Chapter 26
Chapter 26
Alam ko kung saan ang dapat kong destinasyon, hindi man eksakto pero nasisiguro kong dito sa lugar na ito ko matatagpuan ang pangahas na babaeng walang nalalaman sa mundong ito.
Kung wala siyang pundasyon sa mundong ito, hindi ba at sapat lamang na paniwalaan ang lalaking itinakda sa'yo higit kanino man? Anong klaseng paniniwala ang mayroon ang mga tao?
Mates can't betray one another, papaano siya pagsisinungalingan ng kapatid ko?
Iniluwa ako ng aking kapangyarihan sa hindi pamilyar na kagubatan, ang Halla Eberron ang may pinakamaraming kagubatan sa mundong ito kaya hindi na ako nagtataka kung hindi ko makabisado ang mga lugar dito. Isa pa, wala akong hilig manatili sa mga kagubatan.
Nararamdaman ko ang presensiya ni Claret sa hindi kalayuan, mabilis akong tumakbo at sinundan ko ito. Habang pabilis na nang pabilis ang pagtakbo ko ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Malaki ang posibilidad na may hindi ako magandang magawa sa inutil na taong katulad niya. Baka mapatay ko siya sa matinding galit na nararamdaman ko. Papaano nakakapagsalita ang mga tao ng walang basehan?
Nakarating ako sa pusod ng kagubatan at agad naglabasan ang mga pangil ko nang may mga lalaking may malalaking katawan na humarang sa akin. Werewolves.
Walang kahit anong nilalang ang makakapagpapigil sa akin, galitin mo na ang lahat huwag lamang ang isang babaeng Gazellian.
Ilalabas ko na sana ang aking nakamamatay na usok nang biglang magpakita si Claret sa aking harapan na may kasamang ibang lalaki. Lalong nag init ang mga mata ko sa kanya. How could her?! Muling bumalik ang mga imahe nang mga nangyari kanina. Kung papaano siya sumakay sa likuran ng lobo at iwan ang kapatid kong tulala.
I want to rip her throat! I want to kill her right now. Anong karapatan niyang gawin 'yon? Ang karapatan ng babaeng ito?!
"How dare you! Ang lakas ng loob mo! Tandaan mo tao ka lang! Tao ka lang!" malakas na sigaw ko. Mabilis humarang sa kanya ang kilalang lobo sa buong Parsua, the future Alpha king.
"Bampira, umalis ka na sa lugar na ito. Nasa teritoryo kita" malamig na sabi niya sa akin. Ramdam ko na nagsisimula nang pumalibot sa akin ang mga lobong matalim na mga nakatitig sa akin.
Hindi ako natatakot. Sa halip ay muli kong sinalubong ang mga mata ng babaeng walang ibang ginawa kundi pahirapan ang kapatid ko.
"Ano? Ngayon dito ka naman titigil? Sa mga lobong ito? At pagkatapos ka ulit sabihan nang kaunting kasinungalingan, tatakbo ka papalayo sa kanila? At aakusahan ng kung ano ano? Ang tanga mo Claret! Ang tanga tanga mo! Mahal na mahal ka ng kapatid ko! Pero kaunting kasinungalingan lang binalewa mo siya! Fvck! Gustong gusto na kitang saktan!" hindi ko mapigilan ang sarili ko, ilang beses akong humakbang papalapit sa kanya. My hands are aching for her neck. Gusto ko siyang sakalin sa mga oras na ito.
Agad naalarma ang mga lobo at humarang ito sa kanyang harapan. Papaanong nakuha niya ang simpatya ng mga lobong ito? Kailan pa may tinulungang bampira ang mga lobo?
What kind sorcery have you done to them Claret?
"Mahal?! Lily naman, gagamitin niyo ako para buhayin ang totoong mahal niya! Huwag nyo na akong gamitin!" lalong kumulo ang dugo ko sa narinig ko mula sa kanya.
Anong katangahan ang naririnig kong ito? Hindi niya ba kayang paniwalaan ang lalaking nakatakda sa kanya? Sa tingin niya ba ay gagamitin lamang siya ni Zen?!
"Gamitin?! Saan mo nakuha ang mga sinasabi mo? sa kakapirasong nakaraan na nakita mo? Nasaksihan mo ba ang lahat para husgahan mo si Zen at ang pamilya namin?! Nasaksihan mo ba lahat para sabihan mo nang masasakit na salita ang kapatid ko?! Fuck! Mahal na mahal ka ng gago kong kapatid. Hindi ikaw ang nakasaksi kung paano namin pikit matang ikinadena si Zen nang mga taong halos mabaliw siya pagkauhaw sa'yo! Hindi ikaw ang saksi kung papaano niya araw araw idaing sa amin ang pangalan mo habang hinihintay niya ang ikalabing walong taong gulang mo! Hindi ikaw ang saksi kung paano siya naghirap sa kahihintay sa'yo! He's too inlove with you na hinahayaan niya lahat nang gustuhin mo sa mundong ito. Pero ikaw? Hindi mo man lang hinayaang magpaliwanag ang kapatid ko!" halos hingalin ako sa mahabang sinabi ko. Can't she understand?! Nalinlang lamang siya!
"Lily.." mahinang tawag niya sa akin.
"Oh shut the fvck up! Listen! Alam mo kung bakit nakipagmabutihan si Zen kay Elizabeth?! Hindi dahil dyan sa katangahan mong inaakala! Nakipagmabutihan si Zen kay Elizabeth nang dahil sa'yo! Lumapit lang si Zen kay Elizabeth nang dahil sa'yo!" inutil ka! Inutil kayong mga tao!
"I'm not here as your bullshit antagonist Claret. I'm here as a sister, I'm here as a family. Naaawa ako sa kapatid ko, ilang taon ka niyang hinintay. Ilang taon siyang naghirap para lang makita ka, pero ito ang igaganti mo. Bakit ikaw pa ang nakatakda sa kapatid ko?! Napakakitid ng utak mo Claret. Hindi mo ba alam na hindi birong magmahal ang mga bampira, lalo na kung isang Gazellian? Gustong gusto na kitang patayin, kung pwede ko lang gawin ay nagawa ko na Claret, pero alam mo kung ano ang ikinatatakot ko? Hindi magdadalawang isip si Zen sundan ka sa kabilang buhay. Ganyan kabaliw ang kapatid ko sa'yo pero anong ginawa mo? You ruined him! At ipinagpalit mo pa siya ng harapan sa isang lobo?!" ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero naiintindihan niya kaya? Makikitid ang utak ng mga tao!
"Hindi ako nandito para ibalik ka sa kapatid ko. Nandito ako para ipamukha sa'yo na napakatanga mo! Gusto kong ipamukha sa'yo na makitid ang utak ng mga tao! Napakahina nang paraan nang pagmamahal ng mga tao kaya hindi na ako nagtataka kung bakit hindi tumatagal ang relasyon ng mga tao" nanatili na siyang tahimik at hindi na makatingin sa akin.
"You're so cru—" hindi ako nakatapos nang magsalita muli ang kilalang lobo. He's the future alpha king.
"Enough! Bibigyan kita ng isang minuto para umalis sa harapan ko" I am a Gazellian, walang kahit sinong pwedeng mag utos sa akin.
"Nililinis ko lang ang pangalan ng kapatid ko. Ayokong babalik ka sa mundo mo. Claret na sira ang imahe ng kapatid ko. Tinanggap ka namin sa pamilya namin dahil alam naming lahat na mapapabuti si Zen sa pagdating mo pero mukhang nagkamali kami.." anong dapat asahan sa isang taong katulad niya?
"Anong ibig sabihin mo na nakipagmabutihan si Zen kay Elizabeth nang dahil sa akin? Hindi pa ako nakikilala ni Zen nang mga panahong buhay pa si Elizabeth" inutil!
"Sinong nagsabi sa'yo? Ang isa pang tangang itinakdang babae na may kung ano anong ibinabato sa buong Parsua? Sige magkampihan kayong mga tao, mga taong walang alam sa mundong ito!" malakas na sigaw ko. Ramdam ko ang pagtindi nang pamumula ng aking mga mata.
"I said enough!" matigas na sabi ni Lucas. Magsasalita pa sana ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses.
"I got this Lucas.." nagulat na lang ako nang may malaking lobo dumamba sa akin dahilan para muli akong tumilapon sa kakahuyan kasama siya. Pilit akong nanlaban sa kanya hanggang sa bumagsak ang katawan ko sa lupa.
Hindi ako makagalaw nang maayos dahil pinipigilan ng mga malalakas na binti niya ang mga balikat ko dahilan para hindi ko rin maigalaw ang mga kamay ko.
"Fvck! Papatayin ko ang babaeng 'yon! Napakakitid ng utak niya! She can't just talk like that to my brother. Wala siyang karapatang sabihan ng masasasakit na salita ang kapatid ko! Wala siya nang mga panahong naghihirap si Zen sa kahihintay sa kanya, hindi niya napanuod kung papaano magmakaawa sa amin si Zen para makita siya! Pero ito ang igaganti niya? Bitawan mo akong lobo! Bitawan mo!" unti unti ko nang ilalabas ang usok sa mga kamay ko nang matigilan ko sa naramdaman ko.
Dahan dahan akong napatitig sa lobong pilit akong pinipigilan. He even licked my face and neck.
"A..dam?" nangangatal na sabi ko. Unti unti na siyang nag anyong tao sa mismong harapan ko. Naramdaman ko na lamang ang tumakas na luha sa aking mga mata.
"Galit na galit ka mahal na prinsesa, hindi mo na ako napansin.." ngising sabi niya sa akin habang hinahaplos niya ang aking pisngi.
"Adam!" kusa ko na lamang umangat ang mga kamay ko at mabilis ko siyang kinabig para yakapin ng mahigpit.
"Adam, akala ko hindi na tayo magkikita.." narinig ko siyang tumawa sa sinabi ko.
"I miss you sweetheart.." malambing na bulong niya sa akin.
"Adam.." halos hindi ako makapaniwalang yakap ko na siyang muli ngayon. Ilang beses kong hinawakan ang mukha niya, hinaplos ang buhok niya at natagpuan ko na lamang ang sarili kong kagat labing nakatitig sa mga labi niya.
"I miss you too Adam.." agad lumabas ang mga pangil ko at dahan dahan ko nang iniangat ang sarili ko para kagatin ang leeg niya. Halos mapamura na lang ako nang umiwas siya sa akin.
"No, biting yet my princess. Mind telling me what's happening first? Parang nakalimutan mo na yata ang totoong pakay mo sa lugar na ito. Kakagatin mo na agad ako.." ngising sabi niya. Napapikit na lang ako nang halikan niya ang tungki ng ilong ko.
"You're naked Adam.." dito na siya napalakas ng pagtawa. Mabilis niya akong ninakawan ng halik sa aking mga labi. Tutugon na sana ako nang kusa siyang humiwalay sa akin.
Damn. This werewolf is playing with me!
"Nakalimot na nga ang mahal na prinsesa.." naiiling na sabi niya habang nakatitig sa akin.
Hindi ko mapigilang itaas ang isa kong kilay. Mas magaling makipaglaro ang mga babaeng Gazellian lobo.
"Siguro?" sagot ko sa kanya.
"Can you look down sweetheart?" ngising tanong niya sa akin. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya. Huwag mo akong sinusubukan Adam.
"I don't need to, I prefer touching it.." nanlaki ang mga mata niya nang bumaba ang kamay ko sa ipinagmamalaki niya sa akin at kaswal ko itong hinawakan.
"It's big.." ngising sabi ko habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Hindi na magkasya sa kamay ko.
"What the fvck?" agad siyang humiwalay sa akin at nakita ko na lamang siyang may hinagip na malaking dahon para takpan ito.
Agad na akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa lupa at hinawi ko ang mahaba kong buhok.
"You're really amazing Lily.." naiiling na sabi niya sa akin.
"Don't expect me to be that demure, prim and proper princess, Adam. I am wild and yes, beautiful ofcourse.." kitang kita ko ang mabagal na paggalaw ng adam's apple niya habang naglalakbay ang mga mata niya sa buong katawan ko.
Papaano pa kapag naghubad ako sa harapan niya?
"Yes, my wild Esmeralda. Can't wait to mark you down sweetheart.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro