Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapitre Un

⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime






🤍🤍🤍🤍🤍🤍

His Home Her Shield

"Mother & Son"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍




"NAY, hindi na ba talaga kayo titigil sa kaiiyak?" Naawang tanong ni Benjie sa kanyang ina. Ilang araw na rin itong umiiyak.

"Huy Benjie, ako nga ay tigilan mo!" Singhal ng nanay niyang sumisinghot pa rin.

"Nay naman, TV lang po yan pero kung makaatungal kayo para namang kayo ang namatayan ng asawa... ARAY!" Malakas na sigaw ni Benjie sabay himas ng ulo dahil sa lakas ng kutos na natanggap mula sa ina.

"Siraulo!" Singhal nitong na umisa pa ng hampas, nakaiwas nga lang si Benjie kaagad. "Kung ano-ano kasi yang pinagsasabi mo. Kung naririnig ka ng tatay mo ngayon, masahol pa sa kutos ang matitikman mo!" Natatawang singhal ni Nanay Selina sa kanya.

"Nay, di na po ako maririnig ni Tatay." Tatawa niya ring ganti. Ang sarap nilang pakinggan na mag-ina kung mag-asaran.

"Ah ganun?! Wala na pala ha! Multuhin ka sana ng tatay mo!" Nakanguso nitong sabi, malakas pa rin ang tinig nito.

"Nay naman." Mabilis na nilapitan ni Benjie ang ina para amuin. "Wala namang ganyanan. Alam n'yo namang takot ako sa tatay eh. Lalo na ngayong pwede na siyang magmulto." Umiiwas si Selina sa yapos ng anak ngunit mabilis ang kilos ni Benjie kaya naabot at nayapos pa siya ng anak. Mas mabuti na yung maagap na mayakap ang ina, mahirap na at baka mabutas na ang ulo niya sa kutos nito.

"Sira! Patay na ang tatay mo takot ka pa rin sa kanya?" Natatawa nitong sabi. Malambing namang sumagot si Benjie sa pang-iinis ng ina.

"Nay, hindi naman talaga ako takot kay tatay, nirerespesto ko lang po siya. Pero takot akong multuhin ni tatay dahil inaasar kita." Mas malakas na tawa ni Nanay Selina ang paumailanlang sa buong kabahayan.

"Mabuti at alam mo." Masaya namang saad ni Selina, naluluha-luha pa. "Dahil kung hindi, magsisindi ako ng kandila sa tatay mo at magsusumbong ako sa kanya at hihingiin ko sa kanya na multuhin ka niya." Patuloy nitong pang-aasar sa anak.

"Nay naman! Grabe ka sa akin." Natawa si Selina sa pagpadyak ng paa ng anak habang nagsasalita.

"Umayos ka nga, Benjie. Kalaki mong lalaki, takot ka sa multo?" Malakas ang tawang nitong sabi.

"Hindi ako takot sa multo, Nay. Kay tatay lang." Namumula ang mga pisngi nitong pag-amin. Talagang hindi napigil ni Selina ng tumawa ng mas malakas pa.

"Aba. Mukhang nagkakatuwaan kayong mag-ina ah." Sabay silang napalingon sa bagong dating.

"Hi, Tito Sirius." Bati ni Benjie sa tiyuhin. Kapatid ng tatay niya.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito, Sirius? Bubwisitin mo naman ba ako katulad nitong pamangkin mo ?" Nakangiting bati ni Selina sa bayaw. Natigilan si Benjie sa nakitang tuwa sa mga mata ng ina.

"Nay, hindi na kayo nasanay kay Tito Sirius. Sabi nga ni Tatay nung nabubuhay pa siya, pangalan lang daw ni Tito ang serious at misyon na ni Tito Sirius sa durasyon ng kanyang buong buhay ang bwisitin ang araw mo simula pa nung mga bata pa kayo." Natatawang pag-alala ni Benjie sa kwento ng ama nung nabubuhay pa ito at umakbay sa sa tiyuhin.

"Dahil itong Tito Sirius mo, ayun kay Kuya Marcus, yan ang kursong kinuha nito sa kolehiyo." Susog naman isa pang bagong dating.

"Tita Lana!" Siya si Lulana, nakatatandang kapatid ng tatay ni Benjie.

"Ate Lana, kelan ka pa dumating?" Tanong ni Selina, nakangiti. Umakap siya dito at ganun din ang ginawa ni Benjie.

"Kahapon lang. As I was saying, naging habit na niyang asarin ang nanay mo para mapagtakpan niya ang pagkaka-crush niya sa nanay mo noong araw." Natatawa nitong sabi. Mas napalakas ang tawa ni Benjie.

"Talaga lang ha?!" Pataas baba ang kilay nitong pakikisama sa pang-aasar ng kapatid.

"Ate Lana!" Nahihindik na sigaw no Sirius. "Not in front of the kid, please." Namumula ang mukha nito.

"Totoo? Crush mo ang Nanay?" Tanong ni Benjie sa mga nakatatandang nasa harapan niya.

"Ate Lana naman eh. Ibinaon na nga namin sa limot yun." Sabi naman ng nanay niya. Napapakunot ang noo ni Benjie. May hindi ba sinasabi ang mga matatanda sa kanya.

"Uhm... sige, Selina. Alis na ako." Paalam ng Tito Sirius niya.

"Me, too. I forgot something." Ganun din ang ginawa ng Tita Lana niya.

"Hep! Hep! Hep! No one's going anywhere." Matatag niyang sabi. Napatigil ang dalawa na lumabas ng pinto. "All three of you, to the kitchen. NOW!" Nauna na siyang tumalikod.

Naramdaman yata ng tatlo ang pagiging seryoso ni Benjie kaya mabilis ding kumilos ang mga ito at sumunod na sa kanya.Tahimik lang silang naupo sa bilog na dining table.

Alam ni Benjie na kinakabahan ang mga ito dahil para din siyang katulad ng tatay niya nung nabubuhay pa ito, kapag seryoso ang pinag-uusapan, talagang seryoso ito.

Sabi nga ng nakararami, "He is a chip of the old block", parang like father, like son lang, bagay na ipinagmamalaki niya... minsan.

Naisip ni Benjie, kung talagang totoo ang kwentong ito, ngayon na niya ito dapat malaman, at malalaman na rin niya kung bakit parang hindi malapit ang tiyuhin at ama at bakit patang walang kislap ang mga mata ng ina minsan.

Wala na ang tatay niya. Sila na lang ng kanyang ina ang magkasama. At kung makakapag-asawa siya, nag-iisa na lang ito. She needs someone.

"Can someone care to tell me what is going on?" Tanong niya sa tatlo.

Lumaki kasi siyang hindi gaanong alam ang dahilan kung bakit napakapormal ng batian ng kanyang ama at tiyuhin. Parang may itinayong isang mataas at makapal na bakod sa pagitan nilang dalawa.

Mas maganda pa nga ang pakikisama ng tatay niya sa mga kasosyo nito sa negosyo pero pagdating sa Tito Sirius niya at Tita Lana niya ay parang palaging may nakaharang, palaging iwas at nangingilag.

"Anak, Benjie. Wala namang dapat na pag-usapan." Malumanay na sabi ng nanay niya.

"Benjie, whatever happened in the past, matagal na yun. Matagal na naming kinalimutan ang mga bagay na yun." Salo naman ng Tito Sirius niya.

Sa kung anong kadahilanan ay nakita niya ang kakaibang lungkot na gumuhit sa mga mata ng kanyang tiyuhin at parang isang salamin yun dahil ganun din ang lungkot na nakita niya sa mga mata ng kanyang ina.

Kung talagang pakaiisipin niya, madalas niyang makita ang ganitong lungkot sa mga mata nito kahit noon pa. Ang akala niya ay dahil nagkakatampuhan lang ang kanyang mga magulang.

Ngunit nang mamatay ang tatay niya, oo nga at nalungkot ang nanay niya, pero hindi ganitong klase ng lungkot. Kakaiba, parang ang sakit sa dibdib.

Ang lungkot na nakikita niya ngayon sa ina ay nakikita niya lang ito sa tuwing nabibisita ang tiyuhin sa bahay nila. Yun bang lungkot na hindi kayang alisin ng kahit na ano maliban na lang kung may naimbento ng gamot para dito.

"Wala na yun? Matagal na yun? Apparently not. Tito, Nay, lumaki akong hindi ko nakitang sumaya ka talaga maliban na lang tuwing birthdays ko, uhm... nung graduations ko, elementary, high school and college, at ang minsanang Christmas celebration kapag bumibisita tayo kanila Lolo at Lola sa probinsya, other than that, wala na akong nakikitang tunay na saya mula sa iyo, sa mga mata mo." Bumuga siya ng malumanay na paghinga. Tinitigan niya ng may pagmamahal ang ina at ngumiti dito.

"Nay, I am 25 years old already. Hindi na ako bata para pagtaguan n'yo ng mga hindi kagandahang kwento ng kahapon. I know something is missing, something is not right. May I know what it is? Promise, I will understand it." Nakita niyang nagkatinginan ang Nanay niya, ang tiyuhin at tiyahin. Isa-isang humugot ng malalim na paghinga.

"Well, I think it's about time to open the Pandora's box." Saad ng Tita Lana niya. "Many years had been wasted, Sirius and Selina. Wala na si Kuya Marcus, Selina. Higit sa lahat, hindi na uso ang martir ngayon, Sirius. nakikita mo ba yung nakatayo doon sa Luneta?" Dugtong pa nito. Natawa si Benjie sa sinabi ng Tita niya.

Nagtuloy ang araw sa mahabang kwentuhan ng nakaraan.
















___________
End of HHHS 1: Mother & Son

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi. Tap the 🌟 to vote, and please share the story and give good vibes.

This story is the writer's original idea/creation, the image used on the cover made through Desynger, a Wattpad partner, so please be respectful and be kind. Do not copy any part or parts of this story. Let's enjoy reading the story.

💖 ~ Ms J ~ 💖
11.20.18

His Home, Her Shield
©All Rights Reserved
November 20, 2018

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro