Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16


Gusto ko muling lumingon kay Adam, gusto kong ikumpirma sa mga mata niya ang narinig ko. I know that was from him, I know that voice was from my one and only mate. That was our own mate link.

Bagay na siyang isang matibay na patunay ng isang matinding koneksyon ng dalawang nilalang na itinakda sa isa't isa. There might be spells blocking us but it can't separate us forever. Dahil lagi itong tatalunin ng koneksyon namin sa dalawa.


Huminga ako ng malalim habang sinisimulan ko nang abutin ang bunga ng makapangyarihang puno. I can't just disappear, lalo na at tuluyan na niya akong nakikila. I am not like that witch, malinis ang intensyon ko sa bungang pipitasin ko. I am not doing this to claim whatever power this fruits has, I am claiming this for my brother's lives.

Masasabi kong tunay na makapangyarihan ang punong ito kung tama niyang mababasa ang malinis kong intensyon. Pikit mata kong inabot sa nangangatal kong mga kamay ang bunga at halos hindi ako huminga ng ilang segundo nang maramdaman ko na ito sa aking mga kamay.

I can even hear Orion's voice calling my name. I was waiting for his voice to come out again but I can hear no more but Orion's voice. Napakagat labi na lang ako, what is that? My own hallucination? Masyado ko na bang iniisip ang hindi niya pagkilala sa akin na hanggang sa isipan ko ay umaasa akong biglang magsasalita ang boses niya?

Pakiramdam ko ay nag init ang sulok ng aking mga mata. Umasa lamang ako sa ilusyon ng sarili kong isipan.


Nang abot kamay ko na ang bunga ay marahan ko na itong pinitas. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata para tingnan ang sarili ko kung mapapagaya ako sa mangkukulam na nagliwanag ang katawan. Ilang minuto akong nakatigil at pinagmamasdan ang sarili pero lumipas pa ang ilang minuto ay wala akong nararamdamang kakaiba sa aking katawan.

Hindi ko na mapigilan mapatalon sa tuwa, matatanggal na ang lason ng tatlong prinsipe. Makakatuloy kami sa kaharian ng Eberron, makakausap pa namin ang hari nito at makakauwi pa kaming kumpleto sa Parsua.


"I made it!" natutuwang sabi ko nang humarap ako sa kanila. Nakangiti sa akin si Orion.

Pero nang magtama ang mga mata ko kay Adam ay agad kong naramdaman ang pagningas ng mga mata ko maging ang mga mata niya ay sumisigaw rin ng apoy na pilit nang nagwawala. Pakiramdam ko ay gustong maglabasan ng mga pangil ko maging ang tindi ng pagkauhaw ko ay bigla na lamang nagparamdam sa akin.

Oh god, I can't take this anymore. I need my mate right now. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nagpakawala ako ng manipis na usok na siyang hindi mapapansin ni Orion at ng batang babae. Sa isang iglap ay nawalan ng malay si Orion na siyang bumagsak sa damuhan, maging ang batang buhat ni Adam ay nakatulog na rin at mabilis nitong ibinaba.


Binitawan ko na ang bungang hawak ko at agad kong ginamit ang bilis ko bilang bampira sa pagtakbo. Maging si Adam ay ganito na rin ang ginawa hanggang sa magkasalubong kami, siya mismo ang kumabig sa akin hanggang sa mariing naglapat ang aming mga labi.

Agad niya akong nabuhat dahilan para pumulupot ang mga binti ko sa kanyang bewang. Halos magmadali siya sa paglalakad para makalayo kami sa mga katawang natutulog. At sa bawat paghakbang niya ay palalim na nang palalim ang palitan namin ng mga halik.

We kiss each other with full of hotness, fire and passion. We can't just stop, ayaw na namin tigilan ang isa't isa na parang kapag may nagtangkang tumigil ay muli na lang kaming magkakaroon ng napakalaking distansya.


"I need your blood Adam. I need you.." halos ilang beses akong bumulong sa kanya. Uhaw na uhaw na ako at alam kong tanging dugo niya lamang ang makakatanggal ng matinding uhaw na nararamdaman ko.


"As you wish.." naramdaman kong dahan dahan kaming naupo. Nakasandal na siya sa malaking puno habang kalong niya ako. Nakapulupot sa kanyang leeg ang mga braso ko na siyang tinanggal ko na.

Marahan akong humiwalay sa kanya at dahan dahan kong inilagay ang mga kamay ko sa kanyang matitipunong dibdib. Atlast, I can touch it legally.


"Legally huh?" napakagat labi na lang ako nang basahin niya ang isip ko. Muling naglapat ang mga labi namin. Napaungol na lang ako nang bahagya niyang kagatin ang pang ibabang labi ko.


"Adam.."


"Go on sweetheart.." agad naglandas ang mga labi ko sa kanyang leeg habang marahan niyang hinahaplos ang mahaba kong buhok.

I did kiss and teasingly lick his neck until my sharp fangs dig his skin. Unang lapat pa lamang ng dugo niya sa mga labi ko ay halos magsaya ang buong sistema ko. My fangs, eyes and my whole body can recognize the owner of this blood. I own him, he's my mate. He's all mine.


"Lily.." halos marinig ko na ang masayang pagtibok ng aking puso habang naririnig ang pangalan ko mula sa kanya kasabay ng pagdaloy ng sa aking katawan ng kanyang sariwang dugo.

I always wanted to taste his blood, I always dreamed to be feed by my mate's blood. Oh god, I need to control myself. Ayokong maubusan siya ng dugo ng dahil sa akin.

Umawang ang mga labi ko sa kanyang leeg nang makainom ako ng sapat na dugo sa kanya. Sinigurado kong walang dugong masasayang sa kanya kaya marahan kong pinaglandas ang mainit kong dila dahilan kung bakit muli niyang tinawag ang aking pangalan.


"Touch me.." inalis ko ang mga kamay niyang nakapulupot sa aking bewang at ako mismo ang naglagay ng mga kamay niya sa aking dibdib. Sa pagkakataong ito ay muling naningas ang aming mga mata.

Agad kaming nagkapalit ng posisyon, ako na ngayon ang nakasandal sa puno habang mariing nakikipagpalitan ng halik sa kanya.

Ilang beses akong napaungol nang maglandas ang mga kamay niya sa iba't ibang parte ng aking katawan. I am still clothed but I can feel the intense heat between us. Halos mapunit na ang pang ibabang labi ko sa aking pagkagat nang nagsimulang bumaba ang mga labi niya sa dibdib ko.

Halos hingalin na ako sa ginawa niya ngayong may damit ako, ano pa ang kaya niyang gawin sa akin kapag tuluyan na niyang natanggal ang mga saplot ko sa katawan?

Naramdaman ko na lamang ang mga kamay niya sa magkabila kong balikat. Balak niyang siraan ang kasuotan ko na wala pa sa balak ko. Hindi pa namin maaaring gawin ang bagay na ito. Oh god Lily! Calm yourself! You have two brothers dying!

Para akong natauhan sa pumasok sa isipan ko. Mabilis umangat ang mga kamay ko para pigilan ang mga kamay ni Adam na mahubaran ako. Alam ko sa sarili kong hindi na namin kaya pang pigilan an gaming sarili kapag dumating na sa puntong magkalapat na ang mga balat namin sa isa't isa.


"You can't, not yet Adam.." humihingal na sabi ko. Kapwa kami may mabibigat na paghinga dahil sa tindi ng init namin sa isa't isa. I know this thing will happen pero hindi ngayon. Alam kong may tamang oras sa bagay na ito.


"I know, I know Lily..." hinalikan niya ako sa aking noo na siyang lalong nagpawala sa kabog ng dibdib ko.

Nagulat na lang ako nang biglang maputol ang malaking punong sinasandalan ko.


"This tree is too weak.." napairap na lang ako sa sinabi ko.


"Too weak for us sweetheart..." agad niya akong binuhat at mabilis ko namang ipinulupot ang mga braso ko sa kanya.


"Where are we going Adam?" tanong ko sa kanya.


"Lalayo, baka magising sila.." ngising sagot niya sa akin.


"But my brothers ---" pinatigil ng mga daliri niya ang mga labi ko.


"They will be fine, madali mo nang makikita ang matandang ermitanyo dahil sa bungang pinitas mo. There is nothing to worry about Lily.." tipid akong ngumiti sa sinabi niya.

Bumilis nang bumilis ang pagtakbo niya hanggang sa may panibago kaming punong tigilan. Naupo kami sa mataas na sanga nito habang yakap niya ako at nakasandal ako sa kanyang dibdib.


"Kinain ko lahat ng mga sinabi ko Lily. I can no longer hate vampires right now, dahil nasa lahi nila ang pinakamahalagang babae ng buhay ko.." marahan akong napangiti sa sinabi niya. He did kiss the top my head.


"I thought you hated vampires the most? Pilit mo itong sinabi sa akin sa loob ng kubon Adam.." mahinang sabi ko sa kanya.


"Do you think I can hate you? Do you think I can resist you? Do you think I can hate my beautiful mate? Para na akong mababaliw simula nang makita kita Lily.." napapikita na lang ako nang maramdaman ko ang mga labi niya sa leeg ko. Kissing and bitting me gently.


"Who am I? Who am I to you Lily?" bulong niya sa akin na nagpaningas ng aking mga mata. Pilit ko siyang nilingon at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.


"You are my mate Adam. Ang kaisa isang lalaking mamahalin ko habang buhay.." unti unti na muling maglalapat ang aming mga labi nang muli siyang magsalita.


"Minahal na kita bago ko pa man malamang ikaw ang babaeng itinakda sa akin Lily.."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro