Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21


Natulala na lang ako habang unti unting nagiging mga alikabok ang naiwang katawan ng babaeng lobo at ng bampira. Isa sa paraan para mabilis na mapatay ang mga bampira at lobo ay ang pagputol sa aming mga ulo.

Sa sandaling humiwalay ang ulo namin sa aming mga katawan ay agad kaming magiging alikabok at tuluyan nang maglalaho sa mundong ito, maging ang mga lobo ay ganito rin.

I've been living in this world with full of cruelty, I've seen series of deaths, killings and endless war in so many different ways. Hindi na bago sa aking mata ang pagkitil ng buhay, hindi na ako nagugulat sa pagdanak ng dugo at lalong hindi ko kinatakutan ang kamatayan. Pero nang sandaling nakilala ko na ang lalaking itinakda sa akin, nang makilala ko si Adam at maramdaman kong mayakap ng lalaking itinakda sa akin para akong mahalin nagsimula na akong makaramdam ng takot.

I am now afraid of death, ayoko siyang iwan sa mundong itong mag isa. Mateless and lost

But how? Papaanong hindi ko siya iiwan? Isinasampal na sa akin ang katotohanan. We can't be together, napakaimposibleng mangyari. Ipinararating lamang ng nasaksihan kong ito na kamatayan lamang ang kahihinatnan naming dalawa kung ipagpapatuloy namin ang aming pagmamahalan.

When it is said forbidden, it is always forbidden. At wala na kaming magagawa dito, kami lamang dalawa ni Adam laban sa mga lahi namin. Anong laban ng pagmamahalan namin kung buong lahi na namin ang pilit sumasalungat?

Napakatanga ko para isiping may magagawa kami. At the very first place, there's nothing we can do but to separate our ways loving each other from afar.


Mabilis kong pinahid ang luha sa aking mga mga mata. I can't be seen like this, pansin ko na bahagyang humara sa harapan ko si Rosh dahilan para hindi ako mapansin ng mga kapatid ko ang aking pagluha. Ramdam ko rin na nakatitig sa akin si Orion. He knows about Adam as my true mate, wala na akong pakialam sa iniisip niya ngayon.

Agad kong ibinaba ang ulo ko nang mapansin ko na nakatitig na rin sa kanyang nakakunot na noo ang bampirang may pangalang Clifford. What the hell is wrong with him? Kanina niya pa akong pinagmamasdan. I don't like it.


"Shall we start? Masyado nang nagtatagal ang dapat nating pagpupulong. Mahal ang oras ko" agad na sabi ni Rosh.


"Paalala pangalawang prinsipe ng Deltora, ang kaharian nyo ang nakikipag ayos sa kahariang ito.." malaming na sabi ni Clifford.


"Rosh.." babalang tawag ko dito. Hindi kami pinadala ni Dastan dito para hayaang gumawa ng maling desisyon si Rosh. Kapag tuluyan nang nagkaroon ng malaking hidwaan ang Deltora at Eberron, siguradong malaki ang posibilidad na madamay rin ang aming kaharian.

Dastan will always take King Tobias side. Kung si Rosh at Zen ang sinasabi ng mga bampirang 'magbestfriend' kung saan kabaliktaran naman, si Tobias naman ang masasabi kong matalik na kaibigan ni Dastan. Both kings with good sense of leadership.

Nagkibit balikat lang si Rosh at nagpatuloy ito sa pag upo. Sinundan na namin ito maging ang hari ng Eberron, si Clifford at ang triplets. Nasa magkabilang dulo ang hari at si Rosh.


Nakahilera kaming magkakapatid at si Orion habang hindi na mawala ang titig sa akin ni Clifford na ilang beses nang siniko ng isa sa mga triplets para maalis lamang ang titig sa akin.


"Hindi ko na masyadong pahahabain pa. Tulad nga ng sabi ng aking kapatid, naririto ako para ayusin ang nasabing hidwaan sa pagitan ng ating mga kaharian. May maaari bang gawin ang aming kaharian para muling hulihin ang inyong tiwala?" napatitig na lang ako sa mga sinabi ni Rosh.

Maging ang mga kapatid ko ay hindi makapaniwalang may nasabing ganito si Rosh. Ano nga ba ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang kahariang ito?


"Isa lang ang kailangan namin sa kaharian nyo..." seryosong sabi ng hari. May mga pumasok nang mga tagasunod para bigyan kami ng mga kopitang may dugo.


"And what is that?" tanong ni Rosh bago niya ininom ang dugong ibinigay sa kanya ng tagasilbi.


"Tulad nga nang nasaksihan nyo kanina, malaki na ang problema ng kahariang ito tungkol sa mga lobo.." napakuyom ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa nang marinig ko ito.

Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Orion ang kamay ko para pakalmahin ako.


"Alam naman nating lahat na sa buong emperyo ng Halla na ang Eberron ang may pinakamalaking nasasakupan pero sa kabila nito ay may napakalaki rin kaming suliranin. Sa buong mundo ng mga bampira, alam nating lahat na ang malaking populasyon ng mga lobo ay nasa nasasakupan ng aming kaharian.." napapakagat labi na lang ako sa sinasabi ng hari. Mukhang nakukuha ko na ang gusto niyang mangyari.


"Then?" tanong ni Rosh.


"Alam kong nakukuha mo na ang gusto kong mangyari pangalawang prinsipe ng Deltora.." nakangising umiling si Rosh at muli itong sumimsim ng dugo sa kanyang kopita.


"I don't like riddles king Alejandro.."


"We are planning to eliminate all the werewolves. Hindi lamang sa buong Eberron kundi sa buong Halla at malaki ang pangangailangan namin sa malalakas ng mga bampira. We can use King Tobias power as well as yours.." tipid na ngumiti ang hari at sa pagkakataong ito ay siya naman ang uminom ng dugo.

Pakiramdam ko ay nanlalamig ang buong katawan ko sa mga naririnig ko. I want to object, gusto kong sabihin sa kanila na wala sa katarungan ang gusto nilang gawin. But how? Wala ako sa posisyon para magsalita at lalong sumalungat sa usapang ito, tanging si Rosh lamang ang hawak ng sitwasyong ito.


"Masyado na bang nahihirapan ang kahariang ito sa mga lobo? Mukhang desidido na kayo sa isang pangmalawakang digmaan?" hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Anong maaaring isagot ni Rosh?

Kailangan nilang hulihing muli ang tiwala ng Eberron at ang pagsang ayon sa gusto ng mga ito ang tanging paraan. Mukhang gugustuhin ko na lamang lumabas ng silid na ito. Ayokong marinig kung papaano nila babalaking lipulin ang lahi ng lalaking pinakamamahal ko.


"Kilala ang pangalawang prinsipe ng Deltora sa pagsagot nito ng diretso, bakit mukhang mali yata ang nababalitaan ko?" nanghahamak na sabi ng hari.


"Mukhang ayaw nila, hindi natin sila pinipilit. Afterall, it's not our loss.." mayabang na sabi ng isa sa mga triplets.


"Rumors, I'm used to it. If you really wanted to eliminate them, we should burn them. What do you think? Roasted werewolves especially made from Halla Eberron with special participation of Parsua Deltora. This will be fun.." si Rosh lang ang natawa sa mga sinabi niya. Nanatili lamang kaming nakatitig sa kanya habang humahalakhak siyang parang baliw.


"Craziness at its finest.." pakinig kong bulong ni Finn kay Evan.


"Would you expect something from him with sense? What the hell is roasted werewolves?" kung nasa ibang pagkakataon ako ay matatawa sa usapan ng mga kapatid ko.

Eksaheradong tumikhim ang hari para lamang mapatigil ang paghalakhak ni Rosh.


"Mukhang nagkakaintindihan na tayo pangalawang prinsipe ng Deltora.." bahagya nang nakangiti ang hari at mukhang sumasang ayon na rin si Rosh base sa naging sagot niya.


"It's a no" sabay sabay kaming muling napalingon kay Rosh na kasalukuyan nang maangas na nakasandal sa kanyang upuan habang nakataas ang paa sa lamesa. He is now picking petals from his rose. How can he be so unpredictable?


"Hindi ko gusto ang digmaang pinaplano mo Haring Alejandro.." seryosong sabi niya habang sa mga piraso ng kanyang bulaklak lamang nakatitig ang kanyang mga mata.


"Mukhang hanggang dito na lang ang usapang ito.." malamig na sabi ni Clifford.


"Makikinig ako, papaano nyo masasabing magiging matagumpay ang pinaplanong digmaang ito? Problema na ito ng ating mga ninuno, hindi na maalis alis sa sistema ng mundong ito ang mga lobo. Papaano pa ngayong mas laganap na ang mga lahi nila? Sa tingin nyo ay may totoong magagawa tayo? Sa abot ng aking nalalaman, buong apat na emperyo ang nagtulungan noon para lipulin ang mga lobo, papaano pa ngayon na dalawang emperyo lamang tayo? Idagdag pa na Deltora at Sartorias lamang ang nasa panig mula sa Parsua at ang mismong Eberron lamang na inyong kaharian. Anong laban natin? We'll just die of foolishness King Alejandro.." kung kanina ay halos ipagsigawan na namin na napakabaliw nitong si Rosh ngayon naman ay halos umawang ang mga bibig namin sa paghanga sa mga sinasabi niya.

How can he think like this? Sa lakas ng pagtawa niya kanina na parang baliw, sinong mag aakala na tumatakbo ito sa kanyang isipan?

Magsasalita na sana ako para sang ayunan si Rosh nang maunahan ako ni Evan. Ang pinakamatalinong Gazellian.


"Paumahin sa pagsali pero may gusto akong sabihin. Napag isapan nyo na ba ang maaaring maging bunga nito? Oo at malaki ang porsyento ng mga lobo dito sa Halla. It could be what? Almost forty nine percent of werewolves' population but what about the other percent? Papaano naman ang mga lobong nagkalat mula sa iba't ibang emperyo? Apat ang emperyo sa mundong ito hindi lamang ang Halla at Parsua, anong kasiguraduhan natin na hindi maghihiganti ang mga natitirang mga lobo? Mabuti kung partikular sila sa kanilang paghihiganti, mabuti kung tayong mga sumugod ang kanilang balikan pero sa tingin nyo ba ay maglalakbay pa sila nang matagal para maghiganti? They will definitely target the nearest empires which are damn innocent from the attacks. Sila ang mababalikan at sa tingin nyo sino ang masisisi? Ang Halla at Parsua, gagawa lamang tayo ng panibagong hidwaan. Hindi lamang sa pagitan ng lobo kundi pati na rin sa kapwa natin mga bampira. Baka magulat na lang tayo na hindi lang mga lobo ang gustong umubos pabalik sa atin, kundi pati na rin ang mga emperyong nananahimik ngayon na maaaring magambala dahil sa isang maling desisyon.." napatitig ang mga bampira mula sa Halla Eberron dahil sa paliwanag ng aking kapatid.


"As expected to my apprentice.." pakinig ko ang pagmumura ni Evan nang sabihin ito ni Rosh.

Marahas tumayo ang hari at mabilis niya kaming tinalikuran. Ramdam na ramdam ko ang galit sa kanyang awra. This is not good, nagsisimula na akong kabahan.


"Walang magandang usapan na nangyayari, palabasin nyo na sila bago pa tuluyang magdilim ang paningin ko" hindi na kami naghintay pa na may kawal na humawak sa amin. We can't even afford having a damn conversation will them. They're all narrow headed vampires!

Halos sabay sabay kaming tumayong lima.


"Masarap ang dugong inihahain nyo pero higit na mas masarap pa rin ang sa Deltora. Mauna na kami mahal na hari.." taas noong sabi ni Rosh.


"Paumanhin na po mahal na hari.." sinabi ko ito nang labag sa aking kalooban. Huli akong lumabas sa silid, nakita ko pa na dapat susundan ako ni Clifford nang hawakan siya ng mga kapatid niya para pigilan.

Masama ang tingin sa amin ng mga bampirang nadadaanan namin pero patay malisya lamang si Rosh, si Orion at ang mga kapatid ko.


"King Tobias will hate this Rosh.."


"May tiwala sa akin si Tobias, Lily. Hindi ako inutil para sumunod sa kanilang kahangalan.." sagot niya sa akin.


"Hindi ka ba natatakot, maaaring balikan nito ang inyong kaharian.." agad na sabi ni Orion.


"I am not afraid. I am Prince Rosh Alistair Le'Vamuievos, wala akong kinatatakutan." Nasa labas na kami at agad siyang sumakay sa kanyang kabayo.


"I'll go first, maaari na rin kayong bumalik sa inyong mga kaharian. Maraming salamat.." tumalikod na siya sa amin.

Akala ko ay tuluyan na niyang patatakbuhin ang kabayo nang muli siyang humarap sa direksyon namin at hinuli niya ang aking mga mata.


"You need to fight dahil nandyan siya. Mas mahirap ipaglaban ang wala lalo na kapag hindi mo alam kung darating pa.."

Ito lang ang huli niyang sinabi bago niya patakbuhin ang kanyang kabayo. Natulala na lang ako sa kanyang hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking mga paningin.


"What was that all about?" nagtatakang tanong ni Finn. Mapait na lang akong napangiti. I can't answer you brother. I am sorry.


Why this world is full of tragic love?



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro