Chapter 2
Chapter 2
Matapos ang isang linggo kong pagkukulong sa aking kwarto ay napagpasyahan ko na muling lumabas at makisalamuha sa aking mga kapatid. Dahil kung patuloy kong iisipin ang lalaking itinakda sa akin na alam kong kailanman ay hindi ko makakasama ay lalo lamang sisikip ang aking dibdib.
Isa akong maharlikang bampira at isa siyang lobo, walang kahit anong paraan para magkasama kaming dalawa. At ako bilang isang kilala at tinitingalang prinsesa ng emperyong ito ay walang kahit anong balak na sumalungat sa mga patakarang kinamulatan ko.
I can't be a disgrace.
Ngunit hindi ko pa rin maiwasang isipin kung nagawa nang lobong maramdaman ang aking presensiya. Nakilala niya ba ako bilang isang bampira? Anong reaksyon niya nang malamang isang bampira ang babaeng itinakda para sa kanya? Nag isip din kaya siya katulad ko?
Ipinilig ko ang aking ulo at sinimulan ko nang buksan ang pintuan ng aking kwarto.
I should stop thinking about this shit sin. I am Princess Lily Esmeralda Gazellian, loving an enemy and bringing my life into a mess is not of being an ideal princess.
Humakbang na ako papalabas ng aking silid at nang makita ako ng mga tagasunod ng palasyo ay nagsimula silang magsiyuko para magbigay galang sa akin.
Mas itinaas ko ang aking noo habang marahan akong naglalakad papunta sa silid kung saan madalas kaming natitipon magkakapatid. Kilala ako bilang isang napakagaling na prinsesa, hinahangaan ng buong kaharian at minamahal ng mga mamamayan. At ang magkamali sa harap ng daang mata ng mga bampira sa buong Parsua Sartorias ang kahuli hulihan kong gagawin.
I can't disappoint my people, I can't disappoint my family. I can't disappoint myself.
Tumigil ako sa paglalakad at tinitigan ko ang isang tagasunod na nakayuko sa akin. Mas lumapit ako sa kanya, buong akala niya ay siya ang hahawakan ko pero sa estatwang kabayo lumapat ang kanang kamay ko.
"Masyado pa itong maalikabok, ulitin mo ang paglilinis" malamig na sabi ko.
"Opo, mahal na prinsesa.." hindi ko na ako sumagot at mabilis ko siyang tinalikuran.
I am not your ordinary soft hearted Princess. Minsan lamang ako ngumiti at bihira lamang ang mga bampirang nakakasaksi nito. Kung wala siguro si Caleb, Evan at Finn hindi na siguro makakatikim ng ngiti ang aking mga labi.
I am known as the blunt princess. I don't filter my words. At wala akong kahit sinong pinipiling bampira, maharlika man, konseho o kilalang may mga posisyon ng isang kaharian. Kung alam kong tama ang pinaniniwalaan ko, hindi ako magdadalawang isip na magsalita at isampal sa isang bampira ang katotohan.
My words can slaughter any living vampire in this world. Karamihan sa mga makakapangyarihang bampira ay kinangingilagan ako na siyang talagang pinagmamalaki ko.
Nabuhay akong tinitingala, nabuhay akong pinagbabaan ng ulo, nabuhay akong angat sa lahat ng mga bampira. Hindi ko hahayaang mawala ang lahat nang ito dahil lamang itinakda ako sa maling lalaki.
Habang naglalakad ako ay naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin. Ang dalawa sa mga kapatid ko, si Evan at Finn na mukhang maganda na naman ang gabi dahil sa lapad ng mga ngisi ng mga ito sa akin.
"You should try to ask her nicely" ngusong sabi sa akin ni Evan.
"What?" maiksing sagot ko sa kanya.
"That servant, don't scare them Lily" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Evan. Hindi ko tinakot ang tagasunod, sinabi ko lang ang tama sa kanya.
"Itinulak ko ba siya? Pinagtaasan ko ba siya ng boses?" tanong ko kay Evan. Kung tinutukoy niya ay ang paraan nang pagsasabi ko sa tagasunod kanina, wala akong natatandaang mali sa ginawa ko.
"It was not like that Lily. But you should atleast smile? You're beautiful when smiling" sagot sa akin ni Finn. Bahagya akong lumingon sa kanya at ilang segundo ko siyang tinitigan.
"I can be beautiful without smiling. I am always like this, wala nang magbabago sa akin" malamig na sagot ko sa kanila.
"No, you're not like that Lily. You used to give us smiles back then.." mahinang sabi naman ni Caleb mula sa likuran namin.
Siguro nga ay hindi ako ganito noon. Madalas din akong ngumiti katulad nila, pero nagbago ang lahat ng ito nang sumiklab ang malaking gulo sa buong Parsua Sartorias.
Napatay ang aming amang hari na siyang naging isang malaking dagok hindi lamang sa kanyang buong nasasakupan kundi pati pa rin sa aming magkakapatid. Sa pagkamatay ni ama ay parang namatay na rin sa kalungkutan ang aming inang reyna na siyang nag udyok dito para ikulong ang sarili sa isang mahiwagang silid na walang sinuman ang makakapagbukas.
Naiwan kaming walong magkakapatid na dala ang bigat ng responsibilidad sa buong Parsua Sartorias. Si Dastan bilang unang prinsipe ay maagang nanungkulan bilang isang hari
Habang si Zen na siyang ikalawang prinsipe ay lalong sumiklab ang pagkauhaw sa itinakdang babaeng hinihintay niya mula sa kabilang mundo. Samantalang kaming natitirang mga Gazellian ay nanatiling gulat at nangangapa pa sa pamamalakad ng buong kaharian. Halos bumagsak na ang buong Parsua Sartorias noon at hindi ko na masisisi ang sarili ko kung bakit nawala na ang mga ngiti ko sa labi dahil sa mga karanasang ito.
"Kamusta si Zen?" pag iiba ko ng usapan. Ipinasya naming ikulong sa ilalim ng palasyo si Zen dahil sa takot na baka madagdagan pa ang mga inosenteng mga bampira. Dalawang kababaihan na ang napatay nito dahil nagawa nitong ubusin ang dugo ng mga ito sa tindi nang kanyang pagkauhaw.
"He's starting to refuse blood, mamamatay na daw siya kung hindi pa dadating ang itinakdang babae" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Caleb.
"Hindi ba at sinabi niya na rin ito noong nakaraang taon?" natatawang sabi ni Evan.
"But this time he looked so serious, kailan pa ba dadating ang itinakdang babae? Zen is dying" sagot ni Caleb. Mag iisang buwan na nang huli kong dalawin si Zen sa ilalim ng palasyo.
Nang huli ko siyang dalawin ay sinabi niya na rin sa akin na mamamatay na siya kapag hindi namin dinala ang babae mula sa mundo ng mga tao. Pero sa pagkakatanda ko ay wala pa sa tamang edad ang babaeng nakatakda sa kanya at hindi pa ito makakatawid sa mundong ito.
"Bakit hindi natin ito sabihin kay Dastan? We can ask his opinion about this" nasabi ko na lamang.
Tumango na lang sila akin at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa silid kung saan naghihintay na ang kani kanilang mga pwesto ang kambal na si Harper at Casper, pati na rin si Dastan.
"Kamusta na ang pakiramdam mo Lily?" ngiting tanong sa akin ni Harper. Ipinaghila ako ng upuan ni Caleb.
"Maayos na ako, salamat" maiksing sagot ko. Nang makaupo na kaming lahat ay marahang tumikhim si Dastan at ipinatong niya na ang kanyang mga kamay sa lamesa.
"Pinatawag ko kayong lahat para sa isang pagpupulong" nanatili kaming tahimik at nakikinig sa kanya.
"Gusto kong sa atin munang magkakapatid umikot ang usapang ito, bago ito lumabas sa konseho at sa iba pang opisyales ng kaharian" agad kaming tumango sa sinabi ni Dastan.
"Alam nating lahat na napakalaki nang utang na loob natin sa kaharian ng Deltora, ito ang kauna unahang kaharian na tumulong sa atin nang pabagsak na ang Sartorias. Hindi man maganda ang relasyon ni Zen at nang ikalawang prinsipe ng Deltora hindi ito naging hadlang para mapaigting ang relasyon nang dalawang kaharian.." nangunot ang noo ko sa mahabang sinasabi ni Dastan. Bakit hindi niya na lang kami diretsuhin?
"Just spill it Dastan, kailangan ba nang Deltora ang tulong natin?" kita ko ang pag iling nang mga kapatid ko sa biglang pagsasalita ko sa aming hari.
"Napakamainipin mo Lily.." kahit si Dastan ay naiiling na rin sa akin.
"Kasalukuyan ngayong nahaharap sa hindi magandang sitwasyon ang Deltora at gusto kong suportahan natin dito ang kanilang kaharian.." tama ang nasa isip ko. Papaanong suporta ang kailangan sa amin ng Deltora? Higit na malaki at madami silang mga mandirigma kaysa sa aming kaharian.
"Hindi magandang sitwasyon?" nagtatakang tanong ni Finn.
"Nagkakaroon nang maliit na alitan sa pagitan ng kaharian ng Parsua Deltora at Halla Eberron..." nang banggitin ni Dastan ang huling kaharian ay halos panlamigan ako ng katawan. Sa kahariang ito kami nagtagpo ng lobong nakatakda sa akin.
"Inatasan ni Haring Tobias ang kanilang ikalawang prinsipe na magtungo dito para siyang pormal na makipag usap sa Hari ng Halla Eberron nang sa ganoon ay mapigilan ang maaaring mangyaring digmaan. At para maiparating ang ating suporta sa Deltora gusto kong tatlo sa inyo ang sasama sa pangalawang prinsipe ng Deltora sa kanyang paglalakbay.." halos mangatal ako sa sinabi ni Dastan. Kahit ang pangangatal nang tuhod ko ay ramdam na ramdam ko na. Pakiramdam ko ay nagsisikip ang dibdib ko.
Hindi ako maaaring bumalik sa emperyo ng Halla, hindi na akong maaaring tumapak sa emperyong ito. Hindi na kami maaaring magpanagpo ng lobo dahil halos mawala ako sa katinuan kapag nararamdaman ko ang presensiya niya.
"Casper, Finn at Lily kayo ang napili kong sasama sa paglalakbay.." tuluyan na akong natigilan sa sinabi ni Dastan. Gusto ko mang magprotesta ay wala akong mahanap na maaaring dahilan.
"Gusto ko rin sumama Dastan!" napalingon na lang ako sa sinabi ni Caleb. Maaaring siya ang ipalit sa akin.
"May dapat kayong gawin sa palasyo. Ang misyong ito ay nararapat lamang sa kanilang tatlo. Hanggang dito na lang, may kakausapin pa akong mga konseho.." tumayo na si Dastan at sinimulan niya na kaming talikuran pero bago siya tuluyang makalabas ay may huli siyang sinabi sa amin.
"Kinabukasan ay magtutungo na kayo sa Deltora. Gusto kong mag ingat kayong tatlo sa inyong paglalakbay. May bampira mula sa ating nasasakupan ang nakitang walang buhay mula sa kagubatan ng Halla na nasabing napatay ng mga lobo. Kitilin nyo ang bawat lobong makikita nyo sa inyong paglalakbay, banta sila sa ating lahi.." tuluyan nang nanlamig ang buong katawan ko.
How can I possibly do that to my own mate?
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro