Chapter 15
Chapter 15
Hinintay ko na may isagot si Adam sa batang babae pero sa halip na magsalita ito ay hinalikan niya lamang sa noo ang batang lobo na siyang nagpapula sa pisngi nito.
Hindi ko maiwasang hindi mapairap sa ginawa niya. Why can't he tell her the truth? Alam kong kahit dumating pa ang batang lobong ito sa kanyang tamang edad ay hinding hindi niya mapapantayan ang kagandahang mayroon ako. Huwag niyang pinamumulat sa bagay na imposible ang isang bata dahil aasa lamang ito kung magkakataon. I am not being conceited, pinaniniwalaan ko lamang ang katotohanan.
I have the Gazellian's blood, we're always on the peak when it comes to beauty.
Agad akong na-iwas ng tingin nang lumingon si Adam gawing kanan niya kahit wala naman itong dapat ilingon. Alam ko sa sarili kong ako ang pasimple niyang sinusulyapan. Bakit hindi na lang siya mismo lumingon sa likuran? Nagpapakahirap pa siya.
Gusto niyang malaman ang reaksyon ko? Fine, I am pissed. At sisiguraduhin kong sa sandaling tuluyan mo nang malaman at maramdaman na ako ang babaeng itinakda sa'yo, parurusahan kitang lobo ka.
"Adam!" malakas na sigaw ng batang lobo. Narinig ko pang hinampas niya ito. Mukhang nahuli na naman niyang sumusulyap sa akin ang nagmamatigas na lobo.
"What?" natatawang sagot nito sa batang buhat niya.
"I hate you! Ayoko na sa'yo!" muli na lang akong napairap. Who is this kid? Nagsisimula na akong mainis sa kanya.
"Don't be mad, Ana. You're prettier than anyone else.." halos magpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Seriously? Talaga ba na mas malilinaw ang mga mata ng bampira kaysa sa mga lobo?
Tuwang tuwang pinaghahalikan ng batang babae si Adam sa kanyang pisngi. Sinulyapan pa ako nito na parang siya ang nagwagi. I am not competing with you kid, excuse me?
"Am I prettier than her?" itinuro pa ako ng batang lobo. I need more patience, baka may kung ano na namang lumabas sa bibig ko.
"Don't mind her, she's just a kid Lily..." narinig kong sabi ni Orion.
"I know..." matabang na sagot ko. Narinig ko na namang tumawa si Adam, hindi na siya lumingon sa akin at nagpatuloy na lang siya sa paglalakad habang naiiling.
"Of course, you're prettier than her. Hindi magaganda ang mga babaeng may pangil..." pakiramdam ko ay lalong naglabasan ang mga pangil ko sa sinabi ng walang hiyang lobo. Isinusumpa ko ang mga oras na ito, babawiin mo 'yang mga sinabi mo lobo. May araw ka din sa akin.
Huminga na lang ako ng malalim at pinilit ko na lamang hindi makinig sa mga pinagsasabi ni Adam at ng batang lobo. She's so talkative! Bakit ko nga ba naisipan pang tulungan ang lobong ito? Dapat ay hinayaan ko na lamang siyang maipit sa malaking punong 'yon.
I thought she's kind a while ago, pero hindi naman pala.
Hindi din nagtagal ang paglalakad namin ay naramdaman ko ang kamay ni Orion sa braso ko.
"Pagod ka na ba Lily? We can rest if you want..." hindi na ako nakasagot pa kay Orion dahil agad kong narinig ang boses ni Adam mula sa unahan.
"Nagmamadali ako, mahal ang oras ko. Hindi tayo pwedeng tumigil.." nakaharap na sa aming muli si Adam. Napansin ko pa na pinasadahan niya ng tingin ang kamay ni Orion sa akin.
"I am fine, hindi pa naman ako napapagod Orion. Still, thanks..." nakatitig naman ako ngayon kay Orion na may masamang titig kay Adam na muli na kaming tinalikuran.
Pinagpatuloy namin ang paglalakad. Wala kaming ibang pagpipilian kung hindi lumakad, wala na kaming sapat na kabayo dahil nawala na lamang ito ng parang bula nang lumabas kami sa kubon, tanging isa na lamang ang natira na siyang sinasakyan ng mga nalasong prinsipe.
Sa sandaling magising ang tatlong ito, sisiguraduhin kong makakatikim silang tatlo mula sa akin ng malalakas na sampal, sinong matinong mga prinsipe ang basta na lamang iinom ng mga alak na hindi pamilyar sa kanila?
Malakas din ang pang amoy naming mga bampira, bakit hindi man lang nila ginamit ito bago sila uminom ng alak na hindi nila kilala?
"Ate Lily..." narinig kong tinawag ako ni Finn. Ngayon naman ay pangalan ko na ang tinatawag niya, kanina lamang ay mga prinsesa mula sa iba't ibang kaharian ang naririnig ko mula sa bibig niya.
"Orion, mauna ka munang maglakad. Ako muna sa hulihan, I need to check them..." mabilis tumango sa akin si Orion at inabot niya sa akin ang hawak niyang tali ng kabayo.
Nang sipatin ko ang kanilang temperatura ay halos mapamura na lang ako. They're still burning at pataas pa ito nang pataas. Alam kong malayo pa ang lalakbayin naman at natatakot na ako sa sitwasyon ng tatlong prinsipeng ito. Posibleng hinahanap na rin kami ng tatlong kaharian, Deltora, Sartorias at Eberron. Ilang araw na kaming nawawalang apat.
Muling tinawag ni Finn ang pangalan ko. Alam kong nauuhaw na ang mga prinsipeng ito. Hindi dugo ang ininom nila kundi alak, siguradong matindi na ang nararamdaman nilang pagkauhaw.
"They're all thirsty. Can we stop first? I need to feed them.." hindi ko na hinintay pa ang sagot nila dahil agad kong inilabas ang aking mga pangil. Mabilis ko itong ikinagat malapit sa aking palapulsuha.
At nasa akto na akong itatapat ito sa labi ni Finn nang matigilan na lang ako sa mainit na kamay na humawak sa akin para pigilan ako sa aking gagawin.
Nang iangat ko ang aking paningin ay halos mapasinghap na lamang ako. Why is he doing this to me? Hindi pwedeng lagi mo na lang akong binigbigla ng ganito Adam.
"Are you going to poison yourself Lily?!" hindi ako nagulat sa lakas ng boses niya at sa pag igting ng mga bagang niya habang nakatitig sa akin. Nagulat ako nang marinig ko ang una kong pangalan mula sa kanya. Maging ang kamay niyang pahigpit na nang pahigpit ay hindi ko na napansin.
"I am just feeding them, what's wrong with you?" tanong ko sa kanya. Napansin ko na iniwan niya ang batang buhat niya para lamang makarating sa posisyon ko. He's so fast!
"Adam.." narinig kong tawag sa kanya ng bata.
"Stay there Ana.." malamig na sagot niya habang nakatitig pa rin sa akin.
"Ilang beses kong kailangang sabihin sa'yo na huwag mo siyang hahawakan lobo?" nasa pagitan na namin muli si Orion na malamig na nakatitig sa mga kamay ni Adam sa akin. Marahas binitawan ni Adam ang kamay ko. Agad naman akong inilagay ni Orion sa likuran niya.
"What do you want from my mate? Ilang beses na kitang nahuhuling sumusulyap sa kanya, hindi na ako natutuwa lobo. Hindi mo ako gugustuhing magalit.." matigas na sabi ni Orion. Napatitig na lang ako sa likuran niya, talagang pinaninindigan niyang siya ang totoo kong kapareha.
"Your mate? Hahayaan mong malason ang babaeng kapareha mo? Kung hindi pa ako nakalapit sa kanya, what will happen to her? She will be poisoned! Maging ang pangil ng mga bampirang 'yan ay apektado ng lason! Watch her and stop her from doing foolish acts!" napatulala na lang ako sa malakas na sinabi ni Adam. Hindi ko alam ang bagay na ito. How would I know? Bago lamang ako sa mga lason.
"Bakit hindi mo agad sinabi ang bagay na ito?" agad akong nilingon ni Orion. Inagaw ni Orion ang palapusuhan kong may dugo at tumitig ito sa akin.
"No. This bite was from me, wala pang nakakainom sa kanila..." mahinang sagot ko. Napansin ko na halos sabay napabuntong hininga si Orion at Adam sa sinabi ko.
"Sa susunod magtanong ka. Damn it, how I hate vampire pride.." iritado niya kaming tinalikuran ni Orion at muli niyang binuhat ang batang kanina pang masama ang tingin sa akin.
"Thank you, thank you Adam.." mahinang sabi ko sa kanya.
"Utang na loob..." mabilis na sagot niya sa akin bago siya muling bumalik sa paglalakad.
"Malapit na tayo, mga kalahating oras na lamang ay makakarating na tayo sa punong sinasabi ko.." mas binilisan na namin ang paglalakad at wala pa sa kalahating oras ay nakarating na nga kami sa harap ng punong sinasabi niya.
Pamilyar na ako sa mga puno dahil maraming iba't ibang klase nito sa Parsua pero sa unang titig pa lamang sa punong nasa harapan ko, masasabi kong hindi lamang ito basta puno na lamang. I have never seen a tree like this before.
Hindi kataasan ang punong ito, mahahaba ang naglalakihang sanga nito na parang gumagawa ng hugis pabilog sa loob nito. Nagliliwanag ang puso ng punong ito na parang may apoy na nagliliyab dito. Halos mapalibutan din ito ng makapal na usok na pinaghalong itim at puti. Nagsabit ang kulay puting bunga nito na siyang paborito ng ermitanyong kailangan naming hanapin.
"Anong klaseng puno ito?" tanong ko na lamang.
"It is the Hanana Tree.." maiksing sagot sa akin ni Adam. Napansin ko na muli niyang ibinaba ang batang buhat niya.
"Kukuha na ako ng bunga.." mabilis na sabi ko. Hindi na ako dapat mag aksaya pa ng oras. Hahakbang na sana ako nang matulala na lamang ako sa dalawang brasong nakaharang sa harapan ko.
It was from Adam and Orion from my both sides.
"Ako na.." mabilis na sabi ni Adam na nakatitig na sa puno.
"No, I'll get it for you Lily.." agad din namang sabi ni Orion.
Sasagot na sana ako sa kanilang dalawa nang halos sabay kaming mapatingin sa taas. Namangha na lamang ako nang makakita ako ng babaeng nakaitim na nakasakay sa walis.
Mabilis siyang pumitas ng bunga sa puno at nang akma na siyang lilipad paalis ay napasapo na lamang ako sa aking bibig. Unti unting nagliwanag ang kanyang katawan hanggang sa naging maliit na bolang liwanag na lamang siya. At kusa na lamang siyang sumama sa pusong nagliliwanag ng puno.
"What...what happened to her?" nangangatal na tanong ko. Nilamon siya ng puno?
"This is the most dangerous tree of Halla, Lily.." mahinang sabi ni Orion.
"Tanging ang may magagandang intensyon lamang ang nakakakuha nito. The tree will eat you alive if your heart is not pure.." ilang beses akong napalunok sa sinabi ni Adam. What the hell?
Muli akong tumitig sa punong kailangan ko, huminga ako ng malalim bago ako magsalita. I should do this, alam kong malinis ang intension ko sa mga oras na ito.
"I will get the fruit, I don't need your help.." matigas na sabi ko pero muling humara ang mga braso nila sa akin habang nagsusukatan sila ng mga tingin.
"Ako ang kukuha! Anong gusto nyong iparating sa aking dalawa? That I don't have a pure heart? That I am evil like that witch?" tinabig ko ang mga braso nila sa akin.
"Lily.." hindi ko pinakinggan ang tawag sa akin ni Orion.
"Damn it! Be careful stubborn vampi--" natigilan ako sa paglalakad. That was from my mind.
Nang lumingon ako pabalik kay Adam ay kunot noo na rin siyang nakatitig sa akin. At mukhang nagulat din siya sa nangyari. Is that? Is that a mind link?
Ipinilig ko na lamang ang aking sarili at sinimulan ko nang lumapit sa puno. Agad akong humanap ng bunga na siyang madaling pitasin. At nang akmang aabutin ko na ito napakagat labi na lang ako sa boses na narinig ko mula sa aking isipan.
"You can't just be part of that tree, you need to answer my questions. Please show me your pure heart Lily Esmeralda.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro