Chapter 20
Chapter 20
Nagpatuloy kami sa paglalakbay at dahil hindi na kami pamilyar sa daang tinatahak namin, si Orion na ang nangunguna na siyang sinusundan naming lahat. Samantalang panay naman sa ang pag uusap at tawanan si Finn at Evan na parang walang nangyaring masama sa kanila.
I can even hear names of princesses from different empires. Oh god, here they go again. My brothers and their damn fangs.
Samantalang si Rosh ay may hawak nang pulang rosas, panay na ang reklamo niyang sumasakit na ang paa at dapat ay siya na lang daw ang sumakay sa kabayo dahil siya naman daw ang pinuno ng paglalakbay na ito. Nagpatay malisya na lang kaming apat habang walang tigil siya sa kakareklamo.
"Ilang araw kami nawalan ng malay Lily?" tanong sa akin ni Evan. Natigil sa pagrereklamo si Rosh dahil mukhang gusto rin nitong malaman ang sagot.
Ilang araw nga ba? Nawalan din ako ng malay, hindi ko na nabilang kung ilang araw.
"Isa't kalhating araw" mabilis na sagot ni Orion sa kapatid ko na tumango na lamang dito. Hindi ko maiwasang hindi muling mapatitig sa likuran ni Orion.
I don't understand, why am I having this strange feeling. Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang magtaka sa mga nangyayari. Everything was so fast, the ruined magical tent, the unknown spell from that priestess, the sacrificial maiden who 'summoned' me inside this forest. Talaga bang may koneksyon ako sa mga ito? Anong ibig ipahiwatig sa akin ng sunod sunod na pangyayaring ito?
And even Orion's sudden appearance, who would have thought that he was raised by a royal vampire? Kung si Orion ang napili ni Dastan para aking mapangasawa, anong dahilan kung bakit bigla na lamang itong nawala noong nakaraang daang taon?
Malaki ang pag aakala kong pinatay na siya ni Zen at Dastan nang gabing 'yon. That night was one of the shattering moments of my life, I did love Orion once and knowing that my brothers killed the love of my life is the most heartbreaking. I never asked Zen and Dastan about him, natakot akong makumpirma mismo sa aking mga kapatid ang katotohanan. Hindi ko man natikman noon ang dugo ni Orion ay pamilyar na ako sa amoy ng kanyang dugo at nang gabing mawala siya ay agad kong nalanghap ang amoy ng kanyang dugo mula sa mga kamay ng mga kapatid ko. His blood was once on my brother's hands. I really can't understand this whole situation.
Paano siya nakabalik na wala man lang galit sa mga kapatid ko? Papaanong nagkaroon ng alam dito si Evan at Finn?
Nabaling muli ang mga mata ko sa dalawang kapatid kong nagtatawanan. If I could just tell them all of my burdens, if I could just share them my pain. Mahirap din sarilinin ang isang mabigat na problemang katulad nito. But should I do then?
Anong dapat kong gawin? Should I talk the only one vampire who knows my real situation is? Dito na ako napatitig sa likuran ng pangalawang prinsipe ng Deltora. His mind is always unreasonable at hanggang ngayon ay walang kahit sino ang nakakakuha dito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayong hindi na lamang ako ang nakakaalam ng ugnayan ko kay Adam.
Nakarating na kami sa Halla Eberron, sinalubong kami nang napakaraming kawal na nakahilera kung saan dito kami daraan. Nakarinig kami ng isang malakas na ingay mula sa isang trumpeta para bigyang pugay ang pagdating ng mga prinsepe at prinsesa mula sa emperyo ng Parsua.
Masasabi kong higit na malaki ang emperyo ng Halla kumpara sa Parsua dahil binubuo lang naman ito ng siyam na malalaking kaharian samantalang apat lamang ang mayroon ang Parsua pero masasabi kong higit na mas maganda ang sistema at pamamamahala ng aming emperyo. We don't sacrifice innocent lives for our empire's stability.
"Prince Rosh Alastair Le'Vamuievos of Parsua Deltora" malakas na sabi ng kanilang Perroquet matapos marinig ang napakalakas na trumpeta.
Ang Perroquet ay tauhan ng bawat kaharian ng siyang naatasang magbigay imporsmasyon sa buong kaharian tungkol sa mga panauhing darating.
Naunang maglakad si Rosh sa kanyang nakataas na noo. Bawat hakbang niya ay sumisigaw ng kapangyarihan at pagiging dugong bughaw. He's always proud and overconfident of himself, karakter niya na kilalang kilala ng bawat bampira maharlika man o hindi. Kung may masasabi man pinakasikat sa mundo ng mga bampira, siguradong nangunguna dito Rosh, pumapangalawa lamang sa kanya ang kapatid kong si Zen.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing napapatitig ako kay Rosh ay hindi ko maiwasang isipin ang kapatid ko. They are both psychopath vampires but damn helpless in terms of love. Ang kapatid ko na pinili naming ikulong sa ilalim ng palasyo at itong si Rosh na wala nang ginawa kundi gulo sa buong Parsua simula nang hindi nakarating ang babaeng hinihintay niya mula sa salamin.
Dahil mukhang wala silang nalalaman na may kasamang ibang bampira si Rosh ay hindi na namin inasahan na tatawagin ang mga pangalan namin. Sa halip ay sumunod na lang kami kay Rosh. Tahimik lamang ako, ang mga kapatid ko at si Orion sa mga nangyayari. Wala man kaming tiwala sa mga gagawin nitong si Rosh ay wala kaming magagawa.
He's the 'leader' afterall. Naka abang na sa amin ang sikat na triplets ng Halla Eberron, nasaan ang kanilang hari? Bakit sila ang sasalubong sa amin?
"Where's the king?" walang pakundangang tanong ni Rsoh sa tatlong bampira na may iisang mukha. Mabuti na lang at hindi identical twins si Casper at Harper.
"Sumunod kayo.." sagot ng nasa gitna. Nagkibit balikat lang si Rosh at sumunod dito bahagya pa kaming nilingon nito para iparating sa amin na sumunod na lang kami sa kanya. Oh damn, how I hate being ordered. Napapairap na lang ako.
Kung wala lang kaming malaking utang na loob sa Deltora, hinding hindi ako magiging sunod sunuran ng baliw na bampirang ito. God, he even knows my secret.
Nakarating na kami sa silid kung saan agad naming nakita ang nakatikod na hari na nakatanaw sa harap ng bintana. Kahit sanay na akong makisalamuha sa makakapangyarihan at mga maharlika mula sa iba't ibang kaharian hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan sa presensiya ng haring ito.
"Ama, nandito na ang ikalawang prinsipe ng Deltora" nang sandaling lumingon sa amin ang hari ay kusa na lang naming ibinaba ang aming mga ulo bilang paggalang dito, maging si Orion ay ganito din ang ginawa.
Tanging si Rosh lamang ang nanatiling nakatindig ng tuwid at mukhang walang balak magbigay ng kahit kaunting paggalang sa isang bampirang mas makapangyarihan sa kanya. Ano nga ba ang aasahan sa katulad niyang sarili lamang ang pinaniniwalaang mataas?
"Mukhang hindi lamang Prinsipe mula sa Deltora ang nakarating sa ating kaharian, anong ginagawa ng kilalang napakagandang Prinsesa ng mga Gazellian sa lugar na ito?" agad nangunot ang noo ko sa narinig ko mula sa hari at dito na ako nag angat ng paningin. Bakit ako ang una niyang napansin?
"Clifford will be happy to see her..." lalong nangunot ang noo ko sa sinabi ng isa sa mga triplets.
"Who the hell is Clifford?" agad na sabi naman ni Orion. Ramdam ko na mas lumapit ito sa akin. Sasagot na sana ang isa sa kanila nang padarag na nabuksan ang kabilang pintuan ng silid at iniluwa nito ang isang panibagong bampira na hindi pamilyar sa aking mga mata.
"Sorry I'm late father.." ilang beses pa niyang ginulo ang sarili niyang buhok na may kasamang pagkagat sa kanyang labi.
Para siyang nanggaling sa isang mabigat na pag eensayo dahil sa pawis na halos bumasa na sa kanyang buhok. Tanggal lahat ng butones ng kanyang kasuotan dahilan para makita ko ang maliliit na butil na kanyang pawis na nunulay sa magandang hubog ng kanyang katawan. Mabilis kong inilihis ang aking mga mata sa kanya nang maramdaman kong nakatitig na rin siya sa akin.
Who is this vampire? Hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Holy shit! Is she for real father?" agad siyang nakalapit sa akin pero masyadong alerto ang mga kapatid ko at si Orion para humarang sa unahan ko.
"Bakit hindi mo muna ayusin ang sarili mo Clifford bago mo pakiharapan ang isang napakagandang prinsesa?" kaswal na sabi ng hari. Kahit hindi ko nakikita ang mga mata ng mga kapatid ko ay alam kong masama na ang tingin ng mga ito sa bampira mukhang tagusan ang titig sa akin.
"Pity, huwag mo nang pag aksayahan ng oras ang prinsesang 'yan. She's ---" kung maaari ko lamang lasunin ng aking mga usok si Rosh nang mga oras na ito ay nagawa ko na.
"She's already my fiance, back off vampire.." mabilis na sagot ni Orion. Kitang kita ko ang panlalamig ng mga mata ng bampirang tinatawag nilang 'Clifford'
Bakit pakiramdam ko ay nagkaroon ng mabigat na tensyon sa loob ng silid na ito. Sa pagitan ng aking mga kapatid, ni Orion at nang bagong dating na bampirang ito. Nakatitig na rin sa amin si Rosh na nakataas ang kilay, ang triplets na puro mga nakangisi at ang hari na mukhang walang pakialam sa mga nangyayari.
"Why are we having different creature inside this castle?" kunot noong tanong ni 'Clifford' sa kanyang mga kapatid habang nakapamaywang ito.
"He's a prince from Lodoss Pegana.." ang hari mismo ang sumagot dito.
Narinig namin ang ilang beses na pagpalakpak ni Rosh para makuha ang atensyon naming lahat.
"Maaari na ba nating umpisahan ang pagpupulong?" magsisimula na sana kaming magtungo sa mahabang lamesa nang muli na namang nabuksan ang pintuan.
Sa pagkakataong ito ay mas marahas ang pagkakabukas nito.
"Mahal na hari! Nahuli na po ang taksil!" malakas na sigaw ng isang kawal na may bahid pa ng dugo sa kanyang mukha.
Halos manlamig ang buong katawan ko nang sapilitang ipinapasok sa silid ang isang bampira na may bakal na tali sa kanyang leeg habang walang habas na hininihila ng isang kawal at agad itong sinundan ng isang kulay puting lobo na nagpupumilit makawala. Punong puno na rin ito ng dugo sa katawan dala nang ilang beses na tama ng latigo dahil sa walang tigil na hagupit ng mga kawal sa kanya.
Kitang kita ko kung papaano magwala ang lalaking bampira habang nakikita niya kung papano pahirapan sa kanyang harapan ang puting lobo. Ramdam na ramdam ko ang pagpiga ng aking puso sa nakikita kong ito.
What the hell is this?
"Mahal na hari, nagmamakaawa ako. Wala kaming ginagawang masama, she is my mate. She is my mate..mahal na hari. I am willing to receive all your punishments, pakawalan nyo na po siya. Nagmamakaawa po ako mahal na hari.." halos makita ko nang lumuluha ang lalaking bampira.
Dahil panay ang pagpipiglas ng puting lobo, hindi siya tinitigilang hagupitin ng mga kawal dahilan para tuluyan na itong mag anyong tao. Ang hubad na katawan ng babae na punong puno ng dugo ang humantad sa aming lahat, ilang beses pa siyang umubo ng kanyang sariling dugo.
I can't take this anymore.
Akmang hahakbang na sana ako para daluhan ang babaeng lobo nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko.
"You can't. I won't let you do it.." mahinang sabi ni Rosh.
"Kill them.." malamig na sabi ng hari.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko nang sabay kong makita ang pagkapugot ng kanilang mga ulo.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro