Chapter 12
Chapter 12
Kasalukuyan
Pakiramdam ko ay parang inihehele ang buong katawan ko. Lalo ko pang inihilig ang sarili ko sa kung anong sumusuporta sa akin. Hindi ko maiwasang damhin ang pamilyar niyang amoy na nasasamyo ng aking ilong.
Smell is something that is really memorable. He's like a fresh forest with very addictive fragrance.
Pero nang mapagtanto ko kung kanino nanggagaling ang pamilyar na amoy na ito ay agad kong iminulat ang aking mga mata.
"You're awake.." agad na sabi ni Orion habang buhat niya ako sa kanyang likuran. I can even feel the softness of his tails playfully caressing my skin.
"Ibaba mo ako.." malamig na sabi ko sa kanya. Hindi naman siya nakipagtalo sa akin dahil sinunod niya agad ang sinabi ko.
Nang sandaling lumapat ang paa ko sa lupa ay halos mawalan ako ng balanse. Damn, what did just happen to me?
"Still thirsty Lily?" nag aalalang tanong niya sa akin. Nang hawakan niya ang balikat ko ay marahas kong humakbang papalayo sa kanya.
"Don't touch me.." ilang beses pa akong napamura nang maramdaman ko ang aking pagkahilo.
"Lily, let me explain.." agad nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Explain? Ilang daang taon na ba ang nakalipas? Bakit ngayon lang siya nagpakita? Oh god! How I hate foxes.
"I don't need your explanation Orion. We're done.." seryosong sagot ko sa kanya. Mabilis kong inilihis ang mga mata ko sa kanya. I don't want to see his reactions, wala na akong pakialam dito.
"I want you back Lily, binalikan kita.." muli akong umatras nang akma siyang lalapit sa akin.
"How? I found my mate Orion, it's impossible for us..besides.." Adam is really my mate, my other half. Wala nang pag asa ang puso ko sa ibang lalaki.
"We're both aware of that Lily, hindi ba at may paraan akong nalalaman?" sa pagkakataong ito ay umangat ang paningin ko sa kanya. Hindi ko mapigilang marahang umiling sa kanya.
"Orion, you're too late..." mahinang sabi ko sa kanya.
"Lily.." tawag niya sa akin.
Huminga ako ng malalim at pinilit ko ang sarili kong magsalita sa lalaking minsan ko nang minahal. Hindi ko alam kung pagmamahal na nga ba ang naramdaman kong ito sa kanya noon pero alam kong nagkaroon siya ng malaking parte sa aking puso.
"Nahuli ka na Orion, I was once in love with you na kaya kong sumuway sa aking sariling lahi, na kaya kong putulin ang koneksyong meron ako sa lalaking nakatakda sa akin pero ngayon nakita ko na siya hindi ko na kaya. I can't Orion, I can't cut my ties from him.." natulala na lang siya sa akin dahil sa narinig niya.
Ilang beses ko man sabihin sa sarili ko na kailangan kong lumayo sa lobong nakatakda sa akin, ilang beses ko man pilit isipin sa sarili ko na kailangan ko na siyang kalimutan, ilang beses ko man ipilit na kailangan ko na hindi ko dapat siya mahalin wala akong magawa sa tibok ng puso ko.
"Talaga ba na nahuli ako Lily?" sa halip na masalita ay umiling na lang ako sa kanya.
"Maiwan na kita Orion, it's nice to see you again.." hinayaan niya akong lumampas sa kanya pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay nagsalita muli siya.
"You will still need me Lily, I know someone who has some antidote for your brother's poison.." agad akong napalingon sa kanya. Damn it! Ilang oras akong nakatulog? Napakaputla na ng tatlo nang iwan ko sila para kumuha ng tubig. How are they?
Gamit ang bilis ko ay muli akong nakalapit sa harapan ni Orion.
"Please, tell me the antidote's location.." halos magmakaawa ako sa kanya. I can't just let my brothers die because of that damn poison.
"I'll lead you the way my princess.." gusto ko man na ako na lamang ang maghanap ng lunas para sa mga kapatid ko at kay Rosh ay wala akong magagawa. Wala na akong panahon para makipagtalo sa lalaking ito.
Babalik na sana ako kung saan ko iniwan ang tatlong prinsipe nang muling hawakan ni Orion ang aking balikat.
Mabilis ipinitik ni Orion ang kanyang mga daliri gaya nang ginagawa niya noon at ilang beses akong napamura nang makita ko ang paparating na kabayo sakay ang tatlong walang malay na prinsipe.
"They're here.." sigurado akong hindi nila ito magugustuhan kapag nalaman nilang pinagsama sama sila sa iisang kabayo.
"That guy, he's not familiar.." itinuro niya si Rosh na nasa likuran ni Finn.
"He's a prince from Deltora, hindi mo siya nakikilala? Higit siyang kilala kaysa sa kapatid kong si Zen.." hinawakan ko na ang tali ng kabayo para hilahin ito. Nakasunod na ako kay Orion na nauunang maglakad sa amin.
Isa isa kong sinipat ang noo ng tatlong prinsipe. They're all burning, anong klaseng lason ang nainom ng tatlong ito? Mabuti sana kung isang klase ng usok ang nakalason sa kanila siguro ay may magagawa pa ako. But I don't know anything about liquid poisons!
"They're all burning, kinakabahan ako Orion. I can't lose them, wala akong mukhang ihaharap sa buong Parsua kapag umuwi akong mag isa. I can't lose my brothers.." tumigil siya sa paglalakad at nagulat na lang ako nang hawakan niya ang pisngi ko.
"Just trust me. I can help you Lily.." bigla na lang siyang nawala sa tabi ko at napansin ko na lang na sinipat niya ang noo ng tatlong prinsipe.
"They can still last long for a week Lily.." a week? Isang linggo na lang?
"Ilang araw bago tayo makarating sa pupuntahan natin? I can't just wait for a week Orion. We need to hurry.." halos muli na naman akong magmakaawa sa kanya.
"Makakarating tayo ng tatlo hanggang apat na araw sa lugar kung saan may lunas.." mabilis akong tumango sa kanya.
"We need to go then.." inagaw sa akin ni Orion ang tali ng kabayo at siya na mismo ang umalalay dito.
"I'll try to win you back Lily.." hindi na lang ako sumagot sa kanya. Gusto ko man sabihin sa kanya na wala nang pag asa, ayokong ulit ulitin ito sa kanya. Damn it, kailan pa ako naging ganito?
Habang naglalakad kami ay pilit gumagawa ng usapan si Orion na maiksi ko lamang sinasagot. I don't want to give him false hope. I just can't.
Muli pa sana akong hahakbang nang mapansin kong may kakaiba akong nakikita.
"What's that Orion?" tanong ko sa kanya. Is it a wolf? Bakit parang ang liit naman nito para maging lobo?
"This is rare, I haven't seen a wolf like this.." umunang humakbang sa akin si Orion.
Kitang kita ko ang nanggagalaiting maliit na puting lobo habang humahakbang papalapit sa kanya si Orion. The poor small white wolf is stuck by a large tree. At kitang kita ko ang bahid ng dugo niya sa kanyang naipit na binti.
"Do you think it's a kid?" nagtatakang tanong ko kay Orion. Nagsimula na rin akong lumapit.
I have a small knowledge about werewolves, they can't transform into their beast if they're still young. Then, what's with this?
"Stay back Lily.." iniharang ni Orion ang kamay niya sa akin.
"I think it's a kid.." ako na ang sumagot sa sarili kong tanong.
Sinimulang hawakan ni Orion ang maliit na puting lobo pero akma nito siyang kakagatin.
"Damn, it's harmful Lily. Let's just leave it here..." napanganga na lang ako sa sinabi niya.
I know wolves are vampire's mortal enemy but this white wolf was just a kid for pete sake! Kahit pakawalan namin siya ngayon ay wala itong magagawa laban sa amin ni Orion.
"No, we need to release that wolf. Ano ba ang magagawa niya sa atin? It will just run considering that she/he is still a kid.." sagot ko kay Orion.
"But it's a white wolf Lily..."
"You're a white fox Orion..." anong meron sa pagiging puti nila? Malaki ba ang pinagkaiba nito sa mga kalahi nila?
Hindi ko na hinintay pa na magsalita pa si Orion, ako na mismo ang bumuhat ng napakalaking puno at walang pasabi na ibinato ko ito sa malayo. Dinig namin ni Orion ang pagdaing ng puting lobo dahil sa nawalang mabigat na puno sa kanyang paa.
Pinilit nitong maglakad pero muli na lamang siyang bumabagsak.
"Let's go Lily, anumang oras ay dadating na ang mga kasamahan niya.." agad akong sumang ayon kay Orion pero hindi ko din napigil ang sarili ko.
Mabilis kong tinanggal ang laso sa aking buhok at marahan ko itong itinali sa paa ng batang lobo.
"I'm not gonna hurt you. This might ease the pain.." nasabi ko na lang habang pilit siyang nanlalaban sa akin.
Nang matapos ko na ito ay marahan kong hinaplos ang balahibo nito.
"Not all vampires are your enemies, some can also be your friends.." tumayo na ako para sumunod kay Orion pero hindi pa man kami nakakalayo ay halos manindig ang balahibo ko nang makarinig ng isang malakas na alulong mula sa isa pang panibagong lobo.
Muli akong lumingon sa posisyon ng puting lobong tinulungan ko. At tuluyan na akong natulala nang makita ko siya.
His werewolf form.
Agad humarang sa akin si Orion para maprotektahan ako. Nakaharang na rin ang malaking lobo sa unahan ng puting lobo sa paraang mapuprotektahan ito mula sa amin.
I know it's him, my mate is a beautiful brown haired wolf. And his eyes are piercing with so much power.
Dahan dahan kaming napapaatras ni Orion habang lumalapit ang malaking lobo sa aming dalawa.
What's this? Why can't he recognize me?
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro