ko sa mga narinig ko. Anong nangyayari?


"What's..what's going on?" nalilitong tanong ko. Bakit kailangang maglabas ng mga kawal?

Mabilis nang lumabas ang kawal pagkatapos nitong madala ng balita.


"Wala kaming panghahawakan kung may nakakita o nakapansin sa marka mo Lily. Matindi ang galit ng mga taga Halla Eberron sa mga lobo at malaki ang posibilidad na magtungo sila dito at ibato sa'yo ang lahat ng sisi. Traydor sa lahi at isang ispiya. Sa tingin mo ba ay hahayaan ka namin kapag nangyari ito? We'll fight kahit wala kaming kasiguraduhan. Nakahanda na ang mga kawal kung sakaling may biglaang paglusob.." paliwanag ni Evan.

Para na namang ilog sa pag agos ang aking mga luha habang pinagmamasdan ang mga kapatid ko. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan naming lahat. Sa lahat ng posibilidad na maaaring mangyari, sa lahat ng mga desisyon ko na may napakalaking epekto hindi lamang sa pagitan ng pagmamahalan namin ni Adam kundi pati na rin sa mga nilalang na nakapalibot sa amin dalawa.

I love Adam, I love him so much. But if loving him will kill endless of innocent lives, how can I continue loving him?

Hindi ako bibitawan ng mga kapatid ko, handa nilang isangla ang buong Sartorias para lamang protektahan ako sa kabila nang mahinang estado ng aming imperyo. Hindi ko na alam ang dapat kung isipin at gawin sa mga oras na ito.

Adam, nahihirapan na akong magdesisyon.


Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakasubsob sa mga tuhod ko habang humahahulhol sa pag iyak.


"You know how I hate myself crying, you know how I hate myself being this weak. Pero litong lito na ako, nagmahal lang ako. Nagmahal lang ako, you can all leave. Iwan nyo muna akong mag isa, iwan nyo muna ako. I will comfort myself alone.." kagat labing sabi ko habang hindi nag aangat ng paningin sa kanilang lahat.


"We never wanted you to feel alone Lily.." pakinig kong sabi ni kamahalan. Nagtindigan ang mga balahibo ko nang marahang haplusin ni Dastan ang ulo ko na para akong isang batang kanyang pinatatahan.

Ramdam ko rin ang sunod sunod na paggalaw ng aking kama. Hanggang sa may maramdaman ko na marahang pinatong ni Evan at Caleb ang kanilang noo sa aking mga balikat.


"We're not mad at you Lily.." bulong ni Evan.


"Hindi ka rin namin gustong pagtaasan ng boses.." bulong ni Caleb. Lalo lang akong napahikbi sa mga sinasabi nila.


"We hated it when you cry a lot.." pakinig kong sabi ni Finn.


"I want my bitch sister back, tearless and always gorgeous.." sabi naman ni Zen.


"Lily.." sabay na tawag sa akin ni Casper at Harper.

Nang dahan dahan kong iangat ang paningin ko ay kapwa na sila nakaupo sa aking kama habang pinalilibutan ako. Pinagmamasdan nila akong lahat.


"You need to rest Lily..." nang nagsimulang magkulay pula ang mga mata ni Dastan unti unti na lamang akong nakaramdaman nang pagkahina sa aking katawan hanggang sa ipikit ko na ang aking mga mata.


Tanging mga halik sa aking noo at ilang mahinang pagbulong ang huli kong naramdaman hanggang sa tuluyan na akong tangayin sa aking malalim na pagkakatulog.


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro