Chapter 19
Chapter 19
Gusto ko siyang habulin, gusto kong sumama na lang sa kanya, gusto kong magkasama pa kami nang matagal pero hindi kami maaaring pagbigyan ng sitwasyon at pagkakataon.
We're in different world, mundong kailanman ay hindi nagkasundo. Hindi ko alam kung kailan muli kami magkikita, walang kasiguraduhan sa pagitan naming dalawa.
We should have kissed more, I should have let him bath with me and I should have talked to him more. Ngayon ko pinagsisihan ang pagpipigil ko. Kung sana ay binigyan pa kami ng mahabang oras.
Napakagat labi na lang ako sa tumitinding kirot sa aking dibdib. Ganito pala talaga ito kasakit, parang kalahati ng buhay ko ang namamatay habang patuloy siyang lumalayo sa akin. No wonder why my mother chose to suffer alone inside that lifeless room when my father died.
Ang mapahiwalay sa lalaking mahal mo ay nakakapanghina, papaano pa kaya kung tuluyan ka na nitong iwanan. Mapait na lang akong napangiti, dapat ko na bang paniwalaan ang mga naririnig kong usapan mula sa mga tagasunod ng palasyo hanggang sa mga ordinaryong mamamayan ng Sartorias? Most of Gazellian's love is always ending up with tragic, from our great grandparents, our relatives from different empires and even my mom and dad.
Sobra sobrang magmahal ang mga katulad kong Gazellian pero lagi na lamang nahuhuli sa wala. Sumpa na yata ito sa pamilya namin at natatakot akong pati sa akin ay mangyari ito.
Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa lobong unti unti nang lumiliit sa aking mga mata.
How I hate this scene. All I can do is to watch him running away from me without any kind of assurance that will be able to see each other again.
"Let's go Lily.." tumango na lang ako sa sinabi ni Orion. Tuluyan nang nawala sa paningin ko ang dalawang lobo na kanina lamang ay tumatakbo.
Nang sulyapan ko si Orion ay hinawakan niyang muli ang tali ng kabayo para alalayan ang mga kapatid kong wala pa rin malay.
Mate's link can't be blocked my someone, tanging kami lang sa isa't isa ang makakaputol at muling makakapagkonekta nito. Pero pinili namin muli munang patayin ang koneksyon mayroon kami, wala kaming mapapanghawakan kung may kakayahan ba ang mga babaylan ng palasyo at mga matatandang lobo para malaman na tuluyan na naming nakilala ang isa't isa. Kailangan naming maging maingat.
Kinuha ko na rin ang bunga kung saan ko ito binitawan.
"Papaano tayo matutunton ng matandang ermintanyo Orion?" tanong ko dito na siyang naglalakad sa unahan ko. Gusto ko nang magising ang tatlong ito.
"Siya ang lalapit sa'yo Lily. Alam ng matandang 'yon kung may panibagong prutas na napitas.." nangunot ang noo ko. How is that? Masyadong matalas ang pang amoy niya?
"Makapangyarihan ba siya Orion? Why am I not aware of him? Bakit hindi rin ako pamilyar sa punong ito? I've been living in the palace reading lots of books at hindi ko man lang nabasa ang tungkol sa librong ito.."
"Malapit na siya..." mahinang sabi ni Orion na bahagyang tumingala para makita ang kalangitan.
"Malaki ang koneksyon ng matandang ermitanyo sa punong ito Lily. This Hanana Tree was once his mate. His eternal love that turned into this tree.." napatulala na lang ako sa sinabi ni Orion.
Nagsisi ako na naitanong ko pa ito kay Orion. Is it another tragic love? Bakit iilan lang ang nabibigyan ng kasiyahan sa mundong ito?
"Why? What happened? Is it a curse again?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Sumpa ang pinakamalaking kinatatakutan ng bawat nilalang sa mundong ito. Maging ang mga bampira ay takot sa kahit anong uri ng sumpa. Yes, we're powerful but we have no ability to dispel any kind of curse. Walang mahika ang mga bampirang katulad ko.
"No, it was not a curse. She was the sacrificial maiden of their family.." natahimik ako sa sinabi niya. I know this, kung may sinasambang asul na apoy ang buong emperyo ng Parsua mayroon namang makakapangyarihang mga diyos at dyosa ang Halla. Mga diyos mula sa karagatan, kagubatan at maging sa himpapawid na humihingi ng buhay para mapanatili ang istabilidad ng buong emperyo.
I never liked this, pero wala akong magagawa dahil hindi ako mamamayan ng Halla para umalma. Kung sa Parsua ay naghihintay ng isang daang taon para lumabas ang mga itinakdang babae, sa Halla naman ay bawat tatlumpong taon ay may babaeng iaalay sa diyos at dyosa.
"Hindi ba at sila ang pipili kung anong gusto nilang maging sa sandaling maialay na ang kanilang mga buhay?" tumango lang sa akin si Orion.
Napatitig na lang ako sa puno, kaya pala nang una ko itong pagmasdan parang nababalot itong ng sobrang kalungkutan. Ang maging alay at iwan ang sariling pamilya ay napakalaking sakrispyo.
"Is she a vampire?" tanong ko kay Orion.
"Yes.." maiksing sagot niya sa akin.
"Kung ganoon ay bampira din ang ermitanyong hinihintay natin?" muli kong tanong.
"He's a half human, half demon.." napatango na lang ako.
"Kahit sinong may ugnayan sa babaeng bampira ay hindi na siya maaaring hawakan. The tree can recognize them, it will just bring back her emotion and it will lose the stability of the forest.." ngayon ay nalaman ko na kung bakit hindi maaaring ang ermitanyo ang pumitas ng bunga.
Nanatili kaming nakatitig ni Orion sa punong sumisigaw ng kalungkutan. Hindi pa ba emosyon ang buong aura nito?
"Sacrificial maidens are forgotten maidens. Sa sandaling mapili sila bilang alay sa mga diyos at mga dyosa pilit na silang ibabaon sa limot ng mga nilalang na nagmahal sa kanila. That's the bitter law, mahirap man sundin wala tayong magagawa.." dito na ako tuluyang napatitig kay Orion.
"I've been wondering Orion, why are you following vampire laws? Why are you not against us?" kahit noong nakaraang daang taon ay tanong na rin ito sa akin. Marami na rin siyang nalalaman na tanging mga bampira lamang ang nakakaalam.
"I've been raised by a vampire Lily, a mateless vampire.." napatulala na lang ako sa kanya.
"And you didn't even bother to tell me? I thought you're just a wild fox wandering around our castle.." hindi makapaniwalang sabi ko.
"I was about to tell you that but I can still remember how you hated those male vampires who are being pampered inside their own castle. You told me that they are weaklings and annoying as pest. Mga kapatid mo lang ang hindi mo isinali.." natatawang sabi niya.
"Then don't tell me.." nag aalangang sabi ko.
"My mother is a royal blooded vampire from Empire of Lodoss Pegana, Lily.." tuluyan nang napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
"You're a Prince, Orion?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"I am.." tipid na sagot niya sa akin.
Magsasalita pa sana ako nang kapwa kami mapatingala ni Orion dahil sa biglang magdilim ng kalangitan, akala ko ay maggagabi na pero mukhang may tumakip lamang dito.
Isang napakalaking ibon na may hindi katandaang lalaki ang sakay nito na may tabako sa bibig at napapalibutan ng mabahong usok. He's not too old, para sabihing matandang ermitanyo. Bumaba na ito mismo sa aming harapan, agad kinuha ni Orion ang bungang hawak ko at inabot niya ito sa 'ermitanyo' na kasalukuyang bumubuga ng usok. I love smokes but I hate his.
Sa mismong harapan namin niya kinain ang bunga ng puno at halos wala pang isang minuto ay naubos niya ito.
"Can you give me some antidote? My brothers are dying.." nang sabihin ko ay agad siyang lumingon sa tatlong prinsipeng mga walang malay.
Lumapit na ito sa kanila, nanatili kaming nanunuod ni Orion.
"What will he do?" bulong ko kay Orion.
"Just trust him.." nanlaki ang mata ko nang may inilabas siyang punyal. Agad akong nakalapit sa tatlong prinsipe at inihara ko ang sarili ko sa kanila.
"What's that?"
"Gagamutin ko sila, kung ayaw mo maaari na akong umalis.."
"No! Do something about them.." agad akong hinila ni Orion papalayo sa mga prinsipe.
"Let him be Lily.." nanatiling hawak ni Orion ang mga kamay ko habang nakikita ko na nilagyan niya ng maliit na hiwa sa mukha ang tatlong prinsipe.
"Oh my god!"
"That will heal fast Lily.." pagpapaalala sa akin ni Orion.
"But Rosh is Narcissitic! Magpapakamatay siya kapag nakita niyang may galos ang mukha niya.." nakita kong bahagyang ngumisi si Orion.
"That's not your problem anymore.."
Napahawak na lang ako sa aking bibig nang halos paliguan ng ermitanyo ng alak ang mukha ng mga prinsipeng walang malay.
"Kalahating oras, magigising na sila.." seryosong sabi niya habang sumasakay sa kanyang malaking ibon.
"That's all?" nagtatakang tanong ko. Sa dami nang pinagdaanan namin, babasain lang sila ng alak at hihiwaan ng kaunti sa pisngi?
Pinakatitigan ako ng ermitanyo.
"Mukhang hindi ako ang dahilan kung bakit ka napadpad sa lugar na ito Mahal na Prinsesa. My mate summoned you here.." kunot noo akong sumulyap sa punong pinagkuhanan ko ng bunga. Summoned me?
"And the reason is?" naguguluhang tanong ko. Bakit ako kailangan ng isang babaeng isinakripisyo?
"Hindi ko alam mahal na prinsesa. Hanggang sa muli nating pagkikita.." agad niyang pinalipad ang kanyang malaking ibon at hindi na muling pinakinggan ang katanungan ko. What the hell is that?
"What's that Orion? Anong ibig sabihin niya?" kunot noo din umiiling si Orion sa akin.
"I don't understand, bihira lang siyang magsalita. What was that?" tanong ni Orion sa kanyang sarili habang tinatanaw niya ang ermitanyong papalayo na sa amin.
Sa halip na pakaisipin ko pa ito ay nagtungo na ako sa mga prinsipe at sinimulan kong punasan ang mukha nila. Una kong nilapitan si Rosh, my brothers can take the mess all over their face. Pero kabaliktaran nila ang pangalawang prinsipe ng Deltora.
Panay ang pagpunas ko sa mukha ni Rosh nang maramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko.
"Mabait ka naman pala Ate Lily.." ngising sabi ni Rosh. He's awake!
Pero nagulat na lang ako nang bigla siyang nahulog mula sa kabayo. Sabay lang naman siyang itinulak ni Finn at Evan na nagising na rin.
"Stop calling her Ate!" singhal ng dalawa.
"Fvck, kilalanin nyo kung sino ako! Pangalawang prinsipe ako, kayong pang ilan kayo?" iritadong tumatayo si Rosh. Bumaba na rin si Evan at Finn sa kanilang kabayo.
Gamit ang aking bilis bilang bampira agad kong pinalipad ang aking malalakas na sampal sa kanilang tatlo. Malakas ko rin silang sinigawan.
"Pinag alala nyo ako! You were poisoned idiots! Tinakot nyo ako, tinakot nyo akong tatlo.." tulala silang tatlo habang hawak ang kanilang mga pisngi. Akala ko ay mananatili silang tahimik nang nauna kong narinig magsalita si Rosh.
"Salamat.." iwas ang mga mata niya sa akin. Samantalang si Evan at Finn ay yumakap sa akin.
"I won't be careless again Lily. I am so sorry.." mahinang sabi ni Evan.
"I am sorry Lily.." sabi naman ni Finn.
Nakita kong lumapit na sa kabayo si Rosh, akala ko ay sasakay siya dito pero tamad siyang lumingon sa akin.
"Hop in, bago pa magbago ang isip ko.." walang ganang sabi niya. Sumakay na ako dito habang naglakad silang lahat.
Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad nang magsalita muli si Rosh.
"Can you tell me who this fox is?" kanina pa akong nagtataka na hindi sila nagtatanong.
"He's Lily's fiancé.." sabay na sagot ni Finn at Evan.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Siya ang ipapakilala sa'yo ni Dastan, Lily.." agad na sabi ni Evan.
"Fiance huh?" naiiling na sabi ni Rosh. May nakadapo sa balikat nitong kulay putting paro paro at kung hindi ako nagkakamali ay nagagawang makipag usap ni Rosh hindi lamang sa mga bulaklak kundi pati na rin sa mga paru paro.
Hindi ko na sana papansinin si Rosh nang marinig ko siyang humalakhak nang napakalakas.
"Nababaliw na naman.." pakinig ko ang bulungan ni Evan at Finn. Pero mas kinabahan ako sa huling sinabi ng pangalawang prinsipe ng Deltora.
"Dog versus dog, sounds interesting.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro