Chapter 25
Chapter 25
Ilang araw na ang nakalipas simula nang sapilitan naming itulak ni Caleb ang itinakdang babae mula sa kabilang mundo. Hindi maaaring hahayaan na lang namin ang kagustuhan ni Olivia, masyado nang matagal ang panahong ibinigay namin sa kanila.
Claret belongs here, she belongs to my brother. She's the goddess we've been waiting for, the goddess from the prophecy. Just like what Dastan said, vampire world is her home.
Kasalukuyan akong nakatanaw sa labas ng aking kwarto habang banayad na pinagmamasdan ang banayad na pagpatak ng mga nyebe. Pinili kong ibaba ang librong hawak ko at sinimulan kong ilabas ang aking kamay para damhin ang lamig nito.
This snow belongs to my brother, his snow that reflects his every emotion. Sigurado akong hindi lang ako ang kaisa isang nilalang sa mundong ito ang natutuwang muling makita na ang marahan pagpatak ng mga nyebe. Hindi lang si Zen at kaming mga Gazellian ang nagsaya sa pagdating ni Claret kundi pati na rin ang buong imperyo ng Parsua Sartorias.
We can no longer experience endless snow storm, avalanche from different mountains, ruined plantation, castles and even deaths from numbers of animals. Zen's hunger for Claret can destroy a damn whole empire.
"Lily!" nakangising mukha ni Caleb ang bumungad sa akin. Nakasampa ang mga braso niya sa hamba ng bintana at may mga nyebe na siya sa kanyang buhok.
"Where have you been?" tanong ko sa kanya. Pansin ko ang bigat ng paghinga niya na parang kakagaling lamang sa isang mabilis na pagtakbo.
"I can't sleep.." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Pumunta ka na naman ba sa kabilang nayon Caleb? Sinong bampira ang tinatagpo mo? I can smell her scent from you.." nanlaki ang mata niya sa akin at agad siyang naupo mismo sa bintana at sinimulan niyang amuyin ang sarili niya.
"Wala akong tinatagpo Lily. You're weird.." kunot noong sabi niya sa akin.
"Don't fool me Caleb, vampire senses won't lie. Just be sure that she's a royalty or has a good status. You know our laws brother, you're a prince. You can't just bring a low profile vampire inside this palace.." paliwanag ko sa kanya.
"What if my mate is not a princess, Lily? What if she's just a nobody? What if she is just my mate? She has no castle, no fortune or even a high status.." what if he's a werewolf?
Gusto kong dugtungan ang mga sinabi ni Caleb pero sa halip ay pinakatitigan ko siya sa aking nakakunot na noo.
"Caleb, have you found your mate?" diretsong tanong ko sa kanya. Hindi siya basta magtatanong nang ganito kung wala itong magandang dahilan.
"No.." umiling siya sa akin.
"I am just having a strange dreams for a while Lily, I don't know what's happening to me.." lalo akong napatitig sa kanya.
"What kind of dreams Caleb?" tanong ko sa kanya.
"A girl.."
"She can be your mate Caleb, it's natural.." sagot ko sa kanya.
"If she's my mate, I should have remembered her face. Even her name Lily. Just like what Zen's dream to Claret. But everytime I wake up, I can't remember anything. All I can remember was her sweet moans, her nails on---" hindi ko na pinatapos si Caleb.
"Caleb, it was just a wet dream. Sa dami ng babae mo, hindi mo na matandaan kung sino ang pinagpapantasyahan mo. Seriously? Are you going to narrate your wet dreams on me? Lumabas ka na Caleb, hanapin mo si Evan at Finn sa kanila ka magkwento.." napamasahe na lang ako sa aking noo. Akala ko matino na siyang kausap.
"I am serious Lily, totoo ang sinasabi ko. Tatawanan ako ni Finn at Evan kapag sa kanila ko ito sinabi.." pinagtutulakan ko na siya palabas ng aking kwarto.
"Just tell it to Dastan or you can ask Finn. He might be the reason.." napaawang na lang ang mga labi niya sa sinabi ko. Malamang ay gumagawa na naman ng ilusyon itong si Finn at masyado nang nadadala si Caleb.
"I will kill that fvck.." iritadong sabi niya.
"Kailangan mong magpahinga Caleb, kung hindi ako nagkakamali ikaw at si Evan ang kasama ni Zen at Claret sa paglalakbay papuntang Deltora.." tumango lang sa akin si Caleb bago siya mabilis naglaho sa aking harapan.
Lumipas ang mga buwan ay wala pa rin kaming nababalitaan tungkol sa nangyaring paglalakbay ng mga kapatid ko sa Deltora. Kailangan nilang maiharap si Claret kay Leon nang sa ganoon ay maintindihan na niya ang lahat. Nahihirapan na kaming ipaliwanag sa kanya kung gaano siya kahalaga sa mundong ito.
"Lily!" natigil ako sa panunuod sa mga tagasunod na tensyonadong nagpupunas ng mga estatwa ng palasyo nang marinig ko ang boses ni Finn.
"Why? What's wrong?" tanong ko dito.
"There's a big problem.." napabuntong hininga na lamang ako. Kaya pala masama na ang pakiramdam ko simula kahapon.
Pumasok na kami sa silid kung saan nakaupo na si Dastan sa kanyang trono habang nakikinig sa aming tagapagbalita.
"Tinangkang patayin ng prinsipe ng mga nyebe ang hari ng Deltora at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming mahanap na dahilan. Walang nangyaring masama sa hari ng Deltora sa halip ay ang ating prinsipe ang napuruhan. Malaking pinsala ang naiwan sa palasyo ng Deltora at ngayon ay kasalukuyan nang nasa Halla Eberron ang inyong tatlong kapatid. Ang Halla Thedas na kanilang dinaanan ay kasalukuyan nang dumadaing sa dami ng nyebeng halos maglubog na sa kanilang imperyo. Malaki ang posibilidad na balikan ng Halla Thedas ang ating imperyo dahil sa pangyayaring ito.." nang matapos namin marinig ang mahabang balita pinili muna namin makinig sa sasabihin ni Dastan.
"Ano na naman ang ginagawa ni Zen?" galit na sabi nito.
"Can I follow them?" agad na sabi ni Finn. Umiling lang si Dastan bilang sagot kay Finn.
"Don't worry Dastan. Princess Edrolle from Halla Thedas is my friend, I can manage our problem on that empire.." tumango siya sa sinabi ko.
"Kailangan kong kausapin si Tobias.." tumayo na si Dastan sa kanyang trono.
"Kamahalan, ihahanda ko na po ang inyong ka—" itinaas ni Dastan ang kanyang kamay para patigilin ang tagasunod.
"Ako na. Lily, Finn, Harper, huwag nyong iiwan ang palasyo.." sabay sabay kaming yumuko dito bilang pagsagot.
"Let's go Casper.." tumango na lang kami kay Casper bago ito nagmadaling sumunod kay Dastan.
Nang kami na lang tatlong magkakapatid ang natira sa loob ng silid ay narinig ko ang pagmumura ni Finn.
"Ano na naman ang nasa isip nitong si Zen? Kalalabas lang niya sa palasyo, gumawa na agad siya ng sakit sa ulo. Nagawa pa niyang pagtangkaang patayin ang hari ng Deltora. Cool!" naiiling na sabi ni Finn.
"Maaaring may rason siya?" pagtatanggol ni Harper kay Zen.
"Anong magandang rason para patayin ang hari? Minsan ba naisip nyo na may problema na sa pag iisip si Zen?" nangunot ang noo ko sa sinabi ni Finn.
"Bakit si Zen lang? Lahat ng lalaking Gazellian may problema sa pag iisip" iritadong sagot ko dito.
"Chill Lily.." natatawang sagot sa akin ni Finn.
"Tulungan nyo ako, kailangan kong malaman ang buong pangyayari.." sinimulan ko nang humakbang sa dulo ng tinatapakan kong carpet.
"What are you doing Lily?" tanong ni Finn.
"Help me, we'll use this.." mabilis naman naintindihan ni Harper ang gusto kong gawin.
Sa loob ng silid na ito ay may kaisa isahang makapangyarihang bagay na tanging kaming mga Gazellian lamang ang nakakaalam. Mahiwaga ang carpet na siyang natatapakan namin at kahit gaano kalakas ang isang bampira ay hindi nito magagawang iangat ito kung wala siyang dugong Gazellian.
Magkatulong na kami ni Harper sa magkabilang dulo nito at mabilis namin itong binaliktad, halos masilaw kami sa liwanag na nagmumula dito.
"I need your bloods, we need answers.." may kakayahan itong sagutin ang aming mga katanungan sa pamamagitan ng pagpapakita ng nakaraan at kasalukuyan pero limitado lamang ang kaya nitong ipakita. Nagagamit lamang ang carpet na ito sa kada dalawampung taon.
Sabay sabay namin kinagat ang aming mga sarili at hinayaan namin na pumatak ang aming mga dugo sa mahiwagang carpet. Tatlong dugo mula sa magkaibang mga Gazellian ang kailangan nito para makakuha kami ng sagot.
Nang sandaling muli itong magliwanag ay agad na akong nakaisip ng itatanong dito.
"Maaari mo bang ipakita sa amin ang kasalukuyang nangyayari sa Halla Eberron?" nakatutok ang mga mata naming magkakapatid habang nagsisimula nang magpakita ng imahe ang carpet.
'Claret..' tawag sa kanya ni Zen.
'Huwag ka nang lumapit Zen!' sigaw niya sa kapatid ko.
'No, Claret listen..' anong nangyayari?
'LUCAS! LUCAS!' nang sumigaw si Claret ng ibang pangalan ng lalaki ay agad kumulo ang dugo ko. Anong karapatan niyang saktan ang kapatid ko? At mas lalo akong nagulat nang isang lobo ang nagpakita. Ang pinakakilalang lobo sa buong imperyo ng Parsua. Paano siya naugnay dito?
'Ilayo mo ako dito Lucas parang awa mo na. Ilayo mo ako sa lugar na ito..' halos magmakaawa siya sa lobo. Pero ang lubos na nakapagpakirot ng puso ko ay nang makita ko ang mga mata ni Zen.
'Claret baby..'
'Ilayo mo ako sa kanya Lucas. Ang sakit na..' what?!
'Claret, si Elizabe—' sinubukan ni Zen magpaliwanag pero hindi siya pinatapos. Fvck!
'Isinusumpa ko na naging bampira ako nang dahil sa mga pangil mo.' nang marinig ko ito ramdam ko ang pamumula ng mga mata ko. Anong karapatan niya para sabihin ito sa lalaking halos mamatay na sa kahihintay sa kanya? Anong karapatan niyang saktan ang kapatid ko na halos mamamatay na sa pagmamahal sa kanya?!
"Ipakita mo sa akin ang lahat.." malamig na sabi ko sa carpet. Mas lalong sumindi ang galit ko kay Claret sa mga napanuod ko. Parepareho silang mga tao, mahihina at walang kakayahan. Masyadong mababaw ang pagmamahal na mayroon sila. Malayong malayo sa pagmamahal naming mga bampira.
"I want to kill her, I want to slap her.." halos mangatal ang mga kamay ko. Galit na galit ako. Gusto ko siyang lasunin, gusto ko na siyang pugutan ng ulo sa mga sinabi niya sa kapatid ko. Hindi niya ba nakita ang mga mata ni Zen? Hindi niya ba nakikita kung gaano siya kamahal ng aking kapatid?
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong gumagawa ng usok na lagusan. Mababaliw ako kung mananatili ako sa loob ng palasyong ito.
"Lily! No, you can't!" rinig ko ang sigaw ni Finn.
Pero pinili kong magbingi bingihan hanggang sa tuluyan na akong makatawid sa aking kapangyarihan.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro