Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18



Chapter 18


Kasalukuyan na akong naliligo sa malalim na ilog habang nasa likuran ng punong hindi kalayuan si Adam. Hindi magandang ideya na makita niya akong walang saplot sa katawan.

It will just ignite the longing flame on our body and we'll end up being discovered. Everything will be ruined with our single mistake. At ayokong mangyari ito sa amin, ang tuluyan na kaming magkalayo.


"Lily, please. I want to watch you. I'll be good, I won't do anything unnecessary sweetheart.." napangisi na lang ako nang marinig ko ang mahinang boses ni Adam na parang nagmamakaawa sa akin.

I wanted to show him my everything but this is not the right time. We need to hurry, bago pa magising mula sa pagkakatulog ang mga kasamahan namin.

We can't handle Orion, kahit nasabi ko na sa kanyang si Adam ang lalaking nakatakda sa akin alam kong hindi niya ito tanggap. Yes, I did love him, siguro? Pero ibang iba sa pagmamahal na nararamdaman ko sa lobong nasa likuran ng puno. He's my everything, na parang kapag dumating sa puntong siya ang mawawala katulad ng biglang pagkawala ni Orion noon ay talagang ikamamatay ko.

Akala ko magagawa kong mabuhay na wala si Adam, nakapagdesisyon na ako sa loob ng kubon pero mukhang gumuho na rin ito kasabay ng mahiwagang kubon. Nang sandaling haplusin at halikan niya ang aking mga balat, nang sandaling matikman ng aking mga labi ang kanyang dugo at nang sandaling ibulong niya sa akin kung gaano niya ako kamahal mukhang handa na akong pagtaksilan ang sarili kong lahi.

Pero sa pagkakataong ito higit naming kailangang itago muna ang aming sitwasyon dahil alam namin sa mga sarili namin na wala pa kaming magagawa. No one from our clans will ever approve our situation. That's a goddamn never.


"Sweetheart, please? I want to atleast watch you this bad.." muling sabi ni Adam mula sa likuran ng puno.

Maaari ko bang bawiin ang aking sinabi? Masasabi kong tanging ako na lamang ang nagpipigil sa mga oras na ito at alam kong sa isang salita ko lamang ay muli siyang magkukumahog saluhan ako sa napakalinaw na ilog na ito.

Ipinagpatuloy ko na lamang ang paghaplos sa aking mahabang buhok na unti unti ko nang binabasa mula sa sinasalok na tubig ng aking mga kamay.


"Adam, stay.." kagat labing sabi ko. Gusto ko nang matawa dahil sa dalawang salitang nasabi ko.


"What the fvck? What am I a pet? A dog?" kahit hindi ko siya nakikita alam kong mukha na siyang iritado dahil sa sinabi ko.


"Hind ba? Werewolves are dogs Adam with four legs" pagbibirong sabi ko.


"We're so different sweetheart. At alam kong alam mo 'yon, paalala mahal na prinsesang bampira. Hindi mahilig makipagbiruan ang mga lobong katulad ko.." umarko ang kilay ko sa narinig ko.


"Alpha Adam, are you threatening the Gazellian's Princess?" sinimulan ko nang ihiga ang sarili ko sa napakalamig na tubig at hinayaan kong banayad na tangayin ang katawan ko nang marahang pag agos nito.

Hindi ko maiwasang hindi itaas ang aking kanang kamay na parang inaabot ang malamlam na sinag ng araw na lumalampas sa nagtatayugang mga puno ng kagubatan. Kaiba ang sinag ng araw sa mundong ito, it won't burn our skin na siyang pinaniniwalaan ng mga tao.

Poor humans, hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng mga ideya sa mga kagaya naming mga bampira. They are just creating foolish beliefs which are too far from the reality. Vampires have fangs and suck blood for survival, ito lang ang tumama sa kanila.

Kung magtungo man kami sa mundo ng mga tao, tanging mga mata lamang namin ang maaapektuhan ng sinag ng araw na siyang maaring bumulag sa aming mga bampira. But shades will do the protecting and everything will be fine. Thanks to Casper who are too knowledgeable about the poor human world.


"What do you think?" nawala ang isipan ko tungkol sa mahinang mundo ng mga tao nang muli kong marinig ang boses ni Adam. Oh crap, bakit nga ba napasok sa isipan ko ang mga tao?


"What?" nag aalangang tanong ko kay Adam.


"I can read your thoughts Lily, what's with human world?" tanong niya sa akin.


"I don't know, bigla na lang siyang pumasok. Posibleng inaalala ko rin ang itinakdang babae mula mundo ng mga tao na nakatakda kay Zen.." gusto kong mapamura. Most of my brothers are dying right now, from Zen, Finn, Evan plus Prince Rosh from Deltora.


"Ang mga dyosang magmumula sa salamin? Hindi ba at ikalawang prinsipe lamang ang prinsipe ng mga nyebe?" mapait akong napangiti sa sinabi ni Adam. Kung sabagay, alam ng lahat ang tungkol sa mga itinakdang babae. At inaasahang siya ay para kay Dastan.


"It's a long story.." maiksing sagot ko.

Natahimik kaming muli ng ilang minuto bago siya nagsalitang muli.


"How about that fox? Can I kill him?" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.


"You can't Adam, Orion is my friend.."


"Sa tingin mo ay kaibigan lamang ang tingin niya sa'yo? He is self-proclaiming that he is your mate! Kung kanina ay may pasensya pa ako, ibang iba na ngayon Lily. I've kissed, touched you and you melted in my arms sweetheart. You whispered my name. I have already felt you not just in my heart but also through my lips. Sa tingin mo ba ay magagawa ko pang magpigil kapag tinangka ka niyang hawakan? Lily, sa akin ka lang. You're my Luna.." lalong lumapad ang ngiti ko sa mga labi.


"I am all yours Adam. No fox or another werewolf or even a vampire can ever replace you. You're my one and only Alpha Adam.." mahinang sagot ko sa kanya.

Muli ko na lamang inabala ang sarili ko sa mga ibon na agad nagliparan nang bahagyang magalaw ang malaking puno kung saan nakaupo si Adam.


"If we're just in free world Lily, I have already kissed you endlessly.." mapait akong ngumiti sa sinabi niya.


"Yes, if we're just in a free world Adam.."

Natahimik kaming muli ng ilang minuto na parang pinakikiramdaman ang bawat isa. Life is too complicated.


"How about your dress Lily? My scent are still in there.." napatingin na lang ako sa kasuotan ko na malapit sa ilog.


"Kailangan ko lamang siyang ibabad sa usok. Matatakpan na nito ang amoy mo.." kung maaari lang itong gawin sa katawan ko ay nagawa ko na. But Adam's kisses are all over my neck, face and shoulders. Hindi ito kakayanin ng aking usok.


"You need to take a bath too Adam, naiwan din sa'yo ang aking amoy. The baby wolf will notice my scent on you.."


"I will.." tipid na sagot niya.

Kasalukuyan na akong nagbibihis nang lumabas na siya sa likuran ng puno, agad akong dumistansya sa kanya. Kakaiba ang atraksyon mayroon kami sa isa't isa, sobrang lakas nito na halos hirap na hirap na kaming kontrolin.


"I'll go.." tipid lang siyang ngumiti sa akin.

Lakad takbo ako para makabalik sa pinanggalingan namin kanina. At halos mapahinga ako ng maluwag nang makitang natutulog pa rin si Orion at ang batang lobo. Wala na sa kabayo si Rosh dahil nahulog na ito, kaya binuhat ko pa ito at ibinalik muli dito.

Naupo ako sa tabi ni Orion habang hinihintay ang kanyang paggising. Gusto kong humingi ng patawad sa kanya, dapat ay hindi ko na siya sinubukang mahalin pa noon. Alam ko nang may lalaking nararapat sa akin, bakit hinayaan ko pa ang sarili kong mapalapit sa kanya?

I am so sorry Orion, dadating ang panahon na may babaeng magmamahal sa'yo at hindi ako 'yon. Hindi ko mapigilang hindi hawiin ang ilang hibla ng buhok niyang tumatabing sa kanyang maamong mukha.


"Stop that.." mabilis kon inilayo ko ang kamay ko kay Orion. Agad kong napansin ang si Adam na naglalakad na papunta sa batang babaeng natutulog. Ikinalong niya ito bago siya naupo sa ilalim ng puno at sumandal dito. Halos magkatapatan lang kami.

Wala kaming maaaring gawin kundi titigan lamang ang bawat isa sa kaunting distansyang mayroon kami.


'Do you think we can fight this? Can we fight for everything? Hindi lang isa kundi dalawang lahi ang makakalaban natin Adam..' nanatili lamang kaming magkatitigan.


'I don't need to fight for everything Lily. I just want to fight for you. You are worth fighting for sweetheart..'


'Adam..'


'Just trust me sweetheart, I'll talk to the old werewolves. They will listen to me, I am an Alpha..'


'I doubt that, they lied to you. They hide my existence from you, natatakot ako na tuluyan na tayong paglayuin. Alam ko ang kakayahan ng mga bampira, ilalayo ka nila sa akin. Papaano pa kapag gumawa na rin ng hakbang ang mga lobo? Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Can we just hide this Adam? We need to hide our love. This is the safest way..' kitang kita ko ang pangungunot ng noo niya sa sinabi ko.


'Loving each other behind their backs? But I don't want to hide you, I want to inform this world that you are mine. That I am mated to a very beautiful vampire princess, I want to love you freely. Walang takot at itinatago, you deserved that Princess Lily..'


'Sa tingin mo anong mangyayari kapag nalaman ng mundong ito? Do you think they'll approve? This is against the law Adam, masasaktan lamang tayo kapag nalaman ng lahat..'


'But hiding is not an ideal solution Esmeralda..'


'Adam this is for the mean-' naputol ang pag uusap namin sa aming isipan nang maramdaman kong nagising na si Orion.


"What happened?" bahagya niya pang kinukusot ang kanyang mata.


"I think there is another spell inside this forest, nakatulog tayong lahat. May ilog sa hindi kalayuan Orion, the cold water will freshen you up.." agad na sabi ko kung magtaka siya kung bakit basa ang buhok ko.


"I am fine.." tumayo na siya at ilang beses nag inat.


"Let's go.." inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. I know Adam is watching. Dahil wala namang masamang ibig sabihin si Orion ay tinanggap ko ito.


'Good! Very good! Princess Esmeralda' galit na sabi nito sa aking isipan.


'I can't be rude, we are not kissing Adam. Huwag kang masyadong seloso' hindi ito sumagot sa akin.

Gising na rin ang batang lobo na buhat niya. Naglalakad na sila ni Adam papalapit sa amin ni Orion.


"Hanggang dito na lang kami, the fruit will lead you the way.." nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit iba ito sa sinabi niya kanina?


"How?" nagtatakang tanong ko. Nagkibit balikat lang sa akin si Adam.


'Tell me how..'


'You're smart Esmeralda, you'll find it on your own...'


"Ang ermitanyo na mismo ang lalapit sa atin Lily.." biglang sabi ni Orion.


"Hanggang dito na lamang.." inilahad ni Adam ang kamay niya sa akin. Nagpapaalam na ba siya? Maghihiwalay na ba kami?


"Siguro naman ay wala na akong utang na loob bampira?" sa kabila ng kirot sa nalalapit naming paghihiwalay hindi ko maiwasang hindi mapangisi sa makikitungo niya sa akin. How can he effectively act like this? At kailan pa siya natutong makipagkamay?


"You don't need that Lily.." pipigilan na sana ako ni Orion sa pakikipagkamay kay Adam nang magsalita ako.


"It's fine Orion.."


Nang tangka ko nang aabutin ang kamay ni Adam ay hindi ko na agad ito naabot. Naramdaman ko na lamang na marahan niyang hinawakan ang dulo ng aking buhok. At mabilis na niya kaming tinalikuran.


'Till we meet again Esmeralda, my love..'


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro